Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Loko to si Kulin a.

    Laughtrip. :))

    *doorbell -- dingdong!*

    Ako: 'Lin, tignan mo nga kung sino yun.
    Colleen: Sino ba inaasahan mo? *pang-asarlook*
    ....
    ....

    Ako: Yung karaoke. *belat*

    "Loko to si Kulin a." was Posted On: Friday, December 31, 2010 @2:03 PM | 0 lovely comments
    Ako ay may kwento.

    Isang araw, sa malayong bayan, may isang batang babae na ipinanganak. Akala nila lalaking duwag ang babaeng ito dahil malakas ang kayang unang iyak sa mundo. Kaya laking gulat ng lahat ng matunghayan nila kung gano katapang ang babaeng ito habang sya'y lumalaki.

    Pinangalan ang sanggol na Beth. Na ang ibig sabihin ay "dwelling place of God's grace". Ang ganda diba? Kaya sa paglaki ng batang ito, praktisadong praktisado nya ang grace ni God sa mga taong nakapaligid sakanya. Lalo na sa isangdose nyang anak. Tama, nagkaanak ang ating bida ng isang dosena. Sa totoo lang, labing isa lamang ito. Nagampon nga lang sya para mas masaya. :)) Nanganak sya ng walang amang tumatayo sa kanyang mga anak dahil wala syang asawa. Oo, GRACE nga e. Kapangyarihan ng Diyos ang gumalaw, hindi batas ng tao. Parang si Abraham at Sarah lang. :>


    Sa isang dosena nyang anak, iba iba ang mga ugali neto. Iba iba ang mga gusto. Iba iba ang mga hilig at topak sa buhay. Pero dahil lumaking matatag si Bidang Beth, nagampanan nya ng mabuti ang pagiging ina. Minsan nga lang, nagdadoubt sya hehe. 

    Hindi ko man alam ang buong istorya ng kwento ni Beth, pinapasabi na ng may akda na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal sya ng kanyang mga anak. Ayan, iispoil nya na daw sa mga mambabasa dahil alas dos na ng umaga. HAHA.


    Maraming bagay at sitwasyon ang dinaanan narin nila, ngunit sana'y walang sukuan. Masaya ang kanilang pamilya. At sa sobrang saya, ayaw nilang maghiwahiwalay. :)) Sa dami ng dinaanan, nasubok ang lahat. Nagkakilanlan. Siguro nga kaya walang tiyak na dahilan kung bakit mahal ng One Team ang isat isa ay dahil wala ring tiyak na dahilan ang makakapagbuwag sakanila.


    Maraming problema at isyu sa buhay ang dinaanan nila kamakailan, pero tingin ko, hindi dahilan yun para sumuko sa isat isa. Lalo na kapag alam mong ang isat isa lang din naman ang kailangan. :) Oo iba iba ang tao. Pero sa puntong to, nakikita kong may dahilan kung bakit pinagtagpo ang labingdalawa/isang mga batang ito sa sinapupunan ng kanilang inang si Beth. At kahit di man sila makapagsalita sa ngayon dahil sa pacifier sa kanilang mga bibig, pakiramdaman mo lamang, sisigaw na silang.."Mahal na mahal ka namin Ina." :)



    Mama B. :) Di ko man mailagay o magamit ang mga magagandang salita para masabi ang lahat ng mga gusto kong sabihin, sakto naman ang mga ito na gagamitin ko para maiparamdam sayo kung gano ka kahalaga sa buhay namin. 

    Totoo, kahit ako'y umabot sa puntong pakiramdam ko'y kontra ka sa mga bagay na ginagawa ko at naiipit ako. Pero later I knew that you have the best reason and the best plan for me. To make way for the things I want to see. I LOVE YOU AND YOU MUST KNOW IT. Kapos ang isang blog post para sabihin kung gano ako nagpapasalamat sa buhay mo.


