The feeling of being taken care of. :")
San nga ba nagsimula ang lahat? AHH. sa Rockstar! :))I've been thankful for these past days na naeencounter ko ang sayang ibinibigay ni Daddy. :) Sorry naman, ang halakhak ko lang, parang nakaspeaker sa lakas, kasama ng panghihina dun. =))) Kasi naman eeee. >_< HAHAHA
Dahil sa alam naming ni Claire na magpupuyat kami para sa athletic shoes, uminom kami ng Rockstar energy drink. Wala lang kase, ganda kasi ng packaging nya. HAHA Pero natakot lang kami kasi bago pa man din namin inumin yun, ang hyper na naming dalawa. WAIT, dahil ata sa liempo yun. >_< HAHA
Pero okey fine, di padin namin natapos yung shoes, pero buong klase naman yun. At nakakatawa lang, anlake pala masyado ng sketches ko.Nakakatamad tuloy irender. :)))
By 3pm, nagannounce na ang UST na suspended na daw ang classes by 4pm. E kamusta naman ng dumating si 4pm, kasama nya na si Falcon with a low pressure area. At yun, pinalayas na lahat ng estudyante sa UST. Kasabay sa pagkawala ni Ryan. :))
Hanggang sa natagpo tagpo nalang kami (Ako, Claire, Ryan, Kevin at Ruther) sa may PNov.
Kevin: "Alam mo kung san namin sya (Ryan) nakita? Sa baba ng dorm mo."
Ako: "Ano ginagawa mo don? :))) Hinahanap kaya kitaaa! :))"
Ryan: "Kasi Chizi akala ko magmoMOA tayo e. Hindi na pala tuloy."
Ako: ":)))) Pero waaaiiitt, sasabay kasi ako sayo umuwiiiii!"
Claire: "E bat di ka na lang magstay sa dorm mo?"
Ako: "E kasi ako lang mag-isa dun. Nakakalungkot, iiyak lang ako. :)) Ayoko naman magbyahe mag-isa kaya sasabay ako dito kay Ryan, para at least, tawa ako ng tawa sa byahe. :))))"
Ryan: "Sige Chizi, hantay lang natin sandali yung unicorn ko."
Ako: "Anong unicorn mo?"
Ryan: "Sundo ko. Ay ikaw nalang pala dun sa unicorn ko. Kasi I'm a beautiful butterfly."
Ako: "=))))))))))))"
At nagend up na dumaan nalang kami nila Ryan at Kevin sa condo nila Insan para di maghiwahiwalay HAHA. So pagdating sa Lawton, nagsimula na ang "stranded" moments namin. :)))
Nagmistulang warm up ang baha sa Lawton. At sobrang napiga naman kaming tatlo sa LRT (what's new?) kung san naging claustrophobic kami panandalian. At pahinga ng kaunti pagkalabas ng tren. :)) Pagtapos e sugod sa Starbucks at dun sinundo na kami ni Insan.
Ngunit sadyang malakas ang determinasyon ng mga panira sa mundo at di kami tinigilan hangga't di nila nagagawa ang gusto nila.
Buti nalang matatag kaming apat, mahal namin ang isa't isa, at patuloy naming hinarap ng sama sama ang baha. Ang reward, nakarating sa condo nila Insan bago pa umangat ang tubig. :))
Di ko lang makalimutan ang mga bentang banat ni Ryan at mga biglang linya ni Kevin. kumbakit pa sa dalawang yun ako nastock. HAHA Love ko kaya kayooo. :))
Natagpuan naming apat ang aming mga sarili sa isang lounge sa condo nila, nagugutom. Sinubukan naming magpadeliver ngunit ayaw ng mga nagdedeliver. :)) Hanggang sa napagtanto ni Insan na may Mechado pala sila.
Biglang nagturn into chef si Insan, naginit ng Mechado, nagluto ng kanin at nagluto ng meatloaf, pati ng soup. DINNER = BUSOOOOG :D At dun na grumaduate si Insan na pagiging chef. Swear, ang sarap! :)) Obvious naman sa dami ng nakain ko diba? haha!
Ngunit si Ryan ay hinahanap na ng kamag-anakan nya. at pinapapunta na sya sa Harrison Plaza. At kami ni Kevin na muntik ng magovernight kila Insan e sumama na umuwi. Imbis na sa Cavite ako deretcho, napadpad nako sa dorm ulet. HAHA. Ayoko kaya mastranded sa sasakyan. :'(
Kaya sa dami ng plano naming umalis, at sa dami ng paraan namin para makaalis, natuloy nadin naman. :)) Wala kaming nagawa kundi lumusong sa baha.
"Legal Thomasians, La Salle Chapter" - Ryan Perez
Mula Taft hanggang Harrison, nilakad namin ng di namamalayan kung gano ito kalayo. :)) Kasabay ng kung anu anong napagusapan na namin, tawa at mga naisipan, nakarating din kami sa CCP at saka naghiwahiwalay na. :)) Nagtaxi kami ni Kevin hanggng Espanya.
Pero dahil di naging ganun kadali ang lahat, hanggang sa may Lacson lang kami napunta. HAHA. At nakuha pa naming dumaan kila Meka. :)) Akala naming dalawa e tapos na ang kalbaryo namin, ayun pala, mas malawak ang resort ng Espanya. Kaya ayun, without kaartehan, naglakbay kami uli.
"So Kimiko, ano ba talaga nangyari? Sabi ko na pareho kayo ng pinagdadaanan ni Kata e." - Kevin Ruiz. Naalala ko sa taxi to. Kasabay ng pagkwento ko e ang kantang "I can;t cry hard enouuggghhh..." At natawa kaming dalawa. :)))
Hinatid ako ni Kevin hanggang dorm. At yun, umuwi na din sya. Dali naman akong umakyat sa room at naligo ng naligo ng naligo ng naligo. =)) Tapos akala ko makakatulog pako sandali, pero bago ko pa napatuyo ang buhok kong di pa nasusuklay, tumawag si Dada at nasa baba na daw sya. SOBRANG BILIS NYA LANG. :))
Pero yun, trinaffic na kami pauwi ng sobra at bongga. Hanggang sa nakatulog na pala ako pagtapos kong maikwento yung Rizal park pagdaan namin don. HAHA. Sobrang saya lang ni Dada nung nakarating na kami sa Skyway. Kasi derederetcho na. HAHA.
Dumaan ng Northgate para bumili ng late midnight snack/early breakfast sa Starbucks. :)) At kwento kwento at swear, wala kasi talaga akong contact sa building na yun para gawin ang bagay na yun, hahaha!
Lakas talaga mangasar ni Dada. :)))
Pero sa totoo lang, isa lang gusto ko sabihin. Ang sarap ng feeling ng title ko. At masarap ito maramdaman sa lahat ng tao, may lovelife ka man o wala. Kasi masarap malamang madaming nag-aalaga sayo ng alam mong walang nakaimprint na expiration date. Hindi ko man naikwento ng detalye kung pano ako inalagaan ng mga taong to sa buong experience ko kahapon, but still, sobrang thankful talaga ako. :") Swear, THANK YOU ALL. AND THANK YOU LORD. :)




Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.