Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Nabore ako.

    Sa dati kong layout. Tapos na kasi Fashion Show e. HAHA. Laboo.

    Wala lang. Gusto kong makakita ng doodles ngayon e. Siguro pag satisfied nako, papalitan ko na ulit tong layout nato. ;p

    "Nabore ako." was Posted On: Friday, February 26, 2010 @12:38 AM | 0 lovely comments
    Hurhur.

    Nakakatawa. Kasi may mga taong OVER magreact, e hindi naman pala sila yung tinutukoy. :)))

    Labels:

    "Hurhur." was Posted On: Thursday, February 25, 2010 @5:45 PM | 0 lovely comments
    Good girl gone bad.

    But I'm not that bad. Naalala ko yung sabi ni Insan kagabi.

    Emman: "Ala-una na ng umaga, nasa MOA pa tayo. Uwi pa ba ng matinong bata yan?"

    Malabo man sya, pero gets? :))

    Napasabi ko na lang.

    Kimiko: "Edi hindi tayo matino."

    Saka ko ngayon naalala na ang sinabi nya talaga ay..

    Emman: "Alasdos na ng madaling araw, pauwi palang tayo. Uwi pa ba ng matinong bata yan?"




    Pagkatapos na pagkatapos ng English, nagkwentuhan pa kami. Musta naman? :)) Imbis na magmadaling magbihis para sa pag-alis, syempre, nagusap usap muna sa harap ng Beato. Kahit na magkakasama naman kami maya maya lang.



    Masaya ang pakiramdam at napakafulfilling kapag nagawa mo na ang bagay na kinakanais mo. Nong bata pa kasi ako, pangarap ko na magig fashion designer. Kahit na di naman ako palaguhit ng mga damit. Mahilig kasi ako magmix ng mga susuotin. Maarte ako e. At hindi ako lumalabas ng kwarto hanggat hindi ako nakakapagpapalit palit ng damit bago masabing, "Eto na!"


    Habang naglalakad kami papunta sa Mazda ni Miki, saka nalang kami napasabi na, "Akala ko hindi nato matutuloy." Totoong matagal na naming plano na pumunta sa Year Zero at sa dami ng obstacles na aming dinaanan, finally, nagawa namen! :D Yun ang isa sa mga accomplishment ng Foggy Friends. Bakit? TRUE FRIENDS KASI KAME. :) Di ba Ruther? ;)

    Sabi ko noon, pag ako nagkolehiyo, gusto ko maranasang makasama ang mga kaibigan ko hanggang madaling araw. Yung tipong nasa labas pa kami at hindi pa naguuwian. Yung nagtatawanan at kwentuhan lang. Walang inom inom o kahit anong bisyo. Mabait kaya ako. ;;) Ang pagsasangkatuparan? Kagabi. :) Sa di inaasahang dahilan, sadyang binibigyan ako ni Lord ng mga araw na paniguradong hindi makakalimutan. Yung mga panahong masusubok mo ang pagkakaibgan at kung san e makikilala mo ang bawat isa. Mga panahong kahit abutin ng fog man sa Tagaytay o mga truck cargo sa lugar na hindi namin alam, masasabi mong magsiksikan man, solb na. :D Kahit magutom, matawa lang. :))

    Hindi mo ba alam na ang kasiyahan ay isa sa pinakamahalaga sa buhay? :D


    Nakakaawa. Labingdalawang oras nakong madumi. Pero nakakatawa. I feel btchy with myself. Dahil kulot padin si buhok. Dugyot at kalat na si eyeliner na hindi natanggal kagabi. At pula pa din ang kulay ni kuko. Ngayon ko napagtanto, bagay pala sakin magkulot? :3 :)))))))))



    Gumising ako ngayong umaga ng random at swit dahil hindi ako, pati sila, nag-PE. Di ko nakita si Toot. :)) Nagtext ako sa mga piling tao ng "Hi. Youre adorable and beloved. :)" At totoo, nakakatuwa ang bawat reply ng tao. May nakaappreciate. May nagsabi nun pabalik. May emo. May natawa. May nagfeeling pa. HAHAHA. Nakakatawa talaga. Pwede ba, seryoso kasi yon!! Hahaha!


    Woot, 5pm na pala. :| At di pako nakakagawa ng VC. :| Anyway, dumaan na dito sila Trish so better kung dito ko na simulan kasipagan ko. Soon to upload pics! ;)

    "Good girl gone bad." was Posted @4:16 PM | 0 lovely comments
    Alam mo, ikaw.

    Masama mang-away. Tigil mo na yan. :)) Hangga't maaari, pigilan mo sarili mo. Lalo na sa panglalait. Feeling mo naman perpekto ka para manglait ka ng iba. Alam mo ikaw, ayoko icondemn ka, kaso mukhang kelangan no na. TSKTSK. Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo ha? Tapos pag inaway ka, feeling mo magaling ka na. Weird ka ba? Ayusin mo na lang buhay mo. Mag-aral ka ng mabuti. Hindi yung naghahanap ka ng gulo. Sayang lang baon mo.


    AT alam mo ikaw, oo, di ka na nga nang-iimpluwensya. Kaw naman nagpapaimpluwensya sa mga tao at bagay na alam mo namang masama, TSS. Batukan kaya kita? Para magising ka sa katotohanang hindi ka ganyan noon. At kung sasabihin mong, "E ano? Sa ganto nako ngayon e." Yan ba talaga gusto mo? Magbilang ng kaaway? Yung walang kataimikan? Mahiya ka naman sa mga taong nasa paligid mo. Wag ka feeling magaling. Wag ka feeling superior. Bakit feeling mo, cool ka na nyan? Nakakatawa ka. Natatawa ako sayo. Sarap mong pagtawanan. Baliw ka na.


    -- Konsensya ko. (Wag ka din feeler. Di talaga para sayo to. Pero kung tinamaan ka, mas maganda. Sige, para sayo na den.)

    Labels: ,

    "Alam mo, ikaw." was Posted On: Tuesday, February 23, 2010 @12:53 AM | 0 lovely comments
    Buti pala CFAD ako. :)

    Dati, sabi sakin, magPsychology daw ako. Kasi malalim daw ako mag-isip at mabilis ko mahuli ang isang tao. Gaya ngayon, nakakatawa. May nalaman ako. Wala lang, may isang taong umamin lang na may inagaw sya na kung san ay nagpatunay na hindi ako feelingera. Pakialamera lang. :))


    Sabi din sakin, mag kahit anong course daw ako ng Mass Com o kahit anong ginagamitan ng matinding pag-iingay dahil, madaldal daw ako. NAKO NAKO, dami ko ng course! :)))


    Pero mas swak nga siguro sakin ang CFAD, ang pagiging Fine Arts student. Kasi lahat ng gusto kong gawin, andun na e. Paggagawa ng kung anu ano na maisip mo, pagdadaldal, pagpapakatamad, pagpapakamasipag, pag-uutakan, pagbubusybusyhan, pagiging creative, pagiging imaginative/daydreamer, pagiging petiks mode, pagiging gala, pagiging makulay ng buhay at higit sa lahat, pagiging inclined sa FASHION. :D



    Dahil sa CFAD, perstaym sa tala na nabuhay ako, makakapunta na ako sa Fashion Show. :) Akala ko kasi noon, pagtumapak pako ng 20 taong gulang, saka ako makakapasok sa mga ganun. JUSKO, 18 na taon lang pala ang hihintayin! Mahal talaga kita LORD! :DD



    Sa 24, Miyerkules, magaganap sa SMX ang pinakainaabangan naming magkakaibigan. Ang YEar Zero! ;) Bonus pa dahil CFAD ang may pinakaaksyon ng fashion show na ito. Mahal kita Cfad!


    Siguro, isa din sa ipinagmamalaki ko sa barkada ko, hmmm, akin nalang yun! :)) Baka masabihan ng mayabang kahit na ipinagmamalaki ko talaga e! :))

    "Buti pala CFAD ako. :)" was Posted On: Sunday, February 21, 2010 @11:15 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    feeling maganda ka isang arw. Tapos may gwapong dumaan. Tas nagkatinginan kayo. Nagkailangan. Kinilig ka. Tas maya maya, nagpapapansin na sya.


    Haaayy.. Happy Day! *u* *u* *u* :))))))

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted @12:31 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    may nakita kang lalakeng nakatalikod tapos ang ganda ng porma o kahit ng kulay lang ngntshirt na suot, tapos nadadama mong gwapo sya. At hinihintay mo na humarap. Tapos ang tagal nya humarap. Sabay ng pagharap nya.....napagtanto mong sana di mo na lang hiniling na humarap pa sya. Yung tipong mapapasabi kang, "Sana naging likod nalang sya."


    Wala, nagsayang ka lang nang oras! :))

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted On: Wednesday, February 17, 2010 @11:57 AM | 0 lovely comments
    Busy ako. Yun o!

    Isang nakakaluhang text ang nasagap ng cellphone kong kyut mula kay Arren.


    miko! naun knb aalis? ndi k mka2pgpraktis naun??

    ~bakit?..


    ...

    Arren, alam kong mamimiss mo ko ng sobra, pero di mo kelangang tipirin yung letters sa text dahil alam ko, unli ka. K? :))


    Si Arren Jade Conde. Ang katagpuan ko sa Kitchen Cafe tuwing hapon. Sabay kasi kami pumupunta sa EFC para magpraktis ng Hands at gumawa ng desenyo para sa nalalapit na Love Encounter. Sya ang sidekick ko ngayon dahil si Mean-g gala, e ayun, nagpakabusy sa kung san. ;p


    May isa pa kaming kasama, si Ralph Martin Biag. Badtrip no? Ba't kaya sila tig-dalawa ng pangalan tas ako isa lang? Hmpf. Si Ralph na naghawa samin ng mga ekspresyong "TAMA!", "Yung totoo?" at "Paulit ulit?" na nung ginamit namin sa kanya, saka nya napagtanto na ito'y nakakabara HAHAHA.


    Si Sheena Alcanzare. Si Ate Ena ang aming lider sa grupo. Hands at Design Committee a! :)) Jusko, ang batang to, HAHA, sya ay isang dakilang babae na nakakapaglikha ng mga bagay bagay na akala mo'y imposible. :D Ba't kaya hindi nadugtong sa Arts ang course neto? O.O



    Ang tatlong taong yun ang madalas kong kasama kamakailan. Kaya naman, kapag ako'y nawala, may masisisi na kayo. :)) Masaya ako na kahit kaunting araw lamang ang aming bakasyon dahil sa pagkawalang pasok, nagugol ko ito ng tama sa aking muling pag-aaktib sa aming simbahan. Masaya ang pakiramdam at nakakarefresh ng sangkatauhan. Swear! Hahahahaha! Sa katanuyan, nung una'y ako'y seryosong tao na sa aking pagbabalik, ngunit ngayo'y ako'y aalis, la na, balahurang tao nanaman. HAHA Jokolang ;p What I mean is, dahil sa mga pinaggagagawa kong kasama sila, naalala ko na ang buhay ay hindi gaanong dapat seryosohin. Na dapat mo laging magtira ng puwang, o di kaya'y malaking puwang, para sa kaligayahan at tawanan.


    Sa aking pagbalik sa makamudong lugar, mamimis ko ang mga taong to. Hindi lang ang mga taong to, kundi ang simbahan mismo. :) Surely, nasasabik nako sa susunod na linggo para sa aming Love Encounter. :)

    "Busy ako. Yun o!" was Posted @11:13 AM | 0 lovely comments
    Ibang lebel ng kaartehan.

    Alam mo yung may taong magbibigay ng magandang kumento sa gawa mo tapos biglang itatanong kung ikaw ba gumawa? BENTA KA. Tatawa na ba dapat ako don? Unang una, di ako pikon. Pero bakit sa lahat ng ng asar sakin, sayo yung pinakaBENTA? Samantalang may mga sumunod pang pangaasar pagtapos ng sa'yo, parehong pang-aasar at sarcasm, pero natawa ko. Bakit? Bitterness ba yung iyo?

    Ayoko sayo. Ayoko sa mga taong dinadamay ang mga nasa paligid sa kabitteran nya. Ayoko ng taong gaya mo na ipinangangalandakan sa ibang tao ang kasamaan ng nasa paligid tapos ganun ka din pala. Ayoko ng taong inggitera na gaya mo. Yung naiinggit na gagawan ng kasamaan yung mga bagay na ginagawa at ipinapakita mo para lang ma-down ka at masira ang imahe mo sa iba. Ayoko sa ugali mo. Sa ugali mo lang na yan.