    Wag na natin layuan..alam mo kung gano ako nagpapasalamat sayo sa pagiging MAMA B mo noong mga nakaraang araw. Sobrang thankful ako to the point na naiyak pa talaga ako sa harap mo, haha! Hindi ko talaga mean na umiyak pero kasi....masarap maglabas ng saloobin sayo e. :) Dahil alam kong andyan ka lagi para makinig. :) Alam mong di ko ginagawa ang lahat para sa ano mang purpose. Isa lang naman ang dahilan ko kaya ako nagsstick sayo..BELOVED moko e. :) At patuloy kong ikeclaim yun. :)


    Salamat sa tiwala. Salamat sa pagmamahal. Ano man ang planong gawin mo para sa yong buhay, I pray na ako ang huling taong layuan mo. Kung isinama mo nako sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, ganun din ako. :) Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang ibinigay ni Lord para iguide ako at turuan ng mga bagay kaya ko napapagtanto ang maraming bagay ngayon. Salamat sa pagpaparamdam sakin kung gano ako kaimportante na dapat ng hindi magpakaimportante pa. :)) Salamat dahil bonus pang binigyan ako ng katalinuhan ni Lord para masabayan ka sa random thoughts, kutob at mga usapan sa mata. :)




    Tiwala ako na magiging maayos ang lahat dahil andyan ka. Tiwala ako dahil tiwala ka sa akin at alam kong wala akong dapat alalahanin sa mga bagay na gagawin ko dahil alam mong para sa makakabuti ito. :) Salamat sa lahat ng turo mo. Mahal kita, sobraaaa. >:D< Hayaan mo, sa tuwing kelangan mo ng hug, andito lang ako. :> 




    Ang lahat ng pangako, dala dala ko. :) Gagawin ko ang best ko para matupad to. :) Tanda kong "kami" ang isa sa nakakapagpasaya sayo kaya di ko hahayaang maging dahilan din kami ng kalungkutan mo. :) (Oo na, kahit na yun ang inaalala mo ngayon haha!) Salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para samin. At saka na ako magpapasalamat ng bongga tungkol dyan...kapag puno na ang alkansya. ;)






    MAMA B. Mahal kita at tandaan mo yan ha? :) Magkikita pa naman tayo at madami pang paguusap ang malamang na gagawin natin. :)) Pakatatag ka pa lalo kasi marami kapang maiinspirean na taong kagaya ko. :) Continue to be the dwelling place of God's grace. Dahil alam ko namang di ka din mauubusan ng grace..He is your dwelling place e. And we see grace, diba? :D


    Osya, eto na yung karugtong sa kwento ko sa text. Tutulog nadin ako. BIRTHDAY MO E. :))


    I LOVE YOU MAMA B. HAPPY BIRTHDAY! :*

    "Ako ay may kwento." was Posted @2:23 AM | 0 lovely comments
    HI. :)

    Tingin sa taas.
    Tas ngiti.
    :>

    "HI. :)" was Posted On: Saturday, December 25, 2010 @12:10 AM | 0 lovely comments
    Growing in Grace

    That's who I am. :)

    I see grace, sealed by Your sacrifice. I see love, reaching for me. Precious blood, washes and sanctifies. Healing flows, setting me free.

    Ako: Mama B. Payagan mo nako . Isang sampal lang, please?
    Mama B: Di pwede. Sampal yun e.
    Ako: Osige, suntok nalang sa tyan?
    Mama B: *iling* Ayaw nyang sinusuntok sya sa tyan.
    Ako: Malakas na kurot???
    Mama B: *iling* Miks..
    Ako: Osige po, hug nalang..
    Mama B: *ngiti* Wag. Matutuwa yon.

    Madami akong natutunan sa dalawang araw. Tama nga ako, sobrang matutuwa ako kapag nagkaron uli ng Youth Congress. :) Madaming tanong na meron ako ang nabigyang linaw. At maraming magulong bagay ang naging maayos. :) Sa kabuuan, nagpapasalamat ako kay Father God sa paggalaw Nya sa buhay ko. :)

    Unang araw palang, dami ko ng natutunan. Sa totoo lang, di pa nagsisimula, andami ko ng napagtanto. Andami ko ng nalaman. Minsan nga iniisip ko, masyado talaga akong mahal ng Tatay ko para ipaalam sakin ang lahat ng ito e. Sabi ko na e. Ayaw na ayaw Nyang nahihirapan ako. :D

