Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko?

    Ito ay isang post patungkol sa kasalukuyang nangyayari sa buhay ko mula ng ako'y dumating. XDD

    Una, nakita ko na ang ilan sa mga kaibigan ko. Unang gala ay nung November 18, sa Lcyeum dahil sa theatre play ni Elder (Czar Kim Lu). Nakakatuwa yung play nila. Ang ganda ng istorya. At ang gagaling nila umarte. Lalo sina Pepin, Gula at Blisto (sya yung payat na matangkad sa KaSwisa diba?). Pagtapos nun ay nakita namin sina Hannah at Maan sa Mapua. Nagulat na lang kami ni Neneng (Jesza Jean Lu) at bigla kaming tinawag ni Hannah. Haha. Ayun, nagkwentuhan ng ilang minuto at naghiwalay nadin. Pumunta din kami nun sa SM Manila na kalapit lamang at dun naman namin nakita sina Kicko, Harvey at Jasper. Nakakatuwa kasi lahat kami nagulat. :))) Pagtapos naming maglagi sa SM, dumeretcho kami sa dati naming school - Amazing Grace School. Nagulat din ang mga dati kong guro lalo na ang dati kong adviser na si Cher Lorie. Ang masaklap lamang ay dahil uwian na ng kami ay nakarating. As in pinapalabas na ang mga istudyante sa loob. Ugh.

    Sunod kong gala ay sa Greenhills. Kung san nakita namin si Drew Arellano. Hahaha. Balikbayan! O dito pala nakatira yon? Hahaha. At yun, nakabili ako ng aking selpown. Yey! Sarili kong pera yun. Big girl na hahaha

    Nanuod din kami ng mga tita at mga pinsan ng Twilight. Parang family day lang haha. November 26 na tanda kong unti lamang ang tao nun sa sinehan. Napanuod namin ang Twilight. At yoko na makisali sa mga taong nagrereak tungkol sa pelikulang ito, haha.

    Pagdating ng November 28, nagkita-kita kami ng mga dati kong kaklase sa dait naming school. Sila Ninang Kayna, Marvin, Budde kong si Cheene, Danny, Jason, Achilles at AJ. (May nalimutan bako? Hmm) Ayun, miss na miss ang isa't-isa. Nagkakwentuhan at nakita ko din sina Partner Angel, Romers at Harold na nakaclose namin nung JS. Pati si Jenine na aking Sis ay nakita ko. Sina Jovillar at Pm (Jon). Unting kwentuhan, at yun, umuwi na din kami. Ay! May humabol pala. Sina Kelvin, Audrey at si Jesza na uwian na nakarating haha. Deretcho 7eleven kami dahil namiss ang Slurpee at umuwi na din. Namiss ko tuloy ulit si Marvin. Aww.

    Nung November 30 naman ay nagpunta ang iba't- ibang churches under FREE Mission sa Cuneta Astrodome. Ito ay dahil 25th anniversary ng samahan. :)

    Kinabukasan, December 01, nagkita-kita ang barkada - Munchkiiins. Ito ang barkada ko kasama sina Bruhang Mhamel, Labiding si Aygee, Eunice at Phau. Unang gala namin na malayo sa aming bahay-bahay haha. Pumunta kami sa Glorietta Makati para manuod ng Twilight. Hindi pa kasi napapanuod nung tatlo un e. Kaya kami ni Bruha, nanggugulo lang hahaha

    December 04 naman nang pumunta kami ng tita ko sa University of Santo Tomas para magpasa ng application form. Nakakatuwa at nagkita pa kami dun ni Jovillar. Sasabay kasi talaga sya dapat sakin, pero hindi na kami nagkausap, tas yun pala, sabay padin. Magic! Hahaha

    At December 07 nung ako ay kumuha ng USTET. Kabadong kabado ako nun dahil nga ang tagal na nung huli akong nagtake ng mga exam. Pero nakakatuwa kasi sinamahan ako ni Jesza. Tas hinintay nya pako. Super thankful talaga kasi wala akong kasama nung mga oras na yon dahil Linggo. Ang laki na talaga ng utang ko sa babaeng to hahaha


    Ang saya-saya ng mga linggo ko kasi sa daming dahilan. :)) Una, secret. Pangalawa, secret ulit, haha. Pangatlo, lage ako may load. Pang-apat, okey na ang pc namen. Panglima (sabi ko sayo ang dami e, haha), may plano kaming pasabugin si Clone, hahahaha Pang-anim, may isang taong nagfefeeling. Ang sarap nya asarin haha Pampito, dahil sa Talk2Papa hahaha


    Sa radyo na ngayon umiikot ang mundo ko. Pati sa text. Ngunit ngayong dadating ang Pasko (wow), maghaHands kami sa Simbang Gabi kaya naman magiging busy ang mundo ko. Pero okey nadin dahil enjoy ang bawat praktis ng Hands. Can't wait. :)

    "Ano na nga ba ang nangyayari sa buhay ko?" was Posted On: Friday, December 12, 2008 @12:59 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.