    Ayoko ng kinokontrol ako. Sinong masaya kapag ginawa kang bata na papagalitan kapag di sinunod ang sinabi ng ina? Buti sana kung ina mo nga. Sinong maligaya kapag kinontrol ka? Bakit, wala ka bang isip para magdesisyon? Kung nasaktan mo ang isang tao sa desisyon mong yun, kasalanan mo ba? Pwede mo sanang akuin yung pangyayaring yun kung hindi ka naging patas sa paggawa ng desisyon e. Pero bakit kung kelan ka nagiging patas, saka may taong madidisappoint sayo? Ayoko ng kinokontrol ako lalo na't alam kong tinitignan ko din ang mga bagay na ikabubuti mo. Wala ka bang tiwala sakin para ikasama mo yung bagay na ginagawa ko? Ayoko ng ganon. Please, ayoko ng ganon. Sawa na ako.




    Ayoko ng taong ipinapakita sayong boba ka samantalang kaya kalang naman natatawa sa kanya ay dahil sa reaksyon ng mukha nya at hindi dahil sa napakaintelehenteng bagay na sinabi nyang akala nya'y di mo alam. Excuse me, lahat ng tao alam yan. Kaw na masaya't feeling mo kaw lang may alam. Minsan, kung pikon ka na. Tumahimik ka na lang. Mas nakakatawa kasi kapag nagreact ka sa bagay na di mo pala alam.




    Kath, bumalik ka na. Oo, alam ko kasama ka na namin bukas. Miss na kita. At wala akong matinong mapagsabihan nito. :|


    O sya, inaamin ko, bagay na theme ng blog ko saken. AKO NA. :)

    Labels:

    "Ibang lebel ng kaartehan." was Posted On: Thursday, February 11, 2010 @9:07 PM | 0 lovely comments
    Kulang ang Energy..

    Bakit kaya mabilis nako maubusan ng enerhiya ngayon? Hindi naman sa empty batt pero alam mo yung kapag naubusan ka ng enerhiya, mawawalan ka ng gana at wala kang magagawa para i-on ang booster. Booster! :)) Naalala ko si Insan! :))

    Tingin ko kailangan ko na ng multivitamins ni Janna. Ay! Kamusta naman yung ketchup sa damit ko? x.x

    Wala na daw akong unli at na-bv nanaman ako dahil hindi ko matetext si Neneng Jesza. Wala lang. Sabi ko kasi matutulog lang ako. Mamaya isipin nun iniiwasan ko sya. E naguilty pa naman ako ng sinabi nyang masyado nako busy. Wala, parang pati dun nawawalan ako ng enerhiya. Pero, oo, minsan. Kasi ba naman sinong matitirhan ng energy kung lagi kang pagod at wala ka pang refreshment? *hingangmalalim* Anyway, pagnabasa mo to neng, alam mo na kung bakit di nako nakatext. haha!


    Naalala ko, bakit kaya kapag paos ako, tamad akong magsalita? :)) Yung kahit anong gusto kong magsalita, mas pipiliin ko ng hindi. Unless walang kumakausap sayo kapag kasama ka namin. O di kaya'y bago kang kaibigan gaya ng sa Wildsons. Ayoko naman kasing isipin nanaman ng tao na maldita ako gaya ng first impressions sakin. At eto yung aliw, kahit sa text o sa chat, tinatamad ako magsalita. :))) Pakiramdam ko kasi ang plastik ko kapag ang daldal ko masyado sa mga ganun e paos nga ako't tipid magsalita. HAHA. La lang, maiba lang sa iba. Gusto ko lang dalihin sila sa mga ganung paraan ng pakikipagusap. ;p SYEMPRE JOKE LANG.


    Bagong update? Dami ko ng kinaiinisan. Siguro kasi ngayon ko nalalaman ang ugali ng mga tao. Syempre matagal tagal ko na din silang mga kasama. Hindi lang sa block ang tinutukoy ko, baka mamisunderstand mo nanaman. Kundi sa lahat ng taong nakakasalamuha ko mula pumasok ako bilang kolehiyala.

    Minsan naiisip kong gumawa ng bagong secret blog. Kasi, masyado ng maraming nakakaalam ng blog nato. FEELER MUCH, I KNOW. =)) Kasi lang, nahihiya akoooo, hahaha! Tsaka minsan hindi nako makapaglabas ng gusto kong sabihin dito. Baka takot na writer/blogger pako. :) Pero pwede din namang ayusin ko na lang yung paraan ko ng pagsusulat e. Ewan ko. Magulo..ako. Minsan pakiramdam ko namimisundertand na ng mga tao yung mga nakalagay dito. Kasi minsan akala nila siguro sila yung sinasabihan ko. Lalo na kapag hindi detalye ang pagkakasabi ko sa mga blog ko. Pero sabagay. Sabi nga nila, ang matamaan ay guilty. Aware man ako o hindi, pag natamaan ka, ibig sabihin, ginagawa mo ang mga bagay na kinaguiltyhan mo. Hmm, siguro dapat mas lalo pakong magpatama sa mga taong masasama masyado magblog para tamaan to si Bruhang Joyce e! :))) Jokolang Bru ;p


    Para sa'yo. Sana, intindihin mo din yung mga ginagawa ko. Intindihin moko. Dahil para sakin, nagiging unfair at selfish ka na. Hindi naman ako galit. Na-BV lang talaga. Dahil din kasi sayo, nawalan ako ng kwenta kausap kanina. Kinakamusta ko pa naman yung kaibigan kong matagal kong di nakausap! Pasalamat ka natulog ako.......................K, welcome! :)

    Labels:

    "Kulang ang Energy.." was Posted @8:03 PM | 0 lovely comments
    Ikaw lang nagpaBV ng magandang Huwebes ko!

    Ewan ko kung bat ang arte mo. Gusto ko sana at willing akong intindihin ka, kaso sobra ng kaartehan yan! Kaasar na! Alam mo yung hindi "tayo" para pagselosan mo mga kaibigan ko? Pfft. Ay ewan!


    Totoo namang tuwing Huwebes e maganda araw ko e. O baka umaga lang? Hmm. Pero kasi, tuwing hapon ko nararamdaman ang me-time na kinakailangan ng bawat estudyanteng napapagod din gumawa ng plate at mahabang oras ang ginugugol sa eskwelahan gaya ko. Kaya naman, ang pagtulog ng mahabang oras o pagsasayang ng kuryente kakainternet o di kaya'y magmovie marathon mag-isa ay sadyang nakakaengganyo sa akin..dahil yun ang kailangan ko. ME TIME. Dahil kung hinde, malamang di nako bumangon sa kama sa sobrang pagod ng sarili ko.


    Pag-uwi ko sa dorm, mamaya maya lang e kumatok na si Ate Nina. Kala ko may kukunin lang kasi papasok na sya. Yun pala may dala dala. Para sakin daw. Galing pala kay Abi. :)) Saka ko lang napagtanto na ayun yung gift ni Abi na hindi nya madala dala dahil sa bigat. Isa kasi syang octagon na box na pwede ding upuan. At sa loob may mga pagkaing laman. Grabe, winner e! Natawa ako! Hahahaha! Kasi hindi ko inaakala na yun pala regalo nya. Tsaka hindi pangkaraniwan. Kaya aliw na aliw ako hahahaha! Thanks ulit Abileen!! *hughigpit*



    Mahirap nga talaga ang buhay ng isang pipe, isang mute na tao, yung walang boses. Kasi, kahit anong gusto nyang magsalita, at kahit anong gusto nyang magsabi ng gusto nyang sabihin, hindi nya magawa. Marami ngang paraan para makipagusap sa ibang tao ngunit ang pagsasalita ang pinakamadali at pinakamabilis na paraan. Kasi, kahit gano kahaba ang sasabihin mo, kaya mong ipaliwanag kaagad. Nagsasalita ka e. Pero pano ang mga pipe? Isipin mo nalang yung pakiramdam ng isang tao na comatosed pero gising sya. Di ba sabi pwede makausap ang na-coma kasi naririnig nya. Pero kahit gano kadrama o nakakatawa ang marinig nya, makakapagrespond ba sya? Hindi naman di ba. At bakit napunta sa ospital ang sinasabi ko? WALA LANG. PAOS AKO E. :|

    Labels:

    "Ikaw lang nagpaBV ng magandang Huwebes ko!" was Posted @2:53 PM | 0 lovely comments
    Alas dos na pala ng umaga.

    Pero gising pako dahil sa dinadownload ko. Feeler talaga ako. Purkit 9am lang pasok ko bukas. :))

    "Alas dos na pala ng umaga." was Posted On: Tuesday, February 9, 2010 @2:00 AM | 0 lovely comments
    Umaga na pala.

    Habang nagsisigawan yung kapitbahay namin dito sa dorm, gising pa kaming dalawa ni ate Nina. :)) Ang aliw, feeling namin 6pm palang. Hoy! Tulugan naa!! Hahaha!

    Pakiramdam ko, kanina ang pinakamalungkot na pag-alis ko sa bahay namin. Kasi e, huling araw ko ng makakasama si Mami. Sa Miyerkules na sya babalik sa Japan. Ako naman, go for the gold pa rin. :| Di kasi ako makakauwi ng Martes kahit na gustong gusto ko dahil malabo ang schedule ko. Haay, schedule..Ayaw mo lagi makisama.. :|

    Ayoko naman makipagdramahan pa kay inang mother kanina kaya nagpaalam nalang ako at nagkiss sa kanya. Aba, kahit kiss lang yun, buong pagmamahal ko yun. HAHA! Jokolang. Alam ko naman, sometime soon, magkikita at magkakasama ulit tayo. Kahit na isang taon kayo ni Dadi hindi uuwi. Bat ba kasi hindi nyo nalang ako isama sa gala nyo?? :|


    Nagpahaging ako kay Mami kanina, na gusto kong pumunta ulit sa Japan. Tinanong nya ko kung bakit. At nalimutan ko na sagot ko hahahaha!

    Nako Mami, mamimiss ko mga hug mo twing matutulog na, swear! :| :| Wag kang papapagod dun a! Pag namiss mo ko, which is definitely HAHA, bilihan moko kagad ng ticket para makapunta dyan a! Para din makita ko na si Papi. Miss ko na din yun e. :| Si Dadi, wag mo na masyadong sigawan a. Natataranta na masyado yun e. Tas pinapainom mo pa lage ng kape. Ikaw talaga. Loko ka! HAHAHA! Joke lang, 'my! I LOVE YOU!! >:D< >:D< >:D< >:D< :*:*:*:*

    Labels:

    "Umaga na pala." was Posted On: Monday, February 8, 2010 @1:07 AM | 0 lovely comments
    Sana ganto lagi. :)

    Nagising ang mundo ko sa text ni Chizi na anong oras daw ako papasok. Mula 7am nga pala ang PE nya dahil sa make-up class kaya maaga sya sa uste. Tas yun, pinapapasok nya nako, e kamusta naman ang kasarapan ng tulog ko di ba. Pero naramdaman kong 8am na pala yun kaya naman, bumangon nako. Pumunta sya sa tapat ng dorm pero mukhang sabi nya lang yun, haha. Di kita kaya nakita! :)) Tapos nalate ako ng 12minutes sa PE kasi nga bumili pako ng cheeseburger for breakfast, hehe. Tuwa pa naman ako kasi kahit papano, maaga nako. Kaso ba naman pinaalis ako ng prof na kamuka ni Mr Fredricksen, di daw kasi ako nakauniform. Pano, yung pambaba na suot ko e yung pambaba namin sa Softball. E nawawala kasi yung shorts ko sa Volleyball. Kaya yun sinuot ko, hehe. At malay ko bang bawal yun. :| Kaya no choice ako kundi umupo dun sa isang sulok sa ilalim ng lilim ng puno. :| Emo na? Haha! Tas inasar pako nila Michael (blockmate ko to) na mukha daw akong nalugi. Buti nalang at nahilo si Nina (Ninya), mabuti pa e no hahaha, at nagkaron nako ng kasama sa shade ng puno. :P


    Maya maya, dumating iba kong blockmates dun, sila Janna, Jesusa, Jerome at Laura. Buti pa sila kahit absent na, pinaglaro pa din. At sos, kapag nakikisali ako, pinaalis nya ko! GRR KA EVER!!! >:P>:P>:P Feeling ko kinuntsaba to ni ano para inisin ako e, JOKE! =)) Naggroupings na sila para sa practical o prelim test. Malay ko ba. Hindi daw ako kasali e. HMPF. Nung tinawag pa nga apelyido ni Nina, tinuro nila kami. Tapos inisnab nanaman ako. Sama pa ng tingin. Hahaha. Ewan natawa nalang ako. Para kasing nakapatay ako isang pamilya sa Maguindanao para ganunin nya. :)))) Tapos nung malapit na sa apelyido ko, kinakabahan ako. Wala lang, feeler ako e, umaasa na kahit papano papayagan nyang magtest.

