Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Tamang Oras.

    Nakakatawa. Nagulo ang schedule ko ng dahil sa biglaang pagdating ni Mommy. :)) Hindi naman sa sinisisi ko sya..pero....parang ganun na nga! HAHA Joke lang! Love you 'My! :)))


    Pero sa totoo lang, imbis na madami akong oras, umonti tuloy. :| HAHA Naghahanap tuloy ako ng tamang oras para sa dalawang Photography Plate ko - Jewelry Photography and Fashion Photography. Prelims nga pala namin ang Fashion Photography. :> May mga target na dinnaman akong models. Sana lang magreply kagad yung isa para kapag di sya pwede, masabihan ko na yung isa. Pero kung lahat sila mag-inarte, magsself portrait ako. Bakeeet? :)) JOKE. ;P


    Isa ko pang dapat gawin next week e yung prototype ng Bike. Sana lang talaga maging madali yung samin ni Meka para hindi takaw sa oras. Magulo pa naman magplano ng schedule yung babaeng yun. >.< Haha.


    Tapos meron pang photoshoot para sa Philippine Literature. Mukhang sa Sabado nga gagawin yun. Pero sana umaga, at sandali lang. Pero knowing FF..imposible maging halfday yun e. HAHA. Kelangan ko maglaan ng oras para sa pagbili ng Christmas gift nila Mommmyyyyy! :|



    Minsan talaga may mga sitwasyon na dumaan sa buhay para maayos ang ibang aspeto ng buhay mo e. Dun mo mapapagtanto na minsan, may mga bagay kang dapat isantabi muna para makapagfocus sa dapat mong gawin at ng matapos ito agad. Pero di naman ibig sabihin nun, iiwan mo na yung bagay na isasantabi mo. Ibig sabihin lang nun, tatapusin mo ang mga bagay na mabilis mawala, para mabigyan ng tama at mahalagang oras ang mga bagay na alam mong tatagal. :)

    "Tamang Oras." was Posted On: Wednesday, January 5, 2011 @9:49 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.