Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Unang Ray Gun: The Warning

    Thinking it would be better if this will be out..






    Tiwala at Katapatan. Bakit nga ba nawawala? Sa totoo lang, tingin ko mas una dapat bigyan ng aksyon ang Katapatan bago ang Tiwala. Ngunit eto ang nagiging weird sa mga tao e. Kung ano ba dapat una, tiwala? O katapatan? Parang itlog o manok. Pero sabi ko nga kanina, Katapatan muna guys bago tiwala.


    Sabi kasi ng karamihan, "Bakit ako magiging honest sayo kung wala ka namang tiwala sakin? Para san pa? Bakit pako mageexplain ng side ko kung di mo din naman ako pagkakatiwalaan?" Ngunit naintindihan na ba nila na kaya mahirap magtiwala ay dahil sa hindi sila honest? Dahil hindi sila tapat?


    Sabi sa previous post ko, 'Katapatan' ang Tagalog ng 'Honesty'. Siguro kaya nila hindi naiintindihan ang issue pagdating sa pagtitiwala ay dahil hindi din nila ganong naiintindihan ang ibig sabihin ng 'Honesty'.


    Para sakin kasi, lahat ng tao ay may karapatan na pagkatiwalaan. Ngunit may mas karapatan naman silang hindi lokohin. Paano mabubuo ang tiwala kung hindi mo ipapakitang dapat ka mabigyan nito? Kadalasan kasi, sasabihan mo ang isang tao na magtiwala sya ngunit hindi mo napapansin sa sarili mo na ikaw mismo ang nagbibigay ng dahilan para hindi sya magtiwala sayo. . . sa mga ginagawa mo, sa mga sinasabi mo.






    Hindi naman siguro tama kung sa isang relasyon, yung ikatlong tao ang papanigan mo. Ewan ko. Parang kahit kasi mali ang taong ikalawa pagtapos mo, dapat pading idefend mo sya sa ikatlong tao e. Pero syempre naman saka mo sya pagsasabihan kapag kayo nalang ang magkausap o magkasama. Dahil sa act na ganon, papasok na ang 'Loyalty'.


    Hindi ba Tagalog din nito ay 'Katapatan'?


    Katapatan. Isang malaking salita. Loyalty at Honesty. Bakit sila magkapareho ng Tagalog? Simple. Kasi sa pagiging honest mo makikita kung loyal sayo ang isang tao e. Na hindi sya makakagawa ng ikasasakit ng puso mo dahil loyal sya sayo. Na hindi ka nya maloloko dahil honest sya sayo. Loyalty at Honesty. Parehong cause. Parehong effect.


    Mahirap magtiwala. Pero siguro nga walang hindi magtiTIWALA kung KATAPATAN ang ipapakita. Na katapatang hindi lang sa pagiging HONEST, kundi pati sa pagiging LOYAL. O hindi lang sa pagiging LOYAL, kundi pati sa pagiging HONEST patungkol dito. :)





    Ipasok pa natin ang 'Integrity'? :) Yung kahit sino pa maging kausap mo, kahit ano pa ang lugar na kinatatayuan mo, tapat ka sa salita at paninindigan mo. O 'Katapatan' nanaman. :)





    Sa totoo lang, madali lang maging TAPAT, ano man ang ibig sabihin nyan sa tatlong nabanggit. Dahil kung alam mo identity mo, at alam mong hindi magiging pakinabang sayo kung papatulan mo ang isang sitwasyon na alam mo namang mali, sinasabi ko sayo, dun magsisimulang magtulungan ang Katapatan at pagiging katiwaTiwala na meron ka sa buhay mo. :)

    "Unang Ray Gun: The Warning" was Posted On: Friday, May 25, 2012 @2:05 AM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.