Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Hindi ako nagbago.

    Naging busy lang talaga ako. Malamang ang naiisip mo, umiiwas ako o lumalayo sa'yo/sa inyo. Pero ang totoo, madami lang talaga akong ginagawa. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Maraming bagay akong dapat paghandaan. At maraming tao ako dapat na balikan upang intindihin muna. Ang mga kaibigan kong naiwan ko din noon dahil sa kabusyhan ng buhay.

    Huwag kang magtampo. Hindi din tatagal at matatapos ko lahat ng gawain ko para naman sa susunod, ikaw/kayo naman ang balikan ko. Totoo ang sinabi ko sa'yo, hinding hindi ako naglelet go pagdating sa friendship. Pagdating ng panahon na yun, mapapatunayan ko din sa'yo. :)

    Ang kelangan ko ngayon, unawa. Hindi sa lahat ng oras kaya ko makamusta kayong lahat. Pero wag ka mag-alala. Sa bawat araw, lahat kayo, naiisip ko. Lahat kayo may halaga. Lahat kayo mabibigyan ko rin ng oras sa tamang panahon. :)

    Labels:

    "Hindi ako nagbago." was Posted On: Tuesday, May 26, 2009 @2:48 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.