Last Minute Post
- When you break her heart, the pain never really goes away.
- When she misses you, she’s hurting inside.
- When she says it’s over, she still wants you to be hers.
- When she walks away from you mad, follow her.
- When she stares at your mouth, kiss her.
- When she pushes or hits you, grab her tight and don’t let her go.
- When she starts cursing at you, kiss her and tell her you love her.
- When she ignores you, give her your attention.
- When she pulls away, pull her back.
- When you see her at her worst, tell her she’s beautiful.
- When you see her crying, just hold her and don’t say a word.
- When you see her walking, sneak up and hug her waist from behind.
- When she’s scared, protect her.
- When she lays her head on your shoulder, tilt her head up and kiss her.
- When she steals your favorite jacket, let her keep it and sleep with it for a night.
- When she teases you, tease her back and make her laugh.
- When she doesn’t answer for a long time, reassure her that everything is okay.
- When she looks at you with doubt, back yourself up with the truth.
- When she says that she likes you, she really does more than you could understand.
- When she grabs your hands, hold hers and play with her fingers.
- When she bumps into you, bump into her back and make her laugh.
- When she tells you a secret, keep it safe and untold.
- When she looks at you in your eyes, don’t look away until she does.
- Stay on the phone with her even if she’s not saying anything.
- Don’t let her have the last word.
- Don’t call her hot, but gorgeous or beautiful is so much better.
- Say you love her more than she could ever love you.
- Argue that she is the best girl ever.
- When she’s mad, hug her tight and don’t let go.
- When she says she’s OK, don’t believe it, talk to her about it, because 10 yrs later she’ll still remember it.
- Call her at 12:00am on special occasions to tell her you love her.
- Call her before you sleep and after you wake up.
- Treat her like she’s all that matters to you.
- Don’t ignore her when she’s out with you and your friends.
- Stay up all night with her when she’s sick.
- Watch her favorite movie with her or her favorite show even if you think it’s stupid.
- Let her into your world.
- Let her wear your clothes.
- When she’s bored and sad, hang out with her.
- Let her know she’s important.
- Kiss her in the pouring rain.
- When she runs up at you crying, the first thing you say is; “Who’s ass am I kicking today baby?”
- After she reads this, she hopes one day you’d read it too.
Kahit last minute, I think it's worth it. :)
Totoo, maarte ang mga babae. Totoo din, weird sila. I'll talk in third person here. Totoo, maemotional . At kahit anong pagbabasahng gawin mo ng mga ganto, kadalasan, di mo parin sila maiintindihan.
Mahirap nga intindihin ang mga babae. Mahirap sila pag-aralan. Pero tingin mo, mas masarap ba mahalin ang isang tao na alam mo na at predicted mo na kagad kung ano ang lahat ng gusto? :) Di ka ba magsasawa sa pagsasama nyo ng isang tao kung palagi mo nalang common sa inyo ang lahat? Aminin mo, maghahanap at maghahanap ka dahil mafifeel mo din na sobrang walang challenge at thrill ang lahat sa araw araw. ;p
Hindi na siguro ako magdadaldal ng mahaba dahil antok nadin ako. Pero kinuha ko ang mahabang statements na to mula sa blog ni Bruha para lamang sabihin na..
..ang babae, pinapahalagahan. Minamahal. Karapat dapat ingatan at di saktan.
Dahil aminin mo man o hindi, hindi kadin mabubuhay kung wala yan. :)
Marami nga ang babae sa mundo. At kadalasang magkakaiba padin sila.
Pero alam mo sa sarili mo, may certain thing yang nasa sayo na hindi mo na mahahanap pa sa iba. :)
Baka naman paguran talaga pag Friday.
