Hello! Welcome to my blog. Best viewed in Google Chrome! To navigate, click on each of the letters of "paris" on the left. Before you leave, don't forget to leave a message!
To navigate:
p → entries
a → profile
r → tagboard
i → links
s → archive
In case you forget, you can always hover over the letters and it will tell you :D
Oh and, click "someday, I will travel to" to refresh :)
You make it real for me.
Saturday, May 26, 2012 @ 9:13 PM
Matagal ko na nga palang nakuha ang 'ngiti' ko. Sorry di ka informed. :))
Ikalawang Ray Gun: Ang Threat
@ 9:07 PM
Alam mo minsan, hindi masamang magtanong. Hindi masamang alamin ang totoo. Sabi nga ng kaibigan ko, sabi daw ng maestra nya, ang pagtatanong ang pinakalohikal na dapat gawin ng isang tao. Sya nga naman, pano ka magkakaron ng isang katayuan kung hindi mo itatanong kung ano ang ipinaglalaban?
May dalawang uri ng tao ika nga. Isang mahilig lumaban. Isang mahilig magparaya. Minsan naisip ko, alin ba ang mas magandang posisyon sa dalawang ito? Siguro nga depende sa sitwasyon. At depende sa pagkakataon. Naisip ko nga din, napakatapang talaga ng mga taong mahilig lumaban. Yung kahit mali sila, at kahit na alam nilang posible silang masaktan. Sa tapang na ipuntong ito ang gusto mo. Na masakit ipaglaban ang bagay na hindi mo naman alam ang katotohanan sa kabuuan. Na ang tanging pinanghahawakan mo lang ay isang salita. Ngunit ayan ang isa sa kagandahan ng pagtatanong. . .Wala naman masama kung itatanong mo kung ano ang katayuan mo sa isang komplikadong sitwasyon, hindi ba? At pag nalaman mo ang sagot, edi yun ang panghawakan mo.
Ngunit kahanga hanga din ang tapang ng mga taong mahilig magparaya. Yung tapang na ipaubaya ang mga bagay na sa totoo lang ayaw nila mawala. Na maging matapang sa pagtitiwala na kung ang bagay na ito ay para sayo talaga, hindi ito mawawala. Na marunong manalig. Na handang makita kung ang bagay na nakataya ay mawawala ba, o ang kusang lalaban. Dahil minsan, mabuti din daw palang malaman ang side ng kabila. Na maganda din malaman mula dito kung bukal sa loob nya ang lahat at hindi lamang napipilitan at nauuwi sa "No choice kasi e."
Siguro pinakamaganda nito, maging balanse at dapat sa panahon kung lalaban at magpaparaya. Pero sabi nga nila, kanya kanyang laro yan. Kanya kayang estratehiya.
Ngayon ko nalaman na hindi pala lahat ng duwag ay dahil sa takot masaktan, ano mang uri yan. Na minsan, kaya ka rin pala naduduwag dahil sa takot na posible, malaking posible, na ang bagay na papasukin mo ay alam mong totoo at pangmatagalan. Na hindi mo alam kung ano dapat mo gawin. Na hindi mo alam kung ano dapat isipin.
Unang Ray Gun: Ang Warning
Friday, May 25, 2012 @ 2:05 AM
Thinking it would be better if this will be out..
Tiwala at Katapatan. Bakit nga ba nawawala? Sa totoo lang, tingin ko mas una dapat bigyan ng aksyon ang Katapatan bago ang Tiwala. Ngunit eto ang nagiging weird sa mga tao e. Kung ano ba dapat una, tiwala? O katapatan? Parang itlog o manok. Pero sabi ko nga kanina, Katapatan muna guys bago tiwala.
Sabi kasi ng karamihan, "Bakit ako magiging honest sayo kung wala ka namang tiwala sakin? Para san pa? Bakit pako mageexplain ng side ko kung di mo din naman ako pagkakatiwalaan?" Ngunit naintindihan na ba nila na kaya mahirap magtiwala ay dahil sa hindi sila honest? Dahil hindi sila tapat?
Sabi sa previous post ko, 'Katapatan' ang Tagalog ng 'Honesty'. Siguro kaya nila hindi naiintindihan ang issue pagdating sa pagtitiwala ay dahil hindi din nila ganong naiintindihan ang ibig sabihin ng 'Honesty'.
Para sakin kasi, lahat ng tao ay may karapatan na pagkatiwalaan. Ngunit may mas karapatan naman silang hindi lokohin. Paano mabubuo ang tiwala kung hindi mo ipapakitang dapat ka mabigyan nito? Kadalasan kasi, sasabihan mo ang isang tao na magtiwala sya ngunit hindi mo napapansin sa sarili mo na ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan para hindi sya magtiwala sayo. . . sa mga ginagawa mo, sa mga sinasabi mo.