    Tinawag na si Chizi, mauuna kasi apelyido nya kesa sakin. Tapos pinaalis din pala sya hahahaha! Ayun, may kasama na talaga ako. Una, kunwari dedma lang ako. Kasi naman e, inis talaga ako at wala ako sa mood tumawa. Kaso may isang bola na naligaw medyo malayo sa tapat naming dalawa at nakipagchallenge si Chizi. Unahan daw kami sa bola. Dahil gusto ko talagang mawala yung inis mood ko, nakipagdeal ako. Ayun, takbo to the max. Feeling ko nabanat mga buto ko hahaha. At dahil dun, tawa nako ng tawa hahaha! Thanks Chizi! *hug* Kapag may napapadpad na bola sa min, ayun, unahan. Paramihan daw ng bolang makukuha tas ang pinakamarami e papayagan na ni Sir magtest. Pero syempre imagination lang namin yun hahahah!


    Tapos, yung pe-mates namin na iba, tapos na, pinauwi na sila. E nagstay sila sa kabilang net para maglaro. Nagyaya naman si Chizi na sali daw kami. Ayun, sali kami. Tatlo lang naman sila e kaya medyo walang hiyaan. Ako, si Janna, pati si Chizi naglaro. Kulit nga e, pag mga ganun nakakareceive ako ng maayos. Pero pag sa PE talaga, hindi. WEIRD! HAHAHA


    Volleyball nga pala pe ko ngayon if ever na nalimutan mo. ;) Natuwa naman ako kasi medyo marunong nako. Haha!

    Maya maya, nakisali na sila Crush. Mga kaibigan nya pala yung tatlong naglalaro! :)) Ayun, nahiya ata potentials ko kasi kapag sya nagseserve at sakin napupunta yung bola, di ko narereceive. Parang natatameme. HAHAHAH! Grabe, feeling ko kung masyado pakong nagpadala sa aking puso, nakonaman hahaha, mahahalata na nila! Tapos palihim pako inaasar nila Janna. Haha! Sumali nga din pala si Ngyeft/Jerome. :D Natawa ako. :)) Sabi ko pa kay Ngyeft nung tinanong nya kung bakit di ko tinira yung bolang galing kay Crush, "Natotoret-e ako." HAHAHAHAHA! Kahit papano, alam ko na ang ugali ni Crush. Feeling ko sya major crush ko ngayon, haha! Kasi e, ang kulit pa nya. Tas sa hindi ko inaasahang pangyayari, mabait pala tropa nila. Kasi kapag di kami tumitira ni Janna, pinapapunta nila samin yung bola tas tirahin daw namin. Wag daw kami mahiya dahil sayang daw yung rent. Haha!


    Tapos sinali nila si Simon, friend nila na gay. At ang daming kalokohang sinabi at ginawa ni Crush na super laughtrip! =)) Ayoko na isa isahin baka maging friends namin sila talaga somethime soon at magets nila ito. HAHA. Ayoko na. ayoko na talaga. *u* HAHAHA! Nagfeeling pako, hahaha!


    Basta, all I can say is that Thursdays are love! HAHAHA! :))))))))

    "Sana ganto lagi. :)" was Posted On: Thursday, February 4, 2010 @9:56 PM | 0 lovely comments
    Ang Puso Ko'y Masaya Pag Kasama Ko Ikaw

    sa Diyos umiibig. ^^ :)) Naalala ko yung kanta ni Ate Ena. :DD


    Miyerkules. Inagahan ko pumasok sa DWS2 dahil naisip ko na magpaggawa kay Meka ng figure ng tao para sa CITEM ko. Ako na madaya, haha! Loser kasi talaga ako sa paggawa ng mga tao tao. Pagdrawing-in mo nalang ako ng Garfield, lagyan ko pa ng kulay yan. Haha!

    Una kong nakita sa room sila Kath, Claire and Abi kasama yung iba naming kaklase. Natuwa pa nga sila kasi daw ang aga ko daw e. Hoowell, I'm really changing naaaa *u*. Ayoko na ngaaa. *u* Tapos dumating na din si Ms. Nobleza para iaannounce yung mga napili nya for CITEM and Swatch. Contest kasi yun e. Pinagawa kami ng tatlong pambabaing damit na sariling desenyo para sa CITEM. At anim na desenyo para sa anong bagay na magagamit (theme: Tiger) para sa Swatch. Huli nako sa pagpasa ng dalawang plate pero di naman ako nawindang kasi kahit sila Meka late nagpasa. :))) Pakiramdam ko nga napapasa sakanila yung katamaran ko noon at nakuha ko kasipagan nila e. Ohgash. Haha! Pag katanggap ko ng Swatch plate, yun palang napasa ko nun, natuwa ako sa 89% kong grado! ;D Parang gusto ko magpaparty. Hahahahaha! Kasi naman e, akala ko may malaking minus dahil super late ko na nagpass atsaka di ko inaakala na ganun kataas. Knowing Ms. Nobleza. ;p Nagtaka kaming lahat dahil antaas ng grades namin sa plates na yun. :D Tapos pa, nakakagaan ng pakiramdam kasi nga pinagpuyatan ko yung plate na yun. :) Wala lang, I feel blessed. :)


    Natapos ko na din yung CITEM plate. Nakakatuwa nga e, tinulungan kasi ako ni Dan. Himala, di sya nangagat. HAHA. Joke lang ;p Tapos, kumain muna kami ni Claire and Ruther. Dun na nagsimula ang pagiging confused ni Ruther sa love. Kung ako daw ba o si Claire, Joke! HAHA. Inaasar kasi namin sya kay Binay, kay T, kay J at kay "Nasan si Jesusa?" na nakasalubong namin from other course. HAHAHA. Pero above all, si Bukol/Hiwa/Cebo/atetc ang pinili nya. I'll give you a background of her sometime ;p Todo asar at tanggi naman si Ruther hanggang sa ako naman ang inuurirat nya. Hanggang inasar nya din ako kay J. Labo e, alam ko namang selos lang sya kasi close kami ni J. Yanmu, sayong sayo nga si J. Friends lang kami. Nilalakad lang talaga kita, anu ba! Hahaha! E sorry, kampi kami ni Claire. Talo sya, haha!


    Sa Mang Tootz ata kami kumain that day. Di ko na masyadong tanda....AY! Hiwahiwalay pala lunch namin kasi nauna kami maglunch nila Claire dahil una kami natapos. Tas yun nga. Nagkwentuhan lang kami tas umamin nadin si Jerome sa Foggy Friends tungkol sa problema nya. Naflatter naman ako ng sinabi nyang magaling daw ako mag-advice. Aww. *u* Siguro nga bumabalik nako sa dating ako kasi matino nako kausap sa mga ganyan. Haha!

    Habang nagkekwentuhan kami, narining nalang namin na sumigaw sila Insan. Yun pala, kinalmot, I mean, sinuntok ni Dan si Janna. HAHAHA! Kala ko kasi kinagat. haha! Anyway, yun nga. Akala ko, joke lang kay Janna lahat yun pala totoong nagalit sya. At yun ang unang beses na nakita namin si Janna na umiyak. :P Ang kulit nga e, mukha syang pinakabata saming lahat. Sila Kath pa nagpunas sa kanya, imagine. :)) Tapos kinausap namin si Dan kung bakit and all. Nung kausap na ni Tam ng seryoso si Dan, pinuntahan ko si Janna sa cr para patahanin. Para talagang bata e, di mapigil yung iyak, haha!


    Pagtapos non, nagmabilisang attend kami sa English2. Kasi prelim exam lang tas after nun, pwede na umuwi. Cuarto's sana. Kaso nababaliw ako kasi antok nako kaya ayoko sumama. Naguilty naman ako kasi di sila natuloy. Hehe. Malaki kasi babayaran nila if ever hahaha! Nakisingit ako sa lamesa nila Jerome/Ngyeft, kasi nagpapatulong si Ryan sakanila ni Meka. Maya maya, naguwian na lahat. Tas nagpractice na sila Ngyeft. Natira nalang ako, si Ryan, si Meka, si Kevin. Tas kung san san pa napadpad si Kevin na pav. NadaDan pa kasi binato ako ng bola, haha! Tas sa kagalingan ni Meka magdrawing, ginawa nyang ako, sya at si Janna yung itsura ng mga tao sa CITEM ni Ryan/Chizi. Kaming tatlo kasi ang natirang babae sa pav. Ang galing talaga. Nainspire nga ko magpapayat ng as in tingting dahil sa drawing nya e. Bagay pala sakin. HAHAHAHA.

    Ang pagdodrawing naman ay nauwi sa heart-to-heart talk. Kaming tatlong. Alisin nyo si Kevin sa eksena. HAHA. Nagsimula kasi sa naintriga nadin si Chizi kila Meka and Kevin. Tas napunta sa past love ni Chizi hanggang sa sakin. At jusko, bad girl daw ako. :))) Weird nya e! haha! Tas yun. May napagtanto naman ako. :)

    Mga 5pm na nataposang lahat. Niyaya ko si Meka sa Youth Fellowship na aattendan ko that day with Kicko and Kevin, dormmate ni Kicko. Si Claire kasi dapat kasama ko e may biglang lakad. Tapos yun, nahila ko naman si Meka. :) Thanks girl! >:D< Bigla nagtext si Claire na sasama na ulit sya. Labo e, haha! Tas hinintay pa namin sya nila Kicko. At sos, ang mabagal na si Claire, inabot ng 6pm. :)) Pero ok naman kasi di kami nalate. Natuwa nga yung dalawa kasi para daw concert. Nawindang naman ako sa nalaman kong under G12 din pala yung church na pinuntahan namin. Galing talaga ni Lord! :D Pagtapos ng praise and worship, nagmessage na si Ate Bhebs. :D Ang ganda nga ng topic e. will discuss after the second post ;) At pinagpray ang newbies and then cell group. :D Una, ayoko talaga sumali pa sa cell group nung church. Kasi may cell group naman ako sa church namin talaga sa EFC. Kaso, gusto ko mahiyakat din sila Claire at para may kasama sila. So go for the gold ako. Ang dami naming nameet na bagong mga kaibigan kaya tuwang tuwa kami. That day, super blessed kaming lahat. Tumama yung message e. Haha!


    Ang saya pa kasi PE lang ako sa susunod na araw. Meaning, 9pm pa pasok ko kaya ang sarap sarap ng tulog ko, haha!

    "Ang Puso Ko'y Masaya Pag Kasama Ko Ikaw" was Posted @9:21 PM | 0 lovely comments
    Konpyusd.

    Gaya ni Ruther. :)) Pero di kami pareho ng problema. Ang sakin lang, mababaw. May dalawa akong gustong ipost. Di ko alam kung isang post nalang o paghihiwalayin ko pa. HAHA. Di ko alam kung dapat ko pa bang ipaghiwalay, kung may benefit pa ba ko don o wag na. Kasi madami pa namang iba dyan. HAHAHA. Wag na, pag hiwalayin na nga para mas malinaw. Para mas masaya. Para mas okey, para matawa ako. Para sayo. At para sa mundo. NYEHNYEH LABO KO. =))

    "Konpyusd." was Posted @9:18 PM | 0 lovely comments
    Kaya siguro ako ganado.

    HAHA. *u* Lamna! :))


    Bakit kaya kay buti buti ni Lord? :D Wala lang. Sobrang nakakatuwa. YIKEE! HAHA. Grabe, nagiging wirdo nadin ako. Lakas makahawa ni Janna. Tss. :)) Ay, sya nga pala yung normal at kami ang weird, hahaha!

    Minsan talaga, may mga pangyayaring biglaan nalang. Siguro sa sobrang dami mong paghihirap na nararanasan, nagkakaron ka talaga ng break para maging maligaya. Kaya minsan, worth it lahat ng paghihirap e. :)

    Sa ikalawang araw ng aking kasipagan, nagkaroon ako ng tatlong di inaasahang pangyayari. Una, aga ko nakapasok sa Art History 2. HAHAHA joke, di pala yun! ;p Game na, haha, una, kakulitan ko na si Jeep. :DD Wala, nakakaaliw talaga sya. Tapos di ko akalain na magiging ganun yung araw nato. Sana araw araw na lang. HAHAHA. Anyway, ayoko na magkwento pa. Baka kasi bigla nyang mabasa to dahil nga malaki ang posibilidad na mangyari yun at magets nya pang sya ang tinutukoy ko. :)))

    Ayoko mag-assume. Ayoko mag-assume. Ayoko mag-assume. Wag mo ko pag-assume-in. Please? Ayoko mangyari ang mga iniisip ko. Period.

    Pangalawa, isang late na text ang nakapagpagulat sakin. Bakit ganun sinabi mo? Dapat ko bang ikatuwa o ikatanong? Dapat ba kong mag-ingat sa bawat mangyayari? Seryoso, sana kung tama yung naiisip ko, maging maganda nalang ang kakalabasan. Sana walang masisira. Kasi, ayoko na ng sayang. :)

    Ang unang kaibigan ay paniguradong di mawawala lalo na kung pinahalagahan nyo ang isa't isa.

