Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Look for your wins.

    Hindi ko lang naman nakayang magstay sa bahay. Kaya ayun, dinala nalang ako ng aking mga paa somewhere para makuha ang bagay na aking kinecrave at the moment. Dahil sa random ako ulit, sinunod ko nalang ang aking mga paa. :)) Minsan di ko din alam kung ako yung nagpapagalaw pa ba sakanya o sya na ang nagpapagalaw sa akin e. Ang kinakatakot ko lang, na baka kapag napunto kong sya pala ang nagdadala na saakin, baka kung saan na ako makarating. HAHA. Please, mga paa, stop. :)))


    1. Tears in Heaven
    Isa sa mga paborito kong old song ay yung Tears in Heaven. Una kong nagustuhan yun nung nasa kotse kasama ang aking mga magulang. Habang nagmumuni muni sa haba ng byahe at iniisip ang mga taong naiwan sa ibang lugar. Natuwa ako sa melody nya...PAMPAANTOK. ;p

    Pero kanina, big deal sakin si Tears in Heaven. Paano, sumakto sya sa panahon. Literal na nagtetears in heaven dahil umuulan. Cool mo. :)) Pero sabi nga "nya", kaya naman talaga umulan e para maalis ang pangit na pakiramdam sanhi ng mainit na paligid. :) Nakatulong naman sya. Highly favoured e. Di natuloy umulan dahil sa walang payong! :))


    2. Mango Bravo
    Finally, naangkin na kita! >:)) Masaya sa pakiramdam, comforting! :) Masarap pala kasi talaga sya. HAHA. Sorry weird ;p Pero totoo, nacomfort nya ko. At nagulat akong nakain ko ang isang slice nya dahil sa panahong to, di ako makakain ng maayos. Cool ako e. Pero mas ikinatuwa ko ng sa akin lamang ang buong cake, walang kaagaw, walang ibang nangaakin. :) Tanging para saakin lamang. :) At ang maganda pa don, nakuha ko ito ng walang kapalit. Hindi dahil pinagpaguran kundi dahil sa ito'y aking deserved. :)


    3. Coffee Bean
    Involved parin ang aking pangalan sa lalagyan ng kape, pero kahit na nakita ko ang parehong sulat, wala, hindi nadin ako natuwa. Siguro maganda nadin yun para sa step 1. :) Ayoko na umasa. :)

    Nainggit naman ako sa isang hot coffee sa aking lamesa. Ang ganda kasi ng baso, malaki. HAHA Wala, mukhang masarap pala uminom ng kapeng mainit sa isang maganda at malaking baso. Parang damang dama. :)) Pangarap ko naman kasi yun kapag magbebreakfast ako. :P


    4. I Live My Life For You - Firehouse
    Ang walang katapusang kantang narinig ko sa buong araw nato. Ano, di ka titigil? :)) Mapasasakyan o kahit simpleng kantahan umaariba sya e. E ayoko ng maingay!! Hahaha! Joke lang. :)


    5. Si Ethan
    Namimiss ko na magpaka-Ate sakanya. Babawian ko talaga ang nag-iisang lalake sa puso ko. :"> I love you bro! ;)

    Nagusap kami nito kanina e. Umiiyak kasi.

    Ako: Bakit ka umiiyak?
    Ethan: Masakit kasi paa ko? *tulo luha*
    Ako: *butingapaalangeJOWK* Iniisip mo lang kasi na masakit. Tignan mo, wag mo isipin, di na sasakit yan. Pinagpray mo na e!
    Ethan: E sumasakit padin sya.. *iyak*
    Ako: It's okey. Mamaya mawawala nadin yan. Pawala na kaya yan nooo. *haplosbuhok* Dapat di ka umiiyak kasi strong ka. *kisscheek*
    Ethan: *hintoiyak*
    Ako: Big boy ka na. Magkakababy brother ka na din, edi kuya na. Dapat pag kuya, ipapakitang strong sa baby brother para gayahin ng baby brother kasi yung baby brother gagayahin ang makikita nya sa kuya.
    Ethan: *nakikinig*
    Ako: *punasnatirangluha* Tsaka dapat strong ka kasi lalaki ka. Diba ang guys strong? *pakitamuscles* Wag ka na umiyak. Mawawala nadin yan maya maya. *ngiti*
    Ethan: *malayoangtingin*

    Yung totoo, nakikinig nga ba sya o ano? Hahaha Basta Ethan, labs ka ni Ate. :)


    6. Si Mama
    Di ko alam kung bakit andaldal ko kanina. Wele leng, napakwento ako kay Mama tungkol sa mga nangyari sa Grace and Glory Conference. Pinakita ko kasi din sakanya yung nabili kong tshirt dun na suot ko kanina. Maganda yung shirt. Kulang nga lang sa "be" para maging isa na syang salitang nagdedefine sakin. :)


    Sa kabuuan, mahal ko padin ang araw na ito. Coz this is the day that the Lord has made. I will rejoice and be glad in it! ;) No regrets. Just realizations. :)

    I love my Father and I love how He use people to show His love for me! :)


    To: You-know-who-you-are
    Thank you for ALWAYS being there. :) I love you and I appreciate everything. Thank you for making me see things in different perspective. :) And I dont wanna focus myself to someone who left but instead, Im thankful for having you back. :) Plus another man who will never break my heart for he knows how to love me and protect me as his beloved. :) I will never run out for who I am. I'll take it from you. ;)

    ***

    "Look for your wins." was Posted On: Thursday, April 28, 2011 @1:14 AM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.