Day 9: A Photo I Took

Ano: Yung ilaw sa Quadri (kasama ang siningit na kamay ni Janna, haha)
Paano: Gamit ang camera ng Samsung Corby. :))
Bakit: Dahil nagandahan ako sa balanse ng dalawang ilaw na ito. :)
Kelan: Ika-13th ng Enero, 2010
Saan: Quadricentennial Park, UST
Kasaysayan: Ang totoo, ako, si Janna at si Ruther ay dapat nasa room 604 (ata) at nakikinig sa aming English Class. Ngunit sa tagal ng aming guro, kaming tatlo ay naisipang magcut. Kasabay na din ito ng aking "tamad mood" noong mga panahon na iyon.
Napadpad kami sa Quadri dahil doon nagpapraktis ng sayaw sila Kevin at Roan. Kasabay ng pagkuha ko sa litratong iyan ang pagkanta ni Ruther ng Wherever You Are bilang pagpaparaktis din sa kanyang pagkanta sa aking debut. :)
Labels: 30 days
Day 8: A Photo that makes Me Angry AND Sad
Ang titulo talaga ng post na ito ay "A Photo that makes Me Angry/Sad". Pero dahil meron akong mga larawan para sa tag-isa, ginawa ko na lang "and".Ang Unang Larawan: Nakakapagpagalit/inis sa akin.

Ang mga larawan na ito ang nakakapagpagalit sa akin. Osige, dahil medyo kalmado ako, nakakapagpainis na lang. Hindi ito dahil sa mga tao na nasa larawan. Kundi dahil sa ginawa ng manlilitrato (photographer kasi yoooon).
Mapapansin na sa unang litrato ay maayos ang pagkakuha. Ngunit pansinin na pagdating sa ikalawang larawan, mapapansing hindi balanse ang espasyo sa parehong gilid ng dalawang tao. Ganun din sa pangatlo. Pagdating sa pang-apat hanggang pag-anim, bigla na naging mailaw. :)) Mapapansin din na di kita ang mga pinalagay kong balloons at flowers bilang desenyo. Isa pa, hindi ganyan ang plinano kong itsura ng desenyo. :| Kung iisipin mo kung bakit ganun ako kaperfectionist pagdating sa mga litratong ito? Dahil ito lang naman ang aking debut souvenirs. :| Ito ay photo booth nung aking debut at sana'y hindi ganto kainformal ng mga larawan. Nakaka...disappoint. :|
Narinig ko din ang mga kumento na sinabi sakin ng mga malalapit na tao sakin patungkol sa ugali at naging asta ng photographer dito. Maymamon, ansarap lang sapakin. Pero syempre di ko kaya yon dahil bukod sa mabait akong tao e, babae ako masyado. :") Nakooo, nako lang. :|
Pero nagpapasalamat ako dahil hindi sya yung photographer na kumuha sa akin. May tatlong tao kasi doon. Dalawang photographer at isang videographer. Ewan pero parang andami nila dahil may mga lightsmen pa. LABO. :|
Anyway, para di nako mainis pa lalo sa photographer na yan, dun na sa ikalawang larawan.
Ikalawang Larawan: Nakakapagpalungkot sa akin.

Ito. :| Nalulungkot ako nung panahon nato at nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko ito. Dahil si Bruha at si Phau lang naman ang nakapunta noong debut ko. :| Sa aming barkada, lima kaming magaganda. HAHA. Paano, lima lang naman kami no. :)) Pero yun na nga, lima kami. Ngunit, sa larawan na yan, ebidensya na dalawa lang sila ang nakapunta at nakapagbigay ng mensahe sa akin.
Pero sa totoo lang, iniisip ko nalang na buti dalawa pa silang nakapunta. :)) Nakakatuwa na din dahil nga masyadong malayo ang venue. Nakakatuwa dahil dalawa pa sila.
Noong nagdebut si Bruha, kumpleto kami. Sumunod si Aygee, ngunit tatlo nalang kaming nakapunta. Sumunod ang kay Nhice, at ayun, dalawa na lang. :| Hanggang sa akin, at buti na lang dalawa parin. Buti hindi isa. :|
Ayoko na masira ang mood ko ngayong araw dahil sa inis at lungkot ng mga larawan na ito. Kaya.....kakain nalang ako. :))))
Labels: 30 days
Day 7: A Photo that makes me Happy
Sa totoo lang, madaming madami akong mga larawan na gustong ilagay dito. Kaso dahil nga masyadong OA kapag ganon, pinili ko nalang ay dalawa. :))
Ito ang unang larawan. Syempre, sino bang hindi maligaya sa debut nya? ;p Ito ang isa sa mga highlights ng buhay ko. Ito ang isa sa mga desisyon kong hindi ko pinagsisisihan. Ito ay kuha ng isang propesyunal na manlilitrato (what a term, haha). Sa totoo lang, isa itong "fail photo" dahil masyadong mahangin at malamig kaya hindi namin makuha ng maayos. Ngunit ito na ang pinaka maayos sa lahat ng nakuha. Meron sanang isa pang larawan na mas gusto ko ang "pose" kesa dito kaso super fail. Sayang. :|
Nakakapagbigay sakin ito ng saya dahil pinapaalala nito ang buong kaganapan nung aking debut. Siguro wala ng hihigit pang saya ang mararamdaman ko. OA HAHAHA. Sino bang hindi sasaya kapag sa araw na inihanda mo at sineselebreyt ang pagkabuhay mo, kasama mo ang mga taong mahal mo at importante sayo? :) Isa pa, napapangiti ako kapag nakikita ko ang larawan na ito dahil ito ang isa sa mga pangarap kong larawan. Seryoso. Gustong gusto kong gumanto ng hindi ko lamang alam kung pano at kelan. At ola! Ayan na sya. Kaya para sakin, higit pa sa paborito ang pic na to e. :))
Isa din ito sa mga hindi ko malilimutang kaganapan ngayong kolehiyo. Isa kasi ito sa mga pangarap kong nakamit. Naikwento ko sa tinutukoy kong post na pangarap kong magstay sa labas ng bahay na gabing gabi na at kasama ang mga kaibigang nagkekwentuhan at nagtatawanan. Yung tipong nasa labas kami ngunit walang ginagawang masama. :)) At yun nga, natupad ang pangarap kong yon at ito ang ebidensya. :)) Isa pa, sobrang saya namin nung panahon na ito at nakikita ko yon sa larawan na ito. Wala, sobrang aliw talaga. Nakakaawa lang dahil si Insan yung photographer nito kaya di sya nakasama, hahahaha. Kahit na di kami kumpleto, masaya pa rin ako dahil sa pagsasangkatuparan ng isang vanity pic na ito. :)
Labels: 30 days
Day 6: Whatever Tickles My Fancy
Bago ko inisip kung ano ang ilalagay ko sa araw nato, tinignan ko muna ang ibig sabihin ng titulo. Iniisip ko kasi kung literal ba dapat ang ilagay dito o hindi. Hanggang sa nakita ko ang tunay na ibig sabihin nito. At ang unang pumasok sa isip ko? 
Sya ngang tunay :)) Ang pelikulang G@me. ^______^
Ang totoo, nalimutan kong isama ito sa My Favorite Movie. Pero nung aking pinagbulaybulayan, naisip ko, higit pa sa paborito ang turing ko sa pelikulang ito. Ewan ko, sadyang gustong gustong gusto ko sya. =))
Gusto ko yung intro ng pelikula. Kala mo nakakatakot, hindi pala. :))
Gusto ko yung kotse ng bidang lalake.
Gusto ko yung bidang lalake. *u*
Gusto ko yung condo (mansion ang tawag non sa Japan) nya.
Gusto ko yung sofa nya.
Gusto ko yung lamesa nya.
Gusto ko yung mga gamit nya sa bahay nya.
Gusto ko yung view na makikita sa bahay nya.
Gusto ko yung kwento ng pelikula.
Gusto ko yung trabaho ng bidang lalake.
Gusto ko yung game na ginawa nya.
Gusto ko yung tactics nila. :D
Gusto ko yung twists.
Sobrang gustong gusto ko talaga. Osige, mahal ko na. :))
Pangako, kapag pinanood mo to, hindi ka magsisise. :)
At sobrang saya ko ng madownload ko na ang movie na ito. Kung sino man ang kakilala kong gustong mapanuod to, maaari lamang na sabihin sakin dahil nailagay ko na sya sa iTouch ko. Yun nga lang, Php50 per hour. ;P HAHAHAHA
At sobrang nagpapasalamat din ako kay Bethany Joy "Bheb" Y. Geronimo dahil sya ang dahilan kung bakit ko nagawang maapasakamay ang G@me araw araw. Mahal kitang tunay. :*
At sobrang nagpapasalamat ako kay Tita Heids dahil sya ang nag-introduce sakin ng pelikulang ito. Maaari lamang na ikaw ay umuwi na. :D
PS. Gusto ko rin si bidang babae. (Yukie Nakama a.k.a. Yankumi/Sadako/Samara)
PPS. Pagpasensyahan ang mga maseselan, este mga hubad at malalaswang bahagi sa pelikula. :)
Labels: 30 days
Ang Irony ng Buhay ko.
Saka ako nagpasyang hindi na muna magaunli kung kelan madaming nagtetext.Saka ako pumuputi kung kelan kami nagswimming.
Saka ako tinatamad pumunta sa Manila kung kelan may dahilan na.
Saka ako tinatamad umalis ng bahay kung kelan ako may pera.
Saka ako nangailangan ng madaming space sa memory card ng digicam kung kelan mapupuno na sya.
Saka nagkaVISA tita ko kung kelan pwede ko ng isama si Mama sa Japan.
May plano nako next summer pero ngayong summer, wala.
Meron na nga akong iPhone, di pa naman pwede iopenline.