    Ikatlo, nahiya akong ipacheck kay Sir Castro yung mga kahoy ko kasi naman andun sila. Pano, di pa tapos ang Foggy Friends kaya kailangan ko ng gamitin ang Independent Powers ko. :)) Kahit na hiyang hiya ako lumapit sa lamesa ni prof, wala nakong magawa para lang matapos na ang lahat. :)) Pero umalis sila, dahil well, dininig ni Lord ang aking munting prayers. HAHA. Hanggang ang Korean friends nalang andun. Syempre, kalmado na puso ko, hihi. ;p Ipinakita ko na. Kaso, taaddaaan!! BUMALIK. o_o Nagulumihanan mundo ko dahil nahiya nanaman ako, haha! Kaya ayun, nangialam sya sa pagchecheck ni prof, haahahah! Sya naging husgado dun kaya di ako makapalag, hmpf! Pero nakakatuwa, kasi alam ko, namimiss nya na din ako kasama! :DD Yikeee, halata ka na! Pansinin mo na daw kasi ako kasi nahihiya lang talaga akoo! Hahahaha! Ayun, natawa ako at naflatter sa sinabi mo, sa kumento mong yun. :) Salamat! :) Pero, alam ko naman yun e! HAHA! Jokolang ;p Isa pa, magdorm ka na kasi ulit, para panay field trip ulit tayo dito. :))) Miss na kita, seryoso. :)


    Kung nagiging masipag nako uli sa pagpasok, siguro babalik na din ako sa pagiging normal ko sa pagbablog ano? :D

    "Kaya siguro ako ganado." was Posted On: Tuesday, February 2, 2010 @9:46 PM | 0 lovely comments
    Mahiyain Ako.

    Dahil sa pagiging mahiyain ko, naggawa kami ng video nila Claire and Abi kaninang break sa Filipino tungkol sa Chinese Mandarin. HAHAHA. At dahil din sa pagiging mahiyain ko, naging aktibo ako sa pagrerecite sa Filipino. Nalalabuan sakin mga kaklase ko kung bakit ako sagot ng sagot. Pero pasensya na. Kahit ako, labong labo din. Hahaha! Siguro ganun talaga kapag malamig ang silid aralin natin at ako'y inaantok. O di kaya'y sadyang may masamang ispirito sa totoo nating silid aralan sa Filipino kaya nung lumipat tayo, maayos ang katauhan ko. HAHA

    Super ganda ng tinalakay kaya kanina sa Filipino. Ito ay tungkol sa pagsusulat. Pwede mo na din ikonsidera dito ang pagtatype at kung ano ano pang uri ng "written language". Kaya din siguro ako aktibo. Minsan nga naiisip ko na ipagpalit nalang ang pagguhit sa pagsulat e. Kaso naiisip ko din naman pagtapos na assumming at feeler lang talaga akong tao kaya ko naiisip yun. HAHAHAHA!


    Nakakatawa. Dati kasi akala ko na kapag ikaw ay katulad ni Blair Waldorf, sikat ka. Pero di pala. Minsan talaga, may nagpipiling Blair Waldorf lang. Di pala purkit may mga naiinis sayo, sikat ka na. Dahil kadalasan, pangit lang talaga ang ugali mo kaya madaming naiinis sayo. Self check pipol! :D


    Kanina, tinanong ako ni Bespreng Kicko kung kamusta daw lablayp ko. Sabi ko, ok naman. :D Pinapaliwanag nya ko kung panong okay. At syempre, pinaliwanag ko sa kanya.

    Masaya ako sa pagiging single. Totoo, walang halong biro. Kanta? haha! Pansin naman siguro sa mga entry ko no? :D Wala, pacrush crush nalang ako. At ang weird nga e. Ang gusto ko, di alam ng crush ko na crush ko sya. Para kikiligin ako. HAHA Pag alam nya na or maramdaman nya na, ayoko na. Di ko na sya crush non. :))) Kaya di ko na gusto si PSP. Nagpapansin na e. Wala ng thrill. HAHAHA!

    Napagtanto ko naman ang buhay ko ng pinagkumpara ko ang buhay ko noon, sa buhay ko ngayon. Sa totoo lang, mas masaya pala yung ngayon. Ngayon ko nakikita ang kahalagahan ng kagustuhan ng mga magulang na wag muna isipin ang pakikipagrelasyon. Sayang nga naman ang mga taon na ito na dapat e nakikipagsapalaran ka at ineenjoy mo ang kahit ano sa mundo. Dahil darating din ang oras na magkakaron ka ng karelasyon at mamumuhay ka kasama ang taong yun araw araw sa panghabang buhay. O di ba, medyo hindi maganda? HAHA! Kasi kung ganon naman talaga ang magiging buhay ng bawat tao, pano mo maeenjoy ang mga bagay ng mag-isa? Kaya naman hindi nako nagmamadali e. :)

    Sabi ko nga kay Kicko e..
    Kung sansan ako nakakapunta ng walang pinapaalamanan at walang iniisip na makikialam. Gets mo? Hahaha Tsaka *tooconfidentialtotellHAHA* O di ba. Hahaha. *tooconfidentialtotelltooHAHA* Sabi ko, mas masaya na buhay ko ngayon. HAHA! Bat mo natanung?
    Tapos ayun. Pinaghinalaan pako ni Kicko na nagjojoke. Haha, loko e. Sabi nya aminin ko na daw na may "kulang" na feeling. Pero Kicko, sorry to disappoint you, pero wala talaga e. Haha! As in, gaya nga ng sabi ko, siguro meron noon. Pero wala na ngayon. :) Ewan ko, ang labo din kasi di ko mapoint kung bakit at kung kelan ko simulang di nafeel yun pero buong pagtatapat, wala talagang ganun. :D


    Nanonood ako ng Hannah Montana. Di ko naman sya kamukha a? Loko talaga yung batang yun sa Ek, haha! Pero natuwa ang puso ko at pumalakpak ang tenga ko nung nalaman kong paborito kasi ng bata si Hannah Montana. Masaya ang pakiramdam kapag itinulad ka ng isang tao sa idolo nya. :D


    Masaya ako sa nangyayari ngayon e. Pati sa kanila. :D Osyempre naman, di ako nilikha ng Diyos para bwisitin ang sarili ko sa mga walang kwentang bagay. Dahil kung tutuusin, di ko naman talaga dapat pinag-iisip pa ang mga bagay na yun. At kung iisipin ko pa yun at makikialam ako, wala nga talagang kwenta yun sa buhay ko. Di nun mababago ang bagsak kong prelim plate sa Tech2. :( Janna, magjoke ka. Janna, magjoke ka. Haha!

    Sabi ko nga pala, gagawin ko na ngayon ang plates sa DWS. Kaso...napablog ako. HAHA! Pero congrats to me dahil naaalis ko na ang katamaran ko. Yikee! Magiging bagay na tayo dahil nagiging masipag nako! *u* HAHAHA JOKOLANG! :DDD

    "Mahiyain Ako." was Posted On: Monday, February 1, 2010 @11:55 PM | 0 lovely comments
    *cramcramcram*

    Sarap kantahin ng title ko sa tune ng Shots. Uy, sinubukan nya^^. Syempre joke ko lang yun, haha!

    Apat na plates ang dapat na inaasikaso ko ngayong Sabado at Linggo. Dapat ko ng gawin at matapos ang dalawa kong plates sa DWS2 - yung sketch ng fashion chuchu na kelangang yari sa natural na materyales katulad ng kabibe, bato, dahon dahon at kung anu ano pang kagaya ng mga ito at yung plate courtesy of Swatch ata kasi yun sabi nila dahil pinapagawa kami ng kahit anong bagay basta Tiger ang theme. Di ko sigurado kung patimpalak din ito gaya ng sa fashion thingy, ang pre-finishing ng mga kahoy ko sa Materials2 na kailangang lagyan ng pintura at ang Visual Communication kong plate na umiikot na Carousel. Kahit kelan talaga, napakaimposible ng mga pinapagawa sa VC kumpara sa aming mga edad. o_o


    Naalala ko, bagsak nga pala ako, si Insan, si Abi at si Ryan, di ko lang alam kung sino pa, sa prelim exam sa Techniques2. :| Sobrang nadepress kaming apat kaya. Buti na lang, natural ang pagiging komedyante ni Janna at natawa kami sa malasecretary nyang dating kay Sir Dacanay. Ganto kasi ang nangyari..

    Pinapaguhit kami ng tatlong perspectives ng sports car ni Sir Dacanay. Kaso, inatake kami nila Janna ng katamaran at nag-imagine nalang kami nila Kath ng kung anu ano. Hanggang sa..

    Sir: Class, if I signed your plate, that means you can continue that as homework. Pero wag nyo muna tapusin kasi we'll finish that next week. Kasi, we are three weeks ahead sa kabilang block.
    Janna: (nasa tabi sya ni Sir) Sir, pwede na po ba to? *turo sa drawing nyang isang perspective*
    Sir: *iling* No. *his famous smile* You should have at least two perspectives.
    Janna: Sir, sign-an nyo na. Dito po kayo magsasign, Sir. *turo sa lower right ng sketch paper nya* Dito po. Sign na po kayo. Sige na, Sir.
    Sir: *umalis. walk out. natatawa*

    At kame... TAWANG TAWA!!! =)

    Super benta ni Janna! HAHAHA! Take note, seryoso pa sya nun a. As in inosente yung mukha nyang hindi mukhang nagjojoke. HAHAHA At dahil dun, nagtawanan kame. Nawala yung lungkot atkaemohan na dala ng bagsak na plate. At yan nanaman ang lungkot. :| Pero kasi, yung ginawa ni Janna na inuulit ulit pa namin na gayahin sya, at natatawa nanaman ako, hahahaha! Nasabi ko na lang kay janna na wag syang magshishift para kapag depress kami, di matutuloy ang suicide plan. HAHA! I love you Janna forever! HAHAHA!




    Teka, napansin ko, napapadaldal nanaman ako dito. Kelangan ko na palang simulan ang kahit isa sa anumang plate ko, haha! Bukas ang balik ko sa dorm. :| Malungkot man dahil madami nanamang gagawin tsaka di ko nanaman makakasama pamilya ko. Pero masaya na din kasi makakasama ko ulit ang Foggy Friends~! :DDD Tsaka may isang linggo nanaman akong iwiwish na nilolook forward. Tsaka ano, secret! *u* HAHAHA

    "*cramcramcram*" was Posted On: Saturday, January 30, 2010 @9:17 PM | 0 lovely comments
    Kimiko, the Bachelorette Part 2

    Paglabas ko ng elevator, nakakatuwa kasi lahat ng staff, nakangiti sakin. Siguro natutuwa din sila kasi may nagdebut na sa hotel nila. HAHA. Ako kasi ang unang nagdebut sa kanila dahil bago pa lamang ang hotel nato. :)

    Hinatid ako nila Mommy sa pintuan na papasukan ko. At iniwan nadin nila ng nagsimnula na officially ang party. Lumabas sila Ate Rochell at yung isa nya pang kasama na coordinator din sa hotel. Nagpapicture. Pati na din yung ibang waiters and waitresses. Nakakatuwa nga e dahil dahil sakanila, nabawasan yung kaba ko. Naovercome ko yung lamig at kaba dahil nga sa naaliw ako sa kanila. Ang babait nila! :DDD

    Dumating na din ang oras na kumatok na si Ate Cathy sa pinto bilang senyas na ako'y papasok na. Pagbukas ng pinto, madilim. Ngunit may maliwanag na tumapat sa akin. Spotlight pala. HAHAHA. Lumakad nako at sinimulan na nilang iplay ang aking speech na pinagpuyatan namin nila Ate Cathy. Nakita ko kagad ang table nila David ng paglakad ko kaya naman sinabihan ko kagad na badtrip sila dahil late sila. HAHAHA Anong magagawa ko e kinakabahan ako non! ;p Kaya nagdaldal ako hahahaha!

    Pagdating ko sa unahan ay binigayan ako ng bulaklak ni Daddy at isinayaw sa gitna. At ang mga sumunod na pangyayari ay pribado na. :DDD :)))))

    Basta, nakakatawa. Nakakatuwa. At kung ano ano pang masasayang emosyon ang naramdaman ko non. Nakakatuwa dahil sa importanteng araw na yun ng buhay ko, kasama ko ang mga taong mahal ko at nagpatunay na kahit gano kalayo ang lugar na yon, mahal nila talaga ako sa pagpunta nila doon. :)






    Nakakatawa kasi nagkalaglagan kami ni Tam. Pero mukhang di nagets ng lahat, HAHAHA. At ang pinakanakakatawa, nagmukha pa kaming may "something" ni Ruther ng debut. SUPER WEIRD. =)) Nakakatawa, kasi kahit gano ako kasarcastic non, akala nila totoo. HAHAHA Pero totoo, salamat sa lahat ng andon. Super salamat. :*


    Nagpaiwan naman ang blockmates ko ng pagtapos non. Kaya nagkaron ng Foggy Friends. :DD Pero sa susunod ko na sila ipapakilala ng maayos. :)

    Ang dami ko pang gustong ikwento kaso gusto kong ipribado na lang to sa mga taong nakapunta at nakawitness nito. :) Bilang kasiyahan, ayan, pictures. HAHA.

