Hindi ako ang bida.
:)Matagal ko ng nalaman na ang buhay ko ay hindi nabuo para sa sarili kong kaligayahan. Na ang buhay ko ay may mas malalaki at mas magaganda pang mararating kesa sa kahit ano pang aking maiisip. Matagal ko ng nalaman na ang buhay ko ay hindi para sa akin. Na ang buhay ko, ay para sa Kanya. :)
Siguro nga sa tagal non, medyo nalimutan ko na. Sa tagal non, di ko na masyadong maalala. At ngayong araw na ito, narevive ako, at muli kong napagtanto, na hindi ako ang bida sa buhay ko. :)
Sabi sa unang araw sa Purpose Driven Life, "It's not about me." Totoo naman e. Hindi ito tungkol saken. At mas gugustuhin kong hindi ito tungkol saken dahil unang una, gaya ng lagi kong sinasabi, "I can only do much, but not everything." At ngayon, naipaalala sa akin na hindi ako ang pinakamagaling na tao sa mundo para kayang pagdesisyonan at kayang buhayin ang aking sarili na base sa aking sariling paniniwala. Na masyado na pala akong nagiging mayabang na kaya ko ang sarili ko. Pero babalik at babalik parin pala ako sa puntong sasabihin kong.."Lord, ikaw parin talaga."
Aminado ako na kadalasan sa ngayo'y nalilimutan ko Syang ikonsidera sa bawat desisyong ginagawa ko. At sa pagpapaalala Nya sakin ngayon na isa parin akong bata na marami pang dapat malaman, sobrang nagpapasalamat ako. :)
Isang malaking relief na maramdamang andyan parin Syang naghihintay na lapitan ko at ipasok muli sa pagdedesisyon ko. :) Masayang malamang ang buhay na to ay totoong Sya ang nararapat ibida. Dahil kung iisipin, Sya lamang na naglikha sa akin ang tanging nakakaalam kung ano ang dahilan ng paglikha Nya sa akin - ang aking mga dapat gawin, ang aking kakayanan at abilidad, ang aking mga limitasyon, at ang lahat pa ng tungkol sa akin. :)
Salamat sa unang araw na ito na ipinakita Mo na ang buhay na ito ay hindi ko talagang kakayanin kung wala Ka. :) Alam mong di talaga ako tumalikod Sayo pero aminado akong tunay na nalimutan ko ibahagi Sa iyo ang ibang aspeto ng aking buhay, nagsarili ako. Nakita ko na ang sagot Mo sa tanong ko. :) Salamat. :) Ang buhay kong ito, ay tunay na para Sayo. :)
Ang mundo'y di umiikot para sayo kaya anong halaga kung ang buhay mo'y paiikutin mo para sa mundo? :)


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.