Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Ang buhay ng isang estudyante ng CFAD. 1

    Palakpakan para sa akin dahil nagawa kong pumasok sa lahat ng klase ko mula Lunes hanggang kahapon. (Wala po kasing klase ngayon.) At ito'y himala nga daw para sa akin dahil hindi na daw ako nagpapapasok. Anubaaa, busy kase. :))


    Lunes
    Alastres na ng umaga ng ako'y nakauwi sa dorm. Masaya dahil kasama ko sila Dada non. Nakatulog naman ako kaagad at nagising ng tama sa oras. Nagulat ang FF na pumasok ako. Madami na daw kasi ang nagbago. Feeling daw nila'y tatlong buwan akong di nagpakita. Oo, OA sila. Matagal ko ng alam yon. :))

    Inasar pa nila akong ginagaya ko daw si Insan. Ang sabi ko naman, may concepts naman ako kaya wag sila mag-alala. Ayun. Natagpuan ko nalang din ang aking sarili na gumagawa ng bagong concepts dahil di daw pwede ang support product for disability. Cute lang. Buti nalang pwede ng gumamit ng wheels sa product kundi, dugo na ang ilalabas. :))

    Nakapagpass ng apat na designs sa IND at nakinig sa Pro Ethics. Usapan naman sa subject na yun ay ang 7 Habits of Effective People. May point sana sya kaso, nakakaantok lang talaga boses nya, :| Have to deal with it..

    Pagtapos ay nagcram ang lahat sa paggawa ng pizza box para sa PD the next day. Kaya naman mas nawindang ako ng kailanganin kong puntahan sila Din at Glen sa Divisoria para sa mga tshirt na kelangan bilhin. Nagpapasalamat naman ako sa buhay ni Claire at sa pagiging "ganun" nya, na alam nya na yun haha, at nakarating kami sa Juan Luna. :)) Naging mabuti naman ang lahat at kami'y nauwi sa bahay nila Abi sa E.Rod para gawin ang box.


    Sa pagod ng araw na yun, hirap na magfunction ang isip namin. Isama mo pa ang fact na kelangan naming isiping mabuti ang planar ng pizza box. At ang matindi don, hindi lang pizza box, isa itong pizza box na dapat ay iba ang structure, may lalagyan ng condiments sa loob, maayos ang lock, stackable sa isa pang pizza box at dapat di nahuhulog kahit 90degrees na, at may maayos na disposal capacity. Kamusta? Kaya ayun, himalang di kami natulog. Pahinga pahinga lang tas balik kagad. Good thing nagawa naman naming tatlo ang pizza box.

    Labels: ,

    "Ang buhay ng isang estudyante ng CFAD. 1" was Posted On: Friday, December 9, 2011 @1:57 PM | 0 lovely comments


    « Older posts


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.