Nakakapagod kaya ang walang ginagawa!
Sarap ng tulog ko dahil 8am pa ang gising ko. Huwebes ngayon, Soul-lee-man Day! :D Ay mali, PE Day pala. :P 9am hanggang 11am ang Volleyball namen at pagtapos nun, wala nakong klase. Kaya naman, no worries! Medyo na BV ako nung nabasa ko ang text ng tamad kong Insan na di sya papasok. So ayun, inisip ko na lang na masaya naman kasama sila Jesusa kaya naman pasok pa din ako. Sa katuwaang palad, nagsabay kami ni Jerome pumasok. Super tuwa ko naman kasi may kasama ako umakyat ng Grandstand. Haha! Nakakahiya kaya umakyat dun mag-isa. Para kang nawawala! :P
Nakita ko kagad si *toooot* at sila Jesusa kaya ako'y natuwa muli sa galak at nakipagkwentuhan muna sa kanila. :D Nagsimula ng mag-attendance si Sir Cruz pero wala pa din si crush. TSK. Lungkot na namin ni Jesusa, wala pa inspirasyon e. :)) Pero syempre, ayaw ni Lord na malungkot kami kaya naman, pinapunta nya na si crush sa Grandstand. Ayun, sa tabi ko pa naghubad ng pants (nakauniform na kasi sya sa loob ng damit kasi) at nagpalit ng rubber shoes.
Ngunit dahil may new friend ako, na sakanya focus ko. Panira no? Haha! Sya nga pala si Bea galing Commerce. :) Ayun, pinakilala ko sya sa blockmates. Mabait naman sya. :D Sya yung friend ng girl na may crush kay Michael. So anyway, haha, ang swerte ay dumapo kay Madel at sya ang naging partner ni crush. BADTREP. :(
Pero naging ok naman yung PE kasi dami nangyare na nakakatuwa. Ayoko ng ikwento dahil magmumukang confession blog lang ito. HAHA.
Dahil sa tamad akong umuwi at tumunganga dito sa dorm kanina, nagstay muna ako sa Beato at naki-Materials sa blockmates ko. Natuto naman ako para sa gagawin kong pattern next week. :) Ay speaking of, kelangan ko pa palang isearch yun, tss >.<
Pagtapos ng Materials, nanuod kami ng nakakaaliw na training nila Claire para sa Cheermania sa Grandstand ulit. Grabe, pakiramdam ko magiging tambayan namin sya Haha!
Hindi ko alam kung anong gusto mong sabihin sa bawat ginagawa mo. Pero isa lang ang sigurado ko, sawa nako sa kaimmature-an mo. :P
Natira na lang ako, si Jesusa at si Jose doon na nanunuod kaya naman naisipan naming bumili nang pagkain sa Mcdo. Kamusta naman ang ulan at sinira ang aming moment ng pagkain sa Grandstand. :)) Salamat nga pala sa inyong dalawa kanina! Ngayon napatunayan na natin na mabagal ang takbo ng oras kapag malapit na ang pasko! :))
Minsan darating sa punto na kung kelan ayaw mo na, saka nya matututunang magustuhan ka. Tae, ang assuming ko na. Ayoko naaa. =)))
Mahal ko si Tita Heids.
Si Tita Heids. Sya ang paborito kong tita sa lahat. Sya ang madalas kong kasama. Kahit sa Pilipinas man o sa Japan, hindi kami naghihiwalay. Lumaki akong may paghanga sa kanya. Nakahiligan kong gumuhit, dahil sa kanya. Nakahiligan ko si Garfield, dahil sa kanya. Nakahiligan kong manamit ng maganda, dahil sa kanya. Siguro nga malaking impluwensya sya sa akin. Dahil simula ng bata pa ako, isa na sya sa mga idol ko. :)Masakit din para sa akin kapag sya ay nagkakaron ng problema. Hindi ko akalain na sa bawat pagsusungit nya at bawat pag-alis ng bahay, ako ay maaapektuhan. Akala ko na wala lang sa akin kapag sya ay nagdesisyong mamuhay ng hindi namin kasama. Ang akala ko, tanggap ko na ang katotohanang may sarili syang buhay at maaari nyang piliing mamuhay ng wala kami.
