Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Insans need hugs.


    Insaaaaan! Wala lang. I feel like making drama. Hahahaha! Gusto ko lang mag thank you kase through thick and thin you've been there for me. Through ups and downs kasama kita. :) Thank you kase you open yourself to me and to other people para may mapagsabihan. Don't worry sabe ko naman sayo, I'll be there for you 24/7! Hehe. I am just so happy I have a friend like you. :) Lage mo lang din tatandaan na no matter what, you will always be my insan! Haha! O may deal tayo ah?! Ang hindi mag open sapak. :)) I love you insan! Thankkkk you! :)


    Di ko alam kung matutuwa ako sayo dahil ginaya moko. :)) Pero seryoso, nalungkot ako sa balita mo. Alam mo naman kung gano ako kasuporta sa inyo diba? Lalo na ngayong legal na. Pero sabi mo nga, may dahilan ka. At naniniwala naman akong mas mabuting may marealize ka muna bago ipagpatuloy yan, o pumasok muli sa bago.

    I'm also thankful for having you as my Insan. :) You are one of the people I am comfy with to share whatever I have in mind. Especially we have same understanding in spirit. :) Tandang tanda ko kung pano tayo nagsimula bilang cousins. :)) Thanks to my real cousin indeed! Haha! And di naman ako nagsisisi na naging Insans tayo. :) Pero nako, mas matanda padin ako, at pagdating sa pag-aaral, makinig ka saken!! :)))


    Alam ko matagal pa tayong magsasama, including the other FFs, at malayo pa ang mararating nating lahat. And I am not worried because in this family-like relationship that we have, I know we will last forever. Kahit na may bumitaw sa FF, confident ako na tayong dalawa e hindi magkakasira. :) "Kuya" ang inaask ko kay Lord, pero "younger bro" ang ibinigay Nya, haha! Pero thank you kasi pagdating sa usapang pag-ibig, Kuyang kuya ka. :)


    Speaking of, alam mo kung gano tayo katransparent sa isa't isa pagdating sa lovelife. Kaya naman intinding intindi natin ang nararamdaman ng isa't isa ngayon. Pero kung balak mo ding idate yung isa na yun ngayon, HUMANDA KA SAKEN. Walang pinsan pinsan. *taaskilay* Insan, seriously, no flirting with others now. Space and time ang hiningi mo sakanya para paghandaan ang responsibilities na haharapin mo. At alam ko kung gano mo kamahal si Insan-in-law, kaya sana, kahit wala na kayo, do not do anything that will make her hurt more. Alam mo din naman kung gano ka nya nilove diba? :) I'll pray for the two of you too. :)


    Responsibility. Hindi mo kayang talikuran yan Insan lalo nat lalake ka. Dahil madaming madaming ganyan pa ang haharapin mo sa buhay. Claim the courage that God has given you. Throw the fears away. :) Alam ko madali ka mapressure pero, ang pressure ay nasa isip lamang. Wag mong hayaan yan na manitili pa dyan at muling ilayo o alisin sayo ang mga bagay at taong mahal mo. Be the captain of your soul. :)


    Kung papasalamatan kita in detail, malamang magmimistulang diary na to dahil sa mga pop up memories na meron na tayo. Pero in general, super thankful ako na Insan kita! Payakap nga!! >:DDDDD< Minsan iniisip ko na pigilan ka maggym para masarap ka padin ihug e. HAHA Kawawa naman kami ni Claire kapag pumayat ka. :( HAHA.

    Thank you sa pagbibigay ng point of views. Lumalawak lalo ang isip ko.
    Thank you sa encouargements.
    Thank you dahil lagi kitang kakampi. HAHA
    Thank you sa pagsama sakin kumain lagi. SOBRANG THANK YOU BIGTIME. =))
    Thank you dahil sayo, sa inyong FF, masaya lagi ang mundo ko kahit madalas na haggard sa plates. :)

    Madami pang thank you sa mga susunod. :) Marami pang memories tayong icocollect. At madami pa tayong pagkaen na kakainen! HAHAHA


    I love you Insan! Forever and through thick and thin! ;) Kaya natin to, k? :) Everything will surely fall into their right places in God's time. THIS will make us thank and trust Him more. :) O, wag na umiyak. . :)

    "Insans need hugs." was Posted On: Monday, May 2, 2011 @11:08 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.