Tuwing Biyernes, mula 9am hanggang 8pm ang pasok ko. May break naman yon, 1hr. :)) Dahil 9am-11am ang first class ko. At mula 12pm hanggang 8pm na ang mga sumunod. Di lang dun siguro matatapos ang paguran, kundi isama mo nadin ang pagod pag-uwi ko sa bahay namin talaga. :)) Feel ko magpakapagod, bakeeet? :))*iclick para lumaki. ;p
Nagsimula ang lahat noong paglabas ko ng dorm ay umuulan. Parang kakasabi ko palang ata na sana umulan nalang ng malakas, yung tipong babaha sa field para walang klase sa PE para naman makakatulog pako. :)) Football kasi ang PE ko this sem at inunahan na kami ng prof namin na ang PE na kinuha namin ay gagawin, rain or shine. :| Kaya ayun, kahit pa nakita kong maulan sa labas, di parin sya kasing tindi ng ulan na dapat mangyari para macancel ang PE class. *sigh*
Nag-umpisa na ang PE at malamang kita naman ang dumi ng aming mga suot at ng aming mga binti at tuhod. Mukha lang sinemento ito sa personal sa dami ng putik. :| Nakuha pa kaming puntahan at asarin nila Ruther, Kevin at Ryan dahil cancel ang PE nilang Beach Volleyball. Osige na. Kami na enjoy much. Haaay. :))
Pagtapos ng PE, syempre kanya kanyang ligo. Buti nalang na may dorm akong matatakbuhan. :)) Nagtext naman sila kung san kakain ng lunch habang ako'y nagliligpit ng gamit. Naalala ko kung pano namin kinorner ni Claire si Ruther at niyakap para dumikit sakanya ang mga putik dahil napakaarte nyang tao. =)) Ayun, naligo daw tuloy sya ng wala sa oras. :)))
Pagdating sa BCG class, wala pang prof as usual. :)) Nakita naming andon na si Ryan na may sugat. HAHA Pano, hindi lang naman sya nagpapigil magbeach volley. Sabi nga namin e, hayaan na, depress kasi. HAHAHA. Kaya naman nagpasama nalang sya samin ni Kevin para kumain. Nakakatawa, sa Timbale sya bumili ng food pero sa 7eleven nya kinain. :)) Buti nalang mababait kaming mga kaibigan. :)))
Dahil nga BCG, FREE, joooke! Haha. Di namin maiiwasan na di magpulong pulong sa iisang lugar kapag BCG. :)) Yung tipong kanya kanya naman kami ng computer pero sa iisang computer lang magsisiksikan. HAHA. Bakeeet, mahal kaya namin ang isat isa masyado hahaha. Naalala kong nagsearch pa si Insan ng *secret* dahil inaasar namin si Ryan at Kevin. :)) Ruther, ang pyramid. Hahaha! Oo, sobrang benta ng pyramid samen ngayon. magdrawing ka lang ng isang pyramid, madami ng kasunod na doodles yan. :))
Adobe Illustrator na ang inaaral namin ngayon. Dati kasi, Corel Drawing at Adobe Photoshop. Hindi sya actually aral e, more on, maraming pagpapahirap ang prof na pwede naman gawin sa ibang application para mas madali. HAHA joke lang ;p Enjoy naman sa BCG kaya okey lang. :D
Dahil nauto din ni Trish si Miss para makalabas na kagad kami, ayun, bigla nagkayayaan sa Santorini para kumain ng Ramen. HAHAHA. Imagine, 30 mins nalang bago ang next class. Pero siguro nga, kapag kasama mo kami, di mo mapapansin yon. Pano, mas importante kaya samin ang health. :> HAHAHA! Sa puntong to naman, award winning si Ruther para sa tagaktak ng pawis nya at pamumula dahil sa init at anghang ng ramen. Award din para kay Claire dahil sa pagiging maka---hmm, ano ba mas magandang word..:)) pagiging confident much! HAHA! Mahal kasi talaga ni Claire ang Kimchi, yun yon. :))
Medyo nalate na nga kami sa last class. Medyo strict pa naman ang prof namin pero okey lang, di naman napagalitan. Medyo, naubusan lang ng tables. Buti nalang divider lang ang pagitan sa kabilang room. Problem solved! :)) Napatunayan ko sa mga oras na to na di talaga namin kaya makapagconcentrate ng matagal. >.< Kung nung una'y nakikinig pa kami, maya maya, nagkakakulitan na kami ni Ruther at Ryan dahil sa doodles na mga itsura ng FF hanggang sa pasahan ng Starbucks planner para sa mga sulat.
Sobrang chisi leng.;p At natapos ang class at nagsimula nadin kaming mag Faculty Meeting para sa dream academy namin someday. HAHA
Sayang lang na di na kami pwede tumambay masyado pagtapos ng friday classes dahil halos lahat ata kelangan na umuwi, especially me. :| Bukas na pa naman ang madaming madaming ilaw sa uste. Pero ok lang. Ang haba ng Friday naman ay sapat na para sa araw na yun dahil alam ko, madami pang araw ang meron para sa amin. :>
Im being random again.
Hulaan mo kung baket. Ok, tama ka, wala nga akong magawa. :))Sobrang nakuha ng picture na to ang atensyon ko dahil napaisip ako. Oo nga, maraming taong hmihingi ng sign kung dapat ba nila gawin nag mga bagay bagay. Naisip ko naman, bakit di nalang ipagpray yung mga gusto nilang mangyari? Or sige, kung nagpepray nga, bakit kaya di nalang sila magtiwala kay Father God sa dapat na mangyari sa buhay nila? Hanggang sa napagtanto ko..Oo nga, mahirap nga yun. :)
Pero come to think of it, it really takes a big faith to wait and trust for what you are really praying. Sana kapag nagpepray, nagtitiwala at naghihintay, nagpepray din na matanggap kung ano ang kakalabasan sa huli. Kasi sana maisip din na para naman sa ikabubuti natin yung mangyayari.
Ewan ko ba. I have this feeling that waiting is really a big thing.