Kung kelan malayo yung gala ko, saka ako pinayagan. :))
Minsan talaga random ang buhay. Pero okay na din, para may thrill. :))
PS. WALA AKONG BAGSAK NA GRADE, YEY!!!!!!! :D:D:D:D Ang matindi pa don, naka2.25 pako sa Tech kung san sobrang nanganganib ako. :)))
Isa pang irony:
Kung dati ayaw kong puntahan at buksan ang MyUSTe, ngayon, ayaw ko na isara. =))
Day 5: My Favorite Quote
Sa totoo lang wala talaga akong paboritong quote na laging sinasabi sa sarili ko kapag nasa mala"between life and death" na sitwasyon ako o kahit sa tanong na "Your favorite quote?". Pero kakaisip ko, ngayon ko lang napagtanto na may isang linya akong pinanghahawakan sa buong buhay ko simula ng marinig ko ito."If God is with me, who can be against me?"
Ito ang isa sa mga linyang mababasa mo sa Bibliya. Ngunit ang katagang ito ay kay Ate Cathy ko narinig. Ito ang linya na sinabi nya sa aming cell group na dapat naming panghawakan. Dahil given na na kami'y na sa Diyos, so bakit kami kailangang matakot? Sobrang nakakaencourage ang linyang ito kaya simula ng marinig ko to, hindi ko na ito kinalimutan. Isa pa, lagi to kasi binabanggit ni Ate Cathy sa mga cell group meetings namin kaya life verse na din to ng cell. :))
Sa kahit anong pagsubok o problema na dumating sa buhay, alam kong di ako matitinag. Alam ko magagawa kong lagpasan, ay hindi, hindi lang lagpasan kundi magagawa kong mapagtagumpayan ang mga ito. Dahil sa Diyos. Dahil Tatay ko Sya. Dahil Sya ay nasa akin. :) Ang verse na yun, sobrang "enough said." :)
Sa katunayan, may isa pakong paboritong quote na ngayon ko lang natuklasan.
"Do not let anyone ever make you feel like you don't deserve what you want."
NOTE: Irerelate ko lang sa course ko no. Kasi kakikita ko lang ng grades ko online =))
Hindi ko talaga pangarap ang Industrial Design. Sa katunayan, ngayon ko lang nalaman na may gantong uri pala ng course. :)) Pero mukhang nakatadhana talaga ako para dito. At sa isang taon na naging parte ng buhay ko ang Industrial Design, nagustuhan ko na ito. ;)
Ito yung challenge na inaccept ko. Sa hirap ng kursong ito, laging unti nalang ang natitirang estudyanteng grumagraduate. Ngunit ito ang gusto ko. Kaya kahit na anong sungit at kuripot ng mga prof na magbigay ng grade, magpapatuloy ako. I wouldnt let anyone make me feel that I don't deserve this. Dahil simula ng magustuhan ko ang kursong ito, nakita ko na ang sarili ko na ito ang kaharap ko sa hinaharap. ;)
Siguro para sakin talaga ang quote na ito. Kaya simula ng marinig ko to, alam ko, isa ito sa mga panghahawakan ko. ;)
Labels: 30 days
Sagot ko sa dalawang Formspring questions kanina.

(Click the picture for bigger size.)
Labels: formspring
Day 4: My Favorite Book
Top 1? Ang Bible!Sa totoo lang, hindi ko rin inaasahan na magiging paboritong libro ko pala ang Bible. Kasi dati, kapag may nakikita akong profile na Bible ang kanilang nilalagay sa "Favorite Book:", natatawa ako at sinasabing "Weh, di nga?" Tapos ayon pala, ako rin ay magiging fan ng Bibliya. :))
Simula ng magdevotion ako, doon ko nakita ang tunay na kulay (Oh, I love that statement :D) ng Bible. Dun ko nalaman ang totoong importansya at ganda nito. Kasi kung titignan, mukhang boring ang Bible basahin. Minsan nga iniisip kong magtrabaho sa kompanya ng mga Bible at ako ang isa sa mga bibigyan ng oportunidad para gumawa ng bagong design ng Bible e. :D Kasi hindi sya ganong nakakaentertain sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Para sakin noon, isang pampaantok lamang ang Bible, isang libro na ginagamit lamang tuwing Linggo. Pero mali ako. Kasi kung susubukan mong basahin kasama ang Diyos sa pagbuklat ng bawat pahina, maiintindihan mo kung bakit may mga taong gustong gusto ito.
Dumating pa nga sa punto na isang chapter lang ang nirerequire sayo ngunit gusto mong tapusin ang isang Book dito e. Ganon katindi basahin ang Bible. ;) Maalala ko, may hiwalay na post kasi ako tungkol sa devotion kaya don ko na lamang ialagay ang iba ko pang saloobin patungkol sa Bible. :) Basta alam ko, sa puso ko, mahal ko na ito. :)
Top 2. Ang It's Not About Me by Max Lucado.
Si Ate Ena ang nagrekumenda ng librong to. Tandang tanda ko na ilang beses nyang sinabi sakin na basahin ko to. Hanggang sa ginawa kong bilhin ang libro noong ako'y paalis at papuntang Japan. At sa Japan ko nabasa at natapos ito. Naboringan ako sa umpisa kasi nagsimula ang chapter sa isang siyensya na pagpapaliwanag. Y'know, Science and I are...enemies >:P Kaya naman naging struggle sakin ang pagbabasa ng librong to. Pero kahit na naging struggle sya, hindi pumasok sa isip ko na laktawan ang boring chapter na yun at lumundag nalang sa susunod na chapter. Hindi pumasok sa isip ko na basahin nalang yung chapter ng may nakaka"caught attention" na title. Kasi kadalasan, kapag tinatamad ako magbasa, ganon ang ginagawa ko :)) Ayun pala may rason. Sobrang napa"WOW" ako nung matapos ko ang huling chapter at totoong nakaka"life changing" ang libro. :)
Ang libro na nabili ko e yung hindi pang-Youth. Ewan ko ba kung dapat talagang basahin ko ang older version o sadyang bobita lang ako para di makita yung pang-Youth. Pero kahit na, hindi pa rin ako nagsisisi na ayun ang nabili ko. Kasi super....BASTA :D
Top 3: I Kissed Dating Goodbye by Joshua Harris
Una kong nakita nag librong ito kay Debra Victa. Classmate ko noong third year. Akala ko isang novel, dahil sa book cover. Ayun pala isang inspiring book sya. Sobrang life changing din ng librong ito at talagang mapapa-oo ka sa Diyos. :)) Yung tipong di ka manghihinayang isuko ang lahat para sa Kanya. Isa pa, may isang chapter sa librong ito na kahit balibalikan ko ng pagbasa e naiiyak ako. :)) Grabe, kapag nabasa mo yung part na yon, feeling ko gugustuhin mo ding itype sya kahit mahaba at ishare sa friends mo. Kaso naisip ko, better kung babasahin nila ang buong libro. :)
Itong librong ito ang dahilan kung bakit ko piniling maghintay at maging single sa kasalukuyan. Ito ang dahilan kung bakit mas gusto kong i"take things slow" muna ang mga bagay bagay kesa igrab kagad ang isang opportunity na mapanlinlang. Isang opportunity na hindi pala para sayo, at isang opportunity na hindi pa nakatakdang igrab mo. :)

Hindi ako mahilig sa mga librong may kwento. Mas gusto ko kasing binabasa sa isang libro yung inspirational lalo na't Christian books. Kasi meron naman Creative Corner sa internet para magbasa ng mga magagandang istorya. Mas gusto ko kasing pagkagastusan at ikeep ang mga ganitong uri ng libro. :)
Labels: 30 days
Day 3: My Favorite Television Program
Para lang masabing nagpost ako ngayon at nasunod ko ang Day 3, ito ang listahan ng aking mga paboritong tv program (opo, madami :D):-Gokusen
-Hana Yori Dango
-Super Monkey Adventures
-Full House
-at nalimutan ko na yung iba, bow. Favorite ko no? :))
Btw, bukas ko nalang ididiscuss ang mga to dahil pagod ako kakaswimming kanina. K? Thanks, bye! ;)
EDIT:
Inisip ko ulit yung mga paborito kong TV Programs. Lima lang pala ang paborito kong mga programa sa telebisyon. :))
Syempre, alam na alam ng mga kaibigan ko yan. Hindi ko nga sigurado kung pano nila nalaman yung top3 pero basta, alam lang nila. :))
Sa programang ito ipinakita ang maaari mong matanggap sa reyalidad. Una, ang nangyayari sa kanila noong Highschool sila ay malamang maikokonsidera ko sa buhay ng isang kolehiyala. Kasi ang bansa naman natin ay hindi ganoong kaliberated gaya ng sa kanila AT isang Kristyanong paaralan pa ang pinasukan ko noong ako'y nasa sekondarya kaya para saakin, masyadong pang-kolehiyo ito kung iaapply sa atin.
Totoo na may mga ganong uri ng tao, ang kanilang mga ugali, pananamit, pananalita at pag-uutak. May mga ganon nga. May mga ganon ngang pangyayari at ang programang ito ang nagmulat ng aking mga mata, hindi lang sa liberated life nila kundi din sa mga issues na hinaharap ng isang teenager. Sila ang nagmulat sa akin na ang mga bagay na ito ay maaring mangyari dahil hindi lamang ako gagalaw sa isang Kristyanong mundo kundi maging sa labas nito. Alam kong marami pang mga palabas ang kagaya sa Gossip Girl ngunit para sa akin, okey nako sa Gossip Girl.
PS. Wala akong tyaga panoorin pa ang iba. ;p

Pangalawa, Gokusen.

Pangatlo, Hana Yori Dango.
