The Break Up (2006)
"Yea, I completely agree with you. You know, an art teacher of mine once said. 'Never buy a piece of art that you don't have to have.' You know, don't worry about who the artist is or how much it's worth. I mean, you have to live with it everyday. You have to walk by it everyday. You have to really love it; you have to really appreciate it. It's kind of like picking a mate." - Brooke
Kung ang 1 plus 1 sayo ay equals 2, baka sa lalakeng kasama mo, hindi. Pero sa kaisipan niya, ikaw ang sumasagot ng 4, 6, 48, 190 sa equation na ito.
Mahirap magamayin ang isang sitwasyon kung pareho kayong di nagkakaintindihan. Na para sayo, tama ang sagot mo at mali sya at di ka naiintindihan, at ganun din naman sya kagaya mo. Pagkakaintindihan. Yun ang gusto mong ipunto.
"I'm just saying it'd be nice if you did things that I asked. It would be even nicer if you did things without me having to ask you!" - Brooke
"Nothing I ever do is ever good enough!" - Gary
Madalas malungkot ang mga babae sa mga bagay na hindi nangyayari ayon sa gusto nila. Madalas silang madismaya kapag ang bagay na inaasahan nila lalo na't mula sa isang tao ay di nagsangkatuparan. Na ang gagawin ng isang lalake ay taliwas at malayo sa bagay na kanilang iniisip at hinahangad.
Pero sya nga naman, let's give them a break. Hindi nga naman sila mind readers. Sabi nga ng nanay ni Ana sa Fifty Shades e ang mga lalake, sobrang simple. Simpleng 1 plus 1 ay equals 2. Na wala ng ibang solusyon at paliwanag pa. Na kung ano sinabi mo, yun na yon. Hindi na nila hahanapan ng iba pang ibig sabihin. Oo nga, baka tayo ang 1 plus 1 equals 648...
Pero hindi ba nakakapagtaka na kung bakit sa panahong chapter 1 ng istorya e madali nilang nakukuha kung ano ang gusto mo? Na madali nilang naiintindihan? O baka naman sadyang madali lang talaga tayo madala non? Na ngayong nasa chapter 54, saka mo maiintindihan at makikita ang pagkakaiba nyo. At san nyo nalang matatagpuan ang mga sarili nyo? Doon, doon sa kung saan nagsisigawan na kayo, nagtatalo at bigla makakapagsalita ng isang masakit at mabigat na salitang hindi mo na maaari pang mabawi.
"I'm done. I don't deserve this. I really do not deserve this. I deserve somebody who gives a shit." - Brooke
Mararamdaman nyong nakakapagod. Nakakasawa. Nakakainit ng ulo kung haharapin lang muli. Dahil paulit ulit nalang. Sino nga bang may gusto, hindi ba? Ngunit mawawalan ka nalang din ng interes na makipag-ayos dahil nararamdaman mo na ang pagod at nakikita mo na ang bigat ng sitwasyon.
Aasa ang babaeng makikipagayos ang lalake. Na para sating mga babae, sila ang mali. Sila ang dapat makipag-ayos. Kaya minsan di ako makasang-ayon kapag sinasabing mapride daw ang mga lalake e. Dahil alam ko, sa mga gantong sitwasyon, kahit na tayo ang unang susuko at maghahangad ng positibong resulta, tayo padin ang manghihingi ng pagsuyo.
Kung iisipin, tayo ang madaling bumigay sa likod kung san di nakikita ng iba. Tayo yung gumagawa padin ng paraan upang magkaayos kahit na sa isipan nila'y tayo'y paalis na. Ang weird no? Ganyan tayo e. Kahit na gano kahirap, basta alam mong mahal mo, di mo magawang sukuan kahit pagod ka na.
