Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Nakakainis. :|

    Wala po kasi ako sa bahay. Sila nalang kausapin nyo. Stressed ako dito. K? >.<

    "Nakakainis. :|" was Posted On: Monday, June 28, 2010 @10:16 PM | 0 lovely comments
    On earphones and such.

    Akala ko, hindi lang ako marunong mag-alaga.
    Saka ko naisip, sadyang di lang pala matibay.
    Napagtanto kong pinahalagahan ko ito ng sobra.
    Pero di rin nagtagal, sya mismo ang bumibigay, nasira. :)

    Pero alam mo kung ano masaya don?
    Puti sya noon.
    Pink na sya ngayon. :)
    Napalitan ng mas matibay.
    Mas matatag.
    Mas malakas.
    At mas gusto ko. :)


    Kung di kasi para sayo, move on. Dahil may best na mapupunta talaga sayo. ;)

    "On earphones and such." was Posted @8:42 PM | 0 lovely comments
    Summer Rush

    Masaya ako na dumating ka sa buhay ko. :) Totoo. :) Sa simula palang, andami ko na kagad natutunan sayo. Alam mo bang noon pa kita gustong makilala? At sa tingin ko, eto na ang panahon ng simula para sa kagustuhan kong yon. :)


    Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag mas lalo pang lumalim ang ating pagsasama e bigla ka na lang din umalis. Umalis kagaya ng mga nagdaang tao sa buhay ko. Natatakot ako na mag-open up pa sayo. Kasi natatakot akong masanay sayo masyado. Natatakot ako, na baka isang araw, wala ka na. Na minsan na lang din kita makita.


    Aminado naman ako, na natutuwa ako kapag nagbibigay ka ng compliments sa akin, kapag naaappreciate mo ako. Natutuwa ako, kasi sa dami ng taong meron dito, ako ang "pinakamamahal" mo. Pero may gusto pa sana akong hilingin sayo. Kaso di ko sigurado kung gagawin mo. Isang bagay lang naman e, ang magpakilala ka pa sakin. :)


    Oo, mahirap kang intindihin. Kelangan ng matinding pagbusisi sa mga bagay bagay at obserbasyon sa kapaligiran para magawa iyon. Oo, mahirap kang pasiyahin. Mahirap kang bigyan ng sagot. At mahirap alamin kung ano ang mga bagay na gumugulo sayo. Pero alam mo kung ano ang gusto ko, yung makilala ka pa. Kasi isa ka sa mga taong nakakapagbigay inspirasyon sakin para magpatuloy sa bagay nato. Isa ka sa mga tinutularan ko dahil ibang klase ka. Saludo ako sa pagpapahalaga mo sa salitang "commitment". :)


    Minsan makulit ka talaga at mapilit sa gusto mo. Pero yun ang natutuwa ako sayo, kasi nabubuksan ang isip ko para madefend ang sarili ko. Natututo akong iexpress ang mga bagay na gusto kong sabihin para hindi ako maging sunod sunuran lang sa iba. Na magkaron ako ng sariling pananaw at pagkakaintindi sa mga nangyayari. Maraming salamat. Maraming maraming salamat. :)


    I pray na tumagal pa tayo. I pray na makilala pa nga kita. I pray kahit anong mangyari, maintindihan mo ako. Alam ko namang mahirap intindihin ang taong kagaya ko e. :)) Pero I pray na isa ka sa mga magtyaga sakin. Handa naman ako maging honest sayo. Makinig sayo. Handa ako sa kung ano mang pangaral at life lessons na sasabihin mo sakin. Pero I pray na patuloy mo ding intindihin ang side ko. :) Salamat.


    Salamat dahil sa puntong to, hindi ako nahiyang sabihin sayo ang mga bagay na gusto kong malaman mo. :) And you know what, it takes one smart person too to know the stories of my blogs. ;)

    "Summer Rush" was Posted On: Thursday, June 24, 2010 @9:17 PM | 0 lovely comments
    Ang pagbilang ay nagsisimula na.