Sige, pwede nyo na ding isipin na kaya ko paborito ang mga to dahil nagbida rito si Jun Matsumoto. *u* HAHAHA Pero sa totoo lang, naging paborito ko pa rin ang Gokusen 2 kahit na wala roon si Shin Sawada. Kasi, maganda yung istorya at kakaiba ang kwento. :D Naging paborito ko din ang artistang si Yukie Nakama dahil dyan. :D
Kaya ko naman nagustuhan ang Hana Yori Dango ay dahil isa rin ako sa mga nagkagusto sa Meteor Garden. Kaso napansin ko na ang Meteor Garden ay naging boring na nung mga panahong naging OA ang mundo sa kanila. Yung tipong sumikat ng sobra at naglabas ng stickers at pictures at kung anu ano pa sa kahit saan. Tsaka noong dumating na si Yesha sa eksena, naguluhan nako sa istorya nya. :)) Pero nung napanood ko ang HYD, naintindihan ko role nya. Tsaka mas mabilis ngunit magandang version ito ng Meteor Garden. Pwede nyo ding isipin na bias ako dahil may lahi akong hapon at isang Japanese drama ito. :)) Ngunit sa kanila talaga ang paborito ko. Siguro rin dahil ito yung napanood ko ng kumpleto. Okey, gwapo rin si Lee Min Ho. Aminado akong mas gwapo sya kay Jun Matsumoto, mas hot pa. Kaya pwede nyo ding bawiin na bias ako. :)))) Sadyang sipag at ganado lang ata ako ng pinanood ko ang buong kwento ng HYD. Pati kasi nanay ko engganyo dito e. :))
At ito rin yung version na may ending. :)) Panoorin nyo ynug last episode, which is a movie, maganda sya. :)
Eto ang pang-apat. Sino bang hindi magugustuhan ang Full House? :> Naaalala ko ang mga panahong tumitigil ang oras kapag pinapalabas na to. :)) Ang kulitan at asaran hanggang sa lambingan nilang dalawa. EPIC. 8)Kakaiba pa yung kwento nila. Punong puno ng katatawanan at hindi lang basta drama. Isa pa, isa din kasi akong aspiring writer. Yung writer na gumagawa ng istorya. Kumbaga writer ng isang drama series gaya ng ginagawa ni Jessie. At totoong ang tunay na pangyayari sa iyong buhay ang magandang halimbawa ng isang magandang istorya. :)
At ang panghuli kong paborito? Ang Encantadia. :D

Napuntahan na natin ang mga programa sa America, sa Japan at sa Korea. Wala pakong pick para sa Taiwan at iba pang lugar. Ngunit hindi naman dapat isnobin ang mga programa sa sarili nating bansa. Kung bakit Encantadia? Bakit hinde? :>
Maganda ang Encantadia sa totoo lang. Mula sa production designs hanggang sa mga role ng bawat artista. Pati ang mga salita nilang talaga namang sumikat gaya ng "Pashnea!" :)) Naibalitang gagawin nila muli ito. Ngunit sana, mahigitan nila ang galing na naipakita noon ng Encantadia. :)
Kung mapapansin nyo, walang ganong dahilan kung bakit ko naging mga paborito ang mga ito. Yun ay dahil hindi ako magaling na critic ng mga palabas at nagiging paborito ko ang mga palabas kapag may ibang pakiramdam ako sa mga ito. Ewan, basta nararamdaman nalang yun e. :>:>
Labels: 30 days
Day 2: My Favorite Movie

Ang 500 Days of Summer :)
Sabi ng iba sobrang labo daw ng pelikula. Pero nung panahong pinanood ko to, sobrang intinding intindi ko naman. :)) Oo, malabo. Pero kapag binigay mo yung konsentrasyon mo sa pelikula, maiintindihan mo talaga. :) Kaya ko naging paborito to dahil sa isang katotohanan na ipinakita sa pelikulang to.
This is a story of boy meets girl. But you should know upfront, this is not a love story.
Hindi lahat ng istorya ng pag-ibig na pinasukan mo, magiging happy ending. Ito lang ang napanood ko na hindi prinopromote angf fairytale o ang pananaw ng mga tao sa isang pelikula na nakagenre sa Romance. Dahil dito ipinakita na hindi purkit naglalandian kayong dalawa o masaya kayo sa isa't isa, ganon na kayo panghabang buhay. Hindi purkit hawak mo sya ngayon, ikaw ang kahalikan nya at kahawak kamay, sya na ang taong para sayo. Siguro nga minahal nya talaga si Summer at siguro minahal din sya nito, pero hindi yun naging kasiguraduhan na patuloy syang mamahalin ni Summer.
"You weren't wrong, Tom. You were just wrong about me." -Summer
Pero gaya nga ng sinabi sa pelikula, totoong may fairytale like na istorya ng pag-ibig. Yung nagsimula kayong masaya at hindi ito matatapos. Yung talagang may happily-ever-after. Kaso wag mong isarado ang pangakong ito sa taong kaharap mo ngayon. Dahil gaya ng ginawa ni Tom, nasaktan lang sya ng malaman nyang hindi tumalab kay Summer ang Pixie Dust at ang pagmamahal na ibinigay nya. Dahil hindi lahat ng bagay nagtatagal. Pero gaya nga ng sabi ni Summer, hindi totoong kalokohan ang happily-ever-after. Mali lang si Tom sa pinili nya. :) Bakit? Dahil para kay Summer, hindi sya sigurado kay Tom. :)
"I woke up one morning and I just knew." - Summer
"Knew what?" - Tom
"What I was never sure of with you." - Summer
Masakit malaman ang katotohanang hindi para sayo ang taong minahal mo. Pero mas masakit paasahin ang sarili mo na para sayo ang taong ito. Pero ang pinakamasakit? Yung hahayaan mo yung sarili mo umaasang mahal ka pa din ng mahal mo. Kaya para sakin, mas mabuti ng ginawa ni Summer yun. :) Dahil kung nasaktan man si Tom, gagaling at lilipas din yun. At hindi nga rin nagtagal, nameet nya si Autumn. :)
Sa buhay, naniniwala ako na may mga taong nararapat para satin. Yung taong kasama natin hanggang sa tayo'y tumanda at mamatay. Kaya ko naman nagustuhan..

ang The Notebook. :)
Dahil sa kwento nito na hindi ko alam kung totoo. Pero isa lang ang sigurado ako, ang tunay na pag-ibig ay totoong nagtatagal ng panghabang buhay. :)
Hindi nako nagtataka kung bakit maraming may paborito sa pelikulang ito. Ngunit nagtaka ako kung bakit ko nagustuhan ang pelikula, kahit na naboboringan ako rito. Nagulat pa nga ako ng naiyak ako sa bandang katapusan e. Hindi ko alam. Ang pelikulang ito ay sadyang...sadyang kakaiba. ;) Alam mo yung tunay na pag-ibig ni Noah para kay Allie na pang habang buhay? Yun yon e. :)
Kung ang unang pelikula ay nagbigay ng babala na hindi dapat kaagad binibigay ang lahat lahat para sa minamahal mo sa kasalukuyan, ang pangalawang pelikula naman ang nagbigay ng pangakong may isang tao na magmamahal sayo panghabang buhay. Yung kahit na mag-away kayo araw araw at magsigawan, handa kayong ihandle yun araw araw dahil alam niyo na mahal nyo ang isat isa. Sobrang...epic. ;)
Labels: 30 days
Day 1: My Favorite Song
Simula pa nung una kong narinig yung kantang to, wala na, mahal ko na si Dave Barnes. Parang, alam mo yon, sya lang ata nakakaalam ng dapat na ginagawa at sinasabi sa babae. Kung sino man gumawa ng kantang to, ang sarap nyang pakasalanan.
Hindi ganong sikat tong kanta na to. Kasi sobrang tagal ko talagang hinanap ang kanyang codes. Youtube lang pala ang sagot. Pero sana wag talaga sya sumikat. Kasi ayokong maging overrated yung kanta. HAHA Pero kung ang pagbukas ng isip at puso ng bawat lalake kapag narinig nila ang kantang ito ang mangyayari, aba, sana magtop1 nato sa lahat ng radio stations.
Bawat stanza, sumasakto. Pansinin mo, sinimulan nya pa sa panghihingi ng tawad. Parang...OH MAY GUMS. HOW I WISH MAISIP NG BAWAT LALAKE YAN TALAGA. Bat nga ba hindi na lang simulan lahat sa paghihingi ng tawad kapag nagkamali? Bakit kelangan pang magpaligoy ligoy? Bakit kelangan pang magdahilan kung isang sincere na "sorry" lang naman ang kailangan naming marinig? Tapos papaabutin pa sa puntong punong puno na ang babae kung san ang "sorry" nya na kahit gano pa kasincere ay mahirap ng tanggapin. Bakit di nalang kasi isantabi ang pride at simulan nalang sa pagsosorry?
Siguro kaya ko din mahal na mahal ang kantang to kasi ganto ang gusto kong mangyari sakin. Yung tipong "Magsorry ka na lang, dude. Tama na kaartehan. Yun lang naman gusto kong marinig sayo e. Bakit? Dahil masarap sa pakiramdam kapag ako yung babaeng nakapagpababa ng pride mo." Tapos ang matindi pa kasi nanghihingi sya ng kapatawaran dahil hindi nya kayang gawin yung mga ineexpect mo. Oo, isa ako sa mga babaeng pilit na kinocontrol ang expectations. Kasi mahirap magexpect. Pero nung narinig ko yung kantang to, parang nahiya naman ako sa sarili ko dahil masyado akong expect ng expect without thinking na hayaan ko na lang sya na ipakita nya yung pagmamahal nya. E yun din naman yung hinihingi ng mga lalake e, pang-unawa na hindi lahat ng ineexpect ng babae ay magagawa nila.
Tapos nakakahina pa ng tuhod yung sinabi nya sa kantang "Don't give up on me." Parang..nakakatearyeyed kapag sayo talaga sinabi. Kumbaga sya na yung nagsabi na wag naman syang igive up. Tas nag"Baby please, believe" pa. Wala na. Iyakan nalang. :))
Yun pa yung maganda e. Kaya sya nagsabing wag naman sya igive up at nagplease pa dahil gusto nyang baguhin yung sarili nya. Namagiging more than a man sya para sayo. Na dahil sa iba na ang perception mo sa lalake ay magpapakamore than a man sya. Para mahalin mo sya uli. Lahat ng bagay gagawin nya. Mahalin mo lang sya..ulit.