"Brooke, this whole thing has been really tough on me and I've tried to act like it hasn't been that tough on me, but the first Sunday after me and you broke up, it all kind of really hit me. ..... ... And, you know, when I saw you crying the other night, that was honestly the worst moment of my life. ..... .. Look, I know that I've caused you a lot of pain. And the funny thing is, all I really want to do is make you happy. I just want to make you smile. Now I've had a lot of time to think about some of the things that went on, and I know, Brooke, that I don't always do the right thing or always say the right things, but I am willing to try to do things differently. .... .. because it's not really about doing things that you love to do always, but it is about doing things with the person that you love. And I love you. ..... ... I've missed you so much. I promise you Brooke, I will do whatever it is that I have to do to never hurt you again. I love you and I'm sorry." - Gary
Kung aamin tayo sa katotohanan, alam naman natin na may mali din tayo. Sa isang relasyon, hindi nagkakaron ng problema kung isa lang ang may mali. Kung may isa palaging nakakaintindi. Ngunit ang relasyon ay para sa dalawang tao at laging may dalawang taong nagpapalago nito -- sa ikagaganda man o ikasasama. Mabuti para sayo kung palagi mong nakikita ang mga mali mo. Mas mabuti kung palagi mo itong naitatama sa puntong ikaliligaya at ikakadagdag sa kaligayahan nyong dalawa. Ngunit pano kung bulag ka? Paano kung masyado ng huli na ito'y iyong nakita at masyado ng huli upang ito'y iyong ayusin?
"...but I don't think I have anything left to give. I'm sorry." - Brooke
Hindi lahat ng nagmamahal, nagpapatuloy. May mga nagmamahal din kasing napapagod at humihinto, pansamantala man o hindi. Hindi sa lahat ng bagay may uunawa. At hindi rin siguro maganda kung palaging maghihintay para sa pang-unawa.
May mga taong nagbibigay ng atensyon sa maliliit na bagay. May mga taong ding mapagpalaki nito. May mga taong mahilig magdemand ng mga bagay kung saan nalilimutan na nila tignan at balikan ang mga effort na naibigay na. Na sa paghahambing nila ng mga bagay, nalilimutan na nila ang side ng isa. Sa relasyon hindi uso ang selfishness. Kasi hindi nalang ito self.
1 plus 1 equals 2. Yan ang alam nating lahat. Lahat ng sumagot ng 2 ay tama, magkakaiba man ang paliwanag kung pano ito nakuha. Ngunit dito nagkakaron ng pagtatalo, sa iba't ibang paliwanag. Na mas nagiging focus ay sa eksplenasyon kung pano sinagot ang equation. Nalilimutan, na sa isang relasyon, hindi naman talaga 1 plus 1 equals 2. Hindi naman talaga importante kung ano ang paliwanag kung parehong tama ang punto nyo e? Kung pareho itong tatama para maging malago pa ang pagsasama nyo.
Ang relasyon ay isa ding equation. 1 plus 1 equals 1. 1 talaga ang dapat na maging sagot. At kung pano ito maipapaliwanag? There's no explanation for love. It's just about how you see things the way you will both grow as one.
*PS. HINDI KO DIN ALAM KUNG NALAGYAN KO ANG POST NA ITO NG SENSE. :))))))
Labels: gantoakomagmoviereview
Photos of Graduation Picture Day
1st pic: Umay-slash-gutom face while waiting.
2nd pic: Practicing the smile. :))
3rd pic: A memory to take with my "daughter"
*After doing my hair and make up by Tita Joy V. Waiting in line for Toga and Formal Pic with Kata. :)
(from left to right: Claire Ting, Janna Jaotegan, Katherine Apodaca, Kimiko Rato)
*Claire for Toga pic, Janna's all done, Kata and I are for Fashion pic.
*Jazer's been cheery; photographer in action for me to drop boredom. Haha
*Speaks for: Vanity Overload!