    Kahapon nangyari ang Freshmen night sa UST. Kasabay nito, I mean, after neto ang Steps at 400 na ginanap sa Quadri. At alam mo kung ano napagtanto ko, mas masaya ang nangyari noong Wednesday kesa noong Tuesday kung san kami nagkaron ng Photography class. :)

    Wala ng mas sasaya pa na makitang napareminisce kayong lahat sa nangyaring Freshmen night. Yung makita nyo sarili nyong sama sama muli at nagtatawanan, kwentuhan at kainan. Sana tapos na nga. Sana wala ng susunod pa. Sana simula na nga ito. Simula na ng pagpapatuloy sa isang masayang pamilya. :) Tatlong taon pa, pipol. Tatlong taon pa. :)



    So ayun na nga. Nagbar kami. Nagbar kami sa loob ng UST. :)) Paano, nagmistulang bar talaga ang welcome dance party. Sobrang cooool. :DD Lalo na yung design ng stage and lights and speakers and all. Sobrang gusto ko sumali sa productions! :D Sobraaa, dun ako natuwa. HAHA Hanuberri, seryoso na kasi talaga ako sa pag-aaral. :">Ang fail lang, umuwi na kasi kagad yung iba so di nila natunghayan yung Steps at 400. Pero ang nakakatawa pa, umuwi na kami nung magsisimula palang. Anlakas kasi ng ulan. =)) Ibang klase din ang trip ng uste e. =))


    Nagsisimula ng mabalik ang lahat sa dati. Kaya sana pati tayo ay mabalik na rin sa dati - yung okay, yung super okay.

    "Ang pagbilang ay nagsisimula na." was Posted @3:27 PM | 0 lovely comments
    Bago nanaman. Haha

    Dahil may nakapagsabi sakin na *ehem* mas nalilito daw sya sa naging pagbabago ng layout kaya *ehem* pinalitan ko nalang ulit dahil *ehem* marami siya, I mean, sila. So majority wins. HAHAHA

    "Bago nanaman. Haha" was Posted @1:10 AM | 0 lovely comments
    Ngayon lang.

    Eto muna layout ko. Dahil..wala lang. :)

    "Ngayon lang." was Posted On: Saturday, June 19, 2010 @10:12 PM | 0 lovely comments
    if God made you choose between your old friends and your new friends! who would you choose to to have forever?

    I wouldn't choose. :) I'll treasure whoever is with me. :) And knowing God, He wouldn't make me choose that way. ;)

    Give me the hardest question. :))

    "if God made you choose between your old friends and your new friends! who would you choose to to have forever?" was Posted On: Friday, June 18, 2010 @11:11 PM | 0 lovely comments
    Huwebes.

    Kahit pa nakita ko si Toot, seryoso ako, nagbabawas na talaga ako ng crush. TSS :"> :))

    Hindi ko ba alam kung bakit nawala ako sa mood makipagkulitan kanina. Iniisip ko tuloy na baka nangyayari na yung dare ko sa sarili ko na maging tahimik na. Kaso hindi e. Iba e. Parang may..something.

    Kung tutuusin, ba't ko nga ba kelangan pang isipin ang bagay na yun? E kahit naman anong mapapagtanto ko e hindi ko pa din naman kayang bigyan ng prayoridad yun sa ngayon e. Madami pang dapat isipin. Andyan ang plates. Ang deadlines. Ang profs. Ang everyday life. Pero mahirap din pala kapag naipasok na sa utak mo yung bagay na yun no. Kasi sya na yung pumapalit sa pang-apat na nandyan para isipin mo. >.<

    Alam ko nadadala lang ako ng mga kwento ni Abi. Alam ko nasasabayan lang to ng pagkamiss sa kanila. Alam ko, natutuwa lang ako sa mga nangyayari. Pero kung iisipin ko, pag binigyan ko ito ng oras sa buhay ko ngayon, wala din namang mangyayari e. Kamtutinkopit. Pero wala talaga. Kundi kabutihan, kasiraan. :|