Hindi ba nakakatuwa kapag may gantong tao na naghihintay sayo? Patiently? At sa kahit anong kagustuhan nya ng dumating ka o sa kahit na medyo nawawalan na sya ng pag-asa, patuloy pa din syang naghihintay? Hindi yung tipong paghihintay na masabi lang na naghihintay e. Kundi pinapakita nya at hindi parin sya umaalis dun sa pwesto kung san ka nya hinihintay. Hindi ba ang saya non? :)
Siguro kaya mahal ko din talaga sa Sleeping Beauty e. Kasi portray na portray sa pagtulog nya ng mahabang panahon kung gano nya hinihintay yung Prince na magliligtas sa kanya. Pero sabi nga nila, di daw totoo ang fairytales.. Pero tingin ko, fairytales do happen. Only if we open our eyes and accept our own unique stories.. :)
Buhay na Hapon.
Nagising ata mundo ko sa kantang to. Wala lang. Being random para mawala ang antok. :))
Baka naman terrified nga.
Kasalukuyang nagpeplay ang iTunes ng Terrified ni Katharine McPhee at Zachary Levi ng biglang nagappear to sa We Heart It..Kewl.
Stress Free Life
Nakakatawa ang tadhana. Kung kelan ka may dapat gawin, saka maraming makikipagsabayan. Kung kelan ka masaya, saka may babalik at manggugulo. Kung kelan ka nagsisipag, saka ka ididiscourage. Ano, sinusubukan mo ba ako? :>Feeling mo kaya masstress ako. Im growing in GRACE na kayaaaa. :D Sorry ;p
Ang tarpaulin design na to, Drawing Techniques Plate, Photography Plate, Sociology Notes, IND Bike Design at ang mga dadagdag pa...matatapos ko na kaya to lahat. BY FAITH.
Kayaa..let's get it on! :)))))
Read more »
HIHI.
Kung pwede ko lang linawin ang lahat ngayon, nilinaw ko na.
Kung pwede ko lang idaldal ang lahat ngayon, sinabi ko na.
Kung pwede ko lang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin ngayon, ginawa ko na.
Kaso sadyang may nararapat na oras at panahon para sa mga bagay na ito.
Parang litrato lang yan e. Kapag kinuhanan mo ang subject mo sa di pa tamang punto, posible lang na gumanda. Ngunit kung may tamang timing ka, sigurado yon, 100. :>
Basta isa lang ang malinaw ngayon, yun ay.......NAIINIS AKO. :">
Hihintayin kita.
Bakit ba ang gwapo mong bata ka ha? :)) KAINIS KAA :">
Nung nakaraang...ay, kahapon lang pala. :)) Napadayo kami nila Arren and Ate Ena kila Ate Pinky para kunan ng madaming litrato ang batang ito, si Shaun. :)
Noong malaman ko na smile ng bata ang kukunan namin para sa susunod na Photography plate, si Shaun kagad ang una kong naisip. Well, bukod sa napakagwapo ng batang ito, sobrang gusto ko syang kuhanan talaga dahil sa tuwing nakikita ko sya sa aming simbahan tuwing Linggo, hindi ko mapigilang hindi tumititig sakanya. Oo, love at first sight. HAHAHA. Alam mo yung bawat galaw ng batang to, kikiligin ka? :)) Please, lumaki ka na. :))))
Itong litrato ay pauna palamang. Teaser kumbaga. ;) Bukas ko nalang siguro iaupload ang iba pang mga litrato dahil una, bukas pa kami magpapasahan ng mga gawa. At pangalawa, le leng, tinatamad lang ako. HAHA.
Ayan, nakaribbon na sya. Sino gusto makatanggap sa paskooo? :))
Kalinisan.
Kahit na kabaliktaran ang nangyari kagabi. Hihi ;))Bagong layout. Para sa kalinisan. Baka naman kasi di na tablan ng alcohol. ;p
Una, nahihilig ako ngayon sa vintage. Sabagay, matagal na naman haha. Nadagdagan lang dahil sa Victorian theme. Anganda ganda kasi nila sa paningin ko. Sophisticated kumbaga. Kaya naman old mail ang theme ng Firefox ko.
Pangalawa, Yahoo! Mail para di sumabog ang inbox ko. Pagkaupdate, delete agad. Haha! Kamusta naman kasi ang usapan sa comment? Comment box kasi yun di chatbox, haha.
Pangatlo, Facebook para sa pakikipagusap kay Arren. Go online kaya in Y!M. ;p Para sa update sa Media Team. At Facebook para sa nararamdaman kong kahinahinala. ;) Anong pakana nanaman yan, ha? :>
Pang-apat, We Heart It, wala lang. Gusto ko lang, bakeeet? :))
Panglima, Blogger New Post para sa post na ito.
Pang-anim, Chopsticksmoineng, para sa picture.
Pampito, Music Dumper para sa pagdadownload ng mga kanta.
Pang walo, iTunes para magdagdag ng kanta at magcharge na din, haha Kaylee, palitan mo na charger ko, pleasee :((
Pansyam, Yahoo! Messenger para sa kausap na lagi na atang kausap. Hehe.
