Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Sabi nya pumayat daw ako.


    Di naging masyadong mabuti ang mga araw ko lately. Bukod sa nakakapagpusoy dos ako syempre. :)) Pero madalas, napapansin kong madali akong naiinip, naiinis at naiirita. Dahil nga siguro'y may sakit ako.


    Oo, ilang linggo nakong inuubo, juskolungs. Ubo + Sipon + Sakit ng katawan = Ayang mukhang yan! Pero sa isang banda, tuwang tuwa talaga ako sa kulay ng nails ko ngayon. :") Haha! Sorry random me. :)))))



    At syempre, ang mahiwagang lalaki ay walang iba kundi sya. :")) Gulat ko nalang at wala pakong ligo, bigla nagtext na nasa baba na sya at may dalang orange. Welelengs. Ayokong kiligin masyado sa blog nato kasi nakakahiya, you know. :)))) Anyway, sabi nya namayat daw ako? Kaya mas inakala nyang ang lala ko na. Pero sabi ko naman, sa kabaliwan lang ako malala. Honestly, ang oa ng ubo ko pero di ko naman ramdam na malala na sya. :))


    This surprise delivery plus the constant checking of my condition made my day. :) Okay na din siguro ang isang araw na pahinga bago pa magwala ang sakit ko sa Biyernes at Sabado. :p

    "Sabi nya pumayat daw ako." was Posted On: Thursday, October 25, 2012 @1:02 AM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.