Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Growing in Grace

    That's who I am. :)

    I see grace, sealed by Your sacrifice. I see love, reaching for me. Precious blood, washes and sanctifies. Healing flows, setting me free.

    Ako: Mama B. Payagan mo nako . Isang sampal lang, please?
    Mama B: Di pwede. Sampal yun e.
    Ako: Osige, suntok nalang sa tyan?
    Mama B: *iling* Ayaw nyang sinusuntok sya sa tyan.
    Ako: Malakas na kurot???
    Mama B: *iling* Miks..
    Ako: Osige po, hug nalang..
    Mama B: *ngiti* Wag. Matutuwa yon.

    Madami akong natutunan sa dalawang araw. Tama nga ako, sobrang matutuwa ako kapag nagkaron uli ng Youth Congress. :) Madaming tanong na meron ako ang nabigyang linaw. At maraming magulong bagay ang naging maayos. :) Sa kabuuan, nagpapasalamat ako kay Father God sa paggalaw Nya sa buhay ko. :)

    Unang araw palang, dami ko ng natutunan. Sa totoo lang, di pa nagsisimula, andami ko ng napagtanto. Andami ko ng nalaman. Minsan nga iniisip ko, masyado talaga akong mahal ng Tatay ko para ipaalam sakin ang lahat ng ito e. Sabi ko na e. Ayaw na ayaw Nyang nahihirapan ako. :D

    Hindi ko man ikekwento ng detalye ang mga bagay na nangyari, alam naman Nya kung gano ako kathankful sa lahat lahat. :) Alam Nya ang lahat. Syempre, alam din ni Mama B at Ate Kaye yon. HAHAHA At nagpapasalamat din ako sa mga taong to na ginamit Nya para icomfort ako sa mga gantong panahon. :)


    Tunay nga na kapag naintindihan mo ang Grace, malalaman ko kung san ka dapat pumwesto, san ka dapat lumugar, ano ang iyong dapat gawin, ano ang iyong dapat paniwalaan at alam mo na sa Cross kalang dapat tumingin. :) Malalaman mo, na kapag nagiging magulo na sayo lahat ng bagay na nakikita mo, matututo kang pumikit, at makakapagfocus kalang sa mga karapatdapat na bagay. :)


    Ang isang overflowing grace, dahil sa umaapaw sya, pati ang mga taong nasa paligid mo, apektado. Mahahawa. :) Kaya masarap mamuhay sa grace. Mawawala kagad ang inis mo at mapapatawad mo ang mga taong nakapanakit sayo. :) Maiintindihan mong di ka dapat dumedepende sa mga kaya mong gawin kundi sa mga kayang gawin ng Tatay mo. :)


    Bonus na nga na nagkaron ako ng madaming kaibigan at natuto ako ng selfcontrol at patience. :) Nakakatuwa dahil may nakapagpabilib sakin at napatunayang kaya nyang magbago. :) Siguro yung tungkol dun, sa ibang blog nalang :)) Wala pa sakin ang mga tamang salita para ikwento yun e. :)) Pero isa lang talaga masasabi ko..


    Grabeng pagmamahal ni Lord. :)

    "Growing in Grace" was Posted On: Thursday, December 23, 2010 @7:00 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.