Sabi pa sa kanta, "Just explains the lack in me." Sa sobrang gusto nyang magtagal kayo, hinihiling ka nya na sabihin kung ano yung kulang sa kanya. Kung ano yung mga bagay na gusto mong gawin nya pati ang mga bagay kung saan sya nagkukulang. Dahil gusto nyang punuin yun. Dahil gusto nya maging best para sayo. Dahil ganun ka nya kamahal.
Tapos sobrang heart-winning nung bandang huli.
There's a hope inside my heart and mind
Between the hope ahead and the sin behind
All I ask..
Is you believe in me
Alam mo, eto lang naman ang kelangan ng mga babae e, ang kelangan ko. Yung isang lalake na maiisip yung mali nyang ginawa noon. Yung iniisip nyang magbago at magkaron ng pag-asa na maayos paglaon. Yung isang lalake na mas iisipin yung kapakanan mo dahil mahal ka nya. Yung isang lalake na hindi magdadalawang isip na ikaw ang isipin dahil alam nya, na ikaw, sya lang ang iniisip. Na alam nyang di sya magiging dehado sayo. Ayun lang yun e, BELIEVE. Pero alam mo kung ano yung mahirap? Yung kapag hiningi yan nung tao, tapos binigay mo dahil umaasa kayong dalawa na may ikakabuti pa, pero ayun pala, di nya din kayang panindigan. Ayon yung pangit . Ayon yung masakit.
Minsan maganda din kapag sinimulan nyo ulit yung dating pag-ibig. Minsan maganda yun kapag yung taong yun ay nagbago na gaya nito. Yung kaya nang manindigan sa desisyong ginagawa nya. Yung taong alam na kailangan nya munang humingi ng tawad sa kasalanang ginawa nya noon at ipinapangako sayo na nagbago na sya. Yung taong paninindigan talaga hindi dahil yun ang sabi ng iba o yun ang nasa kanta. Kundi dahil yun ang nararamdaman nya. Sana may ganong tao nga. Dahil kung ang dating pag-ibig ay babalik man, ngunit wala pa ring paninindigan at pagbabago, sana, wag na lang. :)
Labels: 30 days
30 Days of Blogging Yourself :))
Ayun na lang ang naisip kong ititle e. :)) Wala, parang ganon kasi yung lalabas e. HAHA. Mula sa Tumblr, napunta din sa Multiply, at ngayon dinadala ko sa Blogger. :) Credits sa Tumblr People. :)
HOLY WEEK KASE.
HAHAHA natatawa talaga ako. Kasi kahapon ng buong maghapon, isang malaking topic ang relihiyon. Nagsimula sa paggising ko. Dahil nagtext si Claire na nakausap nya si Ate Alyssa at ibinalita na may Wildsons sa Clearance Day. Tapos kahapon ng hapon, ang lakad ko ay sa church dahil nga may meeting kami. So pagpunta ko don, sila Arren ang nakita ko. Wala pa pala. At tuluyang nacancel ang meeting dahil sa isang biglaang pangyayari. Buti na lang andon sina Ate Drei, April at Bea. Nagkwentuhan kami. At guess what kung ano ang topic..Oo, malamang, relihiyon. :))
Hindi ko na rin maalala kung pano nagsimula. Pero dun ata sa tanong ni Bea na ano yung pagkakaiba ng Katoliko sa Kristyano (Born Again) e. Edi base sa mga naranasan ko sa Uste at mga natatalakay ng prof namin sa Theo, nagkwento ako. Tapos inaasar pako ni Arren tungkol sa Angelus. Tas tawa naman ako ng tawa dahil nga unti unti ko nang nasasaulo ang Angelus dahil sa lagi itong ginagawa sa Uste. :)) Tas dahil nga ang tagal ng paghihintay namin, sabi ko na magpapaconvert nako sa kabila (Katoliko. Dahil magkatabi lang ang simabahan ng Katoliko sa simbahan namin), kay Father Jose (naimbento lang ni Arren). Hanggang sa napunta sa isa pang simbahan sa likod namin, ang Iglesia ni Cristo. Ang totoo, matagal ng nadadawit sa biruan ang pageebolb ng tatlong simbahang ito na may magkakaiba ng relihiyon. Pero bentang benta pa din. =))
Tapos akala ko tapos na ang lahat ng tungkol sa relihiyon ng umuwi na ko. Ayun pala pati si Mhamel, may kwento din na tungkol sa relihiyon. HAHAHA Wala, nakakatuwa na may mga tao ngang mapagpanggap. Kung san umangat ang dugo ni Bruha dahil sakanila.
Pero naisip mo na ba na nababastos ang Diyos kapag Siya ang ginagamit natin para lang sa sarili nating kapakanan? Porkit lahat sila ay Christian, CHRISTIAN KA NA DIN. Porkit lahat sila ay Catholic, CATHOLIC KA NA DIN. Porkit lahat sila ay Kulto, KULTO ka na din.
"Hanep!"
-- Bruha
May point naman kasi sya e. Hindi ko nga akalain na sa lahat ng topic na maeencounter ko kahapon, yung sakanya yung may kabuluhan. :))) Dahil totoo, nababastos ang Diyos kapag bigla kang paglilingkuran Sya, tapos paglaon, dahil lang sa maling bagay na umiikot sa ulo mo, tataliwas ka sa paniniwalang ito. Well, wala nakong masabi din dahil ang mga katagang binitawan ni Mhamel, speaks all na.
Tas saka ko narealize, Holy Week na nga. Kasi relihiyon na pinag-uusapan lately. HAHA
Alam kong wala masyadong ginagawa ang mga Kristyano kapag Holy Week. Kasi sa aming paniniwala, hindi na kailangang ulitin pa ang mga pasakit na tinanggap ni Hesus dalawang libong taon na ang nakakaraan. Kaya Nya nga ginawa ito upang hindi na natin gawin e. So parang mahiya naman ang bawat tao dahil kapag ginagawa pa natin ito, ibig sabihin lamang na inaunderestimate natin ang ginawa ni Hesus sa Krus ng Kalbaryo. Sinasaktan lang natin Sya lalo dahil bilang ating Ama, ayaw Nya na ginagawa natin ang mga bagay na nagpapasakit satin.
Ipinapagdiriwang din naman namin ang Linggo ng Pagkabuhay. Pero hindi sa panahon lang ng Linggo ng Semana Santa. Kundi araw araw. Dahil ang Diyos ay buhay araw araw at kelanman ay hindi na muling mamamatay. :) Ang Diyos natin ay buhay araw araw at hindi lang tuwing Linggo ng Semana Santa. Dahil kung ang Diyos natin ay namamatay sa mga panahong sinasabi ng iba na Sya'y patay, bakit tayo andito pa? Bakit tayo naliligtas sa dami ng trahedyang meron ang mundo? :)
Ang Pyramid
Narinig nyo na ba yung bagong kanta ni Charice? Hanep si Charice no. Pakanta kanta nalang kasabay si Iyaz. Dati naglalaro lang kami nyan ng piko tapos ngayon sikat na syang singer. Tapos pumipyramid na. Samantalang dati ang alam lang nyang mataas e yung puno ng buko sa bakuran namin. To talaga si Charice o, parang dati lang nag-iipon kami ng tansan at mga balat ng kendi at ginagawa naming pera perahan. Tapos ngayon limpak limpak na talaga pera nya. Iba na talaga si Charice. Dating batang kalaro lang namin at pakanta kanta sa harap ng salamin tapos ngayon ganap na talaga syang singer o. Si Charice talaga, oo. Tanda pa kaya ako ni Charice? MALAMANG HINDE! Hindi naman kami naging magkaano ano e! =))))
Wala, tuwang tuwa lang ako sa kantang yun, Pyramid. Pero take note a, hindi ko idol si Charice! :)) Pero ang galing nya a. Biruin mo yun? Galing. :)
Sana yung love nga talagang parang Pyramid.
Stones, heavy like the love you've shown
Solid as the ground we've known
And I just wanna carry on
Solid as the ground we've known
And I just wanna carry on
Mabigat, matibay at madaling dalhin o buhatin. Kumbaga madaling panindigan.
We took it from the bottom up
And even in a desert storm
Sturdy as a rock we hold
Wishing every moment froze
Sana nga nagsimula talaga sa pagkakaibigan. Kaya nagiging matibay kasi may foundation -- Friendship. Kaya kapag kasama mo yung tao, kahit ano pwede mo masabi at maikwento. Wala kang iniisip na hiya o baka hindi ka tanggapin ng kasama mo. Kasi naging totoong magkaibigan kayo e. Yung matutuwa ka talaga sa bawat pagsasama nyo.
Earthquakes can't shake us
Cyclones can't break us
Hurricanes can't take away our love
Cyclones can't break us
Hurricanes can't take away our love
Pyramid, we built this on a solid rock
It feels just like it's heaven's touch
Together at the top, like a pyramid
And even when the wind is blowing
We'll never fall just keep on going
Forever we will stay, like a pyramid
It feels just like it's heaven's touch
Together at the top, like a pyramid
And even when the wind is blowing
We'll never fall just keep on going
Forever we will stay, like a pyramid
Tapos kahit anong problema o delubyo ang dumadating sa inyo, nagiging mas matibay pa ang pagsasama nyo. Yung hindi talaga kayo natitinag at nagigiba. Kasi imbis na nagagalit kayo sa isa't isa o nagtatampo, mas nakikilala nyo pa ang isa't isa at nagkakaintindihan pa lalo. Yung lalong lumalalim yung pagsasama nyo at pagkakakilala nyo.
Cold (cold), never ever when you're close
We will never let it fold
A story that was never told
Something like a mystery
And every step we took we've grown
Look how fast the time has flown
A journey to a place unknown
We're going down in history
Yung di kayo kelanman magiging malamig kapag magkasama kayo kasi alam nyong ang isa't isa ang kelangan nyo. Alam nyo na sayang lang ang oras kung magtatalo pa kayo na kung pwede namang ienjoy nyo ang oras na magkasama kayo. At sa sobrang mahal na mahal nyo ang isa't isa at masaya kayo sa bawat ginawa nyo, hindi nyo namamalayan na tumatagal na pala kayo.