    Labels:

    "Kimiko, the Bachelorette Part 2" was Posted On: Wednesday, January 27, 2010 @10:26 PM | 0 lovely comments
    Ang Perfect Love Story

    ...para sa akin.

    Para sa akin, ang perfect love story ay kwentong ikaw lang ang makaka-relate. Ikwento mo man ito sa ibang tao, ikaw lang talaga ang nakakaintindi nito. Wala na sa ibang dako ng mundo ang may kwentong tulad ng kwento mo, kwento niyo.

    Ang perfect love story ay STRAIGHT TO THE POINT. Wala nang pa-eklat pa. Hindi It's Complicated ang status. Hindi MU ang pinagsimulan, kung hindi friendship. Dalisay na pagkakaibigan. Pagkakaibigang walang other intentions nang simulan. Naging magkaibigan kayo dahil gusto niyong maging magkaibigan, period. Pero only God knows na habang kinikilala niyo pala ang isa't isa, lalo kayong naaattract sa isa't isa. At malalaman niyo na lang na..ayun, in-love na pala kayo :)

    Naalala ko si Tita Loc nung camp namin last 2008. Sinabi niya na di niya raw inakalang si Tito Mike ang mapapakasalan niya kasi nga friends lang talaga sila, magkabarkada. How pure can that relationship get? Walang bahid ng pag-iimpok ang inyong relasyon sa isa't isa. And then BOOM! Kayo pala ang para sa isa't isa :D

    Ang perfect love story ay pwede niyong ipagyabang sa buong mundo. Pwede niyong i-blog, i-text, ikwento sa mga amiga, sa mga bro, at pwedeng-pwedeng sabihin sa magulang. Ang love story na hindi mayayabangan ang mga tao kapag napakinggan nila, bagkos ay maiinggit sila at kahit papano'y nanaisin nilang matulad sa kwento niyo. Yun nga lang, unique talaga ang love story niyo, kaya sorry na lang sila, hindi ba? Pero 'pag narinig nila ang love story niyo, kikiligin sila. Mapapa-AWWW sila, with matching tears of joy.

    Ang perfect love story ay walang nasasaktang iba. Kaya nga may K kang ipagyabang sa mundo e, kasi alam mong wala kang masasaktang iba.

    Ang perfect love story ay, well, perfect for you. Hindi man perfect for others (syempre, evil, evil world, lagi nilang hahanapan ng flaws ang relationship niyo), pero perfect for you. Wala ka nang mahihiling pa.

    Ang perfect love story ay makakapaghintay. Kaya 'wag mong madaliing maranasan ang perfect love story, dahil mararanasan at mararanasan mo rin naman 'to sa takdang oras. Chill ka lang. Wait for it. It'll come when it comes.

    Pero tingin ko? Darating 'to when you least expect it.

    (Mga napapala ko talaga reading "I Kissed Dating Goodbye" by Joshua Harris :> )


    by: Bethany Joy Geronimo


    Galing nya magsulat no? Oh well, kaya ko idol sa pagsusulat yan e! :D Ang masaya pa don, bestfriend ko sya. O diba, bigtime! :D


    Tama naman diba? Ang perfect love story, di makukuha ng iba. Kasi ang perfect love story, gaya ng sabi ni Bheb, perfect for you. Walang makikihati. Walang makikiapid. At higit sa lahat, walalang makakaagaw. Siguro nga maraming mag-aattempt na kumuha. Pero walang makakaagaw. Kasi nakadisenyo na ang perfect love story na yun para sayo. Sayo lamang.

    Ang sarap isipin na may perfect love story. Sabihin mo man na mahirap mangyari pero lahat ng tao, mageend up din sa kanikanilang love story. Kung tingin mo nasa imperfect love story ka, ay malamang mali yan at hindi para sayo. Pero wag mong iuunderestimate ang perfect love story sa pagbabase lang sa nababasa mo dito. Kasi ang perfect love story, maligalig at madaming surpresa. At hindi purkit sinasabing "perfect" ang perfect love story, e perpekto na talaga sya. Kasi ang perfect love story talaga ay di puro saya gaya ng "perfect". Ngunit sa kabila ng lahat ng imperfections, natatanggap nyo, at nahaharap nyo ng walang nasasaktang iba. Ng lahat ay happy sa inyo. Yun ang perfect love story. Hindi mo bibigay ang tunay na eksplanasyon, ngunit kusa mo na lang mararamdaman. :)

    "Ang Perfect Love Story" was Posted @9:33 PM | 0 lovely comments
    Kimiko, the Bachelorette Part 1

    Una sa lahat, salamat kay Bheb sa heart warming way na paggreet sakin dahil seryoso, naiyak ako. Tears of joy baga. Di ko alam kung bakit. Tsaka kay Bruha, sa napakaunique na wish. :)))) Mahal ko kayong dalawa. I love you two forever and ever! :*



    Dahil nga ng 13 e nagcut lang kame, syempre maaga ako pumasok sa PE nung 14. :D Sa kaagahan kong pumasok, nauna pako kila Jerome at Janna. Tas si Insan e di daw papasok dahil may sipon. At si Ryan naman e FA na. So kelangan kong panindigan ang pagiging independent at pumunta nako mag-isa sa field. Sa kabutihan ni Lord, nakita ko kagad sila Jesusa. :D

    Sa kasabikan ko sa araw na yun at sa pagiging confused ko nung 13 kung papasok bako, e nawalan kami ng pasok. Hindi sumipot si Sir Cruz sa field kaya naman nagpaattendance na lang at pinauwi na. Natuwa naman ako. Hindi lang dahil natandaan nila Arvin ang birthday ko kundi mas maaga sila Mommy makakapunta sa dorm kesa sa planadong oras. Kaya ayun, kahit na di ko nakita si Crush, umuwi na ko kagad sa dorm at hinintay sila Mommy.

    Maya maya, ayun, nasa baba na sila at dumeretso na kami sa Trinoma. Ayon sa hiling ni Mommy, di man lang dahil sa hiling ko e no? haha, kumain sa Max's at bumili sila ng damit na susuotin sa debut ko.

    Pagtapos mapagod, umuwi na din. HAHA. Dumeretcho kami sa Imus para sukatin ang second gown ko for debut. Grabe e no, dalawang araw na lang at debut ko na, di pa sya ayos. :))

    Pagdating namin dun sa shop, medyo madaming tao. Di lang pala tao, pati pala mannequins. HAHAHA dami kasing nakadisplay na gowns. Ayun. :D Then finally, nagfit nako ng second gown. GRABEEE, naloka ako sa ikli! Actually gusto ko yung pagkaikli nya kasi hindi naman bastusin tignan. KASO, MALAMIG KAYA! Hello?? Tagaytay?? :| Kaso, kapag pinahabaan na hanggang knees, mawawala yung design ng skirt. Nacut na kasi yung tela e. So ayun. No choice. Pinagstockings nalang ako ng makapal ni Mommy. Buti na lang. :)) Ayoko manigas sa party ko no :)))


    The next day, 15th ng January, Friday, uwi ni Daddy. :D Kaso di nako sumama kasi kelangan kong asikasuhin lahat ng sa debut pati ang VC plate ko. Prelim plate kasi yun so kamusta naman. :)))) Kaya ang natatandaan ko, bumili lang ako materials nun sa NBS na inabot nga ng P500. Di pa yun yung total na nagastos ko a. T.T Feeling ko talaga mamumulubi na kami lahat sometime soon. T.T HAHAHA Naalala ko pa na nung gabi nun, tinapos ko pa, o i mean, ginawa ko pa kila Mean yung speech ko na ipeplay sa entourage ko. :|


    Pagdating ng 16. Ang araw na kinaaabangan ko, pati ng mga malalapit sa buhay ko. Maaga kaming pumunta sa hotel. Si Mommy at si Daddy ang sumama sakin, pati pala si Ate Kaye, sa maagang pagpunta sa hotel. Siguro 1pm kami nakarating dun, na nauna pa si Bheb haha, at nakita ko na ang layout ng ballroom hall. Natuwa naman ako kasi nakuha nila ang gusto kong layout pati ang mga kulay, nagtugma! :D Super natuwa ako. :DD Umakyat na din ako kaagad sa reserved room ko dahil kelangan kong magpahinga dahil kukunan pako ng ilang litrato ng photographers. Para naman yun sa album at video na ibibigay sa akin. :) Akala ko nga tapos na ang pose pose na kaganapan. Ayun pala, mas madami pa ang kelangan kong iproject na mga ngiti ng araw na yun. Pero naging effortless kahit papano dahil masaya talaga ako nung araw na yun. Masayang kinakabahan na hindi makakain at sobrang di mapakali dahil nga, party ko na. :D

    Lalong tumaas ang presyon ko sa kaba nung malapit ng simulan ang party. Akala ko 5pm ko talaga eto masisimulan. Ayun pala, 7pm. Salamat naman sa HS friends kong nagpahuli ano. :))))))


    Nang dumating sila, malamang napagdesisyunan ng simulan. HAHA., Kaya naman kasi sila hinintay ay dahil part sila ng 18 roses ko na ginawa pagtapos ko mag-appear sa guests. At nang binigyan nako ng cue na dapat nako bumaba, pinicture-an muna ako ni Mommy saka kami bumaba. :)

    Labels:

    "Kimiko, the Bachelorette Part 1" was Posted @7:06 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    may hinahanap ka sa library. Tapos may dadating na tao. Maghahanap sa lugar na pinaghahanapan mo. At uurong ka papunta sa kinatatayuan nya. At saktong lalayo sya. Uulitin mo. At mapapagtanto mong nagpapakiramdaman kayo. Hanggang sa aalis na sya. Sa'yo na uli ang lugar na yon. :)))

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted @1:02 AM | 0 lovely comments
    Bagong Layout. Bagong Buhay.

    Ako na adik sa pagpalit ng layout. Ilang oras din ako inabot aba! :))

    "Bagong Layout. Bagong Buhay." was Posted @1:01 AM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    "FEELER"?

    Wala lang. Pauso ni Ryan. Benta samin at nahawa kami. HAHAHA

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted On: Saturday, January 23, 2010 @9:48 PM | 0 lovely comments
    Napagtanto ko lang.

    Hindi lahat ng guidelines, paunawa o "Read Me First" ng blogsites ay kadalasang nasusunod. Hindi dahil kulang ka sa paalala o pangit ang pagkakasabi mo.

    Kundi, sadyang may mga tao lang na hindi marunong magbasa.

    Hindi marunong makaintindi.

    At nagpapakatanga. :)

    Labels:

    "Napagtanto ko lang." was Posted @12:21 AM | 0 lovely comments
    May kwento ako maya. :D

    Tungkol nung birthday ko. Nung debut. Yung kanina. At mamaya. :D

    Nilagay ko na para di ko malimutan. :))

    "May kwento ako maya. :D" was Posted On: Thursday, January 21, 2010 @1:01 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    may mapapansin ka sa isang tao. sasabihin mo sa katabi mo. magtatawanan kayo. matatahimik. at matatawa kayo ulit pag nagtinginan kayo. :)))

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted @12:59 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    pupunta kayo sa bahay ng kaklase nyo. tapos gagabihin kayo dahil sa kwentuhan. tapos mapapaisip isa sa inyo na wag na umuwi. tapos mag-iisip kayo ng dahilan para sa pagpaalam sa parents. tapos matutuloy. hanggang sa mamomroblema kayo dahil wala pala kayong damit. :))

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted @12:57 PM | 0 lovely comments
    AKO NA MASAYA :DD

    Sa pag amin mong ayaw mo na sya. :DDDDDDD


    Ako na lang kase! Joke time! =))) Yanmo, madami pa tayong panahon. Di ka na aalis di ba? Oh well, God is sooo good to me! :DDD Minsan talaga, nauulit ang mga pangyayari e. HAHAHA :DDD


    Okey, ako na kinikileg! HAHAHA ;p


    Pero seryoso, joke man yung sinabi mo kanina o hindi, totoo, naaappreciate talaga kita. :)

    Labels:

    "AKO NA MASAYA :DD" was Posted On: Tuesday, January 19, 2010 @11:56 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    kelangan mo magreview kasi may long quiz o bigatang exam pero pag tumingin ka sa langit at makikita mong maulap o di kaya'y mapapansin mong sunset na, tatamarin ka.

    Labels:

    "Alam mo yung.." was Posted @5:43 PM | 0 lovely comments
    Ang Huling Araw sa Piling ni 17.

