Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Nakakapagod kaya ang walang ginagawa!

    Sarap ng tulog ko dahil 8am pa ang gising ko. Huwebes ngayon, Soul-lee-man Day! :D Ay mali, PE Day pala. :P 9am hanggang 11am ang Volleyball namen at pagtapos nun, wala nakong klase. Kaya naman, no worries!


    Medyo na BV ako nung nabasa ko ang text ng tamad kong Insan na di sya papasok. So ayun, inisip ko na lang na masaya naman kasama sila Jesusa kaya naman pasok pa din ako. Sa katuwaang palad, nagsabay kami ni Jerome pumasok. Super tuwa ko naman kasi may kasama ako umakyat ng Grandstand. Haha! Nakakahiya kaya umakyat dun mag-isa. Para kang nawawala! :P


    Nakita ko kagad si *toooot* at sila Jesusa kaya ako'y natuwa muli sa galak at nakipagkwentuhan muna sa kanila. :D Nagsimula ng mag-attendance si Sir Cruz pero wala pa din si crush. TSK. Lungkot na namin ni Jesusa, wala pa inspirasyon e. :)) Pero syempre, ayaw ni Lord na malungkot kami kaya naman, pinapunta nya na si crush sa Grandstand. Ayun, sa tabi ko pa naghubad ng pants (nakauniform na kasi sya sa loob ng damit kasi) at nagpalit ng rubber shoes.


    Ngunit dahil may new friend ako, na sakanya focus ko. Panira no? Haha! Sya nga pala si Bea galing Commerce. :) Ayun, pinakilala ko sya sa blockmates. Mabait naman sya. :D Sya yung friend ng girl na may crush kay Michael. So anyway, haha, ang swerte ay dumapo kay Madel at sya ang naging partner ni crush. BADTREP. :(


    Pero naging ok naman yung PE kasi dami nangyare na nakakatuwa. Ayoko ng ikwento dahil magmumukang confession blog lang ito. HAHA.



    Dahil sa tamad akong umuwi at tumunganga dito sa dorm kanina, nagstay muna ako sa Beato at naki-Materials sa blockmates ko. Natuto naman ako para sa gagawin kong pattern next week. :) Ay speaking of, kelangan ko pa palang isearch yun, tss >.<



    Pagtapos ng Materials, nanuod kami ng nakakaaliw na training nila Claire para sa Cheermania sa Grandstand ulit. Grabe, pakiramdam ko magiging tambayan namin sya Haha!



    Hindi ko alam kung anong gusto mong sabihin sa bawat ginagawa mo. Pero isa lang ang sigurado ko, sawa nako sa kaimmature-an mo. :P



    Natira na lang ako, si Jesusa at si Jose doon na nanunuod kaya naman naisipan naming bumili nang pagkain sa Mcdo. Kamusta naman ang ulan at sinira ang aming moment ng pagkain sa Grandstand. :)) Salamat nga pala sa inyong dalawa kanina! Ngayon napatunayan na natin na mabagal ang takbo ng oras kapag malapit na ang pasko! :))



    Minsan darating sa punto na kung kelan ayaw mo na, saka nya matututunang magustuhan ka. Tae, ang assuming ko na. Ayoko naaa. =)))

    "Nakakapagod kaya ang walang ginagawa!" was Posted On: Thursday, November 26, 2009 @10:04 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.