When you see the beauty of the reality..
So when one person ask me why did I let him go? Or why did they didn't matter ever since? I will only have one answer.. The price isn't worth the fight.
It will never be if he doesn't know your worth in the first place. :)
Sabi nya pumayat daw ako.
Di naging masyadong mabuti ang mga araw ko lately. Bukod sa nakakapagpusoy dos ako syempre. :)) Pero madalas, napapansin kong madali akong naiinip, naiinis at naiirita. Dahil nga siguro'y may sakit ako.
Oo, ilang linggo nakong inuubo, juskolungs. Ubo + Sipon + Sakit ng katawan = Ayang mukhang yan! Pero sa isang banda, tuwang tuwa talaga ako sa kulay ng nails ko ngayon. :") Haha! Sorry random me. :)))))
At syempre, ang mahiwagang lalaki ay walang iba kundi sya. :")) Gulat ko nalang at wala pakong ligo, bigla nagtext na nasa baba na sya at may dalang orange. Welelengs. Ayokong kiligin masyado sa blog nato kasi nakakahiya, you know. :)))) Anyway, sabi nya namayat daw ako? Kaya mas inakala nyang ang lala ko na. Pero sabi ko naman, sa kabaliwan lang ako malala. Honestly, ang oa ng ubo ko pero di ko naman ramdam na malala na sya. :))
This surprise delivery plus the constant checking of my condition made my day. :) Okay na din siguro ang isang araw na pahinga bago pa magwala ang sakit ko sa Biyernes at Sabado. :p
Ganon talaga, sorry.
Her: "Alam mo ang Biblical naten."Him: "Bakit?"
Her: "1 John 4:19"
Him: "Ibang klase. :))))))"
102112
Her: "May realization ako kaninang umaga."
Him: "Ano yun?"
Her: "Thankful ako kay *insertnamehere* kasi ginamit sya ni Lord para alisin si *insertnamehere* sa buhay ko. Hahahahahahahaha"
Him: "Haha siya ginamit ni Lord para gumanda future mo. :)"
Her: "Haha mali!! Di sya ginamit ni Lord para gumanda future ko kasi maganda na talaga. HAHA Ginamit sya para GUMWAPO future ko. :>"
Him: " Hahaha! Sya naman ginamit ni Lord para future ko gumanda!"
Her: "Omaygash! I wanna hug her right now!!! :)))))"
Ang Break Na Hinihintay Ko.
So dahil nakapagrelax at idle nako ng dalawang araw, naisip kong pagplanuhan na ang mga bagay bagay na dapat kong gawin this sem break. Syempre, pano ba dapat simulan ang lahat? Di ko pa alam at mapagtanto ang mga dapat ko gawin kaya sinimulan ko muna dun sa mga sigurado. Kaya inilista ko muna ang mga importanteng araw na nakatakda at di na mababago.
Oct. 20 : Release of Grades
Dalawang subject lang ang inaantay kong makita - ang NS at ACG. Kumbakit NS e dahil sa alam ng lahat ng nasa klaseng napakamahal ako ng prof ko dun kaya may posibilidad na ibagsak nya ko. Ngunit wala syang magagawa, alam ko, kundi ipasa nya ko kasi mayayari sya sa Tatay ko pag hindi. >:) HAHAHA
Sa ACG? Di ko kasi nagawa yung pagtatransform ni Soundwave. Kaya baka maincomplete ako. :p
Oct. 20-21 : ComAch Event
Ang ComAch ay isang org na sinalihan namin. May horror special retreat type kasi na gaganapin somewhere dito sa Cavite. Ngunit wala kasing matinong plano ang FF kaya ewan ko nalang. Di naman nakakapanghinayang na di pumunta actually. Kasi tinatamad din ako :P
Oct. 21 : Summary of Grace Messages
At eto ang isa pang rason kung bat tinatamad ako. Sabi kasi ni Dada magsummary kami uli ng Grace Messages para sa ibibigay sa pastors sa conference e. E feel ko pagod pagod ako pag sumama ako sa event pa. So, sa summary thingy nalang. Tsaka free food yun with consideration of my requested foods! :))
Oct. 22 : Signing of Clearance
Birthday to ni Arren at supposedly papunta kami sa Paniqui, Tarlac. Kaso namove sya at di ko alam kung kelan na. Kung pupunta sa school para kunin ang clearance, yan ang di ko pa alam. One word: Tamad. Hahaha.