Like a pyramid girl let me show you
That I love you so much
That we gonna get through
Even when there's storms
I will never go, Ima be the one to keep you safe
Before was our love back it up more than enough
Holding on to one another be the cover when it's rough
Mother nature (hey) or disaster won't stop at happy ever after
That I love you so much
That we gonna get through
Even when there's storms
I will never go, Ima be the one to keep you safe
Before was our love back it up more than enough
Holding on to one another be the cover when it's rough
Mother nature (hey) or disaster won't stop at happy ever after
Tas ito yung mga pinapangarap ng isang babae na sabihin at ipangako sa kanila ng mga lalake e. Yung kapag ipinangako, tutuparin talaga. Hindi yung kinakalimutan. Hindi yung nagpapadala sa mga nangyayari sa kapaligiran at sasabihin nalang sa sarili na "Pangako lang naman yun e. Lahat naman ng pangako, di natutupad." Na sana ang iniisip nya nalang e "Pangako ko yun e. Dapat kong mapatunayan na ako yung lalaking tumutupad ng kahit anong pinapangako ko. Kasi meron akong word of honor. Kasi isa akong tunay na lalaki." Hayy, how i wish..
Together at the top, like a pyramid
And even when the wind is blowing
We'll never fall just keep it going
Forever we will stay, like a pyramid
And even when the wind is blowing
We'll never fall just keep it going
Forever we will stay, like a pyramid
Kayong dalawa, sa itaas. Hindi nagpapadala sa mga nasa baba na gusto kayong hilahin. Kayong dalawa, habang tumatagal, lalong umaangat. Na kahit anong temptasyon o maling sitwasyon ang mangyari, alam nyong kayong dalawa talaga. Kayong dalawa parin. Hindi kayo papadala, Dahil alam nyong kayong dalawa talaga e. Parang pyramid. Mahirap sirain. Mahirap gibain.
Like a pyramid like a pyramid eh
Like a pyramid like a pyramid eh
Like a pyramid like a pyramid eh eh
Like a pyramid like a pyramid eh
Like a pyramid like a pyramid eh eh
Eto matindi dyan e. Kaya inulit ulit. Kasi parang pyramid, ganun sana ang love. Parang pyramid. Inulit ulit. Para di makalimutan. Kahit pa ulit ulitin, di nakakasawa. Paulit paulit, lalong gumaganda. Lalo mong naiintindihan. Lalo mong nagugustuhan. Tipong..mabablog mo. :))
Tinatanong pa ba kung ano mamimiss ko? :>

SYEMPRE FOGGY FRIENDS! ;p
Mamimiss ko si Claire. Kasi sya ang pinakalagi kong kasama sa isang buong school year. Mamimiss ko mga gala namin na ang uwian e gabing gabi. Yung kapag niyaya, go for the gold kagad. Mamimiss ko sya pati ang kanyang mga hugs, knock knocks at cheesy lines. Mamimiss ko ang pang-unawa nya. :|
Mamimiss ko si Emman. Kasi sya ang Insan ko. :| Mamimiss ko ang pagmamahal nya sakin ng mga panahong inaaway kaming dalawa. Mamimiss ko ang pagtitinginan namin tuwing Theology kapag tinutuligsa ang Born Again o kahit magbanggit man ang prof namin ng taliwas sa aming mga paniniwala. Mamimiss ko ang pagsabi nyang "Insan, gutom nako. Kain tayo." Na lately ako na ang nagsasabi. Mamimiss ko ang mga reaksyon nya sa mga "Ayoko ng gantong sitwasyon e =))" nya. Mamimiss ko ang paghihimas ko sa tyan at braso nya. Mamimiss ko ang hug nya na parang hug ng bear. :|
Mamimiss ko si Janna kasi sya yung madalas kong inaasar lately. Mamimiss ko ang bawat nakakatawang expression ng mukha nya. Mamimiss ko ang pagiging mayabang at spoiled nya. Mamimiss ko ang mga kwento nya lalo na kapag bigla nalang sya magiging seryoso pagdating kay bf nya na akala mo nagjojoke lang.
Mamimiss ko si Jerome. Ang "Ngyeft!" na tawag nya kapag kakausapin nya ko. Ang mga ka-BVhan nya na pilit kong pinapaC01. Ang lambingan, I mean awayan nila ni Janna. :)) Ang pagiging malandi nya at ang bibig nyang kadalasang hindi nya makontrol. At pati nadin ang pageechohan nila ni Insan. :))
Mamimiss ko si Kath dahil sya ang aking anak. :| Mamimiss ko ng sobra yung mga pagsang-ayon nya sa bawat sinasabi at napupuna ko dahil pareho pala kami ng nararamdaman. Mamimiss ko ang unang taong pumapasok sa isip ko kapag naiinis ako sa kapaligiran. Mamimiss ko ang bawat encouragement nya at pagtyatyagang pilit sakin na pumasok na ko sa klase. Mamimiss ko ang pagkekwentuhan namin tungkol sa mga tatay nya. Mamimiss ko sya dahil sya lang ang nakakaalam na may gusto nako kay Jeep. :|:| Mamimiss ko sya dahil sya ang nakakapagbigay sakin ng comfort kapag malungkot ako. Mamimiss ko sya kasi..sya si Kath. :|
Mamimiss ko si Kevin kasi sya yung pinakasandali lang namin makasama simula magsecond sem proper class. Kasi sya yung talagang napahiwalay. Mamimiss ko yung random kwento nya at mga pamumula nya sa tuwing inaasar ko sya kay Meka. Mamimiss ko din yung mga pang-aasar nya sakin kapag natripan nya. Mamimiss ko kabaitan ni Kevin. :| Mamimiss ko yung pagdating nya sa room e matutuwa nako at tatawa sakanya. Mamimiss ko si Kevin dahil namimiss ko naman talaga sya kahit na may pasok pa. Mamimiss ko si Kevin dahil gustong gusto ko pa syang makasama. :|
Mamimiss ko si Meka. Mamimiss ko yung pagtuturo nya sakin magrender. Mamimiss ko sya kasi sya yung may pinakamalakas tumawa. Mamimiss ko yung pageencourage nya sa Techniques2. :| Mamimiss ko syang kulitin na sumama samin ni Claire. Mamimiss ko si Meka dahil sya lagi ko kasabay kumain ng dinner. :| Mamimiss ko sya lalo dahil sa mga kwento nyang natutuwa ako kapag kinekwento nya dahil hindi naman talaga sya palakwento.
Mamimiss ko si Ruther. :| Mamimiss ko syang tunay kasi tuwang tuwa ako kapag napipikon ko sya. =)) Mamimiss ko sya kasi kapag napipikon sya, umuuwi sya. Mamimiss ko sya inisin. :| Mamimiss ko si Ruther kasi para hindi ko sya asarin inuunahan nya ko magsalita. :)) Mamimiss ko sya kasi lagi nya ko binibigyan ng compliment para di ko na sya asarin. Pero syempre sorry nalang sya kasi gustong gusto ko syang inaasar. :))) Mamimiss ko yung bawat ekspresyon din ng mukha nya kapag inaasar ko sya. Mamimiss ko yung pagamin nyang nabara ko sya at wala syang maisagot. Mamimiss kong guluhin yung buhok nyang mahirap ayusin. Oo na sige, mamimiss ko boses nya, yung boses nyang maganda kapag kumakanta. :| Mamimiss ko syang kaduet sa random na pagkanta. :| Mamimiss kong mahiya kapag aasarin nya ko habang kumakanta ako. Mamimiss ko sya lalo dahil may dapat pa kaming pag-usapan. :|
Mamimiss ko si Ryan. Syempre naman, Chizi ko yan e. Mamimiss ko syang kasama sa kalokohan. Mamimiss ko yung random chiziness nya na bigla nyang babawian ng "Joke lang!" Mamimiss ko yung mga tingin at ngiti nya. Sige na, kaw na palangiti! Mamimiss ko ynug pagtatampo nya kapag pinagtitripan ko sya tuwing Materials2. Mamimiss ko yung random seriousness nya na nakakatouch. Mamimiss ko yung bigla nyang pagsasalita ng may sense. Mamimiss ko ynug pagkikita namin ng biglaan sa Espanya, Beato at elevator dahil pareho kaming late. Mamimiss ko yung mga ginagawa nya para maayos ang isang bagay. Mamimiss ko yung kulitan nila ni Claire. Mamimiss ko ang lahat sakanya. :|
Mamimiss ko si Tam. :| Mamimiss ko yung mga hug nya! Mamimiss ko yung mga tingin nya tas biglang tatawa. Mamimiss ko yung mukha nya na dahilan ng bigla kong pagtawa. :)) :| Mamimiss ko yung paglalaro namin ng cards at pagtawag kay Marix para tulungan sya. Mamimiss ko ang bawat pagannounce nya na walang prof at magattendance nalang. Mamimiss ko yung paguusap na seryoso. Mamimiss ko ang bigla nyang bulong. Mamimiss ko yung pang-aasar namin kay Ano na ayoko na ding maulit pa. Mamimiss ko ynug pagtatanggol nya samin. Mamimiss ko yung pagiging mabait nya. Mamimiss ko yung random sweetness nya. At namimiss ko na yung bigla nyang sasabihin na nagseselos sya dahil katabi ko si ano tapos bigla nyang tatabihan yung tao at mananantsing sa mga gaymagnet naming friends. :)))
Mamimiss ko si Trish BIGTIME! =)) Mamimiss ko kasi yung mga paglalaro namin ng Pusoy Dos, Heart Attack, Unggoy-ungguyan, Killer Game, etc. :|:|:|:| Mamimiss ko yung mga tawa nya at mga approach nyang matatawa ka talaga. Mamimiss ko yung pang-aasar ko sakanya kay Ano. Mamimiss ko ang pagtawag nya sakin kapag may checky. Mamimiss ko yung bigla naming tinginan. Mamimiss ko yung simpleng kilig nya. Mamimiss ko kapag nagaasaran kami. Mamimiss ko kapag bigla sya magiging sweet tapos babawiin. :)) Mamimiss ko talaga si Trish. :| Lalo na yung mga banat nya. :|
Bukod sa FF, mamimiss ko din syempre si Abi na laging andyan para saken, si Marix na aming Big Bro, si Blaise na super random, si Jose na lagi kong seatmate at masarap kulitin, si Keno na ang kyut kyut, si Madel na laging happy, si Paula na poreber kong mamimiss, si Lyka na kasin ko na lagi ko ng nakikita, si Ate Alyssa at ang mga encouragements nya at lalo na si Ate Nina na laging nakakatagpo ko sa dorm. Syempre, roommate ko yun e. =)) Syempre hindi lang sila. Buong 1IND1 ay paniguradong mamimiss ko. Pati ang Wildsons at sila Kicko.