    Pakiramdam? MASAYA. MASAYANG MASAYA. :D Masaya ako kasi alam kong eto na ang huling araw at finally, bukas, wala nakong 17 na iniisip. Alam mo yung feeling na ang dami mong napapagtanto habang tumatagal? Alam mo yun, yung madami kang importanteng bagay na malalaman. At higit sa lahat, alam mo, naging better ka. :)

    Totoo. Malalaman mo na hindi lahat ng bagay magtatagal. At dun mo maiisip ang importansya ng sarili mo. Malalaman mo paglaon ng panahon na may magandang dulot pala ito at maiisip mo, na mali ang mga bagay na pinapaniwalaan mo. Malalaman mo pagdating ng panahon na mapapabuti ang lagay mo kapag natuto kang magbigay ng daan at magpaalam sa mga bagay na kasalukuyan mong gusto. Kasalukuyan. Ang mga bagay na nasa iyo sa kasalukuyan ay hindi pruweba na ito ay panghabang buhay.

    Nakakatuwa. Kasi alam ko ng hindi ako pangmababang lebel lamang. Kasi alam ko na idinesenyo ako ng Diyos na kakaiba at espesyal. Na kahit ano pang ugali at paraan ng pananalita ang katulad ko sa ibang tao, iba pa din ako. Ibang iba. Napatunayan ko na kahit gano mo pa katulad ng ugali ang isang tao, nagkakaiba pa din kayo sa pag-iisip. Oo, sa pag-iisip ng mga bagay.

    Isa sa mga tanong ko kamakailan kung bakit may mga taong nagagalit sayo kahit hindi mo inaano. Kung bakit may mga taong kinaiinisan mo kahit wala naman silang ginagawa sayo. Yung tipong mapagusapan lang ang mga bagay na kumokonekta sakanya ay naiirita ka na. Hanggang sa isang kaibigan ang nagbigay sa akin ng kaliwanagan.

    Sabi ni Abi, kung inis ka sa isang tao, malamang ikaw ay naiinggit sa kanya. Naguluhan ako ng una ngunit nabigyang linaw ito nang ipinaliwanag nya pa. Bakit nga ba maiinis sayo ang isang tao kung nasa kanya na ang bagay na dating nasayo at hindi mo na ito balak kunin pa? Bakit nga ba magagalit sayo ang isang tao kung nananahimik ka na? Akala mo, dahil sa sinimulan mo, nagalit ang isang tao. Ayun pala, noon pa, galit na sya sayo. Ang tanong, bakit? Sabi nga ni Abi, inggit ang may sala. At iiwan ko na yun as it is. Inggit. Inggit kung inggit. Wala na kong sasabihin pa. Ang importante, hindi ako ganon. :)

    Isang kaligayahan ang mapatunayan mo sa sarili mo na may natututunan ka sa eskwelahan at sa simbahan. Masayang mapatunayan na ang mga bagay na alam mong walang kwenta ay sadyang walang kwenta. Kaya matututunan mong hindi manghinayang at pabayaan nalang ito. Na matututunan mong pagbigyan ang ibang tao kapag ang bagay na kinuha sa'yo ay magiging first time nila. May moral lesson pala yung pang-aagaw ng mga pinsan ko ng mga laruan ko noon. Yun ay ang maging mapagbigay sa mga taong gustong makaexperience ng mga bagay na meron ka. At syempre, gaya ng turo ko kay Ethan, matutong magbigay. Matutong magparaya. :)

    Masarap sa pakiramdam. :) Na dahil sa isang buong taong nagdaan, marami kang natutunan. Hindi ka habol sa mga bagay dahil alam mong may best na dadating na natatanging para sayo. Na kahit anong gawin ng iba para agawin ito, hinding hindi ito mawawala sayo. Sabi ni Lord e. ^^

    Isa pa, masayang malaman na habang tumatagal, na kikilala mo ang mga tunay na kaibigan mo. Yung mga taong hindi ka iniiwan. At yung mga taong laging nandyan sayo. At dahil dun, malalaman mo kung sino ang dapat mong balikan ng pasasalamat at ng mga bagay na ginawa nila para sayo.

    Masayang maisip na habang tumatagal, mas na aappreciate mo ang pamilya mo. Na magpapasalamat ka talaga dahil andyan sila. At dahil dun, sila ang mga taong gusto kong makasama sa kaarawan ko. Dahil dun, alam kong dapat sila ang prayoridad ko. Alam kong dahil dun, kontento nako. :)



    Dahil huling araw ko na bilang 17, nagcut kami nila Janna at Ruther sa klase. Sa klase mula 1pm hanggang 5pm kami nagcut at nung klase sa umaga, hindi ako nakapasok. Pakiramdam ko kasi, kelangan kong magpahinga. Dahil sa pagpapahinga, marerefresh mo ang sarili mo at malalaman mo ang mga bagay na importante at hindi. ANG SAYA. ANG SAYA SAYA. :D


    Bukas. Bukas ang araw na ang edad ko ay magiging legal. Na magiging simbolo na ako'y malaki na at hindi na dapat pa pinagiisip ang mga bagay na walang kwenta. Na isipin na may mga taong patuloy na talagang sisirain ka ngunit malalaman mong mas malakas ka at mas matapang kesa sa inaakala nila. Na hahayaan mo silang magsaya kasi wala naman sayo yun. Di nga apektado diba? HAHAHA.

    Labels:

    "Ang Huling Araw sa Piling ni 17." was Posted On: Wednesday, January 13, 2010 @8:41 PM | 0 lovely comments
    Matagal ko ng plano.

    Ang prelim plate namin sa VC ay tungkol sa Harmony & Contrast. Sa totoo lang, ayun yung titulo ng plate HAHA. Eto yung huling exercise namen. Kaso, ginawang mas malaki ang base ngayon, kaya kailangang mas bongga ang ngayon. Aba, kelangan ko atang bumawi ano. Dahil hindi ako tinulungan ng parol ni Bro. :)) Parol kasi ang ginawa ko nung una. Gamit ang styro at wood. At puro pintura lang ito dahil kinapos ako sa oras dahil sa bertdey parti na yan. :)) Ngayon, bonggahan ang materyales ko. Pati kamo ang concept! :D


    Ang balak ko gawin ay isang anghel na katext ang isang demonyo. At sa pagitan nila, may syudad na tahimik at payapa. :D Alam mo kung baket? Oy, wag ka mag-isip ng iba! :)) Yun kasi yung matagal ko ng ideya na gawin. Panahon pa lang ng kami'y pinagawa ng advertisement ng Globe bilang proyekto sa Economics. Fourth year palang, alam ko na na napakaimposible na ng mga iniisip ko. Pero kaya nga nagCFAD di ba? Para matupad. ^^


    Habang bumibili kami ng mga kailangan kanina sa Joli's, bigla naman napagtanto ni Abi ang matagal ng katotohanan sa VC. Ang gastos ng mga plate namin sa VC. :| Hindi pa naman ako nakahingi ng extrang baon kasi inaasahan ko ng hanggang Huwebes lang ako papasok ngayon e. Oo, di nako papasok ng Friday. Dahil....


    Hoooray!! Dumating na ina ko!!! :DDD Kanina nila sinundo si Mommy, alam ko 1pm ang dating nya e. Nakakatawa nga e, kasi akala ko, 11 palang ngayon. 12 na pala! :)) Tanong kasi kanina ni Janna kung kelan dating ni mommy. Sabi ko pa, "Ahmm..*tingin sa relo*, NGAYON! KANINA! AY DUMATING NA SYA!!" Tas nagtawanan kami kasi para akong sira. Di ko daw alam kung kelan. HAHAHA.


    Ayyy, nako, napatagal nako masyado dito. Wala na. Masisira na plano kong gumawa ng plate. :)))) Ay nako, sya sya. Manahimik ka na. Mananahimik nadin ako. Magsigawa na tayo ng dapat gawin. HAHA :D

    "Matagal ko ng plano." was Posted On: Tuesday, January 12, 2010 @5:30 PM | 0 lovely comments
    Nakakaiyak na.

    Sa susunod na magkakaroon ako ng bonggahang party, kukuha nako ng coordinator!! X| Juskoo, kelangan bang saluhin ko lahat ng stress bago maging legal ang edad ko? :| Seryoso, nakakapagod na. :( Sa totoo lang, nakakasakit talaga kapag may inimbitahan kang tao na malamang ay inaasahan mong pumunta ang bigla na lang magbabackout. *hingang malalim* Nakakalungkot lalo na kapag kasali pa sila sa kaekekan sa programa. *mas malalim na hinga*.

    Pero gaya nga ng sabi ko kanina kay Jesza, hindi naman ako magpapakapagod ng ganito kung hindi ko alam na worth it. Kaya pansinin mo dati, hindi ako nagpapakapagod kay ano. JOKE LANG! =)) Ang buang ko na talaga. Badtrip ako tas nagjojoke pa. *hingang mababaw naman*



    Bakit kaya ganon? Bakit kaya ganon nanaman yung nangyayari? Hindi kaya magiging isa nanaman to sa "normal" na nangyayari na kapag ok sakin e mapapalapit? E pano kung isa nga to sa "normal" na kapag napalapit e ayoko na? Parang sayang naman. Parang pagdating don e nakakapanghinayang. Okey naman kasi e. Sobrang okey na okey. Yun nga lang. May isang bagay ang wala yun. Hmm..


    Si Insan, kanikanina lang. Nagsagot sa kumento ko sa isang picture namen kay Jesusa. Ang itsura kasi ng picture ay may kausap ako sa cellphone ko, nung Corby Yellow pa sya. At katabi ko si Insan na may katext. Tas andaming extra dahil Paskuhan yun. :P

    Ako: "Miss ko na si Corby Y. :|"
    Insan: "May Corby P ka naman na eh, may design pa. hahaha!"
    Ako: "Hm, dapat na ba ako makuntento kay Corby P? Dapat ko na ba syang alagaan ng mabuti? O mawawala nanaman sya?"
    Insan: "Di na yan, bawasan mo lang kasabawan mo insan. hahahaha!"
    Ako: "E nasasabaw kasi ako kapag andyan si Corby e. Hmm, wag daw muna sakanya focus ko para di nako masabaw at para magtagal. :)))"


    Wala lang, natawa lang ako ng binasa ko ulit. =)) Sumasakto talaga minsan. HAHAHA

    Labels:

    "Nakakaiyak na." was Posted On: Sunday, January 10, 2010 @9:53 PM | 0 lovely comments
    Sorry, miss, sorry. NakaLactum nako e. :D

    Alam mo kung ano yung nakakatuwa? Yung kapag alam mong hindi ka pwede lumaban ngunit malalaman mong ang mga kaibigan mo ang lumalaban para sa'yo. :)

    Wala lang, sadyang nagpapasalamat talaga ako sa Diyos sa pagkakaroon ng mga tunay na kaibigan na naiintindihan ka sa sitwasyon kung saan minamasama ka ng iba. Salamat sa mga kaibigang ang tinitigan ay ang tunay na nangyayari hindi sa kung saang posisyon ka napapunta. Salamat sa kanilang alam kung pano ka maging totoo. Ngayon, masamain man ng lahat ng tao ang mga bagay na sinasabi at ginagawa ko, panatag ako dahil sa mga kaibigang ito na alam ang tunay na ako.

    So kung tingin mo, masamang tao ako, pasensya na, walang dating. Doble ang sayang malaman kapag ang mga kaibigan mo ay totoong naiintindihan ka e.

    Kaya sayo, miss, ay mukhang di applicable, kahit ilang hate posts pa gawin mo, wala na talagang dating e. Tanging nakakatawa na lang DAHIL sa mga taong nakakakita ng tunay na ugali mo. Sorry. :)

    Labels:

    "Sorry, miss, sorry. NakaLactum nako e. :D" was Posted On: Friday, January 8, 2010 @9:54 PM | 0 lovely comments
    Kalandiang Araw

    Malandi ang araw ko ngayon. Pano, Pe Day. Joke! :)) Hindi nga ako nakapasok e. Kasi ba naman, 9am ang oras ng simula ng klase namen sa PE, nananaginip pako. At 9:30am na ito natapos. Bigla akong napatayo sa higaan at dali daling tumakbo papunta sa cr, kala mo naman masyadong malayo e no hahahaha, na kung saan, naisip ko, nakakahilo pala yon! HAHAHA

    Sinimulan ko ng maligo at pagtapos ay nagsuot ng uniporme sa pagiisip na maaari pakong humabol. Kaso naisip ko, inaantok pako. Wag na lang pala. HEHE. At yun, nagpalit na ulit ako sa pambahay, ay hindi, pantulog pala. Kaso, naisip ko, basa na buhok ko. Wala na. Hanggang sa, nagpalaundry na lang ako ng damit para di ko na ito balikan dito bukas. HAHA. Seryoso, wala na din kasi akong magagawa kapag humabol pako. Absent na yun e. Naisip ko na lang para di ako madepress na si Chizi nga, FA na e. HAHAHA joke lang. :P

    Nabasa ko ang text ni Insan at Jesusa kung asan na daw ba ako. E kamusta naman, eto nasa dreamland. Sayang, nakakaasar. Di ko tuloy nakita si crush. :( Kung kelan nga naman isang beses sa isang linggo mo lang makikita ang inspirasyon mo tu da maks, yun pa yung hindi mo nakikita. Ay ang gulo! Hahaha, big ko sabihin, yun pa yung hindi ko nagagawa.


