Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Malakas ang topak ng nanay at tatay ko. :))

    Nagpunta kami sa Yokohama kagabi. Alas-otso kami umalis ng bahay at nakarating kami dun alas-nuebe (at may tatlong pung minuto pang dagdag) ng gabi. Ito ay malayo sa aming bahay (na nasa Chofu) ngunit kami'y dumayo dito dahil sa trip ng mga magulang ko -- ang pagkain sa isang Kamayan Restaurant doon.

    Habang nasa byahe, nakakita ako ng madaming ilaw. Haha. Ang dami kasi naming nadaanan na may magagandang tanawin. Kagaya na lamang nito.











    Isa iyang malaking ferris wheel na may malaking digital clock. Ang ferris wheel na ito ay nag-iiba-iba ng kulay. Kaya naman, base sa nakikita mo, iba-iba ang kulay na nakuhaan ko. :) Nung unang daan namin dito, may nakita pa akong malaking barko na animo'y barko sa Pirates of Carribean. Kaso nung pauwi na kami at muling dumaan dito para kuhaan ng litrato, wala na ang malaking barko. :( Sayang, akala ko pa naman, isa itong display sa lugar na iyon. Ngunit mali ako, umaandar pala talaga ito. Ang galing. Mukha kasi talaga syang malaking laruan lamang. :)

    Nung pauwi kami, umikot kami sa may malaking ferris wheel para makuhaan ko ito ng litrato ng mabuti. Ito naman ang aking napala.





    Alas-onse (at may dalawampu't tatlong minutong dagdag, hehe hindi ko kasi alam kung panu sabihin yung ganun e) nakadaan dyan. Syempre, matagal kaming kumain haha. Kaya naman 12:11am (dumudugo na ilong ko e haha!) na kami nakauwi sa bahay. Isang karnibal pala iyon. Sarado na ng napadaan kami kaya naman ayan na lang ang ilaw ng ferris wheel. Meron din itong roller coaster. At ang karnibal ay nasa tabi ng ilog (?). Pagtapos kung kuhaan ng litrato, tumuloy na kaming umuwi. Malamig kasi ang hangin. HAHAHA. Naalala kong may nakatapat pa kaming kotse ng yakusa ng nakahinto ang mga sasakyan dahil sa traffic light. May kurtina pa nga ang bintana nila e at super tinted ang mga bintana. Nasilip ko naman sa harapan nung umandar kami, nakakatakot yung drayber. LOL

    Habang nasa byahe, naisipan ko na lang na magsoundtrip. Isa sa mga naeenjoy kong gawain ay ang soundtripping. Lalo na kapag nasa mahabang byahe. Hindi mo maiwasang magbalik tanaw sa nakaraan, isipin ang mga ala ala na nagiging dahilan ng pagkamiss mo sa mga kaibigan mo. Minsan, aantukin ka. Minsan naman, mapapakanta ka. Yung iba nga, naiiyak pa e. Haha! Basta, masarap magsoundtrip. ;)

    Sya nga pala, ngayon ay kaarawan ng tita ko. Si Heidyline Rato. Kung kilala mo sya, hindi pa huli para batiin mo sya. ;)

    Labels:

    "Malakas ang topak ng nanay at tatay ko. :))" was Posted On: Sunday, September 28, 2008 @7:55 PM | 0 lovely comments
    Bagong gupit. Bagong buhay.

    Isang deklarasyon eto ng pagiging maarte ko.