    Siguro eto nga yung dahilan ng "pagkawala sa mood". Na kahit My Empire at Pet Society ay hindi ako natulungan. Siguro nga nalilito ako magpakasigurado sa isang sitwasyon na hindi pa naman dumarating at nangyayari. Hindi, hindi ako assuming. Ayoko lang nasusurprise ako gayon namang ramdam ko ng palapit na doon. Parang yun nga, inistress ko lang sarili ko. :))


    Sa totoo lang, may gusto ako ikwento. Kaso naisip ko, parang naeexcite lang nanaman ako. Mamaya, maudlot. Kaya mas mabuti ng saka na ikwento kapag sigurado na. Kasi baka mamaya dyan, magexpect nanaman. :)

    "Huwebes." was Posted On: Thursday, June 17, 2010 @11:15 PM | 0 lovely comments
    Kicko, manahimik ka muna.

    Dahil nagbablog ako. :))

    So habang nagkekwento ng problema si Kicko, nambabastos naman ako sakanya dahil di ako nakafocus sa kwinekwento nya. Sorry dude. ;p At feeling ko naman naramdaman nya dahil napuputol putol na yung call. :))


    Kahapon ka pa. Salamat sa compliments. :)
    Hindi masyadong bongga ang nangyari nung first day. Hindi yung uber uber saya. Pero uber uber naman ang napagtanto ko. :) Alam mo yun, unang subject palang, nainspire na ko kagad seryosohin yung course ko. Nainspire nako mag-aral at alamin ang mga bagay bagay. Tapos di pa kami sinipot ng prof namin sa last subject which is di na bago samen. Dahil di din na bago yung prof. ;p Pero nakakatuwa kasi nagkaron kami ng time muli ni Claire magbond bago kami umuwi. :)


    Salamat sa concern. Kahit di naman talaga ako nagreminisce. TSS ;p Pero salamat kasi talagang pinansin mo na yung kalowbatt-an ko. Sorry. Sorry nawala ako sa mood. Pero salamat kasi ang galing mo magpatawa. :)
    Second day naman, umaga palang, lowbatt na kagad. >.< Kaw ba naman pagamitin ng condom, I mean, rubber balloons para sa isang introductory exercise. Na kelangang kelangang ihandle with care sa pagfoform. At swear, anhirap talaga magform ng wala kang instant idea na form na pwedeng gawin. :(( At dun namin napagtanto......You shouldnt TRUST condoms kasi marami sa ginamit namin ang nagbreak. ;p Haha!




    Nakakatuwa naman yung ulan. Nakakadala ng emosyon. :)))

    "Kicko, manahimik ka muna." was Posted @10:45 PM | 0 lovely comments
    Ngayon ko naisip.

    Sabi nya, "Naaagawan ka pala?"
    Sabi ko, "Ganun talaga kapag hindi para sayo. :)"


    Ngayon ko naalala yung quote. Dun ko kasi napagtanto, kung ang tao ay nagpaagaw, hindi sya best. Pero tingin ko better na sabihin na hindi sya para sayo. Na hindi sya best para sayo. :)

    "Ngayon ko naisip." was Posted On: Tuesday, June 15, 2010 @3:18 PM | 0 lovely comments
    Parang desktop background ko lang.

    Kapag masyadong mabilis ang pagbabago, nakakasawa. Kasi ang nangyayari, nagiging paulit ulit. Nagiging normal na lang. Wala ng magic. Wala ng special. Kaya pagtapos ko ng makita lahat, download uli ako ng bago.