Pangsampu, Firefox para sa internet. :D
PS. Yeah, nakikita mong yung "title outside the theatre" dun? Kung matutulungan mo sana ako, ano pa ba ang appropriate na tawag sa theatre signboard? Yung makikita sa labas ng old movie house. :) Kelangang kelangan ko kasi. HIHI :D
Baka naman ako na nga si Dora? :))
At baka naman kasi ikaw si Boots? :> :))
Simula siguro ng second semester sa school year na to, wala pa kaming matinong pag-aaral. Haha, big ko sabihin, wala pang araw ata na sobrang matatawag mo na "school day". At nagpapasalamat naman ako masyado dahil don. :> Alam mo yung sandali ka lang malalagi sa school tas kung san ka nanaman mapupunta. Grabe, bawing bawi stress ko nung sembreak. Hihi :">
Anyway, ayun nga. Kamakailan lang, bigla bigla nalang kami nagkakayayaan kung sansan. Di naman ganong malalayo, in fairness sa amin, SMX palang pinakamalayo. :> At magtiwala kayo sakin, malapit pa yun. :) Ewan ko nalang kung san na mapapadpad kapag *ehem* nagdala na ng *ehem* transpo sila *ehem* Insan, Ruther at Trish. Nakooo, baka naman magbilang na kami ng daanan nyaaaan. :))))
Sobrang ramdam ko na ang pasko. Siguro kasi ramdam ko ng nakakatamad na mag-aral kapag parating na ang pasko. HAHA. Ang weird kasi ng feeling na hinihiling mong bakasyon na, tapos kakasimula palang ng pasukan. Wag ka, yung isa naming subject, di pa kami namimeet kahit isang klase man lang. MPM, guys, may subject tayong ganon, haha. Biruin mong isa nalang ang pag-asa nya makilala kami dahil sa susunod na Lunes ay walang pasok at sa susunod na Lunes pa ay huling linggo na ng pasukan. HAHA How I love living in CFAD life. :)))
Nakuha na din namin kanina yung final plates sa Photography. Feeling ko di ko nashare yun dito.
Hooweells, ayan na sya. :) Dahil nag-alaDora the Explorer din ako ng mga panahon na yan, para makapagcompile ng ganyan, ayun, pasok padin sya sa post na ito, bakeeet? :))
Naalala ko, kung nung mga nagdaang araw, ang nauso sa FF ay "BAKEEEEEEEEEET?!" ngayon bago na..:))
"MOOOOM! I'M NOT SLEEPIIIING, AND STILL ONLIIIINE!
YOU CAN'T MAKE ME SLEEEEEP. I'M IN DOOOORM! :> MOOOOM!"
:))))))))))))))))))))
Hanap kang mga sobrang mabubuang na kaka-MOOOMM! =)) Ayoko na ikwento ang history, dahil sobrang long story. ;p Moooommm, I'm not in the mood to typeee, don't make me tell kwentooosss! :))
Wala na. Antok nako. Out nako. :)) MOOOMMM!! :))
Pa-bob cut kaya ako? Bakeeet? :))
Sandaling Panahon.
Parang nung nakaraan, lungkot ko. Ngayon, super saya ko. Weird bako?
Ayoko pa talaga pumasok dahil honestly, tinatamad pa ako. Ayoko pa mag-aral, wala pako sa wisyo. Pero sobrang come to think of it, three weeks na lang pala ako papasok. Sobrang saya ko lang naman na estudyante dahil feeling ko, ako lang ang papasok ng tatlong linggo, halos laaht ng estudyante pala. Napahiya tuloy ako kay Ate Kaye. :))
Sa tatlong linggo, tatlong beses na lang kami magmimeet sa PE. Masaya naman ang Football e. At sa katunayan, ayun talaga yung gusto ko matry. Kaso alam mo yung sa twing gigising ka ng Biyernes ng maaga, mapapagtanto mong perwisyo ang PE class sa buhay. HAHA. Sobrang dyahe kasi. :| Tsaka nakakatamad nadin. K, ako na talaga di nageexercise. ;p
Sa tatlong linggo, madami pa ang mga event dahil anuba, pasko na. :)) At nagbubunyi ang UST sa pagiging 400 years nila kaya naman malamang, maraming event ang mangyayari na makakapagpostpone ng mga klase. Magandang balita nga, yes. Pero nako, malamang, sasagadin nanaman kami ng mga prof hanggang sa mangarag kami sa dami ng plates na hahabulin. >.< Pero teka, bat nga ba ako magaalala, my expected end is to finish all those plates ahead of time kaya. ;) Sobrang love kaya ako ng Ama ko. :>
At sa tatlong linggo, kahit pa magkaroon ng pasok, feeling ko di ako masstress. Ay hindi pala feeling, di kasi talaga. :> Kahit pa magsabay sabay yung mga gawain sa Youth, pakiramdam ko, nakakaexcite. :D Pakiramdam ko, masaya! :>
Ano nga ba nilulook forward ko this December? :))
- Paskuhan sa UST
- Kris Kringle ng FF
- Christmas Party ng IND1. Si Sir B kaya magaayos nito. :)))
- Christmas Gala ng Munchkiiins
- Christmas Event ng Ben.Gen
- Christmas Gala ng One Team *EHEM* HAHA
- Youth Congress
- And many more.. which means, nageexpect pako ng mga lakad.HAHAHA
**Okey, nagising si Mama. GOOD NIGHT! :))
Istasyon ng Tren.