    Kung sansan nanaman kami napadpad ng nanay ko. Naisipan nya kasing isangkatuparan na ang pamimilit ko sa kanyang pagpapagupit ko e. Wala lang. Naisip kong yun na lang ang paraan ng pagseselebreyt (celebrate) nang pagiging maarte ko. So vanity time nanaman. :p

    Nakarating kami sa isang lugar na hindi ko maalala ang pangalan upang magpagupit. May kalayuan ang naturing lugar (Wow, parang balita lang haha). Umupo nako sa harap ng salamin at sinabi na ng nanay ko ang istayl (style) ng buhok na gusto ko. Syempre sya ang kumausap dahil sila ang nagkakaintindihan. :p Sumingit nadin ako na gusto kong magpastreyt (straight) ng buhok. Tinanong ni nanay kung magkano magpaganon. At sa kaluwaang matang palad, ito ay nagkakahalaga ng ¥10,800 lahat. Pero dahil nga maarte nako, sige go! Sinabi na din ng manggugupit na aabot ito ng tatlong oras! o.o Pero dahil nga maarte ako, sige go! At nagsimula na ang pagbabago ng buhok ko. ;)

    Una, shinampu (shampoo) ito at hinugasan ng paulit-ulit. Wari sa aking isip ay sinasabi kong "Malinis ho ang aking buhok. Wala itong germs kaya't wag kayong mag-alala." Kaso dumugo na lahat ang ilong ko, hindi ko pa din ito maitatranslate sa Nihonggo. Kulang pa din ako sa kaalaman. Kaya, nanahimik na lang ako. :p

    Pagtapos ng paghuhugas sa buhok, ginupitan na ito. At saka nilagyan ng mga pampastreyt ng buhok. Maraming seremonyas ang ginawa na hindi ko na matandaan kung anu-ano.

    Habang ginagawa ito, naisip ko na hindi naman buhaghag ang buhok ko. Hindi naman ito wavy. Streyt din naman ito kung tutuusin. Naisip ko na sayang ang binayad namin, pambayad na yun ng apat na subject sa kolehiyo. Kaso, dahil maarte nga ako, ay hindi, MAS MAARTE PALA, kalimutan na lang yun. Parte yun ng pagdedeklara ko ng kaartihan ko. buahahaha. (Naaawa pa din ako sa wallet ng nanay ko. Sahod nya kasi yun e :p)

    Habang naghihintay ako ng susunod na proseso, napansin ko ang isang nagpapagupit. Isa itong lalaki. May kamuka sya. Hindi ko lang maisip kung sino. Pagtapos ng ilang minuto, naisip ko na! Haha! Naalala ko na. Ang kamuka nya ay si............................................................................Ao Quan. Si Ao Quan ng Lollipop, isang Taiwanese boy band. Sya ay kaboyband ni Wang Zi maylabs. :)) Tama! Kamuka nya! :D

    Pagtapos ng tatlong oras ng matinding seremonyas, eto ang kinalabasan ng buhok ko. ;)



    Ayan, nagkaron naman ng magandang resulta ang tatlong oras na iyon. Nagmukha ako lalong haponesa. Lol. Sa una, medyo badtrip ako sa bangs ko. Hindi kasi ganyan ang talagang gusto ko. E kaso, hindi kami nagkaintindihan ng nanay ko, kaya ganyan ang nasabi nya sa manggugupit. Pero ayos na din. Inisip ko na lang, kamuka ko na si Inoue Mao (Makino Tsukushi of Hana Yori Dango), LOL.

    Labels:

    "Bagong gupit. Bagong buhay." was Posted On: Friday, September 26, 2008 @9:19 PM | 0 lovely comments
    Lumundag puso ko.

    Hindi dahil sa kilig o ano, kundi dahil sa takot at kaba. >.< Prom Night. Nung napanuod ko pa lang ang trailer nya sa sinehan, naisipan ko ng panuorin ito. Kaso, sadyang walang oras, at walang mahigit na isama. Kaya ayun, hindi nako nagpumilit pa na panuorin ito hanggang sa nalimutan ko na.

