Tambayan.
Mahirap para sakin na pagkatiwalaan ang isang bagong kakilala. Pero sa taong to, hindi ko alam kung bakit pero ang bilis niyang naging malapit sa akin. :)Nakilala ko siya sa isang lugar na marami ang tao. Hindi ko pa siya pinapansin nung una kahit na napakaingay niya. Siguro dahil iba ang kausap niya at iba rin ang aking kausap. Madalas akong napapalagi sa lugar na ito ngunit kadalasan din ay wala siya. Kilala siya ng iba kong mga kasama. Pero interesado akong makilal siya noon pa.
Hanggang isang araw, nagkasabay kami sa "tambayang" ito. Nagkataong pareho ang kumausap samin pagdating dun. Pareho naming kaclose ang taong yun. At dun nagsimula ang aming pagkakaibigan. Ang kakaiba naming samahan. :)
Siya ang pinakasweet sa lahat ng aking kakilala. Inaasahan ko ng mababasa niya to. At sa puntong to, alam kong alam niya na siya ang tinutukoy ko. :) Naging malapit siya sakin. Hindi ko alam kung alam niya ba talaga yun. At natutuwa akong may tiwala siya sakin dahil sa pagbubukas niya ng kanyang sarili sa akin. Totoo, parte na siya ng bawat araw ko. Dahil sa araw araw na ito, palagi ko syang nakakausap at ayokong hayaan na maputol to.
Kahit na ibang relasyong pang-pamilya ang turingan namin, para sa akin, siya ay aking kapatid. :) Hindi naman lingid sa mga kaibigan ko na sabik ako sa kapatid di ba? :) At sa koneksyong meron kami ngayon, ipinagpapasalamat ko yon. Sobrang saya na magkaroon ng kaibigang gaya niya. :D
Ayokong magbigay ng kahit anong mensahe sa kanya. Dahil alam kong maaga pa para doon. Kahit na alam ko ang ibang parte ng buhay niya, gusto kong maging bahagi pa ng natitira. Gusto kong sa mga simple kong paraan, mapatunayan ko ang kanyang importansya. Na hindi siya masama, hindi siya clumsy, hindi siya may problema, hindi siya dapat niloloko at hindi siya dapat nagpupuyat. :P
Ang sarili ko ay laging nandito para sa taong to. At kahit nagsimula kami sa pagiging "online buddies", hindi pa huli para maging tunay na "lifetime friends". Mahal ko si "pamangkin". :)
Labels: parasayo


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.