Reality Check #235
Kahapon ko naranasan muli ang kaligayahan sa paghihintay.Habang nakatayo sa KFC sa may South Station, saka ko napagtanto..
Mahirap maghintay lalo na't di mo alam kung san manggagaling.Hindi mo alam kung san ka lilingon, kung san ka titingin. Sa dinami dami ng taong namumuhay sa mundo, malilito ka talaga. At malamang ang tanging makikita mo lang e yung mga taong nakapalibot sayo. Pero pano kung madami padin sila gaya ng mga presentadong taong andun sa parehong lugar na kinatatayuan ko? Kelangan bang tignan sila isa isa para malaman kung sino ang katagpo ko?
Wala ang iPod ko non at lowbatt na si iPhone kaya wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang paligid. Hindi mo naman kailangang tignan ang bawat taong andun e. Kundi ang bawat masasayang makikita mo na meron din sa lugar na iyon. Katulad nalang ng...langit. Kaso too sentimental, kaya binilang ko nalang ang bawat bus na dumaan. :P
Sa tagal ng pagdating ng taong hinihintay mo, maaari kang mainis at mapagod. Malamang tao ka e, nakakaramdam ng negatibo. Pero kung titingin ka sa paligid, mapapagtanto mong marami kayo. Mapapagtanto mo na hindi lang ikaw ang may problema sa pagkainip sa paghihintay ng makakasama mo. Mapapagtanto mo rin na madaming naglalakad. At sa dami nila, hindi lahat sakanila may nag-aantay. Kaya tingin ko maswerte padin ang posisyon ko doon, kasi alam ko, sigurado ako, na darating ang hinihintay ko. :)
Minsan delikado din ang magmasid sa paligid habang naghihintay. Kasi madaming factor sa kapaligiran ang makakapagpabago ng isip mo at matuluyan kang mainip sa pagkahintay. Kaya bago mahuli ang lahat, dapat mong maunawaan na ang pagmamasid ay isa lamang bahagi ng paghihintay. Isa lamang itong parte kung saan ay nagpapalipas ka ng oras sa paraang alam mong desidido ka talagang maghintay. Na alam mo, at tiwala ka sa kasama mo na darating sya at tiwala ka sa sarili mong maghihintay ka. Na ang bawat dumadaan, ang maraming dumadaan, sa harapan mo ay bagay na hindi mo na talaga sakop, at hindi na dapat sakupin pa. :)
Sa totoo lang may dalawang bagay pakong natutunan habang naghihintay doon. Ito ang dalawang senyales na dumating na ang hinihintay mo. :>
Una, malalaman mong dumating na sya kapag napasabi ka ng "Hay sa wakas!" sa sarili mo. Negatibo man ito dahil sa sobrang tagal nya o positibo dahil mas nanaig ang saya mo ng dumating sya.
Pangalawa, mapupunto mong sya nga talaga ay dumating na kapag... umalis ka na sa posisyon kung san ka naghihintay. :) Kapag alam mong humakbang ka na papunta sa inyong pupuntahan, kapag alam mong kahit nagpahinga kayo ng onti, kayo parin ay sabay na lalakad. :)
PS. Isa pang saya sa paghihintay e yung alam mo na kung saan papunta ang mga sasakyang dumadaan. O at least alam mo na kung ano pwede nyo sakyan at ano pwede nyo puntahan, haha!
Credits: Buti nalang tagal mo dumating Ate Kaye. :))
Labels: series


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.