Pero masaya na din ako. Para naman may nilulook forward ako, pagbalik ko sa UST. :)
I'm Coming Back to the Heart of Worship
Sabi ko pagdating ng summer, magpapaaktib ako muli sa aming simbahan. Sa totoo lang, nagsasangkatuparan na naman. Bago pa magsimula ang bakasyon, pumupunta nako sa mga meetings. Pero ang pagbabalik ng isang tao sa puso ng pagsamba ay hindi lang napapatunayan sa presensya na ibinibigay mo sa mga church meetings. Kundi maging sa sarili mong konsensya at kung ano man ang naiisip at nararamdaman mo.Aminado ako. Lately, magulo ang puso ko. Hindi ko alam kung ano ang aking uunahin. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. At sabi ko nga, madali akong mainis. Nakalimot na pala kasi ako magdevotion ng dalawang araw. :| Pero dahil ako'y nakapagdevotion ngayon, narecharge ako. Ngayon ko pinangako sa sarili ko, magiging totoo ang aking pagbabalik. :]
Bago matapos ang pasukan, hindi namin inaasahan na magkakaroon ng problema sa klase. Pero siguro nga, isang paraan upang maging matatag ang isang grupo ay isang problema. Inaamin kong hindi naging madaling magpatawad lalo na kapag siniraan ka sa iba at sinabihan ka ng kung anuano. Hindi madaling magpatawad lalo na kapag hindi aminado ang may sala sa totoo nyang motibo. Pero ganunpaman, wala rin ngang mapupuntahan kung patuloy lang akong maiinis sakanya. Mapapansin ko lang lahat ng kamalian nya at maiipon lang ito hanggang sa mapuno. Anong kinaiba ng isang Mananampalataya sa isang Hindi Mananampalataya kung gagawin nya ang mga bagay na ginagawa nito? Salamat talaga sa blog ni Gee at natuto ako.
Kahit hindi ako ang nagdala ng gulo, alam kong mas mabuti kung ako na lang ang aaksyon na maglinis ng lahat. Kahit na alam kong wala akong kasalanan, mas mabuti ngang ako nalang ang gumalaw at magpakumbaba. Hindi ko na dapat pang binibig deal kung gusto nya maging nasa posisyon ko o ano. Masaya nakong malaman na may taong gusto palang maging ako. Hindi ko na dapat binibig deal ang pride. Dahil para san pa ang pagiging Salt and Light ko sa mundo kung iisipin ko pa yon. Para sa pagiging totoong Kristyano, magpapaubaya ako. :]
Naisip ko, kung ganto ang gagawin ko, mas magiging madali ang pamumuhay ko. Wala akong taong kinaaasaran. Wala akong inis na dinadala. At puro tawa nalang talaga ang mararamdaman ko. Bakit ko nga ba kelangan pang gawing komplikado ang buhay ko kung may mas madali naman? :> Mas maiintindihan pako ng lahat kung gagawin ko to. Dahil kung magiging iwas ako lalo sa kanila sa susunod naming pagkikita lahat, mas iisipin nilang tunay akong plastik at galit dahil sa aking mga maliit na mata. Ako ang mas dapat na umuunawa. Ayon na lang ang gagawin ko. Kung mapapagod man ako unawain ang mga bagay, mapupuno ako kagad ng enerhiya dahil kay Lord ako humihingi. Magagawa ko ang lahat ng to dahil andyan si Lord! :)
Ngayon palang, alam kong mali ko na magpost ng masasakit na salita na mababasa sa Blogger na ito, at humihingi ako ng tawad para don. Alam kong hindi magandang basahin. At ititigil ko ng maglagay pa ng masasakit na post dito. Alam kong ang BLOG ay pwede kahit ano. Pero kung pwede kahit ano ay usual na sa pagbablog, dapat ako maging unusual. Dapat kong iniisip muna ang mga bagay bago ko ilagay rito. Bakit? Dahil salt at light ako ng mundo. Dahil ginawa ako ng Diyos sa gantong paraan. Dahil sabi Nya, dapat ako maging kakaiba at hindi gumaya sa mundo.
At dahil dyan, magaan na pakiramdam ko. :)
Nakakahiya naman ako.
Simula ngayon, pipigilan ko na ang sarili ko na magpost ng hatred posts dito sa Blogger. Nahiya kasi ako kay Gee. Tignan mo Blogger nya. Di ba mas magandang basahin? Nacocondemn ako. Naturingang Kristyano ako, nagpopost pako ng hatred post. Parang..mali. :|
Ako'y nakabalik.
OGE. AKO NA MAY IPHONE! *U* O Lord, mahal mo talaga ako ng tunay at wagas! :)):DDahil nga sa nakabalik na ko sa bayan kong mahal, malamang lang halos araw araw nako makapagupdate ng aking Blogger. :D Ano pa nga baa, e eto naman talaga ang kakwentuhan ko tuwing wala akong magawa. HAHA. Sa wakas, maipopost ko na ang mga bagay na matagal ko ng gustong sabihin. ABANGAN. :D:D
So huling araw na ng pasukan namin bukas.
Madaming nangyari. Sa sobrang dami, saka ko na dadalhin yun dito pag-uwi ko. :D May last final test pa kasi kami bukas e.*PAPASA KAMI! Di ba Lord? :D TSAKA HELLO, KAYA KAYA NAMIN TO! ANDYAN SI LORD O! :D:D:D
Parang ouch ata yun.
Sorry to disappoint you a. Hindi kasi talaga ako sing galing nya. Aminado naman ako dun e. Tsaka hindi naman ako nakikipagkompitensya. Sana lang maisip mo din na iba iba ang tao. Medyo masakit kasi kapag kinumpara ka sa iba e.Labels: parasayo
Bumalik para sabihing..
TAMA! Hindi ako dapat nalulungkot dahil dun. (PAUNAWA: Hindi po ito konektado sa post bago ito. Ito ay malayong malayo doon.) Dapat pa nga ako maging maligaya e. Kasi nagsisimula na naming makilala ang kabilang katauhan ng bawat isa. :D Dapat maging masaya pa kami, kasi kahit papano, sinabi nya. Umamin sya! Kaya dapat din itake note na ng bawat isa yun. Para sa susunod, alam na. Para sa susunod, hindi na mauulit. Para happy na poreber and eber! :DDOkey lang yan. Alam ko namang tatagal ang pagsasama nating lahat e. :)
Labels: parasayo
Seryoso.
Naaawa nako sa mga taong may kaaway. Sa totoo lang, hindi "naaawa" ang dapat na term e. Basta, di ko kasi alam ang eksaktong Tagalog ng "I feel sorry for them."Hindi yun negatibo, pangako. Ang totoo, nalulungkot ako kapag nakakabasa ako ng mga salitang masasama. Kasi, parang yun nalang yung mababanat nila sa mga nakakaaway o umaaway sa kanila. Hindi ko na isasali yung mga gumagawa ng blog para sa inaaway nila. Kasi, sabi ko nga sa Tumblr, "coward talk" lang yun. Di ba, FF? ^^ Pero kung ikaw yung inaaway at sa blogs mo nalang sinasabi ang bawat banat mo sa umaaway sayo, dun ako nafefeel sorry. Kasi wala kang pagkakataong sabihin ng harapan yun sa kaaway mo.
Sa totoo lang, mas saludo ako sa mga taong ganon. Yung kesa sa awayin mo pa sila harapan, ilagay mo nalang sa blog mo para di na maging magulo. Para mailabas na ang galit mo sa mga taong ganon. Hindi naman kaduwagan yun e. Kasi nagiging mabuti ka lang talaga. Kung mabasa man ng umaaway sayo yun, e ano? Hayaan mo na syang galitin nya sarili nya. Ang importante ay kapag naglast say ka na sa blog mo, titigil ka na. Ganun lang yun. Bat mo pa kelangang problemahin ang mga taong palalakihin pa ang isang isyu? Kung pwede namang wag mo na lang pansinin yun dahil ikaw ang nasa tama? Hindi ba?
Pero kung mali ka pala at kabaliktaran ka ng sitwasyon ng taong sinasabi ko, aba, bahala ka na sa buhay mo. Hindi rin naman dapat ko pang isipin yun e. HAHA Sorry, antok lang. Kung tinutulog ko nalang kasi to. HAHAHAHA
Labels: parasayo
Naks, minsan talaga may naitutulong ka. :>
Kapansin pansin sa Blogger ko ang Formspring. Pano kase, sadyang nagiging kagaya ko na ang Foggy Friends dahil madami na rin silang account! :)) Akalain mong walo na kaming may Tumblr? :)) Kaya sorry Blogger, medyo mas umaaktib ako sa Tumblr. Minsan kasi, nakakaengganyo talagang mag-update kapag alam mong may mga kaibigan kang makakabasa. Wala, masayang malaman na isa itong paraan upang makilala ka pa ng mga kaibigan mo. :)Nakakatawa. :)) Ang magical g dating kasi kinabukasan pagtapos kong iblog yon, bigla akong sinabihan ng mga kaibigan ko especially my blockmates na bakt daw ang saya ko? HAHAHA! Matagal nakong masaya pipol! O baka kasi nabawasan o naialis ko na talaga sa sistema ang mga walang kwentang bagay kaya maligaya lalo ang katauhan ko! :))))
Tsaka hello, parang di naman alam nung ibang FF kung bakit. May Huwebes kasi sa isang linggo! May Lunes hanggang Biyernes pa nga e! :)) *u* :)) AKO NA MASAYA! :))
Kaasar nga lang. Kase kumbakit ba nangyayari yug mga bagay na gusto kong mangyari, haha! Di ko alam kung naaasar bako kasi nakaka"feeler" na dahil nga nangyyari yung mga gusto ko o nakakaasar kasi medyo late ito dumadating? HAHA! Pano ba yan Bheb, nagtext sya nung kinabukasan, twice pa! :)) Pero o di ba, ang late. :( Haha!