Isa sa mga paborito kong lugar ay ang istasyon ng tren. Sa istasyon ng tren, madami kang mapapansin. Nakakatuwa. :) Sa totoo lang marami ang istasyon na mayroon. Pero ang istasyon ng tren ang nakakuha ng atensyon ko.
Naalala ko noong nasa Japan ako. Papasok ako non sa school at naisipan kong pumasok ng maaga. K, alam kong himala yun. K. 9 am ang pasok ko nun at kapag sumakay ako ng tren, limang hanggang sampung minuto lamang ang makukuha sa oras ko. Kasama na doon ang paglalakad ko mula sa bahay hanggang sa istasyon ng tren at mula istasyon hanggang sa building ng school. Ay, gawin na nating 15 minutes. Haha.
Anyway, noong dumating ako ng maaga sa istasyon ng tren, naisipan ko munang umupo at magpalagpas ng tren. :) At syempre, the usual me, habang naghihintay ako doon sa bench, madami akong napansin at napagtanto. Naisip ko, bakit nga kaya kadalasan sa mga tao, kapag dumating sa istasyon ng tren, sasakay kagad sila sa kadadatig lang na tren? Ganun na ba sila na nagmamadali? At kahit na siksikan, makikipagsiksikan. Ganun na ba sila kalate sa pupuntahan nila? O ayaw lang nila talaga maghintay ng susunod dahil para sakanila, matagal yun?
Siguro sa puntong yun, unti lang kami na nakatambay sa istasyon ng tren. At siguro marami pa sa kanila, yung express train ang hinihintay kaya di pa nakakaalis. Naisip ko, ilan nga kaya ang gaya ko doon na nagpapalipas ng tren dahil para sa kanya di pa naman oras para sumakay? Dahil para sakanya kapag umalis ang tren na yun, may dadating pang iba? Ilan kaya kami noon na nag-iisip at nakakapagtanto na masarap palang maghintay dahil alam mong may oras pa naman? Na masarap magobserba at pagmasdan ang lahat kung gano sila magmadali..kung gano sila naguunahan.. :)
Minsan kaya naisip mo na wala namang masama sa paghihintay? Na masayang maghintay. Na masarap makasakay sa mga panahong tama sa oras. Yung tipong di ka dumating dun para makipagunahan at para makipagsiksikan. Na dumating ka doon na alam mong di ka magmamadali dahil alam mong di ka mahuhuli, di ka malelate.
Minsan tuloy naisip ko, ilan kaya ang taong handang dumating doon ng mas maaga at handang magpalipas ng tren, maghintay, at magtiwala na may dadating pang tren? Yung tren na kapag dumating, di ka nakikipagsiksikan sa iba. Yung tren na alam mong nasa tamang oras lang. Yung tren na may siguradong upuan na para sayo lamang. :)
At ito ang aking panalangin.
"Father, I know You designed me to be a follower too. I know you gave me the power to obey and the heart to trust. Father, I know You will not lead me to where Your grace will not keep me. So this time, I can assure, my trust is Yours. :) Let Your will be done in this. You know my heart. And I know You know what to do.I am so sure, that when I give this to You, with my full trust, You will never disappoint me no matter what. :) I am Your beloved. Thank You for Your love. And I love you too. :)
In Jesus' name, Amen."
:)
"P.S. Father, bless this someone, who knows what's in my heart, more and more for that person helps me so much. Hug that person for me. Thank You! :)"
Minsan napapaisip nadin talaga ako.
Bakit ko nga kaya sinasaktan ang aking sarili? *tawa*Minsan mahirap din talaga magtiwala hindi dahil sa taong pagkakatiwalaan mo, kundi sa bagay na ipagkakatiwala mo. Siguro nga dahil may takot ka na dahil sa pagkasira nya noon.
Alam ko ang bagay na ito ay unti unti ng nagiging wirdo ngunit ano nga bang magagawa ko kung kahit na gustuhin ko man magawa ito ngayon ay hindi pwede. Di ko alam. Siguro marami parin ang makikialam, marami ang huhusga at marami ang hindi aayon.
Siguro nga takot ako sa sasabihin ng mga tao ngunit kung iisipin, bakit ko pa hahayaang mag-iba ang paningin nila kung pwede namang pagdating ng panahon, sila na mismo ang mamimilit para sa bagay na ito? Kung sa tamang panahon, sila na mismo ang gagawa ng paraan para rito?
Marahil minsan napapaisip nadin akong itapon ang lahat ng salitang binitawan ko. Pero lahat ng ito ay bumabalik at inihaharap sa akin na ang mga naiisip kong ito ay para sa oras lamang na ito. Na pagdating ng bukas, iba nanaman. At masasayang ang lahat kung itatapon ko lang sila.
Pano nga kaya kung totoo naman? Siguro namang makakapghintay diba? Oo, dumarating din minsan sa pag-aalinlangan. Pero gaya nga ng lagi kong pinapanghawakan..