    Yung sa tingin ko na hindi nakakasawa, kahit mabilis....at paulit ulit. :)

    "Parang desktop background ko lang." was Posted @11:11 AM | 0 lovely comments
    Precious ang mata, k? :))

    Kaya pipol, alagaan nyo naman ang mga mata nyo. :) Marami na ngang bulag sa mundo. Kaya sana, bilang pagpapahalaga sa mga mata natin, tumingin tayo ng tama okey? Wag ng magbulagbulagan sa mga bagay bagay at lokohin ang sarili sa mga bagay na di naman totoo. Accept the reality. Oo, masakit pero ang katotohanan nangangagat talaga e. :)


    Pero swear, wag na magbulagbulagan. Magpakatotoo nalang. :) Teka grabee, maBABA talaga. :))

    Labels:

    "Precious ang mata, k? :))" was Posted @12:41 AM | 0 lovely comments
    what if he ask you to be his girl and woman for the rest of his life....and sumhow u feel the same way... wud u say yes or no... knowing there will be no tomorrow...to wait... the moment to answer is only NOW....WELL....

    If I feel the same way, why would I answer "no"? :)

    Mukhang kilala ko na kung sino nagtanong nito. :)))

    AND NOW I THINK BACK.. kapag may bahay at lupa nalang pala. :)) At kapag may blessing na ng parents :))

    Labels:

    "what if he ask you to be his girl and woman for the rest of his life....and sumhow u feel the same way... wud u say yes or no... knowing there will be no tomorrow...to wait... the moment to answer is only NOW....WELL...." was Posted On: Sunday, June 13, 2010 @4:48 PM | 0 lovely comments
    Ang isang taon ay hindi matagal. :)

    At yun na nga. Kaninang umaga umalis si Mommy dear dito sa bahay. Ayoko man pero sabi nya, wag na lang daw ako sumama sa paghatid sa airport dahil dyahe din sa oras. Magchuchurch din kasi ako non. Kaya ayun.

    Ayoko ng ikwento pa kung pano sya umalis, anong oras at kung anu pa man ang nangyari. Dahil hindi naman talaga iyon ang point ko kaya ako nandito. :) Sa totoo lang, gustong gusto lang ng buong pagkatao ko na maglaan ng isang matinding post para sa nanay ko. :)) Kahit pa hindi Mother's Day o kahit pa hindi nya bertdey. Mas gusto ko ngayong oras nato bigyan sya ng ganto dahil ngayon ko damang dama talaga ang umaapaw sa kadamahan ang pagmamahal nya. :))



    Inaamin ko. Masakit din sa akin na magmukhang maid kapag katabi sya, pero ganun paman, masaya ako na hindi sya dugyot. :)) Pero di ko rin lubos maisip kung bakit kelangan nya pang magpaputi gayon namang maputi na sya? :)) Ngayong bumalik na si Mommy sa Japan, masaya ako. :) Masaya ako kasi nakipagkasundo na sya sakin na kanya na si 3GS at magiging akin na si 4. SOON. BUAHAHA LABYOU 'MY! :* :)))


    Nung lumaki ako, hindi talaga ako close sa kanya. Sa totoo lang, wala akong paki kung sa Japan man sya tumira. Sa totoo lang, naiinis pako kapag di nya nabibili yung mga gusto ko ipabili dahil sa may iba pa daw na MAS importanteng bilihin. Sa totoo lang, dumaan din ako sa parte na buhay na sinabi kong sana di ko na lang sya nanay. Pero kamtutinkopit! Kaya pala dumaan ang mga panahong yon dahil sa mga susunod na araw o linggo o buwan o taon, sobrang mapapahalagahan ko ang buhay ni Mommy at sobrang mamahalin ko sya. :)


    Hindi man sya laging andyan. Hindi ko man sya laging kasama. Hindi man nya ko napanuod mag-orate at magtalumpati. Hindi man nya ko makitang nageexcel sa mga bagay bagay. Hindi man nya ko nasusubaybayan sa bawat araw ng aking paglaki, alam ko na napakalaking parte parin ang meron ako sa puso nya. Na kahit pa hindi ko sya mabigyan ng oras noon dahil sa pagbabaliwala ko, andyan lang pala syang sumusuporta sa akin. :)


