Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Hindi lahat ng bagay, abot kamay.

    Unti unting dumidilim ang kalangitan ngayong araw. Saka naman sinabi ng tita ko na padating na ang bagyo. Habang nag-aayos si Mama sa terrace. Sinabi nya sa aking tita, "Sa Lunes pa daw dadating ang bagyo sabi sa balita. Wag mo iexpect ngayon. Kasi kung ano ang inexpect mo, yun ang dumadating."


    :|



    Minsan gusto kong maniwala at ipako ang aking paniniwala sa ganon. Na kung ano ang ineexpect, yun ang dumadating. Kaso alam mo na ang reyalidad ay may ibang sinasabi na tila ang buong mundo ay talagang kokontra sayo. Minsan maiisip mo, madaming bagay ang nangyayari kaya ang bagay na ineexpect mo, taliwas ang dumadating..


    Nagulat ako sa ginawa ni Mama pagtapos. Mukha syang panatag sa pagsabing sa Lunes pa dadating ang bagyo. Pero bakit nya binaba yung "shield" namin sa terrace para sa bagyo? Para handa na just in case dumating din ang bagyo?


    Minsan di ko alam kung bakit ko naacquire yung mga ugali ni Mama kahit di ko sya tunay na ina e. Pero ngayong gamit ko naman ang shield ko para sa mga bagyo na ineexpect na dadating ng iba, dapat pa ba sila mag-alala? Gaya ng pagiging confident ko sa shield ko, confident ni Mama sa shield nya, pagiging confident naming dalawa sa shield ng bawat isa, tingin ko di na dapat magworry sila Tita at ang ibang mga taong may pag-aalala. Tingin ko dapat din sila magtiwala gaya ng pagtitiwala namin ni Mama.




    Ngayong madilim na ang mga ulap, napapaisip ako. Tutuloy pa ba ako sa dinner with FF and Ryan's family? Birthday nya kase.. Or magstay nalang ako kung nasan ako? Tutuloy pa nga ba ako gayong pati si Mama ay nag-aalala? O maggogo ako kasi alam ko namang walang masamang mangyayari saken? Di ko alam kung pati katamaran ko ay bibilangin ko para lang maconvince ako na hindi pumunta o idadagdag ko din na gusto ko sila makasama dahil ngayon nalang ata uli kami makakapagganto? Ano nga ba dito ang mas magreregret ako kapag di ko ginawa?


    Siguro nga di lang yun ang batayan. Dahil kung tutuusin, sa dalawang pilian nanaman mauuwi ang lahat. Let things happen. Or make them. Ganun naman lagi stand ko e. Unless may ibang magkoconvince sakin. Dahil sa puntong to, medyo nagsasawa nako magdesisyon mag-isa dahil napapagod nako mamili ng mamili. Dahil nakakapagod mamili kapag alam mong pareho naman sakanila, may mga negatibong komento kang matatanggap. Hindi naman ako tumatayo bilang people-pleaser para sakin e. Nagiging ganto lang naman ang pangyayari dahil kelangan ko at gusto ko ding isaalang alang na ang mga taong nasa paligid ko ay apektado.

    "Hindi lahat ng bagay, abot kamay." was Posted On: Saturday, October 16, 2010 @3:57 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.