    Hindi ko man ikekwento ng detalye ang mga bagay na nangyari, alam naman Nya kung gano ako kathankful sa lahat lahat. :) Alam Nya ang lahat. Syempre, alam din ni Mama B at Ate Kaye yon. HAHAHA At nagpapasalamat din ako sa mga taong to na ginamit Nya para icomfort ako sa mga gantong panahon. :)


    Tunay nga na kapag naintindihan mo ang Grace, malalaman ko kung san ka dapat pumwesto, san ka dapat lumugar, ano ang iyong dapat gawin, ano ang iyong dapat paniwalaan at alam mo na sa Cross kalang dapat tumingin. :) Malalaman mo, na kapag nagiging magulo na sayo lahat ng bagay na nakikita mo, matututo kang pumikit, at makakapagfocus kalang sa mga karapatdapat na bagay. :)


    Ang isang overflowing grace, dahil sa umaapaw sya, pati ang mga taong nasa paligid mo, apektado. Mahahawa. :) Kaya masarap mamuhay sa grace. Mawawala kagad ang inis mo at mapapatawad mo ang mga taong nakapanakit sayo. :) Maiintindihan mong di ka dapat dumedepende sa mga kaya mong gawin kundi sa mga kayang gawin ng Tatay mo. :)


    Bonus na nga na nagkaron ako ng madaming kaibigan at natuto ako ng selfcontrol at patience. :) Nakakatuwa dahil may nakapagpabilib sakin at napatunayang kaya nyang magbago. :) Siguro yung tungkol dun, sa ibang blog nalang :)) Wala pa sakin ang mga tamang salita para ikwento yun e. :)) Pero isa lang talaga masasabi ko..


    Grabeng pagmamahal ni Lord. :)

    "Growing in Grace" was Posted On: Thursday, December 23, 2010 @7:00 PM | 0 lovely comments
    Di ako bitter.


    Kaya mahal padin kita, Ferrero. :)

    "Di ako bitter." was Posted @6:26 PM | 0 lovely comments
    WAIT.

    Sobrang natawa ako dito. =))))





    Parang yung looking-for-a-sign picture lang sa previous post ko. :)) You made my night, We<3It. :)

    "WAIT." was Posted On: Saturday, December 18, 2010 @10:36 PM | 0 lovely comments
    Ansarap pakasalan ni Romance.

    Gusto ko ng romantic scenes.

    Gusto ko ng romantic gifts.

    Gusto ko ng romantic stories.

    Feeling ko, romantic ako. Pakasalan ko nalang kaya sarili ko? :))

    "Ansarap pakasalan ni Romance." was Posted @10:11 PM | 0 lovely comments
    Nakakalungkot na balita.

    May mga bagay akong gustong ikwento sayo, Blogger. Ngunit alam kong may pumapansin na sayo kaya kailangan ko na ding mag-ingat.

    Pero siguro nga kelangan ko nading matuto magkaron ng self-control. :)

    "Nakakalungkot na balita." was Posted @9:36 PM | 0 lovely comments
    Be strong.

    "Be strong." was Posted @9:34 PM | 0 lovely comments
    Instant Diet.

    Binilihan ako ni Mama ng siopao dahil nalaman nyang di pako naglalunch. Kaso di ko naman makain. :))


    Kala ko kasi tapos na kahapon.. Di pa pala..

    "Instant Diet." was Posted @5:45 PM | 0 lovely comments
    Gusto kong sumigaw.

    Ikaw, bakit ang praning mo?

    Di ba sabi ko naman sayo, kung sakaling makakakita sya ng iba, at magpabulag sya don, choice nya yon! Kakayanin mo naman magmove on e! Hindi mo naman kelangang isipin pa yan e. Kasi kung tutuusin, kapag dumating ang bagay na yan, dapat magpasalamat ka pa. Kasi alam mo, na di nya pala kayang manatili sayo. At least alam mong hanggang dun lang sya. Kesa kung kelang kayo na, tapos mapunta ka na sa malayong lugar at magiging malimit kayo mag-usap, saka sya dun maghanap ng iba. Parang..gets? :)) Alam mo yung isang malaking test kasi yan para makita mo kung faithful ba sya. Yung tipong kapag sinabi nya na mahal ka nya, alam nya kung pano alagaan ang salitang yun. Parang ikaw! Kaya di ba yun nga hinahanap mo? O at least kapag nangyari yan, alam mo na kung anong uri sya. DIBAAAA.