    Ayoko na magpasalamat. Kasi alam kong ramdam nya na yun at 18 na taon ang kakailanganin ko para matapos ang pagpapasalamat na yun. :) Ayoko na din magrequest, alam na nya yun. :> Ayoko din ikwento pa ang buhay naming dalawa. Dahil kahit hindi ko man ilagay ang lahat ng detalyeng gusto kong sabihin sakanya, mahal na mahal namin ang isa't isa. :)


    Siguro totoo yung sabi sabi na ang nanay mo yung pinakamagiging idolo mo. Kasi sa totoo lang, yun ang nararamdaman ko ngayon. :) Na kahit ano pang pagpapasalamat, pagsisigaw at pagcoconfess na mahal na mahal na mahal na mahal (at kahit gano pa karami ito) ko sya, hindi ko pa rin ito maipupunto. Kasi..sobrang more than words. :) Kasi naman no, totoong ang Diyos ay sobrang matalino na hindi Sya pwedeng magkamali. :)


    Kaya kung noon na feeling ko kamalian na naging nanay ko sya at anak nya ako, ngayon sobrang masaya ang puso ko! :) Kung dati'y hindi kami close, ngayo'y tight na kami. :)) Kung dati'y wala akong paki sakanya, ngayo'y di na ko mapakali ng hindi nalalaman kung bakit wala pa sya sa bahay. Kung dati'y nagtatampo ako kapag hindi nya binibili ang mga gusto ko, ngayo'y wala nakong paki kung bilihan nya pa ako o hindi, basta yung iPhone4 lang. JOOOKKEEE :)), basta't mahal nya ako. :) Kung dati'y ayoko syang nanay, ngayo'y di ko hahayaang mapalitan ako ng kahit sino bilang anak nya. :)


    Maraming tanong meron sa mundo. At sa totoo lang, laaht ng ito ay may sagot. Sadyang darating lang sa tamang oras. Tamang panahon. Kung kelan maayos mong matatanggap. At kung kelan kaya mo na itong harapin. :)


    Siguro kaya hanggang ngayon ay baby pa rin ako ni Mommy ay dahil madami pang oras ang meron kami sa hinaharap para magsama, mag-enjoy at magshopping dalawa. :)) Yung tipong magrerelax kami at matuturuan nya nako kung pano magluto. :)) Yung tipong picture doon, picture dito. Siguro kasi madami pang oras ang darating na magiging magkasama kami ni Mommy. Kung kelan man yun, malamang hihintayin ko. :>



    Ang isang taon ay hindi naman matagal, hindi ba? :) Dahil sa susunod nating pagkikita, ako naman ang magsasabi ng "Tadaima!" :D

    Labels:

    "Ang isang taon ay hindi matagal. :)" was Posted @4:10 PM | 0 lovely comments
    Iterashai Mommy

    Tapos na ang biglaang bakasyon ni Mommy dear kaya naman sya ay handa na para bukas.


    Masakit man sa aking damdamin ngunit ako rin ay kahit papano'y sanay na sa trip ng Mommy ko. Uuwi ng biglaan. Minsan magtatagal. Minsan sandali lang.

    Ngunit dahil ngayong oras nato e pinapatulog nya na ko, bukas ko nalang ipopost ang isang madamdaming post na para sa kanya. HAHA. K, mabitin ka. :))

    "Iterashai Mommy" was Posted @12:20 AM | 0 lovely comments
    Buti nalang andyan ang Pet Society.