...kung ang bagay ay hindi pang matagalan, mas mabuti pang mawala ito ngayon
kaysa dun sa puntong kailangan ko na ito habang buhay.
Pamumuhay sa biyaya. PART II
I belong to You, You belong to me Lord
I'm surrounded everywhere that I go
I will walk with You, You will walk with me Lord
I'm surrounded everywhere that I go
And I am Yours and You are mine
Masarap din talagang ipagsigawan ang posisyon mo sa Kanya, dahil masarap malamang hindi ka dapat mastress sa buhay dahil andyan Sya, na ibinigay na lahat para sayo. :)
You promise me, You'd never leave
You promise me I'm never forsaken
I believe goodness and mercy will follow me
Surrounding me where I go, everywhere that I go
Masarap din pala kapag dumating ka sa puntong walang wala ka na, kasi dun mo malalaman kung hanggang saan ang faith mo sa Kanya. :)
You Lord is my shield above me
Everywhere, everywhere that I go
Your grace and love surrounds me
Everywhere, everywhere, everywhere, everywhere that I go
Masarap din pala kapag umiyak ka sa Kanya, lalo na kapag hindi ka umiiyak dahil may negatibo kang nararamdaman, kundi umiiyak ka dahil sa pagmamahal mo sa Kanya at sa mga taong ikinekwento mo sa Kanya. :)
Alam mo yung sobrang gaan ng pakiramdam kasi super confident ka kay Lord? Alam mo yung ayaw mo na talaga sya tawaging "Lord" dahil mas masarap Syang tawaging "Father", "Daddy", "Papa"? Ang sarap Nyang yakapin. Ang sarap Nyang iyakan. :)
Kung may ipapagpasalamat man ako sa puntong to, yun ay ang pagpapasalamat sa Iyo sa pagmamahal at biyayang ibinibigay Mo. :) Salamat dahil alam ko na hindi ako dapat mag-alala dahil nasa Iyo ako. At hinding hindi ako magsasawang ipagpasalamat ito. :) Sobrang mahal na mahal Kita. :)
Pamumuhay sa biyaya.
Alam kong may kahit papano'y may nararamdaman ka pa, magpaalam ka na sa mga yan dahil malapit mo ng hindi maramdaman yan.Alam kong nahihirapan ka na, wag kang mag-alala, mawawala na din yan.
Alam kong gusto mo na matapos yan, hayaan mo, matatapos na talaga yan.
Hayaan mong icheck up ka pa nila, para mapatunayan at makita ng lahat ang himala Nya sa buhay mo. :)
Alam ko Mommy, magaling ka na. :) Alam ko Mommy, unti unti ng mawawala yan. Wag ka na umiyak. :) *yakapngmahigpit*
Labels: parasayo
Pakinggan nyo ko.
Pakisama po sa inyong mga dalangin ang aking ina dahil nalaman ko ngayon na sya'y nasa ospital dahil sa karamdaman na di ko pa alam. Samahan nyo po akong iclaim ang healing para sakanya. :) Maraming salamat sa lahat ng makikisama. Patuloy na pagpapala! :)PS. Kahit papano, aminado ako, bothered ako. :| Di ako sanay na may sakit mommy ko... If I could only be there at this moment to check her personally, I would..
Kung nagpapaganda ka.
Dalawa lang ang reaksyon ng kapwa mo babae dyan.Una, maiinis sayo. Dahil trying hard ka masyado.
Pangalawa, mapapahanga. Dahil effortless ka.
Walang pangatlo na maiinggit. Kasi trust me, kung ang babaeng yun ay mainggit sayo, epekto nalang yun ng pangalawa. :) Pero wag mong ibase eto sa iisang babae lang, kundi sa lahat ng babaeng nasa paligid mo, kaibigan mo man o hindi. :) Dahil kung pipilitan mong pangalawa ang para sayo, nililinlang mo lang sarili mo.:)
Kaya ngayon, check yourself. :)
Kung pwede ko lang sabihin sayo, ginawa ko na.