    Ngunit sadyang nakatadhana talaga na panuorin ko ang pelikulang ito. Hahah, panu kasi, habang natambay ako sa Teentalk, napadpad ako sa isang thread tungkol sa mga website na pwedeng panuoran ng mga pelikula. Pinagpala nga naman dahil matagal nakong naghahanap ng ganun. Kaya hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon. *evil laugh* Ito ang unang pelikula na pinanuod ko sa Film Hill. (Kelangan tandaan? :p) Ayun, hindi naman ako magkandamayaw sa katitili dahil sa panggugulat ng pelikulang ito. :)))

    Ang Prom Night ay umiikot kay Danna. Kaya malamang, siya yung bida diba. :p May isang guro (nya dati) na sobrang nabaliw sakanya. Kaya ayun, kahit san sya magpunta, pinupuntahan sya. Naging mamamatay-tao na nga yung guro e. Kasi baliw na. (Sa totoo lang, ayoko ikwento, magiging spoiler nanaman kasi ako e hahaha kaso hindi ko mapigilan. buahaha.) HINDE. PANUORIN MO NA LANG. :p Basta, kung didibdibin mo yung istorya, matatakot ka nang magprom. hahahah

    Saw 2 sana ang papanuorin ko simula pa lang. Kaso, wala akong kasama manuod. Hindi ko kaya kapag ako lang hahaha. Baka matulala na lang ako tas hindi makakain tas magugulat na lang magulang ko kung bakit ganun. Kamusta naman yun diba. Mahirap yun. Kaya napagpasyahan ko na lang na wag na lang panuorin haha. Sa susunod na lang. Pag may kajoin sumigaw. :p

    Labels:

    "Lumundag puso ko." was Posted On: Thursday, September 25, 2008 @6:56 PM | 0 lovely comments
    Mas maarte ako ngayon.

    Hindi ako pinanganak para itake for granted. Madali akong mainis o magalit sa isang tao kapag hindi nya pinapahalagahan ang importansya ko. Sino bang hindi? Sino nga bang matutuwa kapag may bigla nalang lalapit sayo after a long time na walang pag-uusap para lamang manghingi ng payo o humingi ng tulong? Sinong matutuwa kapag may isang taong nagsasabing may halaga ka sa kanya pero hindi nya kayang ipakita ito? Bakit? Baka kasi hindi expressive? Harhar, sa'yo na lang yang pag-ibig mo. Aanhin ko yan kung ikaw lang nagbebenefit. :))


    Siguro ngayon may maisasagot na ko kapag may nagtanong sakin na anu pinakakinaiinisan ko. May mailalagay nako sa slam book ng pinsan ko sa tanong na "Dislikes:". May maibabanta nako sa mga tao na ayoko sa ganto. Dahil ayoko. Masakit. Mahirap. Hindi dapat. Ayoko ng binabaliwala ako.

    Sabi ko na nga ba, nahanap ko na ang middle name ko. Sa mga hindi nakakaalam, sa mga id ko, laging walang middle initial sa pangalan ko. Kahit sa nilalagay kong pangalan sa test papers. Kahit sa birth certificate ay wala kang makikita. Kasi ngayon ko pa lang nalaman. "Maarte" pala talaga ang middle name ko. Vanity runs in my blood. Kaya pala matagal ako lagi kapag namimili ng damit na isusuot. O kahit kapag nagshashopping. Kapag bibili ng sapatos, bag, o kahit anung bibilihin. Kahit nga kendi lang bibilihin ko sa tindahan, tumatagal e. Dahil maarte ako. Given na yon. ;)

    Tanggap kong maarte ako. At nagpapasalamat ako sa kaartihan kong ito. Kasi dahil dito, namulat ako kaninang umaga at naisip na hindi ako nararapat para itake for granted ng mga tao. Lalo na ng mga taong mahal ko. Na minsan, hindi lang sapat na dahilan na mahal mo sila. Na minsan, mas mahalaga ang importansya mo kesa sa kanila. Salamat talaga sa kaartihang ito. Maligaya na muli ako. ;D

    At bilang pagdiriwang sa pagiging maarte ko, I deserve to have a two hours bubble bath. ;) Biro lang. :)))) Maglalakadlakad na lang ulit ako sa may ilog. Kaso ang senti nun, nyek. Any idea? Anong magandang paraan para iselebreyt (celebrate) ang kaartehan??^^