Ngunit inaamin ko, masakit malamang ang paborito kong tita ay malapit ko nang hindi makasabay gumising ng tanghali. Ang paborito kong tita ay malapit ko ng hindi makasabay kumain ng tanghalian (brunch). Ang paborito kong tita ay malapit ko ng hindi makasama gumala sa kung saan saan. At ang paborito kong tita ay hindi ko na makakakwentuhan pa ng tungkol sa mga nangyayari sa Gossip Girl. Akala ko madali. Akala ko wala lang. Akala ko kaya kong hindi makialam. Pero hindi.
Hindi ko kayang ipamigay na lang ang paborito kong tita ng basta basta sa hindi naman nararapat para sa kanya. Hindi totoong sya ay may mataas na standards kaya sya ay naiiwan. Hindi totoo na sya ay kulang sa ganda. Hindi totoo na sya ay mamumuhay ng mag-isa. Hindi totoo na sya ay maiiwan sa takbo ng buhay.
Naniniwala ako na hindi pa ito ang tamang panahon. Alam kong sya ay nagmamadali. Alam kong gusto nya na pasukin ang buhay na hinaharap ng kanyang mga kaibigan. Alam kong pakiramdam nya, nahuhuli na sya. Pero hindi ba iba iba naman ang landas ng bawat tao ayon sa gusto ng Ama mo para sayo? Hindi ba mas masayang mamuhay kapag ang kasama mong gigising sa bawat umaga ay yung taong para sayo talaga? Hindi ba mas masayang gamitin ang pagiging "single" upang mag-ipon at maghanda para sa tao at buhay na ibibigay sayo ng Panginoon?
Hanga ako sa tita ko. Dahil sa dami ng heartbreaks na naranasan nya, nakikita kong may natututunan sya. Hanga ako sa kanya. Dahil nakikita ko, mas madali na ang pagtanggap nya ng katotohanan. Hanga ako sa kanya. Dahil alam ko, mahal nya pa din kami, lalo na si Ethan. :)
Ngayon, natutunan ko, handa pala akong harapin na hindi ko na makakasama ang tita ko sa Starbucks. Hindi lang akong handa na ibigay sya sa taong di dapat para sa kanya. Handa pala akong makita syang may kasama na uuwi sa sarili nilang bahay. Hindi lang ako handang dalhin sya ng hindi karapat-dapat na tao sa isang bahay na hindi karapat-dapat uwian ng tita ko. Handa pala akong hindi makasama ang tita ko kumain ng almusal sa tanghalian. Hindi lang ako handang malaman na mas masarap ang pagkain sa bahay kesa sa magiging bahay ng tita ko. Pero kung ang magiging buhay ng paborito kong tita ay mas maayos kesa sa loob ng aming bahay, handa akong mamuhay ng wala sya. Handa akong makita na walang bagabag sa aking lola para sa aking tita. Handa akong makita syang namumuhay ng maayos at masaya. Handa din akong maging sandala nya sa bawat oras. Dahil alam ko, na ang buhay na masagana ang handang ibigay sa kanya ng Diyos gaya ng ibinigay Nya sa aking ina. :)
Naniniwala ako, balang araw, na makikilala nya din ang taong para sa kanya. Naniniwala ako, balang araw, na pareho kaming may pera, at nagwawifi sa Starbucks. ;)
Labels: parasayo
Ako si Kimiko Rato.
At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nilikha Nya ako bilang si Kimiko Rato.Ngayong mga nakaraang araw, madami ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko. Dahil nabuhay ako sa buhay ko ngayon. :) Alam kong marami akong hinihiling na makuha at mangyari sa ngayon. Pero kapag tinignan ko ang lagay kung nasaan ako nayon, higit pa sa pasasalamat ang gusto kong sabihin! :D
Tuwang-tuwa ako dahil isa akong Pilipinong-Hapon. Bukod sa mata at dugo, isang malaking oportunidad ito upang maibahagi ko ang aking nalalaman sa Pilipinas at Japan lalo na pagdating sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.