Minsan inaamin ko, namimiss kita. Pero di ibig sabihin non, may ibig sabihin na yon. Minsan nasasayangan din ako. Pero di ibig sabihin non, may ibig sabihin na yon. Minsan kasi sayang naman talaga. Pero hindi yun yung tinutukoy ko kundi yung bagay na meron bago mangyari yun. Minsan kasi, sa totoo lang, kahit alam kong wala ako matandaan masyado na ginawa mong mabuti :)) nakakamiss ka din. Sana nga makausap ulit kita. Sana nga, maging friend ulit kita. Yung tipong wala ng feelingan. Yung talagang walang ibang magfifeeling. :))Minsan ayoko. Minsan gusto ko, oo. Minsan kasi, sadyang magaling din mantulak mga kaibigan ko pagdating dyan. Pero laging dumadating sa point na ako padin ang magdedesisyon. At ang desisyon ko, maghintay sa tamang oras. :) Minsan nakakamiss din talaga, aminado ako don. Kasi totoo naman. Dahil alam ko, lahat ng ginagawa mo'y totoo din. Pero who knows, malay mo matupad din mga plano natin someday diba? :) Pero I hope mangyari yun lahat. I hope, i hope. :) Kung pwedeng andyan kalang sana forever e. :) Kung pwede lang maging akin ka forever e. :) Kaso alam kong may posibilidad na hindi. Dahil tanggap ko na na ang lahat na meron ako sa ngayon ay maaari ring mawala. Pero alam ko namang magiging maligaya din ang lahat kapag nangyari ang mga bagay na inaasahan natin. Dahil alam ko, yun na din ang inaasahan nila. :)) But still, naniniwala ako na kung mawawala ka man, may papalit din. At kung wala na, maghihintay nalang siguro ako kung babalik ka. Kung matitiis moko at mamimiss moko. :)) Sabi nga ni Patrick kay Spongebob nung tinanong sya kung anong ginagawa nya kapag umaalis na si Spongebob diba, "I'm waiting for you to come back." Pero wag mo na tangkain na umalis, kasi bibili ako ng bago. Kala mo. :)) "Whoever said that money can't buy happiness doesn't know where to shop." ;) HAHAHA Basta, suporatahan taka kung ano man ang plano mo. :)
Sya ang tsuper ng buhay.
Kapag nagigising ka sa umaga, napapaisip ka ba kung anu-ano yung mga gagawin mo sa buong maghapon? Naiisip mo pa ba kung ano yung mga plano na dapat mong gawin sa buong araw mo? Nagagawa mo pa bang mapunto kung ano yung talagang rason na ikakaikot ng buhay mo sa araw na yun?Kasi ako..hindi. HEHE. ;P
Ang mahiwagang tanong sa ikatlong araw, "What drives your life?" Napaisip ako. Ano nga ba ang kinaka-teka, ano nga ang Tagalog ng "drive"? Hmm. Anyway. :)) Ano nga ba ang kinakadrive ng aking buhay? Ano nga ba ang dahilan ng aking araw o ng aking buhay? Bakit nga ba ako nagising? Bakit nga ba ako pumapasok sa school? Bakit nga ba ako nagiinternet? Para saan yung pagbabasa ko ng mga libro? At yun na nga, bigla akong napatanong sa sarili ko.
Kadalasan sa buhay, malilimutan mo kung bakit mo ginagawa ang mga bagay bagay. Minsan kasi, nakasanayan mo nalang. Minsan naman, tuliro kalang talaga.
Biktima ako ng katamaran. At sa katamaran na yun kadalasang umiikot ang araw ko. Tamad tumayo, tamad umupo, tamad makipagkwentuhan sa iba, tamad umalis ng bahay, tamad maglinis ng bahay. Tamad sa lahat. Kaya kadalasan talaga, di ko alam kung bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay na ginagawa ko. Malabo man, pero totoo. :))
Tinalakay sa libro ang limang karaniwang na nagpapatakbo sa buhay. AND YES, "nagpapatakbo" daw ang tagalog ng "drive". :>
Una, pagkakasala. :) Sabi kasi sa Google Translate, yan daw Tagalog ng "guilt" e. :)) Marami parin sa mga tao ang hindi makamove on sa mga kasalanan nila na nagawa noon at patuloy silang nagpapakaalipin dito.
"We are products of our past, but we don't have to be prisoners of it. God's purpose is not limited by your past." - p.28
Kung ang mamamatay tao nga daw na si Moses ay ginawang pinuno at ang duwag na si Gideon ay ginawang matapang, kaya ka Nya din gawing kabaliktaran ng bagay na pinagkasala mo. :)
Pangalawa, sama ng loob at galit. May isang gusto kong iquote dito. :)
"Those who have hurt you in the past cannot continue to hurt you know unless you hold on to the pain through resentment. Your past is past! Nothing will change it. You are only hurting yourself with your bitterness. For your own sake, learn from it, and then let it go." - p.28
Pangatlo, takot. Eto, kadalasang napapa-oo ako.:))
"You must move against it with the weapons of faith and love." - p.29
Pang-apat, pagiging inlab sa materyal na bagay.
"Your value is not determined by your valuables, and God says the most valuable things in life are not things!" - p.29
Panglima, pagiging pleaser ng approval.
"Unfortunately, those who follow the crowd usually get lost in it." - p.29
Minsan pakiramdam mo na wala lang kung hindi mo man alam kung ano ang purpose mo sa mundo. Minsan pakiramdam mo, mahirap gawin ito. Pero hindi ba mas mahirap mabuhay kung hindi mo alam kung ano ang importansya mo sa mundo? Dahil aminin mo man o hindi, dumarating ka din sa puntong napapaisip kung ano nga ba ang halaga mo.
Pagtapos talakayin sa libro ang mga karaniwang nagpapatakbo sa buhay ng tao, sinabi din ang mga benepisyo ng isang taong alam ang purpose ng buhay nya.
Una, pagkakaroon ng kahulugan ang buhay.