*And to the one who volunteered to be my PA yesterday til forever, who's been there to cheer me up, make me laugh, and annoy me, who had the patience dealing with my irritations, shouts and bossiness that whole day, to the one who has been very helpful for me for the past year and to the one who spoiled this photo for showing that wacky-annoying face!! :)) (You spolied my make-up-all-prepared face, tss haha), THANK YOU VERY MUCH! :)
Labels: industrial design, parasayo, sabaw
Palanca for Myself
Hindi ko plinanong magemote ang magbasa nga mga Palanca na ginawa ko noong bago magretreat. Nagaayos at naglilinis lang naman ako ng folders ko sa laptop. :)) Ngunit naging blessing in disguise pa ang procrastination move ko na ito. Dahil habang nagbabasa ako, isang verse ang nakapagpalinaw ng aking kaisipan. :)
To be honest, medyo kinakabahan nako at napepressure dahil wala padin akong final design hanggang ngayon. Ibig sabihin non, wala pakong prototype. At hindi padin gawa ang thesis book ko. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko, sa thesis lang ako nangangamba. Siguro alam ko kasing nagiging maluwag ako masyado dito.
Alam kong gusto ko itong gawin. Gusto ko itong tapusin. Tiwala din naman akong papasa ako. Alam ko kasing di ako papabayaan ng Tatay ko. Ganado din naman akong gawin ito. Ngunit sa twing haharapin ko na, bigla mawawala ang focus ko. Sobrang dali kong madistract. At hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong pilit ko sa sarili kong bumalik sa paggawa at pagfocus sa thesis, hindi ko magawa.
Ayun, sa kabutihan Nya, ako'y muling naempower upang ipagpatuloy ang thesis na ito na aking sinimulan. Bigla akong nabuhayan dahil alam kong kasama ko Syang gagawin ito. Oo, hanggang thesis kasama ko Sya. Hanggang sa pinakamaliit at walang kakwenta kwenta pa ng buhay ko, alam kong sasamahan Nya ko.
Kaya ito, para sa pagpapasalamat ko sa habang buhay na sustaining love and grace na ibinibigay Nya sa buhay ko, tatapusin at ipapasa ko ang thesis na to! :)
Labels: industrial design, thesis story
My Merry Christmas Story (On What Kept Me Busy)
ALUMNI DAYBiglaan nanaman ang pagabsent ko sa school dahil sa imbitasyong bumisita sa Amazing Grace School. Syempre, di ko naman imimiss ang oportunidad na makita ko si Gayla, ang isa ko pang bestfriend. :)
Wala, parang isang buong araw na kwentuhan kasama si Gayla, Bethany at kulitan kila David, Harvey, Louis, Cheene at Lyka na mga namiss ko ng sobra!
Sayang lang wala si Jesza.
batch namin sa semifinals sa basketball. :))PASKUHAN
Ang pinakabusy na araw.
Nagsimula ang muna ko ng gumising ng 4am para mag-asikaso sa Simbang Madaling Araw sa EFC at punong abala dahil BenGen ang nakatoka. Nangyari namang mabuti ang lahat.
Medyo naging mabilis nga lang ang araw dahil natagpuan ko nalang din ang aking sarili sa bahay nila Jazer dahil Christmas Party nila, anniversary ng magulang nya at birthday ng tita nya at invited daw ako. Katuwa nga e, dame pagkaen. HAHA joke! Di, ang bait kasi nilang lahat. Syempre kilala nanaman nila ako e. :))
*At ang controversial na picture namin sa Facebook!
Pagtapos sa bahay nila, dumeretcho na kami sa UST para matunghayan ang fireworks! Kaso, FAIL. Kasi ang aga masyado ng fireworks. -_- Buti nalang din may exchange gift ang FF kaya may worth padin ang pagpunta ko. Isa pa, huling taon na! Kelangang pumunta! :)))
At thankful ako ng sobra sa gift na eto ni Kevin dahil sobra nakong in love sa Truffles! :))) Sa mga may plano pang bigyan ako ng truffles, maghihintay ako hanggang birthday ko. :))))
BENGEN'S CHRISTMAS PARTY
Malungkot dahil onti lang kami dahil madaming may work ng araw na yon. Ngunit masaya dahil tagumpay naman ang Christmas Party at madaming food for us! :D
Sayang din dahil wala akong picture dahil ako ang photographer. :)) Effort pa naman ako sa headband ko!