Oct. 23 : Enrollment
Dahil sa late ko na sinabi kay Mommy ang tuition fee with dagdag kickback (HAHAHAHAHA), maghalf payment nalang daw muna ako. Ngunit dahil di ko alam ang mga gagawin pag ganun basta lam ko hassle sya, sabi ko sa pasukan nalang magenroll, para full, para isang lakaran nalang. Ang reason? Yes guys tama kayo, TAMAD hihi :3
Oct. 26-27 : National Grace Conference 2
Ang pinaghahandaan at kinaeexcitean naming lahat ngayong Oktubre! Ito'y event na gagawin sa CDC, Tagaytay. Sana lang talaga si Claire e mapilit pang pumunta :( Tsaka si Kicko at si *ehem* BHEB *ehem* :)) Ewan ko pero nararamdaman kong magiging masaya tong NGC2 na to! :D
Oct. 31 : Enchanted Kingdom ; Youth Overnight
So nagbabalak ang FF na magrides nalang sa EK dahil nagkatamaran na sumali sa Outbreak Manila. And that reminds me to remind Kata too. :)) Sya nga pala in charge magorganize non.
Kinagabihan, may overnight bonding ang youth sa church. Wala, kung anu ano lang din naman gagawin. :)) Feel ko nga mauuwi sa Dota, Pusoy Dos at Monopoly Deal to e haha!
Nov. 5 : Classes Resume
Depende pa ang feeling kung masaya o nakakadalamhati. :))
Basta isa lang din ang alam ko e. :)
I'm happily blessed. :')
Photography.
Namiss kita.Mahirap ang may SLR. Minsan kasi mapepressure kang magpicture. Syempre, para san pa nga ba ang SLR kung di ka magpipicture, diba? Display? Pangyabang sa mga tao? Well I think there is more than that.
Masarap magpicture. Yung tipong mageeffort ka para makuha yung pinakamagandang anggulo. Sa umpisa, maglalaan ka ng oras para magplano. Mag-iisip ka ng iba't ibang ideya. Maglalaan ka ng pera. Kelangan kasi, maging perpekto ang lahat ayon sa ideyang naisip mo. Maglalaan ka ng pasensya. Ng malawak na kaisipan. Ng pag-asa.
Minsan, likas kang magiging magaling sa Potograpiya. Ngunit base sa karanasan ko, ito'y maaaring matutunan. At kapag natutunan mo na, maaari ka ding mag-excel.
Hindi importante kung ano brand ng camera o slr na meron ka. Hindi din importante kung bago palang ito o luma na. Ang importante, nagkakaintindihan kayo. At marunong kayong sumang-ayon sa isang punto - sa Potograpiya.
On Skype
Pinaguusapan si PuppyTita: "Iniiwan mo yan?"
Mom: "Oo. Iniiwanan ko din ng music. Nako, nakaiPod yan!"
Tita: "Nakaearphone??"
Mom: "Hindi! Speakers! :))))"
Joy in the Morning
"There may be pain in the night, but joy comes in the morning."
Hindi ko maintindihan noon ang verse na ito ng Psalm 30:5. Binanggit din kasi ito sa kantang Your Love Never Fails ng Jesus Culture e. At sa tuwing napapakanta ako neto, di ko maiwasang isipin, "Ano ang ibig sabihin nito?"
Madalas ko maalala ang verse nato kapag nalulungkot ako. Syempre nakasulat sa Bible na kapag may lungkot, meron ding galak. Isang katotohanang ang sarap panghawakan. Pero di ko maintindihan, bakit di nalang sa gabi din mapawi ang pain? Kelangan pa bang hintayin ang umaga?
Kaninang umaga, kinanta ang Your Beloved ng Vineyard. Binanggit ni Dada ang isang linya doon kasabay ng isang rebelasyong nagbigay ng panatag at sagot sa akin.
"Lord it was You
Created the Heavens"
Sya nga naman ang gumawa ng lahat. At nakalagay din sa Genesis na sya ang gumawa ng "Light". Sya ang gumawa ng liwanag. Sya ang liwanag. Madaming tao na sinasabing ang langit ay isang lugar. Ngunit ang langit ay mas "persona" kesa "lugar". At kahit nasa mundo ka pa, mararanasan mo ang langit -- of course in the presence of God.
Samakatuwid, maaaring may lungkot kang nararamdaman na nagdadala sayo sa gabi. Ngunit kapag narealize mong nasa presensya ka na ng Lord, ang gabi ay magiging umaga. Dahil sa tuwing nasa presensya ka Nya, ikaw ay nasa langit. :)
Thesis Tonight.
Yung dapat na gumagawa ako ng thesis pero nastuck up ako kakalaro neto. :|Disney's Ghosts of Mistwood. Weird pero sobrang naeengganyo ako. :)) Pero pakicongratulate ho ako dahil napagtagumpayan kong magtake ng first steps sa pagoopen ng tab ng Google Translate at Thesaurus. :)))) Napapakanta ng You are God Alone at patayo tayo paa magising.