Ginawa tayo para magkaroon ng kahulugan. Kaya kadalasan mong iclick ang "What God wants you to know?" sa Facebook o kahit yung iba't ibang uri ng "Phrases". Dahil gusto mong malaman ang kahulugan ng mga bagay bagay. Dahil ipinapalagay mo na baka sakaling ayun ang mga ibig sabihin ng bawat nangyayari sayo. Dahil mahirap malaman ang kahulugan ng buhay mo kung di mo alam kung ano yung pakay o dahilan mo sa buhay.
Pangalawa, pagpapagaan ng iyong buhay.
Kapag alam mo na kung ano ang layunin mo sa buhay, malalaman mo kung ano yung mga bagay na dapat at hindi mo dapat gawin. Alam mo kung ano yung mga importante mong dapat na gawin at yung mga bagay na wala namang importansya na pwede mo ng talikuran. Ang layunin mo ang magiging batayan mo kung ang mga bagay na ginagawa mo ay ikakausad ba ng pamumuhay mo o ikakadagdag lang ng pasakit at pagbabagal ng progreso sa buhay mo.
Pangatlo, pagkakaroon ng pokus sa buhay.
Madali maabala o magambala ang mga tao sa malilit na isyu sa buhay dahil hindi mo alam kung ano ang layunin mo. Aakalain mong ito ang tama at yung isa ang mali. Aakalain mo na ang mga bagay na ito ay makakatulong ngunit ang katotohana'y hindi. Kung wala kang maliwanag na layunin, patuloy kang magiging pabago bago ng direksyon, relasyon, pag-iisip, gawain at kung anu ano pa.
Pang-apat, pagkakaron ng motibasyon sya buhay.
"Purpose produces passion." Kung hindi mo alam ang dahilan mo sa bagay na ito, hindi mo ito makikitaan ng motibasyon. Hindi ka magiging determinado na gawin ito. Hindi ka magiging masaya na gawin ito. Madali kang tatamarin dahil basically, hindi mo alam kung para saan ito. Ngunit kapag alam mo na kung para san ka, mararamdaman mo ang galak na ang bawat galaw na ginagawa mo ay tutugma sa mga bagay na gagawin mo. Magkakaron ka ng motibasyon sa bawat paggawa mo nito.
Pang-lima, paghahanda sayo sa kawalang-hanggan.
Ayokong maging katakot takot ito sa pandinig o anu pa man kaya ipapaliwanag ko ito sa pinakasimple na alam ko. Kung alam mo na ang layunin mo sa buhay, makikita mo na ang kahulugan ng bawat bagay. Malalaman mo kung para saan ka. Malalaman mo kung san ka magfifit. At kapag alam mo na kung san ka nagfit, alam mo na ang bagay na gawain para sayo, malalaman mo na din kung ano ang mga factor sa buhay na makakatulong at makakasagabal sa iyo. Sa gantong paraan, magagawa mo ng magaan at walang stress ang mga bagay bagay. Hindi ka na makikipaghabulan sa oras para magawa ang lahat ng bagay dahil alam mo na kung alin lang sa mga don ang dapat lang gawin.
Dahil alam mo na ang layunin ng buhay mo, alam mo na kung san ka magpopokus. Kung alin ang mga dapat mong bigyan ng atensyon. At ang mga wala namang kabuluhan sa buhay ay magagawa mo ng hindi pansinin dahil alam mong hindi naman ito makakatulong. At sa tuwing ginagawa mo na ang mga aksyon para mapagtagumpayan ang layunin mo sa buhay, magiging determinado ka na dahil alam mong ito yung para sayo, at ito ang iyong dapat gawin. Alam mong dito mo nakikita ang existence mo kaya motivated ka itong gawin.
At dahil sa ganto ang epekto sayo ng pagiging alam ang layunin, makikita ng lahat ang excellence mo sa lahat ng bagay na iyong ginagawa. Dahil hindi mo nalang ito ginagawa dahil kelangan itong gawin ngunit dahil nakita mo na ang kabuluhan at kahalagahan nito kaya naman unti unti mo na itong minamahal. At dahil don, hindi lang ikaw ang makakakita ng wonders ng mga bagay na ito kundi pati na rin ng mga taong nakapalibot sayo. :) Na makikita din nila ang kahalagahan ng pagiging alam ang layunin, kaya naman kahit mawala ka, magiging parte ka pa din ng kanilang buhay.
Pakiunawa, na ang pag-aalam ng layunin ay hindi lang din basta para sa buhay mo. Dahil naniniwala ako at umaasang alam mo na ang misyon mo sa buhay gaya ko. Ngunit alam kong kahit alam mo na ang pangunahin mong layunin sa buhay, dumarating ka pa rin sa point na nasstress dahil sa mga bagay na kailangan mo munang tapusin bago maglevel up. Kaya naman, upang makatulong, palitan mo ang salitang "buhay" sa blog kong ito sa salita kung saang aspeto ka ng buhay mo nahihirapan at napapagod. Kagaya na lamang ng madalas sa kaibigan ko, "buhay=eskwelahan". At muli mong basahin ito gamit ang salitang ipinalit mo.
Nawa'y makatulong. :)











Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.