    So habang kumakain ako ng PiK-NiK ni Ruther na hanggang ngayon ay di pa ubos, naalala kong pinapunta nalang ako nila blockmates na pe-mates ko sa Nitz, ang kainang may lutong bahay pero bawal magbaon. :D Tinamad ako as usual, kaso napilit ako ni Insan dahil andun daw sina Michael at Chizi. Di ko pa kasi nabigay ang imbitasyon nila kahapon dahil absent si Chizi dahil may sakit, at masyadong madaming kasama na hindi kasali sa bertdey ko si Michael kaya di ko maibigay. Ayun, nagkachance nako HAHA.

    Isa pa, sabi ni Janna e dala nya na daw yung mga nail polish nya na matagal ko ng hinihiram para makita. Saming tatlo kasi nila Claire, sya yung may magagandang kulay ng nail polish. Ayun, sorry Claire, ako una nakakita at nakagamit. :P HAHA.


    Pagtapos kumain, kwentuhan and all, umuwi na din ako kaagad. Balak ko kasing mag-aral at matulog e. HAHAH Dii, ayoko lang isipin ng aming kasam-dorm na masyado akong gala. Bagong buhay na nga e. Bagong buhay. :D


    Ang bango ng nail polish remover ni Janna. Amoy grapes! :)


    Nagsubok naman ako ng ilan, osige, aminin ko na, nagsubok naman ako ng lahat at tinanggal ko din kaagad. Kasi, nakakatuwa yung n.p. remover e! HAHAHA Hindi, di ko kasi malagay ng maayos dahil puno yung lamesa ko. Subukan ko ulit sya mamaya. Yung maayos na. :)


    PANSININ: Ako ay madalas ng naglalagay ng mga litrato o larawan sa aking Blogger posts. Ito ay dahil ako ay naghahanda para sa aming klase sa Photography sa susunod na school year. Ang mga susunod na litrato na manggagaling sakin ay lalagyan ko na ng watermark ng aking pangalan para makaiwas sa mga kumukuha at mga gumagaya. :) Pansinin din ang magiging/naging pagbabago sa aking munting talumpati sa itaas. Maraming salamat po. :)

    "Kalandiang Araw" was Posted On: Thursday, January 7, 2010 @6:18 PM | 0 lovely comments
    Dahil sa Mcdo.

    Wala lang, napablog tuloy ako, haha!


    Nasimulan ko na ang pamimigay ng invitations kanina. Sa katunayan, kahapon pa nga e. Kasi, kasama ko pa sina Insan at Janna ng nakuha ko yung invitations kay Tim.

    Tim! Ang ganda talaga! Mahal na kita! Hahaha!

    Alam kong malapit na din ang kaarawan ko kaya naman nagmamadali na talaga ako ipamigay sa mga inimbitahan ko yung invitations. Di ba nga dapat nauna
    yun? HAHA. Sorinaman, ako ay hamak na tamad lang kaya
    di ko naasikaso kaagad ang bagay na yun. At least okay na di ba? ;p

    Pagpasok ko kaninang umaga ng maaga, Aba! Maaga na ang 7:40am kahit na 7am ang klase no! Haha Sama pa loob ko nyan? HAHAHA e 8am kaya dating ng prof namin, bat ba HAHA, binati kagad ako ni Abi kaya naman sya ang pangatlo sa block na nakatanggap ng aking pinakainiingat ingatang hindi magusot na invitation. Binigay ko na din sa kanya ang para kay Andrew. :D At nawala sa isip ko na may kasama syang ibang blockmates na hindi kasali sa bertdey ko, HEHE. Nahiya naman ako. HIHI.

    Agad akong lumapit kila Insan, kunwari sila talaga pupuntahan ko HAHAHA. Wala, binigay ko na din kay Kath at kay Tam ang invitations nila at dali dali kong sinabing itago na nila. HEHE. Nahihiya kasi ako. Kasi, andun yung blockmates namin na
    hindi naman mga kasali nga, kaya nakakahiya. So ayun, natuwa sila sa invitation kaya hindi kagad tinago at nilubos ko na ang pagiging mahiyain. :)

    Hindi ko naman kasi sila masisi kasi ang galing ni Tim! Ang galing nung pagkagawa nya. Ang ganda. Nakuha nya yung detalyeng sinabi ko sakanya. Dahil sa gandang ganda ako sa invitation nato, nainlab ako. JOKE. :P

    Eto o, pakita ko. Sana wag nyo itapon at punitin at tapak tapakan. Sana mahalin nyo din at itago at sabi nga ni Ruther, ipalaminate. :)



    O di ba? Wag mo sabihing di natuwa puso mo sa invitation na yan? Kundiiiiiii, di na ko magshesher ng pics! HAHAHA! Biro lang, to naman. Ang totoo nyan, kung natuwa ka, palakpakan mo din si Tim a, for a job well done! :D At kung gusto mo din ng ganyang kalupet na invitation, sabihin mo sakin. Pagawa tayo kay Tim! :D PERO OY, MAY BAYAD YUN HA! =)))


    Sa totoo lang, nahihirapan ang buhay ko ngayong araw na to. Paano ba naman, ngayon bumisita ang aking bisita kaya hirap na hirap ako gumalaw. Masakit kasi. Unang araw e. Gets mo na yan! Pag hindi, clue, pangbabaeng problema lang to. O ayan ha :P Ayoko naman kasing isiwalat ang buong katotohanan ng bagay na nangyayari sakin kasi di ba kadiri kapag inilagay ko pa yun dito. Tsaka wala naman yung kwenta. Gusto ko lang isher kasi madaldal ako. Ba't ba? HAHA. Kainis nga e. Ngayon dapat kami magkikita ni Kasin Lyka para ibigay sa kanya yung invitation nya. Kaso, di natuloy. Dahil sa bwisita na to. Hmpf.


    Ayeee, kachat ko si PSP kanikanina lang. HAHA. Sabi ko nga wala ng dating. *zipsmouthandtriestohidethekilig* LOL! Wala na kasi talagaaaaaaa, HAHAHAHAH!


    Anyway, tomorrow is another day and another PE and another kilig. HAHA. Puro na lang kilig kaya dumadami pimpols! HAHA. Kelangan ko kaya kasi mag-ipon ng inspirasyon. Kasi no, bonggahan yung gagawin kong plate sa VC. Dapat inspayrd tu da max! :P

    Baka magpost ako ng kaseryosohan later. Wag mo na hintayin, kasi BAKA lang naman yun. :P

    Labels:

    "Dahil sa Mcdo." was Posted On: Wednesday, January 6, 2010 @7:07 PM | 0 lovely comments
    AVP = A Valuable Photoshoot


    Nakwento ko na sa isa kong blogsite na nagphotoshoot ako para sa pictures na ilalagay sa AVP. Hindi ito bonggahang photoshoot. Sa loob lang naman ng studio. :) Pero hindi ko akalaing ganun eto kaseryoso. Nakita ko kasi ang mga kuha mula sa photoshoot ni Joyce kaya naman akala ko, ganun ganun lang yun. Yung mga litrato nya kasi ay kuha ng nasa loob sya ng isang kotse at kalahati lang ng katawan ang kita. Akala ko ganon lang. Akala ko, simpleng ngiti at pose, isang klik, okey na. Pero mali ako. Mali nanaman ako sa akala ko.

    Nagpunta kami dun ng magaalasdose na ng tanghali. Syempre, sinimulan na kong make-upan. Pagtapos nun, nagsubok ng ilang kuha. Hindi lang pala ito simpleng ngiti lamang. Dahil hindi lang ang mukha mo ang importanteng tignan, kundi pati ang buong katawan.

    Minsan, intensyon man natin o hindi, mukha ang una nating nakikita sa mga tao. Nakakagawa tayo ng husga o ano mang komento sa isang tao dahil lang sa kung ano ang masasabi natin sa kanilang mukha. Madalas sa atin ang pagpintas sa mukha ng tao without thinking na maaari din tayong pintasan nito. Naisip mo na ba? Kung nakakapanget ang bawat pintas na natatanggap mo mula sa lahat ng taong nakakasalubong mo, mukha ka pa kayang tao? (sigaw sayo to Insan! XP)

    Unang sabak pa lang, nabigyan na kagad ako ng payo ng tagalitrato. Sabi nya, kung ang itsura ng mukha ko lang daw ang iisipin ko, at hindi ko bibigyan ng pansin ang itsura ng katawan ko, sa mukha ko na lamang sya magkakaroon ng interes kuhaan. Naisip ko, may tama ka Sir! Hindi nga naman maganda kung mukha mo lang ang may ayos kahit na pilit ang iyong ngiti samantalang ang ikaw sa kabuuan ay nakatayo lang patagilid. :)

    Madami pang sinabi si Mr. Photographer. Sa katunayan, sya ang nagsabi ng bawat pose na gagawin ko. Natuwa naman ako kasi hindi ko alam talaga kung ano bang gagawin kong ayos dahil nahihiya ako. Ewan ko, ang mahiyain ko. :)))))

    Sa kabuuan ng naging photoshoot, isa lang ang napagtanto ko. Mahirap palang magpapicture kapag di ka pa kumakain. HAHA. Joke lang. ;p Mahirap pala mamuhay ng puro pilit na ngiti na lamang. Hindi mo man naiisip kaagad ngunit maraming bagay ang maaari kang isipin o gawin para makapaglabas ka ng tunay na ngiti. Yung ngiting makakapagpasaya rin sa mga taong nasa kapaligiran mo. :)

    Edit: May isa pa pala akong napagtanto HAHA. Walang importansya kung maganda ka lang. Walang kwenta kung ang tanging maganda sayo ay ang mukha lang. Walang saysay kung ang tanging ipinagmamalaki mo ay makinis ang iyong mukha at mamulamula. Dahil kung ganun ka ngunit ang pagkatao mo ay taliwas sa pang-uri ng mukha mo, walang taong magtitiis sa'yo. Kung ang ugali mo naman ang kapintaspintas, walang magmamahal sa'yo. Walang tunay na magmamahal sa'yo.


    Masayang masaya ako sa unang araw ng pasukan ngayong taon. Kaya naman, napaemo ako ng maalala ang mga nangyari nung photoshoot na yun. Haha! Ang totoo nyan, gusto ko lang lubusin yung oras kasi wala akong aalalahanin para bukas. Tapos 9 ng umaga pa ang pasok bukas. Nakakalundag ng puso. :DDD

    Pero seryoso, ang saya ng pasok ko sa UST. Bago yung gate at daanan e. HAHAHA. Hindii, big ko sabihin, masaya yung unang araw nga ng pasukan. Ewan, parang may magic e. Magic? HAHAHA. Basta, umaga palang, tawa na kami ng tawa. Tapos, muntik pa kami mapalabas dahil sa kakatawa. Namiss ko yun. :D Namiss ko kasi kausap ang mga kaklase ko. :D Nakakalundag nga ulit ng puso ng pagpasok ko. Kasi, akala ko, magpapahuli lahat sila ng pasok sa VC dahil sa nakasanayan at isa pa, VC yun, kung san ang lahat ay galing lagi sa puyat ng gabi bago ang araw na yun dahil sa plate dito. Sa kagulatan ng mata ko, abaa, ang aga ng mga tao! Pati prof namin maaga! Biruin mo, ako pala ay late? =))

    Eniwey, ayun nga, pagkapasok ko, ganda kagad ng ngiti ni Insan saken. Ayun, binati ko naman sya. Tapos, nagulat ako kasi nasa lamesa namin nakaupo si Chizi (Ryan). Ang ganda din ng ngiti. Parang sinasabi na "Hindi ako late. ^^". Kaya naman nakipagapir lang ako sa kanya. Sunod, sabay sabay bumati sina Kath, Claire, Abi at Franky. :D Pwede na sila sa choir, haha. Nakakatuwa, kasi namiss ko yung sabayang pagbati ng mga kaklase ko kapag pumapasok ako. HAHAHA BABAW, ALAM KO. =)) Nahihipo ko e, bat ba? =)))

    Sa kasamaang palad na nakukuha ng late, wala akong upuan. Kaya naman niyaya ko si Claire na kumuha ng upuan sa ibang room. Kaso bigla kinuha ni Claire yung upuan ni Allen, sshhh! wag kayo maingay kay Allen a! :)))), para ibigay saken. KATOUCH KA CLER! =))))