May naisip akog ipost na blog sa Multiply. Maganda yung topic na yun at paniguradong makakarelate ang lahat. Ngunit na isip ko na sa mga ganong bagay ng blog, dapat pinagiisipan. Dapat pinaghahandaan. Para di maging random. Ako pa naman yung gagawa, haha! Kaya dapat di sabaw hahaha. Siguro ipopost ko sya pag nagkaron nako ng pahinga. Pag naawa na mga prof sa pagbibigay nila ng plates at ng mga aaralin namen. At malamang maipost ko yun, pag summer na! :))
Mamaya, pinapapunta ako sa church ni Ate Cath. May meeting daw sa mentoring. At nakakatuwa kasi tanggap pa din nila akong papuntahin dun kahit na di pako nakakaattend ni isa sa mentoring. Haha! Promise sa summer! :) Dinner pa naman yung mangyayari mamaa. Medyo nakakahiya, haha!
Pero wala ng mas nakakahiya pa sa pag-iiwas ko ng tingin sayo. Badtrip ka kasi e, ganda ng mata mo! Bango mo pa! Hahahahaha! Okay, i'll stop. *zipsmymouth*
Lumalabo na ata mata ko.
Siguro kakahanap ng bagong layout. O di kaya, kakabasa sa CC. Nakakapanibago. Ang aga aga pa, inaantok nako. *hikab*
Di na ko maghihintay. Nagloloko na Globe e. :)) Makikita naman kita. Takits! ;)
Pero seryoso, kakaiba ka. Maganda yan. :)
Labels: parasayo
Ayoko mang-asar dahil pinigilan nako ni Bheb.
Pero tandaan mo. Kung sakaling malaman ko na totoo ang naiisip ko, baka di ako magpaguilty. Baka maging daily reader ka ng blog ko sa bawat mensahe kong para sayo. >:))Iba na pala pagtrato sa bespren ngayon. Parang wala lang. Parang ghost. Ang sweet mo sa kanya a. Sana nga makita nya yun e. Para talagang tatawanan nalang kita. :->
Okey, i'll stop na. =))))
Labels: parasayo
Teka lang no.
Isa lang masasabi ko sayo. ANG DUWAG MO. EVER.
Lalake ka ba talaga? =))))
Kaya wag ka ng magalit sa ano mo. Kasi kung ganon, mukhang dapat kagalitan mo na din ang sarili mo. Grabe, bat nga ba dapat ako magtaka di ba? :)) Grabe ka.
Labels: parasayo
Matagal ko ng gustong sabihin ito.
at tingin ko, ito na ang tamang oras.Ang blog entry na ito ay super late na. Hindi ko sigurado kung gano na katagal o kung ilang buwan na syang nahuhuli, basta isa lang ang sigurado ko. Handa nakong ipost to ngayon.
Wag kang magkamali. Wag mong isiping ngayon ko palang natanggap ang lahat. Dahil mali ka. Ang dahilan kung bakit ngayon ko lang to napost ay dahil ngayon ko lang naisip ang mga tamang salita upang gawin ang blog na ito. Dahil ngayon bumalik ang pagiging normal at walang kasabawan ko sa pagbablog.
Una, matagal ng wala sa isip ko nito. Bigla ko lang to naalala. Ayon ay dahil bigla itong gumulo sa aking isipan. Saka ko naalalang hindi ko papala naliliwanag ito sa aking Blogger. At ngayon ang momento. Ngayon ang panahon na dapat mo akong pakinggan. Dahil ang lahat ng nakalagay dito, ay tanging para sayo. (Bawal kiligin ha? >:D)
Simula palang sa simula, alam ko mali na. Alam ko ang isang hindi ganong seryosong ideyang ito ay magiging malaking kamalian paglaon. Ngunit alam kong tinakda na gawin ko yon, ang kalokohang iyon bago matapos ang inaakala kong huling sandali ko sa bansang ito. Ngunit nung umepekto ang mga plano ko, nagkamali ako. I am caught by my own trap. At di ko namalayan, kinakarir na pala naten.
Saka ko napagtanto na may kabuluhan din pala. Dahil ang dami kong natutunan sayo. Dahil dahil sayo, naging better ako. Tama ka naman e. Tamo, nagpakabetter talaga ako DON. Kitams? :-> Pero di pala don nagtatapos ang lahat. Akala ko kasi ganon ganon lang okay na. Hanggang ako na pala ang nagooverreact. Ako na pala ang umaasa.
Buti nagising ako isang umaga na nagkaroon ng matinding kaartehan sa sarili ko. Napagtanto kong hindi ako basta basta. Kaya ikinainis ko ang bawat taong nagbabaliwala sakin. Ngunit sadyang mura pa ang kaisipan ko di gaya ng sayo, kaya nawala ito bigla. But thank yourself for it wont happen again. Ngunit alam ko, hanggat hindi pa ako bumabalik dito, ayoko ng kahit anong koneksyon sayo.
Pero dahil maliit ang espasyo ng 7,107 na isla ng Pilipinas kaya naman ikaunang araw kagad ng pag-aaral ko bilang kolehiyo, ikaw kagad nakita ko. Badtrip no? Hindi ko kasi alam irereak ko na ang taong tinataguan ko, sya pang makikita ko sa bus sa unang araw ng pagpasok ko. Pero syempre anong magagawa ko? :))
Di ko namalayan, magiging seryosohan na pala. Nakakatawa kasi kahit ako, malamang pati sayo, wala sa kaisipan na magiging ganto. Ngunit sadyang darating sa punto na ang mga bagay na hindi totoo ay sadyang makikita mong mali. Sadyang mapapansin mong hindi na nga tama. Kaya minsan noon, naisip ko na ang mga bagay na nangyayari satin ngayon. In short, handa ako dude. :)) Kaya siguro sabi nila bilis kong nalimutan ang lahat. Kaya siguro sabi nila parang wala lang nangyari. Dahil matawa ka man o ako lang, nagkaron pala ako ng paghahanda na naging aking taktika. Siguro nasense ko na noon na ang bagay na sinimulan natin na kalokohan ay matatapos ng kalokohan. Dahil base sa natatandaan ko, natatawa pako habang sinasabi mo ang mga salitang narehearse ko na sa utak ko ilang buwan, linggo o araw man ang nauna. :))
Saka ko ngayon naisip na ang malakoreanobela nating kwento ay tapos na kahit gusto man ng mga manonood na gawan ng Season Two. Huwag kang mag-alala. Hindi ako pumirma sa inaalok nilang kontrata. Dahil alam ko, na ang tulad mo, isa lang sa mga artistang tumulong sakin upang mas lalo akong gumaling pa sa pag-arte. Na ang tulad mo, ay isang taong tumulong lang sakin para iangat ang aking kasikatan. Walang salita ang nanggaling sakin na iwasan ka nila. Dahil ayon sa nalaman ko, unti nalang pala ang pumapansin sayo. Wala akong pakialam roon dahil wala akong sinabihan ng ganon. :)
Nagpapasalamat ako dahil kahit minsan, nakilala kita. Nakilala ko ang tunay na ikaw. Ang sekreto mong ibinahagi sakin, yung sekretong sakin mo unang sinabi, ay hindi makakalabas. Dahil ang sekretong yun ang naging simbolo na minsan kang nagtiwala at nagmalasakit sakin. Hindi ko na ikokonsidera bilang pagmamahal yun dahil para sakin, ang tunay na pagmamahal ay hindi nahihinto, hindi nawawala at hindi naibabaling sa iba. :)
Payo ko lang sayo. Sana mahal mo talaga sya. Sana hindi sya isa mga taong pinapangpalit mo para di ka na masaktan. Sana seryosohan na yan. Sana matigil na din ang masasama mong gawain, dahil hindi ko alam kung aware ka ba dun o hindi. Kasi ikaw din magsisisi sa huli. ;)
Alam ko walang nagkamali. Dahil technically man na kasalanan mo, ayoko tignan na ganon. Dahil baka anong magawa ko lang sayo. :)) Mas maganda sigurong ipanatili ko nalang itong perspektibo ko ngayon, na walang may kasalanan. Dahil masaya na din ako na wala na akong pagbibigyan pa ng oras at effort na wala rin namang magiging kwenta sa huli. Dahil kung hindi talaga para sayo, mas mabuting wag na nga. Hindi ako marunong nanlilimos. Kaya wag kang magtaka kung bakit hindi ako naghahabol. >:))
Alam ko makikita kita sometime. Handa naman ako don, y'know. Ang sakin lang, wag ka din magulat sa mga bagay na gagawin ko. Kasi ipinapanalangin ko, na sana, wala ka lang maling gawin para hindi ako maudyukan na gumawa ng bagong kalokohan. :)
Wag kang mag-alala, biro lang yung huli. Mabait ako diba? :> Seryoso ako sa buhay ko at hindi ko niririsk ang mga bagay na yan sa walang kakwenta kwenta. Or at least ngayon. ;p
Labels: parasayo
Lunes ng Kasabawan

Dahil sa puyat nung Linggo ng gabi, ay hindi puyat, walang tulog hanggang sa pagpasok nung Lunes ng umaga, nagkasakit ako. :)) Kawawa naman kalusugan ko, naaabuso ng CFAD. :))
Nagpasa kami ng art plates sa VC ng panahong yun. Okey ang lahat, medyo nasa panic stage nga lang dahil nagmamadali ang lahat sa pagtapos ng kanya kanyang plate. Hindi ganoong kaingay. Siguro kung irarate, 10 ang pinakamaingay, nasa 4 lang. Below average. Okey ang whiteboard, may listahan ng pila ng pagpapachek ng plates. Masaya sa room, nagtutulungan.