Tuwang-tuwa ako dahil nasa Japan ang aking mga magulang. Bukod sa nakatulong ito upang ako ay maging independent sa buhay, naging instrumento pa sila ng Tatay ko para makuha ko ang kanyang mga parangal at regalo sa akin. Materyal man na bagay o hindi. :)
Tuwang-tuwa ako na magulo ang aking pamilya. Dahil dito, naaaliw ako sa kanilang ingay at naiiwasan ko ang pagiging malungkot. Dahil sa kanila kung bakit nabuo ang aking mga pangarap at kung bakit nabuhayan muli ako ng loob na balikan ang masayang ako. Dahil sa kanila, natuto ako maging matatag at matapang. Dahil sa mga problemang nasa loob ng aming bahay, natuto akong mas lalong patibayin ang aking pananampalataya. Dahil sa kanila, sa aking pamilya, natuto ako malaman kung ano ang talaga ang kahulugan ng buhay. :) Totoo, ang pamilya ang pinakamahalaga at pinakamahal na regalong ibinigay Nya. :) Sa kanila ko nakita na lahat ng tao ay maari kang iwan ngunit ang mga taong ito na kadugo mo ay syang tatanggap sayo kahit na lahat ng mali ay nagawa mo. Mahal ko ang pamilya ko at laking pasasalamat ko sa paraan ng Diyos na iparamdam Nya ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng aking pamilya. :)
Masaya ako at nagpapasalamat dahil lahat ng bagay ay kaya kong gawin. Masaya akong may utak akong laging pinag-iisipan ang bawat bagay. Masaya akong madali akong makaintindi. Masaya ako dahil may mga katangian akong nakakapagbigay sa tao ng pang-unawa at kaligayahan. Masaya ako dahil kahit pa walang tao na gustong maging nasa posisyon ko, mahal ko ang sarili ko. :) Masaya ako at sobrang nagpapasalamat na ako si Kimiko Rato, na hindi ako nalikha sa paraang iba. :)
Totoo, alam nang Diyos ang mga bagay na ikabubuti satin at yung mga best na bagay na para sa atin. :)
Hindi ko man nasabi ang lahat ng bagay na gusto kong ipagpasalamat but still alam kong hindi dito magtatapos iyon. Alam kong darating ang panahon na ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko ay marirealize din ng iba at kanila ring ipagpapasalamat.
Hindi man ako magaling kumanta, sumayaw o umarte. Hindi man ako maganda at maraming may gusto. Hindi man ako maputi at seksi. Hindi man ako matalinong matalino. Hindi man ako ang pinakabest na tao. Darating din tayo dyan...JOKE! :))
Nagawa ko pa rin at patuloy ko pang gagawing pinakabest na ako para sa sarili ko. :) Salamat sa Diyos para sa buhay ko. :D
Pinoy Turista sa Pinas
Enrollment day ngayon para sa CFAD freshmen. Dahil sa pagiging maaga ni Abi, nahawa ako. :)) Dumaan si Abi sa dorm para magsabay kami. Kamusta naman kasi ang cellpone ko, hindi na gumagana ang keypad. T_TPagdating namin sa tapat ng Seminary Gym, nagtext si Insan na nandoon na daw sila. Akala namin ay nasa loob na sila at nageenroll. Buong hiwaga ko kung bakit maaga sya. HAHA. Ayun pala, mas nauna kami sa pila sa labas. At nalungkot naman ako ng nakita kong magkakasama ang tropa sa pila. Kami lang ni Abi nahiwalay. Pero dahil mabuti si Lord, nag-enjoy parin ako the whole time. :)
Masaya akong nakasama ko muli si Abi. Masaya ako at nakapagkwentuhan uli kami. Masaya ako dahil kahit wala sila Insan, nag-eenjoy ako. :) Si Abi ang nag-iisang tao na naalala ko ang pangalan nung Reservation kahit na marami akong naging kakilala nuon. Si Abi ang nag-iisang taong ineexpect kong makikita ko at magiging kaibigan nung unang araw ng pasukan. Si Abi ang unang tao na naging kaclose ko at siya rin ang taong lagi kong kasama noon. Si Abi. Miss ko na si Abi. :)
Nabanggit nya sakin na pupunta sya ng Ongpin para bumili ng kakaibang kamote na nirerequest ng lolo nya. Siguro nadadama ko ng hindi magtatagal masyado ang barkada kaya naman naisipan ko syang samahan dahil sa wala rin naman akong importanteng gagawin dito sa dorm at tinatamad akong pumunta sa SC. Kaya ayun, naisip kong isa itong adventure! XD