    Labels:

    "Mas maarte ako ngayon." was Posted On: Wednesday, September 24, 2008 @3:13 PM | 0 lovely comments
    Parang Bangkay

    Matagal din akong hindi nakapost. Mukha itong masamang pangitain sapagkat kasisimula ko pa lang ng Blogger na ito. Ah, sya nga pala, wag mo nang asahang maligalig at hyper ang mood ko ngayon dahil inaantok na talaga ako. o__o

    Maaga kasi akong ginising ng nanay ko kanina dahil nga sa Japanese class ko twing Sabado ng umaga. Mukhang sinadya nila iyon nung ienroll ako upang gumising naman ako ng maaga. Kung ayun nga ang dahilan nila, wagi sila. *palakpakan*

    Kahapon, sobrang nakakalungkot. Nakakahawa kasi ang kalungkutan dun sa binabasa kong istorya sa Teentalk. Romancing with Horror ang titulo ng istorya. Maganda ang kwento. Okey lang naman yung paraan ng pagkekwento nya. Kaso hindi ko masasabing astig. Kasi may mga beses na may nilalagay syang unrealistic. Siguro kung kagaya ni Ate Ket (Reiko Sasaki) ito, o ni Ate Jessica (j_harry08), o ni Ate Ana (it_must_be_me), o ni Ate Gellie (untamed77angel) na sa tulad nga ng iniisip mo ay prinopromowt (promote) ko sila. Sila ang mga manunulat na masasabi kong magagaling at animo'y propesyonal kung sumulat (base sa mga nabasa ko ng mga istorya). Ngunit masasabi ko din namang magaling ang panunulat nya, kelangan nya pang madebelop (develop) at sa tingin ko ay madedebelop at mas gagaling pa sya. God Bless sa'yo Ate Lauren :)

    Nung nakaraang araw (na hindi ko tanda kung sang araw sa nakaraan talaga), pumunta ako sa may ilog na malapit dito. Sa totoo lang, puntahan din ng mga tao ang ilog na yon. Hindi para maglaba o magswimming kundi para ipasyal ang mga alaga nilang aso, magjogging, magpaikot-ikot kasama ang mga bike nila, maglaro ng soccer at baseball, magpalipad ng saranggola at maglakad ng maglakad dahil trip mo lang (gaya ng ginawa ko). Malaki at malawak yung ilog. Actually, yung lugar para sa mga tao ang malawak. Isa itong open field para sa paglalabas ng trip mo. Sakto ang lugar na ito para sa mga atong gustong mag-unwind at mawala ang stress. Laking pasasalamat ko nga at pinayagan ako ng nanay ko na pumunta dun mag-isa e. Hahaha :))

    Malapit na rin pala ang Pasko. Malapit na din ang Bagong Taon. Malapit na din syempre ang birthday ko. Grabe, ang bilis lumipas ng araw. Pero ayos lang. Mas maganda yun. Mas nakakaexcite.Mas nakakachallenge. Isa ring magandang memo/note para maisip mo na lahat ng bagay ay magaganap ng "sandali lamang". Kaya matututo ang magpahalaga sa mga bagay at tao. Matututo kang gawin ang best mo dahil minsan lang sa buhay mo mangyayari ang mga bagay na iyon. Hay nako, kung anu man mangyari, ooutnako dahil may gagawin pako. :))))

    Labels:

    "Parang Bangkay" was Posted On: Saturday, September 20, 2008 @2:05 PM | 0 lovely comments
    Ang Biglaang Lakad

    Hapon nanaman ako nagising kanina. Normal pa rin ang lahat. Ang hindi lang normal ay ang makita ko ang nanay ko sa sala namin. Ayun pala, lumipat na sya ng trabaho. At three times lang ang pasok nya. Ayos lang yun. At least, hindi na sya laging injured sa twing uuwi sya. :D

