Ako si Kimiko Rato.
At nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nilikha Nya ako bilang si Kimiko Rato.Ngayong mga nakaraang araw, madami ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko. Dahil nabuhay ako sa buhay ko ngayon. :) Alam kong marami akong hinihiling na makuha at mangyari sa ngayon. Pero kapag tinignan ko ang lagay kung nasaan ako nayon, higit pa sa pasasalamat ang gusto kong sabihin! :D
Tuwang-tuwa ako dahil isa akong Pilipinong-Hapon. Bukod sa mata at dugo, isang malaking oportunidad ito upang maibahagi ko ang aking nalalaman sa Pilipinas at Japan lalo na pagdating sa pagbabahagi ng Mabuting Balita.
Tuwang-tuwa ako dahil nasa Japan ang aking mga magulang. Bukod sa nakatulong ito upang ako ay maging independent sa buhay, naging instrumento pa sila ng Tatay ko para makuha ko ang kanyang mga parangal at regalo sa akin. Materyal man na bagay o hindi. :)
Tuwang-tuwa ako na magulo ang aking pamilya. Dahil dito, naaaliw ako sa kanilang ingay at naiiwasan ko ang pagiging malungkot. Dahil sa kanila kung bakit nabuo ang aking mga pangarap at kung bakit nabuhayan muli ako ng loob na balikan ang masayang ako. Dahil sa kanila, natuto ako maging matatag at matapang. Dahil sa mga problemang nasa loob ng aming bahay, natuto akong mas lalong patibayin ang aking pananampalataya. Dahil sa kanila, sa aking pamilya, natuto ako malaman kung ano ang talaga ang kahulugan ng buhay. :) Totoo, ang pamilya ang pinakamahalaga at pinakamahal na regalong ibinigay Nya. :) Sa kanila ko nakita na lahat ng tao ay maari kang iwan ngunit ang mga taong ito na kadugo mo ay syang tatanggap sayo kahit na lahat ng mali ay nagawa mo. Mahal ko ang pamilya ko at laking pasasalamat ko sa paraan ng Diyos na iparamdam Nya ang Kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng aking pamilya. :)
Masaya ako at nagpapasalamat dahil lahat ng bagay ay kaya kong gawin. Masaya akong may utak akong laging pinag-iisipan ang bawat bagay. Masaya akong madali akong makaintindi. Masaya ako dahil may mga katangian akong nakakapagbigay sa tao ng pang-unawa at kaligayahan. Masaya ako dahil kahit pa walang tao na gustong maging nasa posisyon ko, mahal ko ang sarili ko. :) Masaya ako at sobrang nagpapasalamat na ako si Kimiko Rato, na hindi ako nalikha sa paraang iba. :)
Totoo, alam nang Diyos ang mga bagay na ikabubuti satin at yung mga best na bagay na para sa atin. :)
Hindi ko man nasabi ang lahat ng bagay na gusto kong ipagpasalamat but still alam kong hindi dito magtatapos iyon. Alam kong darating ang panahon na ang mga bagay na ipinagpapasalamat ko ay marirealize din ng iba at kanila ring ipagpapasalamat.
Hindi man ako magaling kumanta, sumayaw o umarte. Hindi man ako maganda at maraming may gusto. Hindi man ako maputi at seksi. Hindi man ako matalinong matalino. Hindi man ako ang pinakabest na tao. Darating din tayo dyan...JOKE! :))
Nagawa ko pa rin at patuloy ko pang gagawing pinakabest na ako para sa sarili ko. :) Salamat sa Diyos para sa buhay ko. :D


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.