Kwentong Bus.
January 22 at 29. NSTP namen. Nagpunta kami ng Nueva Ecija. At pagkauwi, deretcho ako ng Cavite.January 22, 2011. Saturday.
Sobrang pagod ako. Dun ko naramdaman yung pagod na hirap ka na maglakad dahil nanlalata ka na. Pagdating ko sa Lawton, wala ng bus deretcho ng Cavite kaya naghintay ako ng isa pang bus papunta sa South.
Sa haba ng paghihintay ko, may isang bus na dumating. Pwede ko syang sakyan, kaso ordinary bus sya. Naghintay pa ako ng kaunti, pero wala na talagang ibang dumadating kaya sumakay nako sa bus nayon para makauwi. Sabi ko sa sarili ko, pwede naman ako maglakad hanggang LRT Station at magtren para makasakay ng mas magandang bus. Kaso pagod na pagod nako. Nanlalata na ang katawan ko at di pakiramdam ko, di ko na kakayanin. Kaya naman dun nalang ako nagsettle sa ordinary bus. Dahil sya yung andyan na. Sya yung madali lang sakyan. Sya yung hindi na kelangan pang pagexert-an ng effort para makauwi.
Naenjoy ko ang bus ride. Di ako nakatulog kasi kailangan kong maging alert pagdating sa mga dala kong gamit. Tsaka isa pa, sobrang lakas ng hangin. Masaya naman. Kaso ang hirap din huminga kasi ang lakas ng pwersa ng hangin na sumasalubong samin. At pagkauwi ko, sobrang dumi ng mukha ko. Kailangang maglinis ng mabuti pagkatapos. At pagkauwi ko, sobrang naramdaman ko din ang pagod. Sobrang sinakitan din pala ako ng katawan sa bus na iyon.
January 29, 2011. Saturday.
Pagod ako pero hindi sobra. Pinilit kong umuwi kahit na gusto ko sanang sa dorm nalang matulog. Pagdating ko sa sakayan, may isang ordinary bus ulitna pwedeng sakyan ang nakatambay. Pero sabi ko, may lakas nako ulit maghintay para sa magandang bus, maghihintay ako. Naisipan kong magLRT nalang, pero sabi ko, may dadating na bus. Hihintayin ko yun.
Dumating ang sangkatutak na airconditioned bus, pero di sila papunta sa lugar na pupuntahan ko. Kaya patuloy padin akong naghintay. May huminto ulit na ordinary bus sa harap ko. Kaso bigla kong napagtanto.
Oo nga pala. Beloved ako. Hindi ako deserved sumakay ng ordinary bus. Hindi purkit pagod ako, sa ordinary bus na lang ako magsesettle. may magadang air conditioned bus ang naghihintay saken...kahit na mukhang ako ang nag-aantay.
Kahit na nagdadalawang isip ako na proof ang huli kong sinabi, nag-antay padin ako. Hanggang naisip ko, maglakad sa may bandang unahan. Naisip ko, baka sa kabilang daan dumaan yung bus. O di kaya'y yung dalawang bus na nasa unahan, isa don ang bus na dapat kong sakyan. Pagdating ko sa unang bus, iba ang kanyang patutunguhan. Di ako nalungkot o ano dahil alam ko, may sapat na bus ang para sa akin.
Hanggang sa bumaba ang konduktor ng isa pang bus na nakahinto doon, air conditioned, at isinigaw ang lugar ng destinasyon ko. :) Laking ngiti, umakyat ako sa bus habang bumublong sa sarili ng.. Andyan ka lang pala. Hinihintay nga ako.. :)
Minsan di ko magawang mapansin na may isang bus pala talagang naghihintay din sakin. Na sa pagiging busy ko hintayin sya, di ko magawang makita ang effort nyang paghihintay sa akin. Naisip ko, bakit kaya nasa unahan sya at hindi sa mismong harapan ko nag-antay? Pero sumagot sya. Sabi ba naman, "Di din kasi kita napansin na naghihintay ka. Akala ko ibang bus inaantay mo. At nung tuluyan nakong paalis, bigla ko naisipang huminto. Bigla ko naisipang may dapat pakong hintayin. Dahil ang daan na patutunguhan ko, ay sya ding daan ng patutunguhan nya. Kelangan ako ng taong yon. Kelangan nya kong makitang naghihintay dito para malaman nyang hindi sya dapat nagsesettle na lamang sa ordinary bus." Akalain mong ang haba ng sinabi nung bus? :))
Sa bus na yon, di ko din magawang makatulog. Di dahil di ako komportable. Sadyang nagumapaw lang ang saya ko sa kaligayahan na andyan pala talaga sya all through out..at hinihintay ako. :)


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.