Hindi naman siguro tama kung sa isang relasyon, yung ikatlong tao ang papanigan mo. Ewan ko. Parang kahit kasi mali ang taong ikalawa pagtapos mo, dapat pading idefend mo sya sa ikatlong tao e. Pero syempre naman saka mo sya pagsasabihan kapag kayo nalang ang magkausap o magkasama. Dahil sa act na ganon, papasok na ang 'Loyalty'.
Hindi ba Tagalog din nito ay 'Katapatan'?
Katapatan. Isang malaking salita. Loyalty at Honesty. Bakit sila magkapareho ng Tagalog? Simple. Kasi sa pagiging honest mo makikita kung loyal sayo ang isang tao e. Na hindi sya makakagawa ng ikasasakit ng puso mo dahil loyal sya sayo. Na hindi ka nya maloloko dahil honest sya sayo. Loyalty at Honesty. Parehong cause. Parehong effect.
Mahirap magtiwala. Pero siguro nga walang hindi magtiTIWALA kung KATAPATAN ang ipapakita. Na katapatang hindi lang sa pagiging HONEST, kundi pati sa pagiging LOYAL. O hindi lang sa pagiging LOYAL, kundi pati sa pagiging HONEST patungkol dito. :)
Ipasok pa natin ang 'Integrity'? :) Yung kahit sino pa maging kausap mo, kahit ano pa ang lugar na kinatatayuan mo, tapat ka sa salita at paninindigan mo. O 'Katapatan' nanaman. :)
Sa totoo lang, madali lang maging TAPAT, ano man ang ibig sabihin nyan sa tatlong nabanggit. Dahil kung alam mo identity mo, at alam mong hindi magiging pakinabang sayo kung papatulan mo ang isang sitwasyon na alam mo namang mali, sinasabi ko sayo, dun magsisimulang magtulungan ang Katapatan at pagiging katiwaTiwala na meron ka sa buhay mo. :)
Totoong Wika.
Thursday, May 17, 2012 @ 3:48 PM
May iba akong blog na tungkol sa 'Trust' and 'Honesty'. E gusto ko Tagalog. Tinanong ko kila Kata ang Tagalog ng 'Honesty'. Hindi namin masagot parepareho. Kaya nagGoogle Translate nako.
Nagulat ako ng ayan ang lumabas. Isang bagay lang naman...
"Katapatan pa nga ba ang ibig sabihin ng 'Honesty'?"
:)
PARIS, Baby!
@ 3:45 PM
Cause Im bored like that. ;)
Wag kang umasta na biktima.
@ 10:24 AM
Totoong nakakainis ang mga taong mahilig mag-isip at magsabi ng negatibo sa kapwa. Ngunit dapat mong maintindihan na mas bagay sa mga taong to tawanan. Para mapagtanto nila sa sarili nila ang mga bagay na ginagawa nila ay isang malaking nonsense. :)
Gusto kang inisin ngunit ayaw mo patulan? Ngitian mo lang para kiligin sayo. :))
Dapat nating maintindihan na may iba't ibang ugali ang mga tao. At dapat din natin tong matanggap, kundi tayo magaadjust para dito, tayo lang din ang maaapektuhan. Lagi mong tandaan na hindi mo pasan ang mundo. Never will be. Hindi ang mundo ang magaadjust sayo. Okey lang sabihing 'Okay nako.' Pero yun ay kung papanindigan mo ito. Iba kasi ang pananalig sa pagsisinungaling. Malaki ang pagkakaiba.
Wag mong isiping biktima ka. Dahil walang mambibiktima sayo maliban sa sarili mo. Bat mo tatanggaping 'biktima' ka kung ayaw mo maging ganto? E ano kung sabihin nila sayo to kung alam mo sa sarili mong hindi ka ganto?
Don't act as a victim. 'Cause your bloodline says you're a champion. CHAMPION. :)
I think. I read. I write. I love daydreaming and I love how my mind takes me anywhere. I usually cry but I laugh most of the time. Quality time brings butterflies to my stomach. And taking things for granted breaks my heart.
I always love. But I never love deeply that much. For when I do, I do whatever it takes until the object of affection begs me to quit.
I'm not into quitting. I'm just into letting God.
My heart always grow. For I am His beloved. :)
Hating me is good. But loving me is better. You are always welcome to read my thoughts and see my life. But everything is actually private in the reality. But I now accept the fact that sharing is good. ;) You're now free to make this spread. So go ahead and blab it to everyone.
I love you, fellas! Enjoy reading! ;)
ANNOUNCEMENT: Now you can message me and tell what you think about this blogsite at:
chopsticksmoineng@gmail.com. So feel free to send your messages and I will check this mail daily. Good day people! :)