    Bakit kaya nakakasakit ng ulo ang biglang pagkain kapag ikaw ay pagod? :|

    Siguro dapat nagpapalakas pala ako ngayong bakasyon. Kasi dapat hindi nako masyadong nagpupuyat. Kasi naalala ko, mas puyatan nga pala ang hahantungan ko sa pasukan. Kasi nagulat lang naman ako, at biglang lumabas ang senyales ng mababa kong dugo - pasa. :(( Di na kami bati ng shorts. :))


    Father, hipuin nyo po ang puso ng Nanay ko na magpahypnotize sakin na angkinin nya nalang si 3GS. Lam Nyo na. :> Marunong na naman po ako maghintay e. Kaya malamang mahihintay ko si 4 dito sa Pilipins. :)) Pero pwede naman po akong magpakaexcited kasi andyan naman si Tita. KASOOOO, Father, handa po ako maghintay at ituring na challenge ito basta makamit ko lang si 4. HAHAHA Sige na naman pooooo. Kahit White nalang sya. Kahit di na Pink. Dahil sa panahong to, medyo choosy nalang po ako. HEHE :> Father a? :> :> THANK YOUUUUU! :*

    "Buti nalang andyan ang Pet Society." was Posted On: Friday, June 11, 2010 @11:58 PM | 0 lovely comments
    Balik ng Layout

    Kelangan ko lang gamitin to. BASTA :))

    "Balik ng Layout" was Posted On: Thursday, June 10, 2010 @12:31 PM | 0 lovely comments
    Init ng Katawan

    Kahit na masama ang pakiramdam ko at mainit na ang buong katawan ko, di ako magkakasakit. In Jesus' name!

    Isang lugaw lang yan. :>

    "Init ng Katawan" was Posted On: Wednesday, June 9, 2010 @9:11 PM | 0 lovely comments
    Maluho Ako.

    Ansaya naman ng Apple sa paglabas ng iPhone4. Dapat din ba ako maging maligaya kasi di ko pa nga napapaopenline si 3GS, may 4 na? :)) Sana hingin nalang ni Mommy si 3GS. Tas palitan nya ng 4. BUAHAHA :)))


    May laptop bag nakooo! :)) Okay, may laptop bag naman talaga ako noon pa. Kaso, kahit na gano pa sya katibay at kakapal at kaPINK, wala syang strap. :| Sakto lang sya bilang lalagyanan ng laptop kapag itatago na. Pero finally, nakuha ko na kelan lang ang laptop bag, na matibay, na tama sa kapal, at PINK na PINK :> :)) May strap na! :)) So congrats to me. :))


    People, meet Niko. :)

    Ang bebe ko na finally e nakuha ko na! :))Ang kulit lang dahil kung kelan ko sinabing di ko na sya ieexpect na dumating last week, saka dumating. HAHA

    PS. Don't mind my haggard face. :)))


    Bat kaya bigla ko gusto magkaron ng PSP? o.O Kaso ayoko nung Pink e. Ang dull kasi ng pagkapink nya. >.< Parang gusto ko yung White nun. O kaya yung Pink nalang ng DS Lite. Pero ewan, PSP white talaga e. :|


    Ayoko pa pumasok :'( Yun lang.

    Labels:

    "Maluho Ako." was Posted On: Tuesday, June 8, 2010 @7:17 PM | 0 lovely comments
    So bakit ako hindi makatulog? o.O

    Kainis ka po Ryan Perez! Dahil sa walang gana mong pag-tag at comment sa fb ko, di nako nakatulog! :( :)) TuT

    "So bakit ako hindi makatulog? o.O" was Posted On: Monday, June 7, 2010 @4:41 AM | 0 lovely comments
    Soon.

    Namimiss ko magkaron ng Youth Concert sa church na yung tipong puro praise and worship talaga at walang ibang halong pakulo. Yung Praise and Worship lang tas Message. Yun lang. Ewan ko ba. Or siguro mahabang mahabang oras ng Praise and Worship. XP Tapos yung tipong gathered ulit lahat ng youth ng FREE Mission. Parang Youth Congress uli. Yung ganon.