Dahil sa deal naten, tatapusin ko to!!! ;p
Bulaklak = Babae
Sige na. Papayag nako masabihan talaga ng maarte dahil sa pagbili ng dalawang bundle ng magkaibang bulaklak para idisplay sa kwarto. Sorinaman e pangarap ko kasi talaga yun matagal na. :))Nung nakaraang Sabado, hindi naging maganda ang umaga ko. Nagising sa tamang oras ngunit masakit ang ulo at natulog uli. Nagising ng late na isang oras at nagmadaling magasikaso papasok sa eskwelahan. Kaso sadyang ang cute ng driver ng jeep kaya ang 30minutes ride e nauwi sa isang oras. At nagtagal din sa pagalis ang bus, kaya another 30 minutes na dagdag para sa byahe ko. Nasusuka at nahihilo na sa bus ngunit mabuting balita ang dala ni Abi sa pagsabi saking may reserach na ipapass sa unang subject kung san late nako. :)) Okay na din yun, at least di mapapansin ng prof kong late ako kasi lahat galing sa labas. :))
Nakagawa naman ako agad agad, at natapos din ang ikalawang exercise na ibinigay nya. Naglunch at bumalik para sa second subject at nagreview ng wala sa sarili dahil antok para sa prelims na 100 items. Cute nya e no. :))
Dumating ang late na prof, nagpaexam, at nakakatawang nakakatulog ako habang nageexam. No erasures pa naman daw dapat. HAHA Naging creative naman ako sa pagayos sa "C" para magmukhang "A". :)) Naduling kasi ako sa pagbasa dahil di ko mapigil ang pagbagsak ng mga talukap ng mga mata. :))
Hindi ininda ang prelims. Nangbisita si Ruther. Nagmilktea. At naisipan bisitahin si Kevin sa may Dangwa dahil di sya pumasok. Gumana nanaman ang pagiging adventure namin nila Claire at Abi. Natunton ang room ng tita nya kahit na walang alam talaga. :)) Sa dami ng nangyari, himalang nakarating kami promise! HAHA
Nakita si Brandon na super cute at mistulang lalakeng version ni Jillian Ward. Nakipaglaro. At di nya na kami pinauwi. :)) Babalik kami sayo, k? :') Hahaha
Naisip bumili ng flowers. Eto naman talaga rason ko sa pagpunta sa Dangwa. HAHA Nagikot ng nagikot. At nakabili din namana though di sya yung exactly na gusto ko. :)) Pero at least, it's good as a beginning. :)
Dali dali ko namang inayos pagkauwi sa bahay, excited lang baket. :)) Ayun, magandang panimula. Hoping na magawa ko sya weekly. HAHA
Btw, maganda mamili sa Dangwa. Minsan medyo ihaharass ka ng mga nagtitinda. Pero kapag nagtanong ka sakanila, mababait naman sila. Actually nagtutulungan sila magtinda. HAHA Peonies sana bibilin ko. Kaso Php280-350 ang isang stem. Kaya ayun, sabi ko saka na sya. HAHA
Ganyan yan si Trish!
Kaisipan ng napressure sa thesis. At aksyon ng nalaman na extended nga ang pasahan -- nagblog nalang. :))
Habang ang Sarap ng Tawa ng Pinsan ko
Hi Thesis, we'll make love tonight. :')#twitteroff
#facebookoff
#onlineshopsoff
#bloggersoonbeoff
#waitingforatext
Kahit wala pakong naitatype for Thesis, SANA MAGBUKAS NA :D
Si Hannah Borja at ang Kanyang mga Bentang Linya Magpakalainman: Part Two
Hay talaga ga nga namang kay saya ng buhay. :))
Si Hannah Borja at ang Kanyang mga Bentang Linya Magpakailanman: Part One
Tinapay + Kape = Thesis
Ang ironic na ang title neto ang nasa utak at plano ko ngunit pc, mga papel at kung anu ano ang tunay na nasa harap ko. Pero syempre gagawa ako ng pagkain ko mamaya haha.
Ilang beses nakong humaharap sa pc at nagbabakasaling magkaron ng drive sa paggawa neto ngunit nauuwi lang ako sa panonood ng ibat ibang movies a night. :| Hay nako, focus, asan kaaaa? :'(
Isang malaking tulong ang computer table ko ngayong gabi. Kasi, ngayon ko lang sya nagamit ng tama. Akala ko kasi dati, ang dami nyang parteng di naman kelangan. Plus, hindi tamang nakakulong at masikip yung banda lalagyanan ng CPU. Pero yung movable parts nya tulad ng pinagpapatungan ng notebook at ng keyboard, nabigyan ng hustisya ngayong gabi. Kung hindi ko kasi hihilahin yung pinaglalagyan ng notebook, di ko sya mailalagay. :)) At kung di dahil mahaba yung sa keyboard, mahihirapan di nako gamitin ito. :))
So yea, masyado nako dumadaldal sa post na ito. Nagpapagising lang. Masyado kasing tahimik ang paligid. . . . Makakuha na nga ng pagkain at kape. :))
#TulongTayoTomasino
Ang UST ay tumatanggap ng donasyon at nanghihingi ng inyong mga tulong/partisipasyon sa pagtulong sa mga nasalanta ng malakas na ulan at baha.