    Naubos oras namin sa walang tigil at sawang kwentuhan. Grabe, walang kupas. :) Naalala kong sa sobrang sabik nila magkris kringle e nagbunutan na kagad kami pero pag ayaw ibabalik, tas maguulitan. Tas magbabalikan tas maguulitan, tas magbabalikan. Tas mapapagtantong wala namang nangyayari. Tatawa. Tatawa ng malakas kasi hindi namin naalala na may klase pa. Tapos sasawayin ni Kath kahit na sya ay tumatawa. Tapos mapapahina yung tawa ng bigla. Tapos saktong lulutang ang boses ni Claire at mapapansin kami ng prof. At mawawarningan. At magbubulungan. Hihinaan ang mga boses. Hanggang sa magbubunutan uli. Magkekwentuhan pa. Magbabalikan ng binunot. Magtatawanan dahil nauulit lang ang nangyari. At magpapasyang di na itutuloy ang bunutan. Tatawa ulit. May magkokomento na jowk. Magtatawanan. At mapapagalitan ng pangalawang beses. At magbubulungan. At konting maglalayo. Ngunit babalik padin sa iisang mahabang lamesa. At muli, uulit sa mga ginagawa. HAHAHAHA Pauulit ulit lang ang ginagawa twing VC na halos malimutan na gumawa ng concepts para sa susunod na plate pero mas uunahin pa rin ang kwentuhan at tawanan. Ngunit neber na nakakasawa. ANG WEIRD. =))))))))


    Gusto ko pa ikwento ang buong detalye ng aking araw, kaso masyadong mahaba. HAHA. Sayang, kasi, gusto ko sanang iparamdam sa inyo yung JOY na naramdaman ko kanina. At sobrang nagpapasalamat ako kasi eto ang kinalabasan ng unang araw ng pasukan. Sabi ko nga sa Tatay ko, salamat para sa araw nato e. Kasi umpisa palang ng umaga, kinausap ko Sya at sinabing samahan ako sa unang araw na ito. Kaya hindi nako nagtataka pa kung bakit naging ganto kasaya ang araw nato. :) Subukan mong isama din Sya sa isang araw mo. Hulaan ko, uulit ka pa sa pagrequest na sumama ulit Sya. :D


    Matutulog nako. May isang bukas pa e. At madaming madami pang bukas. Alam ko masaya nanaman. Kasi uulit at uulit talaga akong isama Sya sa bawat araw ko. Kasi pangako, sobrang saya sa pakiramdam! :D Kaya naman, hihintayin ko ulit ang bukas. Para sa isa pang masayang araw na mararamdaman ko kasama Sya. :D Oyasumi! ;)

    Labels:

    "AVP = A Valuable Photoshoot" was Posted On: Monday, January 4, 2010 @11:37 PM | 0 lovely comments
    Isang katibayan na ako'y mabait at matapang

    Bukas ko pa dapat ipopost ang blog na ito. Kaso, ngayon ko binasa ang Our Daily Bread, kung san nagbago ang aking kaisipan, kaya naman eto ako at nilulubos na din ang katinuan ng keyboard ko. :D


    Una sa lahat, alam kong nainis, o baka nagalit pa nga, sa akin. Alam ko babalik ka dito, magbabasa ng posts ko, at malalamang ikaw ang tinutukoy ko. :) Etong post na ito ay para sa'yo, para iclear lahat lahat. *byutipol ays*


    Inaamin ko na nagbasa ako ng blog mo. May nagsabi kasi sakin na kahit sa pananalita ay magkatulad tayo. At nung nabasa ko yun, nasabi ko, mukhang hindi naman. Pero may isang bagay akong napansin pa sa blog mo. Yun nga, ang hindi pagkonek ng "bully" sa "crybaby". Alam kong mali kong mamuna ng mali ng ibang tao. Sa totoo lang, hindi ko talaga intensyon na pakialaman ka (at pakialam ang totoong salita, hindi pakielaman. *ngiti*). Kaso, naalala ko talaga yun kaya ko nilagay sa blog ko. Alam ko na kahit anong eksplanasyon na sabihin ko, mas maniniwala ka na bitter ako kaya ko ginawa yun. Pero sorry to disappoint you, hindi na. :)

    Hindi ko ginawa ang bagay na yun para mapahiya ka, mapakita kong matalino ako, naghahanap ako ng kamalian mo, o bitter dahil ikaw ang pinili nya. Sa katunayan, hindi ko alam na binabasa mo ang Blogger ko. Dun ako nagulat at natawa, inaamin ko. :) Naflatter pa nga ako e. Dahil bukod kay Ate Kaye, may bago pang follower o tagabasa amg Blogger ko. :)


    Totoo kasi akong tao. At kung hindi mo nalalaman, ang Blogger na to ay ipinanganak na secret blog noon. Kaya naman, sanay ako na malayang magsabi ng kung ano dito. Alam ko, mali ko yon. Mali ko ang iblog ang kamalian mo. Pesteng alaala kasi yan! Natawa tuloy ako at naaliw iblog! Haha. Kung ikaw ay naoffend ko ng bongga, sorry. :)

    Sa katunayan, isang kutob ang nagpabalik sa akin sa blog mong iyon. Hindi ko alam kung bakit ako kinutuban bigla at sa blog mo pa ako dinala. Saka ko napansin na ang About Me mo ay nagbago at bigla kang nagbigay ng link para sa isa pangblogsite mo.


    Trivia: Naks, may ganto pa. Pauso ako e, hahaha! Ang kutob ko ay isang reliable source. Kapag ako ay kinutuban, ibig sabihin nito ay may nangyari, may nangyayari o may mangyayari na apektado o sangkot ako. Maaaring isa itong positibo o negatibo.


    Oo, pwedeng positibo. Kaya akala ko naman, inadd ako ni crush sa FB o nagmessage sakin si PSP. HAHA. Ayun pala, isang post mo ang gustong ipakita sakin ng kutob ko.

    Inaamin ko, hindi ako natuwa sa post mo. Una, nainis ako. Syempre, sinong matutuwa at magpapaparty kapag sinabihan ka ng "panget"? HUHU. Alam ko tumaba ako kakakain ngayong bakasyon pero di kaya ako pumanget! =))) Dun talaga ako apektado. HUHU. =))))

    Pero alam mo, nagpapasalamat ako sa'yo. :) Kasi, dahil sa'yo, nakatanggap na din ako ng hate messages e. Feeling ko tuloy, kalevel ko na si Ate Xyla (happified) at Elisa (thunderpopcola) e. :DD Seryoso, nagfeeling artista ako. Kasi di ba, mga artista, laging nakakatanggap ng ganyan. Kaya ayun, sabi ko na lang, "Nako, kung yung mga artista nga mas sobra pa e!" Wala lang, nainspire naman daw ako. :))

    Kelanman, hindi ko ninais magkaron ng kaaway. Prendli nga ako e. ;;) Kahit pa balikan mo ang lahat ng blogs ko dito, malalaman mong unang beses ko pa lang nagagawa yun. Kasi kadalasan, sinasabi ko sa mga taong kinaiinisan ko ng harapan e. At ang nakakatuwa don? Nauuwing magkaibigan na kami. Sabi ko naman kay I mo e. Matagal na kita gustong mameet. Magkaugali daw kasi tayo. Kaya hinihintay ko na makita kayong dalawa. :D

    Isa pa, ayun nga. Magkaugali daw tayo 'day! Kaya wag mong sabihing bobo ako. Kasi parang sinasabi mo rin yun sa sarili mo. :) Ikaw din, mahirap mastress nowadays. :)


    Sabi sa ODB, "Don't waste your breath." Ipinangako ko kay Lord na pagdating ng Jan01, ibabalik ko na ang pagdedevotion ko. I'm true to my words. Kaya nawalan nako ng gana makipagtalo pa sa'yo. Dahil alam ko, ipakita at ipagmalaki ko man na hindi ko na mahal si I mo, iisipin mo ang kabaliktaran. At sasabihin mong epekto to ng pagiging bitter dahil iniwan. Hindi, hindi. Hindi talaga. :) Alam ko namang gusto mo din marining mula sakin yun. Kasi nung ako sa sitwasyon mo, stress din ako sa mga humahabol sa kanya. Pero kasi, iba na mundo ko ngayon e. *u* Landeeee, hahaha! Tsaka hindi ko talaga plano o kahit sumagi sa isipan na guluhin kayo. Kasi nga, di ako bitter at naghahabol. :D


    Kung alam mong nanalo ka na kasi na sa'yo na sya, masaya ako para sa'yo. At para sa inyo. Gusto ko pa ngang magkatuluyan kayo e. :D Kaso wag mong isipin na talunan ako. Dahil malamang magkaiba tayo ng paniniwala. Para sakin kasi, ang talo, e yung naghahabol at hanggang ngayon umaasa. Yung tipong hanggang ngayon, iyak pa din ng iyak twing gabi. At napapaemo. HAHA. Para din kasi sakin e panalo ako. Kasi nakamub on ang bruha - ako. :DDD Saya kaya. Gusto ko magpaparty! HAHAHA syempre sa jan16 na lang. ^^


    Nga pala, nakakatuwa kasi alam mo na na pakialamera ako. Kasi, pakialamera talaga ako. HAHA. Hindi ko maiwasan. Yan nga yung binabago ko ngayong taon e. Pero yung sabi mong bobo, panget at nagbabaitbaitan kaya naiiwan, hmm, baka di ko na matanggal sa isip mo yan. At wala akong pakialam dun. Alam ko namang iba ang tingin sakin ng mga kaibigan ko. Hindi din naman kita masisi dahil unang pagkokonekta palang natin, ganun na nakita mo sakin. :)


    Sa totoo lang, ayoko talaga makipag-away. Ayokong ipamuka sa sarili ko na confessing Christian ako pero palaaway ako. Hindi tama yun. Sabi sa ODB e. :))) Seriously, winowork out ko kasi ulit ang relasyon ko kay Lord. At ayoko pang dumagdag ang stress na nakukuha ko ngayon. Juskoo, magbebertdey pako. Bawal mastress. :))

    Kung hindi ka convinced, ito nalang isipin mo, ako ay katulad ni Serena na dating go lang sa gulo ngunit bumalik para magbago. ^^ Oha, haha! Ayoko na si Blair. Si Bruhang Joyce na yun e! Syempre sya na yung may mga kaaway tas ako na dapat yung prendli! =))))) Tsaka magiging legal na ang edad ko. Ayokong lumaking immature para palakihin pa ang mga gantong isyu. :) Kung hindi ka pa din agree at kumbinsado, e wala na akong magagawa. :)


    Nga pala, alam mo, dapat magpasalamat ka din sakin a! Dahil sa blog kong yun, binago mo yung About Me mo. :D O di ba, may tulong din ako, hahahaha. Hindi ko sinasabing palitan mo ang About Me mo at ilagay mo dun kung san ka nag-aaral at anong course mo. Alam ko kasi kung ano ang ibig sabihin ng About Me e. Kaw lang naman nagsabing bobo ako. :) Sakin lang, nakakatawang mabasang bully ka pala at iyakin. Hindi ko kasi alam kung anong klaseng kabullyhan meron kapag iyakin ang bully e. :) Isa pa, sabi nga ni Joyce e, panget sa blog ang puro hatred posts. :)

    Dapat tayong mga blogger, kahit hindi ka pa tagaBlogger haha, palaguin ang ating mga kaisipan sa magaganda at interesting pang mga topic hindi sa mga gantong walang kwenta. Di ba? :D Seryoso kasi, mabait ako! HAHAHAHAHAH!


    Anyway, ayan. Masaya akong makakita ng seryosong post ulit sa aking Blogger. Sana bumalik ka pa at matuwa sa mga post ko. :DD Maligayang bagong taon! God bless! :D

    Labels:

    "Isang katibayan na ako'y mabait at matapang" was Posted On: Saturday, January 2, 2010 @7:14 PM | 0 lovely comments
    Mukhang para talaga ako sa Industrial Design a? :)





















    You Scored as Visual&PerformingArts
    You should strongly consider majoring (or minoring) in the Visual or Performing Arts (e.g., Art, Art Education, Art History, Ceramics, Culinary Arts, Dance, Drawing, Fashion Design, Film, Graphic Design, Interior Design, Marketing (advertising), Music, Music Education, Music Theory, Painting, Photography, Theatre).
    <br>
    <br>
    It is possible that the best major for you is your 2nd, 3rd, or even 5th listed category, so be sure to consider ALL majors in your OTHER high scoring categories (below). You may score high in a category you didnt think you would--it is possible that a great major for you is something you once dismissed as not for you. The right major for you will be something 1) you love and enjoy and 2) are really great at it.
    <br>
    <br>
    Consider adding a minor or double majoring to make yourself standout and to combine your interests. Please post your results in your myspace/blog/journal.





    Visual&PerformingArts

    94%


    Psychology/Sociology

    88%


    HR/BusinessManagement

    81%


    Education/Counseling

    75%


    English/Journalism/Comm

    75%


    PoliticalScience/Philosophy

    69%


    Accounting/Finance/Marketing

    69%


    French/Spanish/OtherLanguage

    63%


    Religion/Theology

    56%


    History/Anthropology/LiberalArts

    50%


    Physics/Engineering/Computer

    50%


    Mathematics/Statistics

    44%


    Nursing/AthleticTraining/Health

    38%


    Biology/Chemistry/Geology

    13%




    "Mukhang para talaga ako sa Industrial Design a? :)" was Posted On: Thursday, December 31, 2009 @4:26 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.