Napapagod na pala ako.
Palakpakan para sakin dahil nakabili ako ng chicken burger, french fries, Mcflurry at Coca-cola nung nakaraang Sabado. Tinopak lang naman ako at naisipang magMcdo mag-isa. Sa totoo lang, sobrang kinakabahan ako ng mga panahong yon. Buti na lamang at may gwapo akong nakatabi sa may istasyon ng tren. Kaso magkatalikod kami ((pero magkatabi ha)). Ganto kasi yun, nakaharap sya dun sa daanan ng tren ((at ako ay nakatalikod sa daanan na yon. Hindi kasi ako dun sasakay.)) Nagkatingin kami nun ni "nervous killer". Nakasumbrero sya ngunit nakita ko pa rin ang gandang lalaki niya. :)) Mukha syang artista. :DDumating na ang hinihintay kong tren kaya naman nagpaalam nako kay "nervous killer"/"ice breaker" ((LOL; pero syempre sa isip ko lang yon, hihi.)) Ngunit pagkapasok ng mga tao ay hindi pa din sumasara ang pinto nito. Mukhang hinihintay pa dumating ang tren sa katapat ((yung hinihintay ni "nervous-killer-slash-ice-breaker")). At syempre, pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na din ito. Narinig kong dadaan din pala ito sa Tamagawa ((ang lugar na bababaan ko)). Kaya naman nagdadalawang isip ako na bumaba. Syempre sa isang tren, makakasabay ko pa sya. Kaso naman, nawalan nako ng oras magdesisyon dahil sumara na ang pinto ng tren nila at umandar. Sinundan ko na lang sya ng tingin. : ((Ganda talaga ng porma nya.))
At yun nga, pagkababa ko sa Tamagawa ay tumungo ako sa Mcdonalds kung san e katapat ng istasyon. Natuwa naman ang nanay ko sa ginawa ko dahil ang galing ko daw. Haha.
Ngayon naman ay tumungo kaming pamilya sa Costco at bumili ng kung anu-ano tulad na lang ng malaking Downy, malaking Joy ((yung sabon na liquid)) at kung anu-anong pagkain. Pagkadating namin sa bahay, nagyaya bigla si Tita Heids magStarbucks. Naengganyo naman ako sumama sakanya kahit na inaantok nako dahil nung isang isang isang araw pako naghahanap ng Starbucks. :)) Hindi kami nagpahadlang sa ulan at humaribas padin kaming dalawa. Ayun, antagal naming naghintay ng tren sa istasyon ng Chofu dahil naghihintay kami ng express na tren ngunit walang dumadating. Kaya sa semi-express kami sumakay at katulad din pala sya ng express. Hahaha. Kaloka talaga. Nagbibiruan na lang kaming dalawa para malibang.
Nakuha pa naming magpicture-an. Haha. Nakakaloka talaga kapag nagsama kami ni Tita Heids. Aakalain mong gugunaw na ang mundo sa tawa naming dalawa. Naalala kong nung pag-uwi namin, sa labas ng istasyon ay may munting banda na binubuo ng tatlong lalaki ang nagprapraktis. Naisip kong pagMTVhin sya. Sabi ko mag-emote sya tas yung kinakanta ng banda yung kanta. Tas bivideohan ko sya. Pumayag naman sya dahil may "sapi" nga kaming dalawa. At yun na. Ngasimula na ang pagiging emotera nya at pagiging direktor-slash-camerawoman ko. May sumisingit-singit pa ngang mga tao e. Pero tuloy pa din. Pagtapos non ay pinindot ko ang record/stop na button. At biglang may lumabas na recording! Ayun pala ay hindi ko napindot ang record button kanina. Kaya tumawa na lang kami ng kalakas-lakas na animo'y walang mga tao ng tita ko dahil sa kaangahang nagawa ko. Ayun, umuwi na lang kami. Hahahaha.
Hanggang sa pag-uwi ay natawa kami dahil muka na kaming mga abnormal maglakad. Sobrang pagod baga. At isa pa, umuulan at nabasa mga suot naming sandals kaya madulas. Nawala ang lahat ng porma at poise. Dinaan na lang sa tawa. Laking pasasalamat namin ng makarating kami sa bahay sa wakas. :D
Labels: Tokyo Diary


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.