    Habang naliligo ako, umalis na sya papuntang gym. At nang natapos ako, bumalik sya ng bahay. Akala ko'y tapos na ang pagwowork out nya. Ayun pala, hindi nya makita ang bisikleta nya. Tinawagan nya ang tatay ko at tinanong kung san nilagay ang bisikleta. Naiwan pala ito sa may istasyon. Kaya bigla na lamang nagyaya ang nanay ko na mamasyal sa Fuchu. Buti na lang ay nakaligo na ako. ;)

    Dali-dali akong nagpalit ng pang-alis na damit. Nagsuot na ako ng heels o sandals na may katamtaman na taas na takong para makumpleto ang drama ng suot ko. Paglabas namin sa pinto, tinanong ko sa nanay ko kung maglalakad ba kami ng malayo. Tumingin sya sakin at sinabing "oo". Ang nasabi ko na lang sa isip ko, "Patay! Pasakitan ng paa to!".

    Naglakad kami hanggang istasyon ng tren gaya ng aming laging ginagawa. Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan. Naikwento ko ang isa sa mga bespren kong si Angelica Grace Gaza (Aygee). Hanggang napunta sa koprahan namin sa Bicol. Sa Bicol nagmula ang lolo at lola ko. Samakatuwid, ito ang probinsya namin. Naikwento ng nanay ko ang istorya nila tatay (lolo ko).

    Mayaman ang pamilya nila tatay. At yung malawak na koprahan nayun, pagmamay-ari nila. Isa itong malawak na lugar na may maraming puno ng niyog. Sa kanilang magkakapatid ipinamana ang koprahang ito. (Iba pa sa ibang mga lupain nila.) Ngunit ito ay hindi nila naipalago. Ang rason ay dahil hindi sila nagkaroon ng kaalaman sa pagpapatakbo nito. Hindi daw nila binigyang importansya ang edukasyon at mas inatupag pa ang pagpapamilya. Kaya ngayon, salitan sa magkakapatid ang pagkokopra.

    Napag-usapan nila na paghatihatian na ang malawak na koprahan na ito habang buhay pa ang nanay nila (ang nanay ng lolo ko). Ngunit wala silang malaking pera upang gamitin sa pagpapasukat ng lupain na ito. Itinuturo nila na abonohan muna ng nanay ko, dahil may trabaho ang nanay ko dito sa Japan at maaari pang humingi ng tulong sa tatay ko). Ngunit ayaw pumayag ng aking nanay. Malaki ang perang magagastos dito. At walang kasiguraduhan na mababayaran ito ng mga kapatid ng lolo ko. Iniisip ng nanay ko na kung sa negosyo na lang gamitin ang perang ito, lalago pa. May mapupuntahan pa at mapapalago pa. (Knowing na wala ngang knowledge ang mga kapatid ng lolo ko sa negosyo at hindi din mapapalago ang hahatiing koprahan. At nahihiya din namang manghingi ng pera ang nanay ko sa aking tatay para doon. Dahil nga naman, kahit na mag-asawa sila, nakakahiya pa din yun. Haha. Buti nga kung sa negosyo na lang nila, hindi ba? Ayun.

    Naisip ko, bakit hindi na lang bilihin ng nanay at tatay ko ang koprahang iyon bilang negosyo? Dahil naghahanap naman pala sila ng pagnenegosyohan. Sinabi ko ito sa kanya. At natuwa naman ako sa kanyang reaksyon. Tama nga daw. Bat hindi na lang ganon. Ayun na lang daw ang isusuggest niya sa tatay ko. (Syempre, kelangan din nilang pag-usapan yun.) Sabi ko naman, tutal na Commerce ang kukunin kong course, maiaapply ko pa kaagad ang mga napag-aaralan ko. Sinabi pa ng nanay ko na siguraduhin ko lang daw ang pagcocommerce ko. hahahaha.

