Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Breakthrough.

    "When the oceans rise and thunders roar,
    I will soar with You
    Above the storm."

     
    Para sakin, isang malaking accomplishment ang lahat. Di ko rin akalain na nangyari ang lahat lahat ng ganun kabilis at ganun kabiglaan. Sabihin nating isang linggo? O di kaya'y isang gabi na nangyari ang pinakamalaking takot mo sa buhay, pero mas pinili mong magtiwala sa Tatay mo sa kabila ng lahat ng kabiguan na pinapakita sayo ng mundo.


    Ang sayang isiping nananalo ka. Ang sarap sa pakiramdam na malaman na handa kang lumaban, na nilalabanan mo, na nagtatagumpay ka at hindi ka sumusuko. Isang malaking pribilehiyo ang nangyari upang mapagtanto mo na ang mga masasakit na bagay na ito ay hindi ka kayang ibaba dahil matututo kang hayaan ang iyong pananampalataya at ang biyaya Nya na gumalaw.


    Mahirap masaktan pero walang sandaling tumatapang kung hindi sya masusugatan ng ilang beses. - Mama B.

    Totoo, masasaktan ka. Iiyak ka, hindi lang isa o dalawang beses. Ngunit sa bawat pag-iyak, naroon ang bawat sagot at realizations sa bawat bagay na gumugulo sayo. Sa bawat pagkalungkot, mararamdaman mo ang comfort na ipaparamdam sayo ni Lord. Kaya sa kabila ng lahat, masarap parin ipagsigawan kung gano mo kamahal si Lord at kung gano kadoble ang pagmamahal Nya sayo. :)


    "Father, You are King over the flood.
    And I will be still
    And know You're my God."

    "Breakthrough." was Posted On: Sunday, January 9, 2011 @10:08 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.