Pagtapos namin kumain sa Mcdo ng brunch, nakita namin sa harap ng Beato sila Janna. Niyaya din namin sila sa Ongpin pero si Jerome lang ang nakasama. :))
Nagtaxi kami papuntang Ongpin. Di pala masyadong malayo. Binaba kami sa gilid ng Binondo church (tama ba?) at nagulat ako dahil hindi pala uso sa Ongpin ang BAYOLET. :))))
Nagpunta kami sa Chinatown at bawat paglakad namin ay may kwento si Abi. Sya nga pala ay half-Chinese. :D
Nagstop kami sa isang tindahan ay may sinasabi si Abi sa tindero. Magkano daw ang Ma' Pa. (NOTE: Isipin mo na lang ang ' ay para sa impit. HAHA) Akala namin ni Jerome ay kung ano ang sinasabi ni Abi. Yun pala, bibili ng Ma' Pa. Nakalagay sa box na isa itong Pork Tapa pero ito ay lasang barbecue! :)) Super sarap! :D Isang manipis na mahaba/malaki na piece ng pork. :) At tuwang tuwa kami ni Jerome na kumakain. :)))
Bumili na si Abi ng kamote na kulay kahel. Tapos, bumili din kami ng pear. Pagtapos non, napadpad kami sa isang tindahan na may bilihan ng Ma Tsang. Ito ay isang malagkit na kanin na may baboy o manok o anu pa sa loob bilang ulam haha at nakabalot sa dahon ng saging. Bumili din kami ni Jerome dahil bentang benta ang pag-iindorso samin ni Abi non. :P Nilagay ko naman ito sa aking "grocery bag". Isang malabong plastic lang naman hahaha
Pagtapos non, bumili kami ng inumin. Ang kay Jerome ay isang orange juice na may pulp. At yung samin ni Abi ay strawberry juice na may basil seeds. AT mukang mas masarap yung kay Jerome. hahahaha Bumili din ako ng Milk Tea dahil miss ko na to. HAHA
Sa totoo lang, nab
itin ako sa adventure namin na pagtotour ni Abi kanina e. Nakakaaliw pala kasi sa Chinatown. HAHA. Sori naman, Hapon ako. :P Pero kasi, kailangan ng umuwi ni tour guide.AY FUNNY! Naalala ko lang. May nakasalubong kaming isang babae, medyo may edad na kahit lahat naman ng tao may age. Haha. Nakita ko kung gano nagulat yung babae nung nakita nya si Abi. At nung paglabas namin, bigla nyang sinabi sa kasama nya, "Andito si Maxene!" HAHAHA As in super funny nung sinabi ni Jerome, sya kasi yung nakarinig. Tas naalala ko yung gulat face ni Ate. HAHA.
Sa totoo lang, dami ng nagsabi nun. Kahit naman kami e, hahaha. Kasi di ba, may hawig! :)) Para silang magkapatid. Ang galing. Haha.
Ayun, la lang. Natuwa lang ako. Anyway, ako'y aout na dahil manonood pako. Haha. Ja! :D
Moody Ako.
1. Hindi ko alam kung bakit hindi ka nagp-pm. Samantalang, sa tuwing online ka at online ako, magp-pm ka kagad. Bakit ngayon hindi? Dahil ba hindi ako makakasama sa gala? Badtrip ka na sakin? O busy ka lang talaga? Kilala kita. Alam kong nainis ka sakin.2. Hindi ako makapag-unli. O GLOBE, BAKEEETTT??? TT_TT
3. Bukas magsisimula ang paggawa namin ng props para sa CFAD week at naway maging madali lang ito at maging masaya. :D
4. Simula ngayon, andito nako sa dorm maninirahan hanggang sa pasukan. Malamang uuwi padin ako ng Biyernes ng hapon at babalik na lamang ng Linggo ng hapon.
5. Badtrip dahil hindi ako makapuntapunta sa practices ng Hands. Pero dahil sa Disyembre pa yun, naway makapunta pa ako.
6. Hindi ako makakasama sa pagsundo sa tito ko sa airport!! La lang, gusto ko sumama e. :P
7. Happiness! Makakapagdownload nako ulit ng movies at makakapanuod online.
8. DI PA DIN AKO MAKAPAG-UNLI. :|
9. Pwede nanaman ako magpuyat! :DD
10. AY! BAGO LAYOUT KO! GANDAAAAA! :DDD
11. Ok nako totally at naiisip kong gumawa ng blog about don. Yung maganda ang pagkagawa. Haha. Yung hindi basta lang. :P Sometime soon. :D
12. Malapit na magpasko! (Okay, may masabi lang HAHA)
13. Kaarawan ni Kicko ngayon! :D Kung kilala mo sya, batiin mo naman. Kahit sampung araw na ang nakakalipas at saka mo lang to nabasa, batiin mo pa din! :D
14. Di ko alam kung matutulog nako o magbablog pa. O manunuod ng movie. Ewan ko. Naeexcite ako sa lahat. HAHA. Okeypayn, hanggang Biyernes pako dito. Kalma lang ako. :P


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.