Kinabukasan naman ang party ng EFC. Ayun, di nanalo yung BenGen sa laban. Haha! Pero ayos lang. Masayang nakakuha ng Porsche car at madaming regalo mula sa gift giving at sa raffle. Pagtapos ay kami'y nagsalo salo. :)
CHRISTMAS DAY
Palakpakan sakin sa pagluto ko ng Carbonara at Mojos. HAHA Pero malungkot dahil ang aming mga kamag-anak ay nasa kanilang inlaws lalo na si Seb. :( Kaya onti lang kaming nagsalo salo sa Noche Buena.
Tumawag naman sakin si Mommy para bumati. At yun, di din natuloy ang Skype namin kinabukasan.
Masayang nagsimba ng umagang yon at pumunta sa Binayagan pagtapos. Masaya din ako kahit na alam na alam kong matutuwa si Sarah sa regalo kong mic sa kanya, haha! Pagkauwi ko'y di natuloy ang Skype namin ng nanay ko. Nagyaya ako sa mga pinsan ko ngunit mga busy sila.
Naramdaman ko namang sale sa Forever 21 kaya naman si Jazer nalang niyaya ko. Ayun, pagdating ng bahay, may regalo. :)) Ang saya lang, ang dami kong regalo, hahahaha!
Ngunit di din kami natuloy sa MOA dahil oa pala talaga ang traffic kaya nagYellow Cab nalang sa Taft. Sarado pa Zark's.
Pagkauwi, saka ko lang binuksan yung regalo sa harap nya. At yun....di na ko magkandamayaw sa kakatawa! =)))))))))
Isang Araw
Ako'y maaga pumasok sa school dahil..wala lang. :)) Gusto ko lang maaga e. Kaya naman sabi ko kay Claire e punta nalang ako sakanila. Tinawagan ko din si Abi at tinanong kung asan sya. Sabi nya papunta daw sya ng temple. At dahil nakarinig ako ng "temple", nagpantig ang tenga ko. Syempre, gustong gustong gusto ko pumunta sa temple e. Makapasok ba sa loob neto. :P
So to make the long story short.. nakarating kami sa Seng Guan Temple! Eto yung temple na malapit o halos nasa likod lang ng Chiang Kai Shek College.
*Ang Seng Guan Temple. Bow.
Pagpasok namin sa loob, amoy ko na agad yung insenso. Medyo may kadamihan ang tao. Tapos medyo maingay dahil sa dalawang aleng intsik na nagdadasal at bigbiglang magtatapon ng dalawang piraso ng kahoy (?) na pareho ang shape. Sabi ni Abi, para daw yun Yin-Yang. Para daw mabalanse ang buhay mo.
Ang iba naman sakanila ay nagpapaingay ng mga itsurang insenso din na nasa maliit na vase sa tabi ng lamesang nakikita nyong may mga bulaklak at mga plastik ng pagkain.
Pasensya na, hindi ko masyado natanong kung ano ba tawag don dahil takot akong magsalita. Sa isang intsik na lamay kasi na pinuntahan ko kasama si Claire, bawal daw tumawa sa loob, sa may tapat ng kabaong. Kaya pakiramdam ko, bawal maging malikot at maligalig sa bawat lugar na pinaliligiran ng mga intsik. :)))
Sa isa pang malaking kwarto sa kanan neto ay isang hall na pinagdadausan din ng misa. At ang isa namang kwarto sa tapat non ay para sa kainan ng mga monghe.
Sa larawan sa itaas ay matatagpuan sa isang malaking kwarto sa kaliwa. Ang mga itsurang ginto na nakikita mo ay mga papel na may pangalan ng mga patay. Ito'y padasal para sakanila. May mga pagkain, litrato at kung anu ano pang gamit ang makikita mo sa loob.
