Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Huwebes.

    Kahit pa nakita ko si Toot, seryoso ako, nagbabawas na talaga ako ng crush. TSS :"> :))

    Hindi ko ba alam kung bakit nawala ako sa mood makipagkulitan kanina. Iniisip ko tuloy na baka nangyayari na yung dare ko sa sarili ko na maging tahimik na. Kaso hindi e. Iba e. Parang may..something.

    Kung tutuusin, ba't ko nga ba kelangan pang isipin ang bagay na yun? E kahit naman anong mapapagtanto ko e hindi ko pa din naman kayang bigyan ng prayoridad yun sa ngayon e. Madami pang dapat isipin. Andyan ang plates. Ang deadlines. Ang profs. Ang everyday life. Pero mahirap din pala kapag naipasok na sa utak mo yung bagay na yun no. Kasi sya na yung pumapalit sa pang-apat na nandyan para isipin mo. >.<

    Alam ko nadadala lang ako ng mga kwento ni Abi. Alam ko nasasabayan lang to ng pagkamiss sa kanila. Alam ko, natutuwa lang ako sa mga nangyayari. Pero kung iisipin ko, pag binigyan ko ito ng oras sa buhay ko ngayon, wala din namang mangyayari e. Kamtutinkopit. Pero wala talaga. Kundi kabutihan, kasiraan. :|


    Siguro eto nga yung dahilan ng "pagkawala sa mood". Na kahit My Empire at Pet Society ay hindi ako natulungan. Siguro nga nalilito ako magpakasigurado sa isang sitwasyon na hindi pa naman dumarating at nangyayari. Hindi, hindi ako assuming. Ayoko lang nasusurprise ako gayon namang ramdam ko ng palapit na doon. Parang yun nga, inistress ko lang sarili ko. :))


    Sa totoo lang, may gusto ako ikwento. Kaso naisip ko, parang naeexcite lang nanaman ako. Mamaya, maudlot. Kaya mas mabuti ng saka na ikwento kapag sigurado na. Kasi baka mamaya dyan, magexpect nanaman. :)

    "Huwebes." was Posted On: Thursday, June 17, 2010 @11:15 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.