You know what to do. :)
Nakakita ako ng link ng listahan ng mga rescue centers especially sa Metro Manila.
At isa pang listahan ng emergency hotlines.
Madaming nanghihingi ng tulong kahit sa simpleng pagpapack ng mga donasyon at pagdadala nito sa mga evacuation centers. Sobrang gusto kong tumulong. Bukod sa ministry din ito, at gusto ko ng mga ganong karanasan, gusto ko din kasi na at least, kahit papano, madagdagan ng isang tao sa mga tumutulong. Isang malaking kaibahan na yun sa sitwasyon kasi ng Pilipinas sa ngayon. Sa dami ng nangangailangan diba. Isa pa, thesis can wait. Nararamdaman ko namang maiuurong ang pasahan nya. :P
Sana lang talaga nasa Manila ako ngayoooon. :| Kung pano ba naman ako magvovolunteer na ang layo ko at baha ang mga dadaanan ko papuntang Manila diba. -___-
Credits:
Words of Wisdom Mula sa Bruhang Best Friend.
Ako: "Bruha. Tingin mo, madali bako matakot? Base sa pagkakakilala mo sakin. Sagutin mo, daliii."
Sya: "Yung sa pangaaway, I think depende sa tao. Takot kang maaway at makaaway yung mga taong trinetreasure mo syempre. I mean as much as possible, aayusin at aayusin mo yon. Pero pag walang mga kwenta naman, matapang ka at lumalaban. Sa pagttry ng bago, matapang ka. Sa relasyon.. Ewan ko bru. Di ko masabing takot e. Pero parang lagi kang may "hold back".. Di kasing aggressive tulad ko. Which is para sakin TAMA lang yung iyo. Wag ka talagang gagaya sakin. :))"
"O yun naman pala e. Alam mo kasi bru, lahat ng bagay may risk na kasama. Kung di ka magririsk sa nafifeel mo, di yan magwowork. May mga nakikita tayo na hindi nakikita ng adults kasi di naman sila yung nasa mismong sitwasyon e. Pero di ko sinasabi na wag ka makinig. It's your call bru."
"Gusto ko lang maging masaya ka bru. Pero di dahil gusto ko magkaboyfriend ka na ibig sabihin icocompromise mo na yung prinsipyo mo. Gawin mo padin yung katalinuhang ginagawa mo."
Labels: parasayo
Ang Galang Pamilya.
* Kimiko - Dada - Atsi
Ola dora de eksplora.
Hindi man sariling codes ginamit ko, ngunit natuwa naman akong nakuha ko yung itsura sa pamamagitan ng simple codes. :)) Pasensya, wala ako magawa at di ako masyado makapagfocus sa thesis ko. :))
Salamat Bruha sa paginspire ng pagpalit ng layout. Pero saka ko na gagamitin yung base code na sinend mo, kapag kaya ko na isipin iconnect ang name ko sa picture na gusto ko. :)) Masyadong awkward kasi nung pinagsama ko HAHA
Bye Philippines.
Namiss ko bigla yung Japan.Namiss ko yung gigisingin ako ni Puppy tapos sabay kaming lalabas ng kwarto.
Namiss kong maging weird don.
Namiss kong magshopping kasama si Mommy.
Namiss kong maggrocery kasama si Daddy.
Namiss kong maglakad sa may Tamagawa River.
Namiss kong pumasok mag-isa sa school.
Namiss kong gumala kasama si Tita Heids.
Namiss ko yung mapameke nilang karaoke.
Namiss ko yung big bowl of ramen.
Namiss kong magmoment sa likod ng sasakyan habang matagal ang byahe.
Namiss ko yung long rides na naaamaze ako sa bawat daanan.
Namiss ko yung kakaibang trip ng magulang ko na mangisda sa oras na uulan, mamundok para sa theme park, magbuffet restaurant ng alasdose ng gabi.
Namiss kong magluto ng kahit anong maisip ko.
Namiss kong kumain ng salad everyday. :))
Namiss ko yung mga abot kamay na pabili agad. :))
Namiss kong sila Mommy magbabayad sa lahat ng bibilin ko sa mall. :(
Namiss kong may magulang sa tabi.
Gusto ko na bumalik sa Japan.





































Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.