    Kasi nakakamiss yung wala kang iniisip at yung pinunta mo lang talaga sa church e yung isipin kung gano ka kamahal ni Lord e. Kasi nakakamiss yung magkakantahan na tapos lahat kayo nakatayo. Kasi nakakamiss yung pagtapos ng masasayang kanta at nagsasayawan kayo ng walang hiyaan, magkakanta naman ng solemn. Kasi nakakamiss yung kumanta ng solemn tapos walang ibang iniisip kundi si Lord lang. Kasi nakakamiss yung wala kang inaasikasong iba at concentrated ka talaga sa ginagawa mo. Kasi nakakamiss yung magtataas ka ng kamay at maiiyak sa pagfill ng Holy Spirit sayo at yung hindi ka mahihiya dahil super hindi mo macontain yung grace ni Lord na nirireveal sayo. Kasi nakakamiss yun e. Nakakamiss.


    At I pray mangyari ulit yun. Yung tipong kahit hindi kami lahat nakared.

    "Soon." was Posted On: Wednesday, June 2, 2010 @10:59 PM | 0 lovely comments
    Ayoko ng ganto.

    Ayoko ng nawawala sa mood. Ayoko ng nalulungkot. Ayoko ng gumsing sa panget na aura. ARGH. :|



    Kanina. Galing ako sa Malayan Colleges of Laguna. Sinamahan ko kasi si Jesza na mag-enroll at naipangako ko na yung date na yun dahil sadly, hindi ako makakapunta sa birthday nya sa Sabado. :| Nakakahiya lang dahil ako na nga lang ininvite nya sa family dinner nila, tapos di ako makakapunta. Sayang. >.<

    Nameet ko na din kanina ang mga kaibigan nya doon at yung mga taong nababanggit at naikekwento nya sakin. Ang nakakagulat lang, ANG DAMI NG PINAKILALA NYA. TuT Wala, para tuloy akong naculture shock. HAHA. Pero natuwa naman ako dahil friendly silang lahat. :)) Lalo na sila Arriane at Ritz na mahal na naming tatlo ang isa't isa. :)))

    Wala, super flattering ng araw na to. :">


    Nakita ko din sila Marvin, na hindi na muli nagpakita dahil umuwi na. Lagot ka talaga saken! >:P Si Danny at Jason, na puro kalokohan ang dala. HAHA Si Kayna na namiss ko ng sobra at kinukulit ako kung bakit daw ako blooming. ANUBAAA :"> Labooo. :))) Si Joven na inissue pa ni Jason na ex ko. :)) Kainis e haha. Si Abie na nayakap ko bigla dahil sa gulat. HAHA At si Jonan na pinapaalis ako dahil bawal daw don ang mga taga-Uste. HAHA


    So habang nagaaway ang mga tagakabilang iskinita dito at naririnig ko silang nagsisigawan, natatawa padin ako dahil kaclose ko na sila Arriane. HAHA. Ambait kasi nilaaaa. SWEAR. :> Tsaka makukulit at madadaldal. So that's why ;p At yun. Nakita ko na din ang mga dapat kong makita. :)



    Bukas. Enrollment ko naman. Nakakatawa kasi bigla nagsipagramdaman ang FF sa text. :)) Bigla nagtanungan kung what time magkikita kita bukas. Ohkay, pakilate-an lang po ;p HEHE At kahit na may kukuhanan pa kaming Media Team (church ministry) ng Video Testimony, talagang kelangan ko magpakaenergetic sa pagod at haharapin kong byahe. :> Naway.. Naway lang talaga. HAHA.


    Sa Isa Pang Bukas. Uwi ni Mommy dito. Grabe lang naman sya dahil kahapon nya napagpasyahang umuwi. OH-KAY. Pero naiintindihan ko naman dahil alam kong sobrang nalungkot sya at yes, umiyak sa pagkamatay ng Ninang ko na best friend nya. So siguro ikabubuti na nga na umuwi na rin sya. :) Nakakatuwa lang si Mommy at nakakatouch. Talagang desidido sya umuwi kahit sandali lang para makita at makasama sa huling sandali si Ninang. God bless my ninang and her family. Amen.

    "Ayoko ng ganto." was Posted @10:38 PM | 0 lovely comments
    1up.

    "When you leave your comfort zone, you'll appreciate more things in life."


