Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Ako si Beloved.

    At kahit iclaim pa ng iba yan, naniniwala akong ako ang pinakabeloved. :D HAHA


    Pangalawang araw. Hindi daw aksidente ang existence ko dito sa mundo. :) Nakahit na hindi ako planado ng mga magulang ko, planado parin ako ni Lord na mabuo. ;)

    Natuwa ako sa nakalagay. Kasi sabi, kaya ka ginawa ni Lord ay dahil ang pag-ibig at si Lord ay iisa. Sa sobrang mapagmahal Nya at di Nya macontain ang pag-ibig, ginawa Nya ako. Para sakin Nya maiportray at maiparamdam ang pagmamahal. Sobrang natuwa ako don. :"> Akalain mo, kahit si Lord, sa sobrang punong puno ng pag-ibig naghanap Sya ng mamahalin. :)) Wala, nakakatuwa. :">


    Minsan dumadating talaga tayo sa punto ng buhay na pakiramdam mo'y walang nagmamahal sayo. Pakiramdam mo'y walang may gustong magparamdam sayo ng pag-ibig. Hindi ko sinasabing pag-ibig as in lovelife. Pero kahit sa mga kaibigan, sa pamilya, o sa kahit sinong tao sa buhay mo. Pero alam mo yun, sa kakahanap natin ng pag-ibig sa iba, nalilimutan nating may naneneglect tayo na andyan lang naman na handang iparamdam sa atin ang pagmamahal na hinahanap natin. Nalilimutan nating andyan Sya na higit pa sa gusto nating pag-ibig ang kayang ibigay. 

    Pero alam mo yung masaya dun. Yung kahit ilang beses mo na Syang di pinansin at sinusungitan at sinasaktan, andyan pa din Syang naghihintay lang sayo. Naghihintay lang na sabihin mo na kelangan mo ang yakap Nya, ang comfort Nya, ang pagmamahal Nya. Oo, di nga Sya tao pero higit pa sa kayang ibigay ng tao ang kaya Nyang iparamdam na pagmamahal sayo. :)


    Siguro nga walang perpektong pagmamahal kang makikita sa mundo. :) Dahil ang tunay na perpektong pag-ibig ay sa Naglikha lamang makukuha. :)

    "Ako si Beloved." was Posted On: Tuesday, October 26, 2010 @12:30 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.