Mahiyain Ako.
Dahil sa pagiging mahiyain ko, naggawa kami ng video nila Claire and Abi kaninang break sa Filipino tungkol sa Chinese Mandarin. HAHAHA. At dahil din sa pagiging mahiyain ko, naging aktibo ako sa pagrerecite sa Filipino. Nalalabuan sakin mga kaklase ko kung bakit ako sagot ng sagot. Pero pasensya na. Kahit ako, labong labo din. Hahaha! Siguro ganun talaga kapag malamig ang silid aralin natin at ako'y inaantok. O di kaya'y sadyang may masamang ispirito sa totoo nating silid aralan sa Filipino kaya nung lumipat tayo, maayos ang katauhan ko. HAHASuper ganda ng tinalakay kaya kanina sa Filipino. Ito ay tungkol sa pagsusulat. Pwede mo na din ikonsidera dito ang pagtatype at kung ano ano pang uri ng "written language". Kaya din siguro ako aktibo. Minsan nga naiisip ko na ipagpalit nalang ang pagguhit sa pagsulat e. Kaso naiisip ko din naman pagtapos na assumming at feeler lang talaga akong tao kaya ko naiisip yun. HAHAHAHA!
Nakakatawa. Dati kasi akala ko na kapag ikaw ay katulad ni Blair Waldorf, sikat ka. Pero di pala. Minsan talaga, may nagpipiling Blair Waldorf lang. Di pala purkit may mga naiinis sayo, sikat ka na. Dahil kadalasan, pangit lang talaga ang ugali mo kaya madaming naiinis sayo. Self check pipol! :D
Kanina, tinanong ako ni Bespreng Kicko kung kamusta daw lablayp ko. Sabi ko, ok naman. :D Pinapaliwanag nya ko kung panong okay. At syempre, pinaliwanag ko sa kanya.
Masaya ako sa pagiging single. Totoo, walang halong biro. Kanta? haha! Pansin naman siguro sa mga entry ko no? :D Wala, pacrush crush nalang ako. At ang weird nga e. Ang gusto ko, di alam ng crush ko na crush ko sya. Para kikiligin ako. HAHA Pag alam nya na or maramdaman nya na, ayoko na. Di ko na sya crush non. :))) Kaya di ko na gusto si PSP. Nagpapansin na e. Wala ng thrill. HAHAHA!
Napagtanto ko naman ang buhay ko ng pinagkumpara ko ang buhay ko noon, sa buhay ko ngayon. Sa totoo lang, mas masaya pala yung ngayon. Ngayon ko nakikita ang kahalagahan ng kagustuhan ng mga magulang na wag muna isipin ang pakikipagrelasyon. Sayang nga naman ang mga taon na ito na dapat e nakikipagsapalaran ka at ineenjoy mo ang kahit ano sa mundo. Dahil darating din ang oras na magkakaron ka ng karelasyon at mamumuhay ka kasama ang taong yun araw araw sa panghabang buhay. O di ba, medyo hindi maganda? HAHA! Kasi kung ganon naman talaga ang magiging buhay ng bawat tao, pano mo maeenjoy ang mga bagay ng mag-isa? Kaya naman hindi nako nagmamadali e. :)
Sabi ko nga kay Kicko e..
Kung sansan ako nakakapunta ng walang pinapaalamanan at walang iniisip na makikialam. Gets mo? Hahaha Tsaka *tooconfidentialtotellHAHA* O di ba. Hahaha. *tooconfidentialtotelltooHAHA* Sabi ko, mas masaya na buhay ko ngayon. HAHA! Bat mo natanung?Tapos ayun. Pinaghinalaan pako ni Kicko na nagjojoke. Haha, loko e. Sabi nya aminin ko na daw na may "kulang" na feeling. Pero Kicko, sorry to disappoint you, pero wala talaga e. Haha! As in, gaya nga ng sabi ko, siguro meron noon. Pero wala na ngayon. :) Ewan ko, ang labo din kasi di ko mapoint kung bakit at kung kelan ko simulang di nafeel yun pero buong pagtatapat, wala talagang ganun. :D
Nanonood ako ng Hannah Montana. Di ko naman sya kamukha a? Loko talaga yung batang yun sa Ek, haha! Pero natuwa ang puso ko at pumalakpak ang tenga ko nung nalaman kong paborito kasi ng bata si Hannah Montana. Masaya ang pakiramdam kapag itinulad ka ng isang tao sa idolo nya. :D
Masaya ako sa nangyayari ngayon e. Pati sa kanila. :D Osyempre naman, di ako nilikha ng Diyos para bwisitin ang sarili ko sa mga walang kwentang bagay. Dahil kung tutuusin, di ko naman talaga dapat pinag-iisip pa ang mga bagay na yun. At kung iisipin ko pa yun at makikialam ako, wala nga talagang kwenta yun sa buhay ko. Di nun mababago ang bagsak kong prelim plate sa Tech2. :( Janna, magjoke ka. Janna, magjoke ka. Haha!
Sabi ko nga pala, gagawin ko na ngayon ang plates sa DWS. Kaso...napablog ako. HAHA! Pero congrats to me dahil naaalis ko na ang katamaran ko. Yikee! Magiging bagay na tayo dahil nagiging masipag nako! *u* HAHAHA JOKOLANG! :DDD


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.