    Hindi ko sigurado kung ayan nga talaga ang eksaktong mga salita sa isang quote na nabasa ko. Pero sigurado ako na ganyan ang ideya na gusto nyang biatawan. Leave your comfort zone.


    Habang tayo'y lumalaki, hindi natin maiiwasan na matakot kung ano man ang surpresang meron ang hinaharap sa atin.   Darating talaga sa puntong madidisappoint tayo kapag ang mga bagay at tao na nakasanayan natin ay mawawala. Malulungkot talaga tayo dahil ipapakita sa atin ng reyalidad, na hindi lahat ng bagay at taong nandyan ay tumatagal. Na hindi lahat ng andyan, andyan habang buhay.


    Darating talaga sa puntong tayo ay magiging mag-isa. Magsosolo. Wala ang presensya ng mga dating sumusuporta sayo. Wala ang kahit sino. Ikaw lang. Ikaw lang magtataguyod sa mga bagay na ginagawa mo. At kung patuloy mong iisipin ang mga ito, talagang nakakatakot. 


    Dahil sa mga bagay na napag-usapan kagabi, naappreciate ko ang 1up. Malamang familiar ang kahit sino sa mga berde at pulang kabute na yan. Nilalaro ko padin yan hanggang ngayon e. HAHA 

    Akala ko noon, magaling ka na kapag nakakuha ka ng pulang kabute. Pero ang pulang kabute, nakakatulong lang para lumaki ka. Pero pagtapos non, wala na. Nakakatulong sya para kapag nakagat ka ng kalaban, liliit ka lang. Pero pag nagkamali ka uli, patay ka na.

    Kaya naman malaking importansya kapag nakakuha ka ng berdeng kabute. Kapag nakuha mo ang 1up. Kasi pag nagka1up ka, dagdag buhay. Naglevel up ang buhay. Di ka man lumaki, alam mo, naglevel up ka sa buhay. Kaya ito lagi hinahanap ko sa Super Mario e. :)))


    Minsan nakong naiwan ng mga kaibigan sa isang sitwasyon. Hindi ko naman sila magawang masisi, at hindi ako nagalit dahil naiintindihan ko ang mga personal nilang pinagdadaanan. Yung mga kaibigan mong alam mong andyan lang kapag ipinatawag kayo. At yung mga kaibigan mong lagi mong kasama kapag nagtipon tipon kayo. 


    Ngunit darating talaga sa punto na magkakandawala sila upang matuto kang maging matatag at matapang kapag nagsolo ka. Malamang kaya hindi ako nakaramdam ng negatibo sakanila ay dahil naramdaman kong may maganda ding maidudulot. Na magkakaron din ito ng magandang resulta. At totoo, isang malaking bagay ang naitulong nito.


    Kapag natuto ka na mag-isa ka lang, matututo kang makisalamuha sa iba. Matututo kang makibagay. Makipagkaibigan. At matututo ka maging independent. :) Kapag iniwan mo ang comfort zone mo, matututo kang makita ang reyalidad na hindi mo dapat pangbinebaby ang sarili mo. Na makikita mo ang reyalidad na sa mundong ito, hindi sila laging andyan. Dahil kung lilinlangin mo ang sarili mo at aasahan mong andyan lagi ang mga bagay at taong ito, hindi ka matututo maging mag-isa. Hindi mo maaappreciate ang mga bagay na darating pa sa buhay mo.


    Kaya kapag natuto kang mag-isa, matututo kang maging handa sa bawat haharapin mo. Magiging matapang ka at matututo kang sa Kanya lang magtiwala. Dahil malalaman mo na lahat ay pwedeng mawala. Ngunit Sya ay patuloy na nandyan para sayo. :)


    - EDIT (060210) -

    "Once in a while you need to get out of your zone to appreciate the bigger picture." - R.G.
    Yan pala yung tunay na quote. HEHE

    "1up." was Posted On: Tuesday, June 1, 2010 @1:37 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.