SOFA Speaks
Napakacreative ng aking title. Hulaan mo nga kung tungkol san ang ibablog ko? :> HAHA!Kahapon, natuloy kami sa seminar kahit na sobrang dami naming pinagdaanan. :)) Nakakatawa. Noong sumagot ako sa isang Psychology Test na galing sa aming guidance counselor, napaisip ako sa tanong na ito:
You make things happen or you let things happen?
Akala ko totoo ako noon sa sagot ko. Ayun pala, mapapagtanto kong kabaliktaran non ang talagang ugali ko. I make things happen. At hindi talaga ako pumayag na di matuloy ang planong manggulat ng isang taong manggulat rin para sa ikakagalit ng lahat. :) Kamtutinkopit, kung ang mga plano nyay natuloy, hindi magiging "walang pakialam" ang FF ngayon. Trust me. :)
Nalate kaming pangalawang batch ng FF sa seminar. Pero mga 10 minutes lang naman, kaya nakita pa din namin ang kagandahan ng works nina Ms. Cynthia and Ms. Ivy Almario. :) Sobrang nakatulong sila sa pagsasabog sabog namin ng mga kulay. :D Sobrang bagay pa sa kanilang magkapatid yung profession nila. :)
Sumunod naman ay si Mr. Raymond Isaac. Isa syang sikat na photographer. Oo, demanding. Pero may karapatan naman para magdemand. ;) Sobrang COOL nya pa! :> Naway magkaron sya ng workshop/tutorials! Sobrang yayayain ko si Insan na umattend kame! =))
Sumunod sa kanya ang pangalawa sa aking much-awaited speaker, si Mr. Rajo Laurel. :) Sya siguro ang pinakanakakainspire na speaker. :) Wala lang, sobrang galing nya lang naman mag-talk. :> Sobrang lively pa magsalita. Sobrang tama pa ang points of view at mga sinasabi. Sobrang...SYA NA! :)) Pero seryoso, nainspire ako tapusin ang Industrial Design at nainspire din ako ipagpatuloy ang plano ko pagtapos ng course ko na ito. :) Hi Sir, I'm Kimiko Rato and I'm going to work with you someday! *shake hands*
Ang ang pinakahinihintay namin, si Mr. Kenneth Cobonpue! :) Ang Industrial Designer na galing sa Cebu na nanalo ng madaming awards at sobrang kilala dahil sa mga kakaiba nyang furniture designs. Sobrang tatak sa isip ng mga tao na sya yung designer ng kama na hinihigaan nina Brad Pitt at Angelina Jolie ngayon, ang Voyage bed. :) Kahit na medyo mabagal at mahina sya magsalita, sobrang naamaze padin kami sakanya. Dahil SYA NA TALAGA! :)) Kung pwede lang siguro kami magpatutor sakanya no? ;p Pero donchawori Sir, we'll work with you someday too. ;) HAHA Gagraduate kaming Industrial Designers, baket? :>
Nakuha pa namin ni Claire na picturean sila na kalinya ng press, kamusta naman. :)) Then nakapagpapic pa kami sakanila. Sarap ilagay sa vision board. :>
*With Mr. Rajo Laurel
*With Raymond Isaac and Ms. Bubbles Paraiso (?)
*With Mr. Kenneth Cobonpue
Pagtapos non, nakuha pa naming makipagkwentuhan kay Mr. Kenneth tungkol sa pagdedesign ng toilet brush na kasalukuyan naming ginagawa. :)) Kamusta naman kasi ang pagdedesign ng mga upuan at lamesa tapos ngayon toilet brush, finals pa. KAMUSTA. :))
*Industrial Design students with an Industrial Designer. :) Bat anlake ko dito? o.o HAHA
At bigla namin ding napansin na almost complete ang FF, nawala na kasi sila Abi at Franky e. :( Kaya naman kumain nalang kame. Pero dahil poverty ang iba, pustahan pa, sa Mcdo parin ang tuloy. HAHAHA At yun, nagkanya kanya ng uwi. :)
**Tinamad magkwento dahil may mas dapat pa pala akong iblog dahil sa nakita ko. :)




Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.