    Tsaka alam mo ikaw, minsan, ang negative mo din talaga e no. Malay mo naman di sya magpadala dun. Malay mo magstick padin sya sayo. Kaw naman, masyado kalang siguro nagiisip. Oo, alam kong masyado ka ng natatakot dahil alam mong wala ka naman kasing ginagawa. At alam kong takot ka na din naman masaktan pa, dahil ayaw mong magsettle sa taong di naman talaga para sayo.

    Pero eto nalang isipin mo..kung mahuhulog man sya sa bagay na ayaw na ayaw mo, hindi ba yun din naman ang gusto mo malaman? Dapat nga, magcelebrate ka pa e! At magpasalamat dun sa tao kasi dumating yung tao para mapakita sayo ang reaksyon nya sa mga ganung bagay. Be happy. Don't worry! Marami pang iba, ok? :D




    SAGOT:

    Pano kung sya na lang nakikita ko? Pano kung sya nalang naiisip ko? Pano kung ayaw ko na ilet go? Pano kung mahal ko na?

    "Gusto kong sumigaw." was Posted @5:36 PM | 0 lovely comments
    Isang Malaking Hingang Malalim

    ..para sa stress na nasagap.
    ..para sa mga isiping di dapat muna isipin.
    ..para sa mga dapat gawin.
    ..para sa mga dapat sabihin.
    ..para sa mga dapat pagdesisyunan.
    ..para sa lahat lahat.

    ..para matanggal muna sa isip at saka na bigyang prayoridad pagtapos ng Youth Congress dahil ito ang mas mahalaga. HEHE. ;p



    *SIGH*


    :)

    "Isang Malaking Hingang Malalim" was Posted On: Thursday, December 16, 2010 @11:40 PM | 0 lovely comments
    Childhood Memory: 1

    Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayokong pinapahiram mga laruan ko noong bata pa ako. Lalo na kapag yun yung paborito ko at lagi kong ginagamit. Sasabihin ng mga tita ko, ibabalik naman daw. Pero kahit pa sa akin ang bagay na iyon, ayokong makita na ginagamit sila ng iba. Dahil bukod sa gusto ko akin lang sya, natatakot akong baka di na nila ito ibalik.



    Isa pa, ayoko ding makita kung gano nila ginagawang pampalipas oras lang ito at iiwan din paglaon.

    "Childhood Memory: 1" was Posted On: Wednesday, December 15, 2010 @11:10 PM | 0 lovely comments
    Kahit Isang Bagsakan Lang.

    Isang tanong, BAKIT? Hindi ko alam kung dapat kitang pag-isipan ng ganyan. Pero ang totoo, kahit papano, natatakot ako sayo. Alam ko may isa kang bagay na nagagawa na di mo nalalaman para mangyari ang bagay na kinakatakutan ko. Pero napagtanto ko, kung ikaw man sya, okey lang. Maiintindihan ko. Maiintindihan ko at matatanggap lalo kung ano ang magiging resulta. Kung ikaw nga sya, hindi na nga siguro ako dapat matakot. Kasi dito ko makikita ang katotohanan talaga. Ngayon palang, kung ikaw man sya, nagpapasalamat nako. Salamat kung tunay kang dadating. :)


    Ikaw, napakaslow mo. Pwede bang paganahin mo naman utak mo. Ilang candy na ang binigay sayo, bakit di mo pa kinain? Bakit mo ba kelangang hintayin na chocolate na kagad yung ibibigay bago mo kainin? Nakakainis ka e. Sana naman mapagtanto mong malambot pa ng sobra yung chocolate kaya di sya sayo binibigay. Sana mapagtanto mo na hintayin mong tumigas muna sya. Hindi naman sayo ibibigay yun ng expired na e. Alam mo yung minsan napapaisip ako na baka may ibang chocolate na ibigay sayo. Kaso nilalabanan ko nalang na di naman yung paborito mong chocolate yung ibibigay nila kaya alam kong di mo tatanggapin. Pero naisip ko din, kung tanggapin mo man, siguro matatanggap ko din. Na kapag nagcrave ka pala ng chocolate, di na importante kung paborito mo man ito o hindi. Basta chocolate. At kung ganun man, alam kong di ka masasatisfy. BLEH. :)) At alam mo kung bakit dinaan ko pa sa ganto? Alam kong di mo nanaman magegets e. >.< HAAAAY. :))



    I'm sorry. Najudge kita.



