Istasyon ng Tren.
Isa sa mga paborito kong lugar ay ang istasyon ng tren. Sa istasyon ng tren, madami kang mapapansin. Nakakatuwa. :) Sa totoo lang marami ang istasyon na mayroon. Pero ang istasyon ng tren ang nakakuha ng atensyon ko.
Naalala ko noong nasa Japan ako. Papasok ako non sa school at naisipan kong pumasok ng maaga. K, alam kong himala yun. K. 9 am ang pasok ko nun at kapag sumakay ako ng tren, limang hanggang sampung minuto lamang ang makukuha sa oras ko. Kasama na doon ang paglalakad ko mula sa bahay hanggang sa istasyon ng tren at mula istasyon hanggang sa building ng school. Ay, gawin na nating 15 minutes. Haha.
Anyway, noong dumating ako ng maaga sa istasyon ng tren, naisipan ko munang umupo at magpalagpas ng tren. :) At syempre, the usual me, habang naghihintay ako doon sa bench, madami akong napansin at napagtanto. Naisip ko, bakit nga kaya kadalasan sa mga tao, kapag dumating sa istasyon ng tren, sasakay kagad sila sa kadadatig lang na tren? Ganun na ba sila na nagmamadali? At kahit na siksikan, makikipagsiksikan. Ganun na ba sila kalate sa pupuntahan nila? O ayaw lang nila talaga maghintay ng susunod dahil para sakanila, matagal yun?
Siguro sa puntong yun, unti lang kami na nakatambay sa istasyon ng tren. At siguro marami pa sa kanila, yung express train ang hinihintay kaya di pa nakakaalis. Naisip ko, ilan nga kaya ang gaya ko doon na nagpapalipas ng tren dahil para sa kanya di pa naman oras para sumakay? Dahil para sakanya kapag umalis ang tren na yun, may dadating pang iba? Ilan kaya kami noon na nag-iisip at nakakapagtanto na masarap palang maghintay dahil alam mong may oras pa naman? Na masarap magobserba at pagmasdan ang lahat kung gano sila magmadali..kung gano sila naguunahan.. :)
Minsan kaya naisip mo na wala namang masama sa paghihintay? Na masayang maghintay. Na masarap makasakay sa mga panahong tama sa oras. Yung tipong di ka dumating dun para makipagunahan at para makipagsiksikan. Na dumating ka doon na alam mong di ka magmamadali dahil alam mong di ka mahuhuli, di ka malelate.
Minsan tuloy naisip ko, ilan kaya ang taong handang dumating doon ng mas maaga at handang magpalipas ng tren, maghintay, at magtiwala na may dadating pang tren? Yung tren na kapag dumating, di ka nakikipagsiksikan sa iba. Yung tren na alam mong nasa tamang oras lang. Yung tren na may siguradong upuan na para sayo lamang. :)



Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.