Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Day 3: My Favorite Television Program

    Para lang masabing nagpost ako ngayon at nasunod ko ang Day 3, ito ang listahan ng aking mga paboritong tv program (opo, madami :D):

    -Gokusen
    -Hana Yori Dango
    -Super Monkey Adventures
    -Full House
    -at nalimutan ko na yung iba, bow. Favorite ko no? :))

    Btw, bukas ko nalang ididiscuss ang mga to dahil pagod ako kakaswimming kanina. K? Thanks, bye! ;)



    EDIT:


    Inisip ko ulit yung mga paborito kong TV Programs. Lima lang pala ang paborito kong mga programa sa telebisyon. :))

    Syempre, alam na alam ng mga kaibigan ko yan. Hindi ko nga sigurado kung pano nila nalaman yung top3 pero basta, alam lang nila. :))


    Ang unang una, syempre naman ang Gossip Girl. ;)
    Hindi nako nakakasubaybay sa programang ito. Pero aminado ako, paborito ko pa din sya. Kasi ang balak ko, hintayin nalang matapos at marelease ang original DVDs ng Season 2 and 3. Napatunayan ko namang paborito ko ang GG dahil nga sa pangangati ng kamay ko na bilhin ang orig na DVD ng Season 1 at ang ligayang nadama ko nung nabili ko na ito. Hindi kasi talaga ako palabili ng dvd e, pirated man o orig. :)

    Sa programang ito ipinakita ang maaari mong matanggap sa reyalidad. Una, ang nangyayari sa kanila noong Highschool sila ay malamang maikokonsidera ko sa buhay ng isang kolehiyala. Kasi ang bansa naman natin ay hindi ganoong kaliberated gaya ng sa kanila AT isang Kristyanong paaralan pa ang pinasukan ko noong ako'y nasa sekondarya kaya para saakin, masyadong pang-kolehiyo ito kung iaapply sa atin.


    Totoo na may mga ganong uri ng tao, ang kanilang mga ugali, pananamit, pananalita at pag-uutak. May mga ganon nga. May mga ganon ngang pangyayari at ang programang ito ang nagmulat ng aking mga mata, hindi lang sa liberated life nila kundi din sa mga issues na hinaharap ng isang teenager. Sila ang nagmulat sa akin na ang mga bagay na ito ay maaring mangyari dahil hindi lamang ako gagalaw sa isang Kristyanong mundo kundi maging sa labas nito. Alam kong marami pang mga palabas ang kagaya sa Gossip Girl ngunit para sa akin, okey nako sa Gossip Girl.


    PS. Wala akong tyaga panoorin pa ang iba. ;p


    Pangalawa, Gokusen.

    Pangatlo, Hana Yori Dango.

    Sige, pwede nyo na ding isipin na kaya ko paborito ang mga to dahil nagbida rito si Jun Matsumoto. *u* HAHAHA Pero sa totoo lang, naging paborito ko pa rin ang Gokusen 2 kahit na wala roon si Shin Sawada. Kasi, maganda yung istorya at kakaiba ang kwento. :D Naging paborito ko din ang artistang si Yukie Nakama dahil dyan. :D


    Kaya ko naman nagustuhan ang Hana Yori Dango ay dahil isa rin ako sa mga nagkagusto sa Meteor Garden. Kaso napansin ko na ang Meteor Garden ay naging boring na nung mga panahong naging OA ang mundo sa kanila. Yung tipong sumikat ng sobra at naglabas ng stickers at pictures at kung anu ano pa sa kahit saan. Tsaka noong dumating na si Yesha sa eksena, naguluhan nako sa istorya nya. :)) Pero nung napanood ko ang HYD, naintindihan ko role nya. Tsaka mas mabilis ngunit magandang version ito ng Meteor Garden. Pwede nyo ding isipin na bias ako dahil may lahi akong hapon at isang Japanese drama ito. :)) Ngunit sa kanila talaga ang paborito ko. Siguro rin dahil ito yung napanood ko ng kumpleto. Okey, gwapo rin si Lee Min Ho. Aminado akong mas gwapo sya kay Jun Matsumoto, mas hot pa. Kaya pwede nyo ding bawiin na bias ako. :)))) Sadyang sipag at ganado lang ata ako ng pinanood ko ang buong kwento ng HYD. Pati kasi nanay ko engganyo dito e. :))


    At ito rin yung version na may ending. :)) Panoorin nyo ynug last episode, which is a movie, maganda sya. :)


    Eto ang pang-apat. Sino bang hindi magugustuhan ang Full House? :> Naaalala ko ang mga panahong tumitigil ang oras kapag pinapalabas na to. :)) Ang kulitan at asaran hanggang sa lambingan nilang dalawa. EPIC. 8)

    Kakaiba pa yung kwento nila. Punong puno ng katatawanan at hindi lang basta drama. Isa pa, isa din kasi akong aspiring writer. Yung writer na gumagawa ng istorya. Kumbaga writer ng isang drama series gaya ng ginagawa ni Jessie. At totoong ang tunay na pangyayari sa iyong buhay ang magandang halimbawa ng isang magandang istorya. :)


    At ang panghuli kong paborito? Ang Encantadia. :D



    Napuntahan na natin ang mga programa sa America, sa Japan at sa Korea. Wala pakong pick para sa Taiwan at iba pang lugar. Ngunit hindi naman dapat isnobin ang mga programa sa sarili nating bansa. Kung bakit Encantadia? Bakit hinde? :>

    Maganda ang Encantadia sa totoo lang. Mula sa production designs hanggang sa mga role ng bawat artista. Pati ang mga salita nilang talaga namang sumikat gaya ng "Pashnea!" :)) Naibalitang gagawin nila muli ito. Ngunit sana, mahigitan nila ang galing na naipakita noon ng Encantadia. :)



    Kung mapapansin nyo, walang ganong dahilan kung bakit ko naging mga paborito ang mga ito. Yun ay dahil hindi ako magaling na critic ng mga palabas at nagiging paborito ko ang mga palabas kapag may ibang pakiramdam ako sa mga ito. Ewan, basta nararamdaman nalang yun e. :>:>

    Labels:

    "Day 3: My Favorite Television Program" was Posted On: Sunday, April 4, 2010 @11:55 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.