    Medyo disappointed ako sayo. Di ko akalaing aabot ka sa ganto. Sana maisip mo din yung mga nangyari sayo noon. I pray na mapagtanto mo kung gano ka dapat maging mapagpasalamat dahil andyan yung mga taong to para sayo simula noon. Alam kong di mo nanaman alam ang gagawin mo. Eto lang yan e. Una, tanggapin mong mali ka. Pangalawa, humingi ka ng tawad dahil nakasakit ka talaga. Pangatlo, wag ka ng mamuhay sa buhay na yan, dahil alam kong alam mong nabubuhay ka na dapat ng may katuwiran, sadyang nalilimutan mo lang. :) Wag ka mag-alala. Bumalik ka man, matatanggap ka pa din. Alam mong mahal ka namin.


    Sana wag ka maggive up. Kasi alam kong ikaw ang kelangan ng lahat. Although alam kong kelangan mo ng pahinga. Pero alam mo namang kami ang kalakasan mo. At alam kong kapag naging okey na ang lahat, hindi ka na muling mapapagod. Ganun mo kami kamahal, alam mo yan. :) Pamilya tayo. At kahit di man ganun kacertain ang tunay kong pamilya, alam kong ang mga gantong sitwasyon ay nakakatulong ng malaki para lumalim pa ang samahan. At kahit di man namin maparamdam at masabi sayo lagi, alam namin, mahal ka namin :) Wag ka sumuko. Para samin..please? :)


    Kahit ano mangyari, dito lang ako. Pero syempre kung masakit na, lalayo muna ako. Sana nga di ka din sumuko. Kasi alam kong kaya kong hindi. Sana nga makaya mo. Kasi kung di man, kakayanin ko din. :) Malabo ang lahat sa ngayon pero sana malaman mo na may tamang oras para luminaw lahat ito. Wag ka magmadali. Marami pa tayong dapat matutunan para maging okey sa hinaharap ang lahat. Magtiwala ka. Matutuhan mo sana yon. Maghintay at manalangin. Pakiintindi. Yan kasi ang dapat mong maintindihan para di ka na masyadong mag-isip. Wag mo gawing kumplikado ang simpleng bagay. :) Marami kang bagay na dapat gawin sa ngayon at doon ka muna magfocus. Magtiwala ka sa posisyon mo, hindi mawawala yan. :)

    "Kahit Isang Bagsakan Lang." was Posted On: Tuesday, December 14, 2010 @9:07 PM | 0 lovely comments
    Sana maisip mo na di mo dapat sabihin yan.

    Nakakasakit kasi. :) Wag ka na ngang slow, please. :))

    "Sana maisip mo na di mo dapat sabihin yan." was Posted On: Sunday, December 12, 2010 @11:16 PM | 0 lovely comments
    At sa pangalawang pagkakataon.

    Maulit nga kaya?.............Malalaman natin ang mga susunod na kabanata. :)



    Father God, alam ko, mahal Moko. Ang tiwala ko ay nasa Iyo. :)

    "At sa pangalawang pagkakataon." was Posted On: Saturday, December 11, 2010 @10:57 PM | 0 lovely comments
    Muli.

    "Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo?

    Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. 

    May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap.. at may iba na sumuko na. 

    Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa"

    (My Amnesia Girl)




     Second chance. Dalawang salita, ngunit nakapapagdala ng ibat ibang pakiramdam sa tao. Dalawang salita, na madalas na hindi maintindihan na iba. Dalawang salita, na kadalasang nabibigyang halaga, kapag nawala na.


    Ang totoo, mahirap ibigay ang second chance. Lalo na kapag mabigat yung kasalanang ginawa sayo ng isang tao. Lalo na kapag nasira na lahat ng bagay na pinaniniwalaan mo dahil sa isang tao. Lalo na kapag lahat ng iniingatan mo, nawala dahil sa isang tao. Dahil sa kasinungalingan, dahil sa pagaalinlangan, dahil sa maraming katanungan. Bakit kelangang maglaho kung kelan na pwedeng angkinin?