Sa likod nito mo makikita ang nasa larawan. Isa itong malaking kugon kung saan sinusunog ang mga isa pang uri ng papel na kulay ginto na nagsisimbolo ng pera daw sa langit. Isa kasi ito sa mga paniniwala ng mga intsik. Sunugin ang pera para may pera sa langit ang namatay na taong pinagdadasal mo.
Eto ang isa sa major surprise ni Abi. :)) Sa totoo lang, nagandahan ako sa parte na ito ng temple. Yung mga buddah na iyan ay seryosong malalaki. Mga buddah na mailalarawan mo na sikat na buddah sa Thailand. Promise, yun una ko naisip. :))) Lahat ay kulay ginto.
Mga kwarto upang ikaw ay magdasal at magbow sa mga buddah para respeto. Bawat kwarto ay may buddah. Palagay ko, magkakaiba ang mga sinisimbolo ng mga buddah na ito. At pupuntahan mo sila depende sa panalangin mo.
Quick photo ng mga bisitang nagbabow at may hawak na insenso sa harap ng buddah.
At eto? Dalawang iphone case na nabili ko pagkalabas sa temple. HAHAHA.
Ngunit di pa nagtatapos dito ang paglalakbay namin sa araw na yun.
Mas naging masaya ang araw ko ng.....mapadpad kami sa Ongpin.
Well, syempre, nasa Ongpin ka na, edi kumain ka na! :)) Motto na ata namin yan e, jusko. -_- Kaya natagpuan nalang namin ang aming mga sarili sa tapat ng Golden Fortune kung san kami binaba ng driver nila Abi.
Chinese foods? Nako! May cravings list ako dyan! ;)
Una naming inorder ang Century Egg Roll. Na Hakaw sana. Ngunit sawa na daw si Abi don kaya bago naman. Pangalawa ay ang..
*NIDO SOUP~~! :3*
At eto ang matagal tagal ko ng hinahanap. Masarap kasi e, pasinsha. :)) At Ongpin na to e, syempre target na yan! :))
*Yang Chow*
Eto pa ang isa sa mga target. Yang Chow! Sobrang di mawawala sa listahan yan. Ang Yang Chow na siguradong may lasa, haha!
*Oyster cake!*
Omaygaaaaa~shhhh! Must try na to kung tutuusin! Para sa mga mahilig sa torta. Eto ang tortang may kakaibang lasa. ;)
*Scallops*
Di ko alam kung ano talaga ang pangalan neto base sa menu pero alam kong scallops sya. :)) Masarap din. Malapit ang lasa sa tahong. :)
*Schezuan Spicy Beef*
Pero feel ko mali yung name neto. Haha! Basta tanda ko eto yung sobrang anghang na beef e! :)) Pero masarap. *thums up*
At ang dessert na di namin inaasahan! :)) Eto ay actually, surprise. Feeling namin it's on the house. Di pa kasi kami agad agad tumayo pagkakain. Dahil inaantok na kami (siesta time na) at mainit sa labas. Haha at yan, bigla syang dumating. At masarap din. Kaya overall, masayang kain naman sa Golden Fortune. :)
Note: May 50% discount sa dumplings and rolls pag patak ng 2pm. At pahirapan pa ang pag-alis namin sa restaurant na ito dahil natapos kaming kumain ng alas dos na ng hapon. :)))))
Sticky Note
Kasi iniisip ko na baka pagnagpalit nako ng layout e babalik ang sipag ko sa pagbablog. :P
At Ako'y Nagbalik
Pano na nga ba magblog? :))"Tell me who your friends are and I'll tell you who you are."
"Love makes the world go round."
"Mothers know best."
"It's too cool for school."
"One father is more than a hundred schoolmasters."
Ayan nalang muna for now. :)


















































Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.