Kahit Isang Bagsakan Lang.
Isang tanong, BAKIT? Hindi ko alam kung dapat kitang pag-isipan ng ganyan. Pero ang totoo, kahit papano, natatakot ako sayo. Alam ko may isa kang bagay na nagagawa na di mo nalalaman para mangyari ang bagay na kinakatakutan ko. Pero napagtanto ko, kung ikaw man sya, okey lang. Maiintindihan ko. Maiintindihan ko at matatanggap lalo kung ano ang magiging resulta. Kung ikaw nga sya, hindi na nga siguro ako dapat matakot. Kasi dito ko makikita ang katotohanan talaga. Ngayon palang, kung ikaw man sya, nagpapasalamat nako. Salamat kung tunay kang dadating. :)Ikaw, napakaslow mo. Pwede bang paganahin mo naman utak mo. Ilang candy na ang binigay sayo, bakit di mo pa kinain? Bakit mo ba kelangang hintayin na chocolate na kagad yung ibibigay bago mo kainin? Nakakainis ka e. Sana naman mapagtanto mong malambot pa ng sobra yung chocolate kaya di sya sayo binibigay. Sana mapagtanto mo na hintayin mong tumigas muna sya. Hindi naman sayo ibibigay yun ng expired na e. Alam mo yung minsan napapaisip ako na baka may ibang chocolate na ibigay sayo. Kaso nilalabanan ko nalang na di naman yung paborito mong chocolate yung ibibigay nila kaya alam kong di mo tatanggapin. Pero naisip ko din, kung tanggapin mo man, siguro matatanggap ko din. Na kapag nagcrave ka pala ng chocolate, di na importante kung paborito mo man ito o hindi. Basta chocolate. At kung ganun man, alam kong di ka masasatisfy. BLEH. :)) At alam mo kung bakit dinaan ko pa sa ganto? Alam kong di mo nanaman magegets e. >.< HAAAAY. :))
I'm sorry. Najudge kita.
Medyo disappointed ako sayo. Di ko akalaing aabot ka sa ganto. Sana maisip mo din yung mga nangyari sayo noon. I pray na mapagtanto mo kung gano ka dapat maging mapagpasalamat dahil andyan yung mga taong to para sayo simula noon. Alam kong di mo nanaman alam ang gagawin mo. Eto lang yan e. Una, tanggapin mong mali ka. Pangalawa, humingi ka ng tawad dahil nakasakit ka talaga. Pangatlo, wag ka ng mamuhay sa buhay na yan, dahil alam kong alam mong nabubuhay ka na dapat ng may katuwiran, sadyang nalilimutan mo lang. :) Wag ka mag-alala. Bumalik ka man, matatanggap ka pa din. Alam mong mahal ka namin.
Sana wag ka maggive up. Kasi alam kong ikaw ang kelangan ng lahat. Although alam kong kelangan mo ng pahinga. Pero alam mo namang kami ang kalakasan mo. At alam kong kapag naging okey na ang lahat, hindi ka na muling mapapagod. Ganun mo kami kamahal, alam mo yan. :) Pamilya tayo. At kahit di man ganun kacertain ang tunay kong pamilya, alam kong ang mga gantong sitwasyon ay nakakatulong ng malaki para lumalim pa ang samahan. At kahit di man namin maparamdam at masabi sayo lagi, alam namin, mahal ka namin :) Wag ka sumuko. Para samin..please? :)
Kahit ano mangyari, dito lang ako. Pero syempre kung masakit na, lalayo muna ako. Sana nga di ka din sumuko. Kasi alam kong kaya kong hindi. Sana nga makaya mo. Kasi kung di man, kakayanin ko din. :) Malabo ang lahat sa ngayon pero sana malaman mo na may tamang oras para luminaw lahat ito. Wag ka magmadali. Marami pa tayong dapat matutunan para maging okey sa hinaharap ang lahat. Magtiwala ka. Matutuhan mo sana yon. Maghintay at manalangin. Pakiintindi. Yan kasi ang dapat mong maintindihan para di ka na masyadong mag-isip. Wag mo gawing kumplikado ang simpleng bagay. :) Marami kang bagay na dapat gawin sa ngayon at doon ka muna magfocus. Magtiwala ka sa posisyon mo, hindi mawawala yan. :)


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.