    Maraming tao ang takot sumugal sa buhay. At sa tuwing sila'y magkakamali at mapapagtanto'y sila'y may nasaktan, saka nila mapapagtanto ang importansya ng "second chance". At para sakin, ang dalawang salitang ito'y nagdadala lungkot. Dahil bukod sa isang paalala ito na may masamang pangyayari sa nakaraan, nagpapakita din ito na wala talagang epektibong first chance. Aware kaya ang karamihan na kapag nagbigay sila ng second chance sa isang tao ay may posibilidad parin sila'y saktan nito? O sadyang matapang lang sila sa pag-asang may pagbabagong maganda ang madudulot ng pangalawang tyansang ito?


    Tingin ko nga, walang taong makakapagperpekto sa pag-aalaga ng tiwala at pagmamahal. Tingin ko nga, lahat talaga ay capable na makapanakit. Tingin ko nga, kaya tumubo ang "second chance" sa mundo ay para sa lahat, upang makabawi.

    Ngunit sana, lahat ng mabibigyan nito, matuto. Sana magbago. Sana, tunay na makabawi sa mga kasalanang nadulot nila sa iba. Kasi ang second chances, ay sana'y pangsecond lang. Na sanay hindi na umabot sa sampu bago pa maramdaman ng tao na hindi talaga pwede ang mga bagay na di pwede. Na sana..makita ang importansya ng second chance, yung tipong alam nyang hindi nya dapat pa palampasin, at hindi na dapat pang pagsisihan sa huli.


    Pano nga kung yung taong para sayo nandyan lang sa tabi tabi? Naisnab mo na, natapakan ang daliri o sadyang di lang napapansin? Paano kung matagal na nga kayo magkasama? Magkaibigan? Nagmamahalan ng lihim? Paano kung biglang may umeksena pa? E paano kung minsan na pala kayong nagsama? Siguro nga pinagpala na talaga yung mga nakahanap na. Pero pano nga kung di pa dumadating yung iyo? Uupo ka na lang ba o magsisimulang maglakad? Pano kung manalangin ka kaya? Panalangin mo yung paglalakbay mo sa aspeto na yan ng buhay mo?


    Pero ikaw, paano kung isang araw makita mo ang taong nagsira ng isang parte ng buhay mo? Sasabihin mo din bang "Sino ka? Pasensya ka na ha kung hindi kita maalala. Naaksidente ako at nagkaamnesia." :)

    "Muli." was Posted On: Thursday, December 9, 2010 @9:04 PM | 0 lovely comments
    Last Minute Post






    Kahit last minute, I think it's worth it. :)

    Totoo, maarte ang mga babae. Totoo din, weird sila. I'll talk in third person here. Totoo, maemotional . At kahit anong pagbabasahng gawin mo ng mga ganto, kadalasan, di mo parin sila maiintindihan.

    Mahirap nga intindihin ang mga babae. Mahirap sila pag-aralan. Pero tingin mo, mas masarap ba mahalin ang isang tao na alam mo na at predicted mo na kagad kung ano ang lahat ng gusto? :) Di ka ba magsasawa sa pagsasama nyo ng isang tao kung palagi mo nalang common sa inyo ang lahat? Aminin mo, maghahanap at maghahanap ka dahil mafifeel mo din na sobrang walang challenge at thrill ang lahat sa araw araw. ;p


    Hindi na siguro ako magdadaldal ng mahaba dahil antok nadin ako. Pero kinuha ko ang mahabang statements na to mula sa blog ni Bruha para lamang sabihin na..


    ..ang babae, pinapahalagahan. Minamahal. Karapat dapat ingatan at di saktan.
    Dahil aminin mo man o hindi, hindi kadin mabubuhay kung wala yan. :)
    Marami nga ang babae sa mundo. At kadalasang magkakaiba padin sila.
    Pero alam mo sa sarili mo, may certain thing yang nasa sayo na hindi mo na mahahanap pa sa iba. :)

    "Last Minute Post" was Posted On: Sunday, December 5, 2010 @11:36 PM | 0 lovely comments
    Baka naman paguran talaga pag Friday.

