Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Masama ba maging plastik?

    Kasi kahit ako may plinaplastik na tao. Yung taong ayaw mo kasing saktan. Yung taong ayaw mong maoffend sayo. Yung taong ayaw mong uriratin ka pa kung bakit ka naiinis sa kanya. Yung taong ayaw mo. Basta, ayaw mo. Dahil ayaw mo sya.

    Alam kong masama maging plastik. Kaso minsan, mahirap pigilan lalo na't wala ka sa mood para sabihin na naiinis ka sakanya. Yung pakiramdam na, "Hay nako, bahala ka." Ganon. Kasi wala ka sa mood para magsalita ng ganun. Kumabaga, masyado kang madaming problema para pati yun, isipin mo pa.



    Naiinis ako nung may nagsabi sakin na "Bakit? Kung ako ikaw, hindi ko na papalagpasin pa yang opportunity." nung nalaman nyang uuwi na ko for good. Yung kung makapagsabi sya e akala nyang alam nya ang nangyayari sakin? Yung tipong alam nya ang pakiramdam sa sitwasyon ko? Yung pakiramdam nya, ganun kadali ang lahat.

    Ayokong magpaliwanag kung ano ang dahilan ng pag-uwi ko. Kasi hindi ko naman talaga kelangang ipaliwanag pa. Alam kong naiintindihan ako ng mga taong importante sakin. At sa mga taong hindi ako nagegets, wala akong pakialam. Sana lang naman, wag mabilis maghusga. Unless nangyare na talaga sa'yo ang mga napagdaanan ko.

    Labels:

    "Masama ba maging plastik?" was Posted On: Saturday, October 11, 2008 @5:47 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.