    Nakasakay na kami ng tren. Mga sampung minuto ang byahe kahit na malayo ito dahil sa "Express" ang sinakyan naming tren. Nakarating din kami ng maayos sa kabila ng dami ng tao. Naglibot-libot kami sa malalaki nilang shopping malls at bumili ng damit. Habang naghahanap kami ng bilihan ng laruan, nakakita nanaman ako ng Starbucks! Naisip kong talagang sineswerte ang buhay Starbucks ko. Pilit na niyaya ko ulit ang nanay ko doon. Mukhang naging isang plano ko na din na tikman ang lahat ng flavor nila. :D

    Pagtapos namin doon, lumipat kami ng mall. Nakakita nanaman ako ng Coach, Christian Dior, Ralph Lauren at iba pang mga sikat na pangalan. Naluwa ang mata ko sa mga nakita ko. Hindi lang dahil busog ito sa mga tanawin na ito (dahil kakakita ko lang sa kanila sa Ginza noong nakaraang Sabado) kundi dahil din sa mga mahal nitong presyo. O.O Grabe, pangbayad na ng isang sem ang isang wallet ng Coach. Naawa naman ako sa bulsa ng nanay ko kung papairalin ko pa ang pagiging spoiled brat at Coach addict kaya hindi ako sumimangot at nag-astang "gusto ko nun mommy.." instead ngumiti ako ng maisip kong "atleast, nakita ko ang latest styles ng Coach". :) Pakiramdam ko tuloy, ang bait-bait ko. :))

    Pagtapos ng paglilibot, nananakit na ang paa ko. Malamang, kaw ba naman magheels e. Kaloka kasi at bakit ko pa ba naisip magheels para lamang maging maganda ang outfit ko. Tsk.

    Nalimutan ko ikwento, may isang nakakahiya akong nagawa sa tren nung papunta kami sa Fuchu. Masyadong nakakahiya para ilagay ko dito. HAHAHAHAHAHA!!!XD Kung hindi ka mapakali at talagang naiintriga ka doon, maari lamang na itanong mo na lang sakin ng personal, hahaha. XP

    Bago kami sumakay ng tren pauwi sa Tamagawa, kumain muna kami ng burger. Ang sarap sana kaso hindi ko naubos dahil nabusog ako sa kapeng binili ko. Sayang. Haha.

    Dalawa ang tren na sinakyan namin papunta sa Fuchu at pauwi. Sa papunta, sumakay kami ng local na tren mula Tamagawa hanggang Chofu. At express na tren mula Chofu hanggang Fuchu. Ang baligtad naman nun ang sinakyan namin pabalik. Hindi kasi malaking istasyon ang nasa Tamagawa kaya kailangan na bumaba ng Chofu para express na ang sakyan para mas mabilis. Nung paakyat na kami ng hagdan paglabas namin ng tren, nauuna ang nanay ko. Nasa unahan ko sya. Nagdagsaan na ang tao dahil mga ganong oras ang uwi ng mga nasa trabaho at mga estudyante. Habang paakyat, bigla sumabit ang malupit kong heels na nagpahirap ng buhay ko kanina. Natawa na lang ako dahil sobra nya na akong pinapahirapan. Buti na lang napansin ng nanay kong wala na ako sa likod nya kung hindi, mawawala ako. Hahaha.

    Naglakad muli kami pauwi. Naawa na ang nanay ko sakin kaya naman nagpalit kami ng suot na sandals. Hahahaha. Ang saya ng naging araw ko kaso bigla lumungkot pag-uwi ko. Ang dahilan??

    May isang tao (na sabi ko nga kay PM ay pangangalanan kong BAMPIRA) kasi na lagi kong kachat ay hindi ko na nakakachat at nung naabutan ko sya sa YM pag-uwi ko ay nagpaalam na kagad sya. Ang lunkot di ba? Wala lang. Namiss ko na kasi sya kwentuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. Tapos hindi ko pa nakausap si Neneng (Jesza Jean Lu). May ikekwento pa naman ako sa kanya. *sigh*

    Naloka din ako sa pagchachat dahil ninosebleed ako sa pagtatagalog sa mga pinayo ko sa isa kong kausap. Ang sakit pala nun sa bawat ugat sa utak mo. Hay nako. At isa pa, may isa pang tao (pangalanan nating..hmmm.."star"! haha, may konek kasi sakanya. pramis) na biglang nagparamdam. Pagtapos ng ilang linggo (sa tingin ko) na hindi pag-uusap. Bigla syang nagonline. Nagulat nga ako e. Basta. SEKRETO na ang mga naiisip ko. Hahaha, sosyal nako. Nagsisekreto na, hahaha.