Kaso sadyang darating talaga ang panahon na ang mga bagay na pinaghandaan at binigyan mo ng buong puso ay sadyang mababaliwala. Sadya kang aasa. Dahil nagalit sa ingay namin si Miss at binura nya ang listahan at sinabing di na sya magchecheck. :| :| :| :| :| Sino na BV ngayon? :|
Lahat kami natulala at nawindang at nadismaya at nanghina at nawalan ng gana at nainis at nawalan sa sariling katinuan dahil sa nangyari. Resulta? WALANG KONTROL NA KASABAWAN. :))
Pumasok kaming lahat ng Theo, maliban kay Claire na natulog sa kanilang bahay, na inaantok. Sobrang antok na gumawa ng paraan ang bawat isa para magising. Na ipinapanalangin ng bawat isa na wag na naway bumalik pa si Sir mula sa kanyang meeting. Kaso minsan, kelangan talaga ng paghihirap sa buhay para mapahalagahan ang kasayahan. Dumating si Sir, di ko na tanda kung nagpaquiz pa sya. Pero isa lang ang naaalala ko, yun ang oras na naging single na si Kath.
Dahil kelangang magising, sinugod namin ang Starbucks. Kaso napahiwalay kami ni Abi dahil kami'y may kinausap at binigyan ng malupit na advices. Kaya nauwi nalang kami sa Takoyaki. Buti nalang mahal ako ni Insan at nabilihan nya ko ng Tarbaks. :))
Ganado ang lahat sa Filipino. Pano, gabi na, masyado ng sabaw. Kaya kahit nagpaexam pa si Sir, walang umangal. Nagingayan pa. Buti nalang at napalipat ako ng upuan at napatabi kay Insan. Wala lang, di ko pa sya nagiging seatmate sa Filipino e. :))) Dumating bigla si Claire ng nagsimula na kami magexam. At paglaon, lumipat si Chizi sa aming likuran. Kaya ang nangyare, LALONG KASABAWAN! =)))
Sayang talaga, perstaym pa naman naming nakitang nageffort talaga si Chizi sa VC plate nya, tas di nacheckan. :|
Hiningi namin ni Claire yung candy canes ni Chizi, galing sa VC plate nya. Ayaw nya ibigay. Damot! Tas maya maya, may inabot sya. Yung Candy Cane, nilagyan lang pala ng name. :))) Tapos nagbigay ako ng Thank You Gift. Yung isang coupon ng Mcdo, tas nilagyan ko din ng name. Tapos, naggift ulit sya, yung Golden Ticket. :)) Gumawa din ako syempre, pero gawa sa pinagtasahan ng pencil. :)))
Tapos binigay na din ni Claire yung hiniram nyang earphone ko. At dahil labs na labs ako ni Claire, may note pa! "I *heart* U" :D
At hindi rin papatalo si Insan, gumawa din sya ng isang rose gawa sa papel ni Claire na ipinagmamalaki nya kasi ganon ang mga bulaklak sa VC nya. Hahaha.
Dahil dyan, gumawa din si Chizi ng mga bulaklak at binigay samin. HAHA Yun ang bulaklak na kasama ng candy cane. :) Opo, bulaklak po yun. :)))))
Nung uwian, naisipan namin magsikain. Kaya naman sa Lover's Lane kami tumambay. Nagkwentuhan. Biglang dumating sila Toyo (Thea) kaya bumili nako ng chocolates ni Bianca. :DD
Nakakatuwa, kasi kahit na nasimulan ang araw na yun na BV, hindi ito natapos na BV. Dahil sa kabuuan, naging isang matamis na araw ito. :) Naging matamis dahil sa mga tao at mga bagay na naging involve nung araw na yun. :)
Minsan di mo mapapansin ang magandang nangyayari dahil inis ka. Minsan, di mo mapapansing may mabubuti palang nangyayari dahil masama ang loob mo. Pero di mo man napapansin nung una, malalaman mo rin ito at magpapasalamat dahil may mga kasama kang kinakaharap ang mga kalupitan ng buhay. :)
Ngayon, sinong magsasabing mapait ang buhay? :)
Dapat kitang pasalamatan.
Madaming gumugulo sa isipan ko ngayon. Yung mga dati kong iniisip na tinigilan ko na sa sobrang sasabog na utak ko, ayun, nagrerebolusyon. Pakiramdam ko, naghihiganti na yung mga palaisipang ito. *hingang malalim*Minsan talagang hinihiling ko na huminto muna yung oras. Alam ko naman na maraming nakakaramdam ng hirap at pagod ngayon. Sana pwede nalang tumigil yung oras. Sana pwede nalang magpahinga muna. Kahit isang buwan lang...............................O sige kahit isang linggo nalang. Please? :|
Dahil sa napagtanto kong dapat ay hindi nalang ako matulog para sa dalawang art plate na ginagawa ko ngayon, nakapaglaan ako ng oras sa Blogger nato. Buti nalang kahit sayo, Blogger, may oras ako. *hingang malalim ulit*
Dahil sa gagawin ko nga ang dalawang art plate na to, kelangan ko ng magsign out sa Y!M. Paalam na, Y!M! *signs out*
Dahil sa gagawin ko na nga ang dalawang art plate na to, kelangan ko ng buksan ang iTunes para gisingin ang diwa ko. Halow iTunes! *waves* *binuksan si iTunes; click: If I Never See Your Face Again - Maroon 5 ft. Rihanna*
Dahil sa gagawin ko na nga talaga ang dalawang art plate na to, kelangan ko ng tapusin ang buhay ng post nato, patayin si Blogger at bumalik na sa pwesto ko kanina. Babayoo Blogger! :| *publish* *signs out* *balik sa pwesto*
Alam mo yung..
pagod na pagod ka na dahil stressed out ka sa school. Tas may magpaparamdam sayo para magdrama. Yung tipong drinadramahan ka kung bakit ka ganyan. Yung masarap sabihan ng "Hello? Tao din po ako.. Nagiging busy." O di kaya'y, "Estudyante ka din di ba? Bat tinatanong mo pa?" Tas di ka makakapagreact dahil, stressed out ka nga. Tas lalo pang magagalit yung tao sayo. LABO.
Napaisip ako.
Mas mabuti na maging simple. Kesa maging kapansinpansin at magfeeling na maganda.Naranansan mo na ba yung may makakasalubong ka, kakilala mo man o hindi, pero malakas ang dating? Hindi, hindi malakas e. Ang "malakas" kasi ay positibo. Sabihin nalang nating, "may dating". :)) Yung mapapatingin ka o mapapalingon. Alam mo kung bakit? Kasi, feeling maganda/gwapo. Pero teka, itutuon ko nalang sa "feeling maganda". Kasi babae ako. At kapag gantong tao ang nakakasalubong ko, napapayuko nalang ako at natatawa. Di ko kasi alam kung mahihiya ako sa kasarian ko, o matatawa ako sa pagiging feeling maganda ni ate. :))
Minsan may mga taong pang binibiyayaan ng talento o di kaya kahit isang parte o kagandahan sa katawan. Kaso kapag palagi na itong napupuna, magfefeeling na yung tao. Wala na ba talagang humble sa panahon nato? o.O Isa pa, okay sana kung pacute na humility o humility na may K. Kaso pano kung maputi ka lang pero panget ka, o di kaya'y maganda ka pero eengot engot ka, tas feeler ka pa, pano na? Palakasan na lang ba talaga ng loob yan?
Mali pala ang tinutukoy ko. Di pala dapat "feeling maganda" ang term. Dapat pala, "feeling perfect". :D Kasi nga, kagaya ng halimbawa ko kanina, may mga totoong kagandahan kaso walang katalinuhan tas nagfefeeling all knowing. Haay, buti di sya napipilit sa beauty pageant? Sabagay, may screening yun. :)
Pero ang pinagtataka ko, bakit kelangang magfeeling perfect ng mga tao? Hindi ba nila alam na walang perpekto sa mundo? Pero di ba, general truth yon? Ganon na ba sila kafeeler?
Minsan may mga taong matatawa ka talaga. Kasi kapag nagsalita, feeling magaling o feeling perpekto. Kahit naman ako aminado maging ganon. Pero nakakatawa kasi sa mga panahong pagtapos non, saka ako napapaisip ng ganto. Saka ko naaalalang kahit ako hindi perpekto.
Kaya ako napaisip lalo. Siguro mas mabuti kung magpapakasimple ka na lang lalo na kapag alam mong hindi ka perpekto. Lalo na kapag alam mong may mas higit pa sayo. Siguro nga mas tamang isipin na may mga taong mas higit pa sayo e. Para umiral pagpapakumbaba mo. Para di ka na magfeeling perpekto. Tingin ko kasi, yung mga taong kagaya non, may pagkaselfish. Kasi sarili lang nila iniisip nila. Iniisip nila sa sila lang magaling. Sila lang maganda. Sila ang perpekto. Edi, sila na. :))
Mas okey maging simple e. Mas mapapansin ka ng tao. Kasi pagsimple ka, ikaw lang yung simple dahil lahat feeling. Ganun lang yun. Parang sa kanta. What goes around comes around. Parang sa isa pang kanta. Noon ako ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman. Mga ganun ba.
At ito ang pinakapremyo pagsimple ka, maaappreciate mo yung taong iseseek ka talaga. Yung kahit makita nya na lahat ng feeler na tao, ikaw pa din gusto nya. Sa lahat ng feeling maganda at perpekto, ikaw ang mapapansin nya. Kasi daw yung mga feeler madaming makukutsa. Pero sayo, wala. Kasi sa paningin nya, ikaw ang tunay na perpekto. :) Kasi sa paningin nya, ikaw ang dapat na itinataas. Sa paningin nya, ikaw ang may K magfeeling.
O ano, papasimple ka na lang ba? O papafeeling perpekto at patuloy na manglalait sa iba? ;)




Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.