    Tuwing Biyernes, mula 9am hanggang 8pm ang pasok ko. May break naman yon, 1hr. :)) Dahil 9am-11am ang first class ko. At mula 12pm hanggang 8pm na ang mga sumunod. Di lang dun siguro matatapos ang paguran, kundi isama mo nadin ang pagod pag-uwi ko sa bahay namin talaga. :)) Feel ko magpakapagod, bakeeet? :))


    *iclick para lumaki. ;p

    Nagsimula ang lahat noong paglabas ko ng dorm ay umuulan. Parang kakasabi ko palang ata na sana umulan nalang ng malakas, yung tipong babaha sa field para walang klase sa PE para naman makakatulog pako. :)) Football kasi ang PE ko this sem at inunahan na kami ng prof namin na ang PE na kinuha namin ay gagawin, rain or shine. :| Kaya ayun, kahit pa nakita kong maulan sa labas, di parin sya kasing tindi ng ulan na dapat mangyari para macancel ang PE class. *sigh*


    Nag-umpisa na ang PE at malamang kita naman ang dumi ng aming mga suot at ng aming mga binti at tuhod. Mukha lang sinemento ito sa personal sa dami ng putik. :| Nakuha pa kaming puntahan at asarin nila Ruther, Kevin at Ryan dahil cancel ang PE nilang Beach Volleyball. Osige na. Kami na enjoy much. Haaay. :))


    Pagtapos ng PE, syempre kanya kanyang ligo. Buti nalang na may dorm akong matatakbuhan. :)) Nagtext naman sila kung san kakain ng lunch habang ako'y nagliligpit ng gamit. Naalala ko kung pano namin kinorner ni Claire si Ruther at niyakap para dumikit sakanya ang mga putik dahil napakaarte nyang tao. =)) Ayun, naligo daw tuloy sya ng wala sa oras. :)))


    Pagdating sa BCG class, wala pang prof as usual. :)) Nakita naming andon na si Ryan na may sugat. HAHA Pano, hindi lang naman sya nagpapigil magbeach volley. Sabi nga namin e, hayaan na, depress kasi. HAHAHA. Kaya naman nagpasama nalang sya samin ni Kevin para kumain. Nakakatawa, sa Timbale sya bumili ng food pero sa 7eleven nya kinain. :)) Buti nalang mababait kaming mga kaibigan. :)))


    Dahil nga BCG, FREE, joooke! Haha. Di namin maiiwasan na di magpulong pulong sa iisang lugar kapag BCG. :)) Yung tipong kanya kanya naman kami ng computer pero sa iisang computer lang magsisiksikan. HAHA. Bakeeet, mahal kaya namin ang isat isa masyado hahaha. Naalala kong nagsearch pa si Insan ng *secret* dahil inaasar namin si Ryan at Kevin. :)) Ruther, ang pyramid. Hahaha! Oo, sobrang benta ng pyramid samen ngayon. magdrawing ka lang ng isang pyramid, madami ng kasunod na doodles yan. :))


    Adobe Illustrator na ang inaaral namin ngayon. Dati kasi, Corel Drawing at Adobe Photoshop. Hindi sya actually aral e, more on, maraming pagpapahirap ang prof na pwede naman gawin sa ibang application para mas madali. HAHA joke lang ;p Enjoy naman sa BCG kaya okey lang. :D


    Dahil nauto din ni Trish si Miss para makalabas na kagad kami, ayun, bigla nagkayayaan sa Santorini para kumain ng Ramen. HAHAHA. Imagine, 30 mins nalang bago ang next class. Pero siguro nga, kapag kasama mo kami, di mo mapapansin yon. Pano, mas importante kaya samin ang health. :> HAHAHA! Sa puntong to naman, award winning si Ruther para sa tagaktak ng pawis nya at pamumula dahil sa init at anghang ng ramen. Award din para kay Claire dahil sa pagiging maka---hmm, ano ba mas magandang word..:)) pagiging confident much! HAHA! Mahal kasi talaga ni Claire ang Kimchi, yun yon. :))


    Medyo nalate na nga kami sa last class. Medyo strict pa naman ang prof namin pero okey lang, di naman napagalitan. Medyo, naubusan lang ng tables. Buti nalang divider lang ang pagitan sa kabilang room. Problem solved! :)) Napatunayan ko sa mga oras na to na di talaga namin kaya makapagconcentrate ng matagal. >.< Kung nung una'y nakikinig pa kami, maya maya, nagkakakulitan na kami ni Ruther at Ryan dahil sa doodles na mga itsura ng FF hanggang sa pasahan ng Starbucks planner para sa mga sulat.