    Osya, muli lang ako nagbukas ng laptop dahil nalimutan ko magpost. Pero inaantok (naalala ko si bampira, hay) nako. Good night sa mga nagbabasa. :)

    Labels:

    "Ang Biglaang Lakad" was Posted On: Tuesday, September 16, 2008 @7:01 PM | 0 lovely comments
    Isang araw ng kapaguran.

    Nagising ako ng 11:30am. Maaga na para sakin iyon. Sa katunayan, masaya nakong magising ng ganung oras. Dahil para sakin, isa na iyong accomplishment. Dahil nga maligaya ang paggising ko, nagbukas kaagad ako ng YM sa aking selpown. Pagkatapos, ang Friendster naman. Lalo akong natuwa dahil may bagong comments akong nareceive. Yey! :D At yun, tuluyan nakong bumangon.


    Naligo na din ako kaagad (malamang nagtoothbrush din ako no, :p) dahil alam kong aalis kame. At yun na nga, fast forward, hinatid kami ni daddy sa Parco. Kami lang ni Tita Heids ang naglibotlibot sa Parco non. Ay, sya nga pala, may kakatagpuin (wow) kasi kaming isa nyang kaibigan. Pagkakita namin sa Kanyang kaibigan, kumain kami ng ramen at dumeretcho sa Tama Center (pronounced as Ta-ma Sen-ta).


    Mukhang sineswerte ang buhay Starbucks ko. Dahil pagdating namin ng Tama Center, nakakita ako ng Starbucks at syempre, dahil spoiled ako kay Tita Heids, bumili kami. :D (Sayang at wala ang flavor na sinuggest ni Bheb.) Nakakita din ako ng tumbler doon. Natuwa ako sa itsura ng isa dahil mukha itong may Eiffel Tower at may sulat pang "Tokyo" ang tumbler na iyon. Kaya binili ko ito. (TAKE NOTE: Yung ipon ko ang ibinili ko. NA kahit pa ganun, ang laki pa din ng ngiti ko dahil worth it naman para sakin yung pinagkagastusan. Ansaya saya talaga!!*clapclapclap*) Tinitigan kong mabuti ang binili kong yun, hindi pala Eiffel ang nandun kundi Tokyo Tower. hahaha. Pero ayos lang, anganda padin naman e. :D




    *Eto yun. Yung kulay pula ang Tokyo Tower. *

    Pagtapos namin sa Starbucks, dumeretcho kami sa isang malaking "haken shop". Isa syang malaking tindahan na ang mga presyo ay nagkakahalagang ¥100.00 (Php. 40.00). Nabuhayan ang aking mga mata dahil ang daming kulay sa loob. Hahaha. Andaming laruan, gamit ng bata, Halloween stuff, notebooks, cosmetics at kung anu-ano pa. Nag-ikot-ikot ako habang bumibili ng gamit ng bata ang tita ko at kaibigan nya. Natuwa naman ako sa loob. Marami akong gustong bilihin kaso lang napapagod nakong mamili at isipin kung alin sa kanila ang maganda. Kaya naisip ko na dalhin nalang dun sa ibang araw ang nanay ko. Yung panahon na damang-dama ko ang pamimili.


