Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Ang bilis naman ng sagot mo, Lord. :)

    Sa totoo lang di ko po alam kung mangingiti ba talaga ako sa sagot na ipinakita Nyo.. Ang totoo, masakit. Sobrang sakit.. Kahit na napunto mo din na tapos na naman.. Pero masakit padin. Masakit malamang hindi mo alam kung kelan sa mga nagdaang oras ang totoo... ang tama. Hindi ko alam kung sa mga nagdaang oras naging bobo ako o ano. Hindi ko alam...


    Pero alam ko namang pong pinakita Mo ang mga sagot na ito hindi para saktan ako.. Kundi para makatulong sa mga desisyon ko sa buhay...




    Father God.. Maraming salamat po dahil nandyan kayo bilang Tatay.. Anong magagawa ko kung halos buong buhay ko napagkaitan ako ng mga tatayo sakin bilang magulang? Pero salamat dahil sa simula, andyan Ka na.. Sa simula, inaalagaan na ako.. Minsan nga iniisip ko, kelangan ko pa nga ba ng ibang mag-aalaga kung andyan ka na?..




    Alam ko ang punto nya.. Alam kong pakiramdam nya sya ang kinuhaan.. Pero sana malaman nya din ang totoo sa kabila ng lahat.. Sana malaman nya din ang dahilan ng lahat lahat... At maraming salamat na po kaagad, dahil alam kong Ikaw ang tutulong sa akin dito. . Ikaw pa... Ayaw mong nasasaktan ang Beloved mo.. :)






    Hindi ko alam talaga kung iiyak nalang ako sa kabila ng lahat ng aking nalaman... Pero hindi ba ang araw na to ay gawa Mo? Siguro mas tamang piliing ngumiti nalang... Ngiti nalang ako... :)

    "Ang bilis naman ng sagot mo, Lord. :)" was Posted On: Friday, April 1, 2011 @6:24 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.