    Sobrang chisi leng.;p At natapos ang class at nagsimula nadin kaming mag Faculty Meeting para sa dream academy namin someday. HAHA


    Sayang lang na di na kami pwede tumambay masyado pagtapos ng friday classes dahil halos lahat ata kelangan na umuwi, especially me. :| Bukas na pa naman ang madaming madaming ilaw sa uste. Pero ok lang. Ang haba ng Friday naman ay sapat na para sa araw na yun dahil alam ko, madami pang araw ang meron para sa amin. :>

    "Baka naman paguran talaga pag Friday." was Posted On: Saturday, December 4, 2010 @9:03 PM | 0 lovely comments
    Im being random again.

    Hulaan mo kung baket. Ok, tama ka, wala nga akong magawa. :))



    Sobrang nakuha ng picture na to ang atensyon ko dahil napaisip ako. Oo nga, maraming taong hmihingi ng sign kung dapat ba nila gawin nag mga bagay bagay. Naisip ko naman, bakit di nalang ipagpray yung mga gusto nilang mangyari? Or sige, kung nagpepray nga, bakit kaya di nalang sila magtiwala kay Father God sa dapat na mangyari sa buhay nila? Hanggang sa napagtanto ko..Oo nga, mahirap nga yun. :)

    Pero come to think of it, it really takes a big faith to wait and trust for what you are really praying. Sana kapag nagpepray, nagtitiwala at naghihintay, nagpepray din na matanggap kung ano ang kakalabasan sa huli. Kasi sana maisip din na para naman sa ikabubuti natin yung mangyayari.


    Ewan ko ba. I have this feeling that waiting is really a big thing.






    Hindi ba nakakatuwa kapag may gantong tao na naghihintay sayo? Patiently? At sa kahit anong kagustuhan nya ng dumating ka o sa kahit na medyo nawawalan na sya ng pag-asa, patuloy pa din syang naghihintay? Hindi yung tipong paghihintay na masabi lang na naghihintay e. Kundi pinapakita nya at hindi parin sya umaalis dun sa pwesto kung san ka nya hinihintay. Hindi ba ang saya non? :)

    Siguro kaya mahal ko din talaga sa Sleeping Beauty e. Kasi portray na portray sa pagtulog nya ng mahabang panahon kung gano nya hinihintay yung Prince na magliligtas sa kanya. Pero sabi nga nila, di daw totoo ang fairytales.. Pero tingin ko, fairytales do happen. Only if we open our eyes and accept our own unique stories.. :)

    "Im being random again." was Posted @2:58 PM | 0 lovely comments
    Buhay na Hapon.



    Nagising ata mundo ko sa kantang to. Wala lang. Being random para mawala ang antok. :))

    "Buhay na Hapon." was Posted @2:39 PM | 0 lovely comments
    Baka naman terrified nga.

    Kasalukuyang nagpeplay ang iTunes ng Terrified ni Katharine McPhee at Zachary Levi ng biglang nagappear to sa We Heart It..


    Kewl.

    "Baka naman terrified nga." was Posted @1:56 PM | 0 lovely comments
    Stress Free Life

    Nakakatawa ang tadhana. Kung kelan ka may dapat gawin, saka maraming makikipagsabayan. Kung kelan ka masaya, saka may babalik at manggugulo. Kung kelan ka nagsisipag, saka ka ididiscourage. Ano, sinusubukan mo ba ako? :>


    Feeling mo kaya masstress ako. Im growing in GRACE na kayaaaa. :D Sorry ;p

    Ang tarpaulin design na to, Drawing Techniques Plate, Photography Plate, Sociology Notes, IND Bike Design at ang mga dadagdag pa...matatapos ko na kaya to lahat. BY FAITH.


    Kayaa..let's get it on! :)))))


    Read more »

    "Stress Free Life" was Posted On: Thursday, December 2, 2010 @7:56 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.