    * Isang teddy na nakita ko doon na nagkakahalagang ¥3,000 (Php. 1,200 I guess) *

    Iikot pa sana kami sa Tama Center kaso napapagod na talaga ako. Masasakit pa din kasi yung paa ko dahil sa tatlong oras naming pagpila nung nakaraang Sabado sa Ginza. (May bagong bukas na department store doon na pinilahan talaga.) Kaya napagpasyahan kong umuwi na lang mag-isa. :D May bibilihin pa kasi ang tita ko at ang kaibigan nya. E umiral ang pagiging adventurous ko kaya sinabi kong uuwi nako MAG-ISA. :D
    Ayaw pumayag ng tita ko nung una, ngunit idinahilan kong lalagyan ko pa ng kanta ang kanyang iPod kaya naman pumayag na din sya. (Ang babaw nya hahaha) Hinatid nila ako hanggang sakayan at tinuro na lamang saakin ang dadaanan at sasakyan. Habang bumibili ako ng tiket, hindi ko maiwasang kabahan. Malayo kasi ang Tama Center (lugar kung nasan kami) sa Tamagawa (lugar kung san kami nakatira). Pero dahil nag-aatapang-atapangan ako (at gusto ko lang na may malupit na ikwento sa blog na ito :p), tumuloy ako. Laking ngiti ko naman pagpasok sa station ng tren at ako'y nag-escalator na. (Ang ganda talaga ng stations nila. Parang airport ng Pinas.) Habang naghihintay nang tren, nagYM muna ako at nakausap ko pa si Ate Ena (lider ko sa Hands Ministry). Habang may malupit syang ikinekwento, dumating na ang tren at biglang tumunog ang cellphone ko. Tinawagan pako ng tita ko para ikumperma na ayos lang ang kalagayan ko. (Katouch T.T) hahaha. Nag-uusap padin kami ng tita ko hanggang nakapasok ako ng tren. Buti na lang at may nahanap kaagad akong upuan. Buti na lang din at hindi masyadong madami ang tao. Nagulat ako dahil bigla akong nginitian ng babae sa harap ko. Akala ko naman nagagandahan sya sakin (JOKE LANG, LOL). Ayun pala, narinig nya kasing nagtatagalog ako =)) Nginitian ko din sya pati ang babaeng katabi nya. Napansin ko kasing mukha silang Pilipino. Tinanong ko sila at kumpirmado na mga Pilipino nga sila. Nakumpirma ko din na tama ang tren na sinakyan ko. :D Salamat naman :))
    Maraming hinintuan ang tren na iyon. Local kasi. Ibig sabihin, lahat ng station, maliit o malaki, hihintuan nito. Ang Tamagawa Station ay isang maliit na stasyon lamang. Kaya hindi ka basta basta dapat sumakay sa anu mang tren kung dun ka pupunta. Sa kabutihang palad, nakababa naman ako sa Tamagawa. :) Ngunit nagkaron ako ng isang problema o.O
    Sa mga stasyon kasi, madami ang "exit stairs". Iba-iba ang labas ng mga hagdan na iyon. Ayoko naman magpabalik balik dahil nakakahiya sa mga tao. Hahaha. Naman no, hiyang-hiya nako ng Sabado sa pagkukuha ng mga pictures sa dinadaanan ko hanggang city hall at ayoko ng mahiya pa ulit. Kasi talagang nakakahiya! =)) Kaya naman, naisipan kong tawagan ang tita ko. At yun, wala syang naitulong! hahaha Hulaan ko na lang daw, magaling naman daw ako don. Nakakatouch ulit sya e no? :p Buti na lang naalala ko na ang hagdan malapit sa elevator ang lagi naming dinadaanan papasok dito. Kaya malamang naman na ayun din ang palabas. Salamat sa Diyos dahil tama nanaman ang hypothesis ko. Hahahah. (palakpak naman dyan :p) At sa haba ng nilakad ko, nakarating naman ako ng maayos at ligtas sa bahay namin. Nakakatuwa talaga dahil may nakauwi ako ng mag-isa! Isang malaking accomplishment para sakin nun.^^

    Labels:

    "Isang araw ng kapaguran." was Posted On: Monday, September 15, 2008 @7:30 PM | 0 lovely comments


    | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.