Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Ikalawang Ray Gun: The Threat



    Alam mo minsan, hindi masamang magtanong. Hindi masamang alamin ang totoo. Sabi nga ng kaibigan ko, sabi daw ng maestra nya, ang pagtatanong ang pinakalohikal na dapat gawin ng isang tao. Sya nga naman, pano ka magkakaron ng isang katayuan kung hindi mo itatanong kung ano ang ipinaglalaban?


    May dalawang uri ng tao ika nga. Isang mahilig lumaban. Isang mahilig magparaya. Minsan naisip ko, alin ba ang mas magandang posisyon sa dalawang ito? Siguro nga depende sa sitwasyon. At depende sa pagkakataon. Naisip ko nga din, napakatapang talaga ng mga taong mahilig lumaban. Yung kahit mali sila, at kahit na alam nilang posible silang masaktan. Sa tapang na ipuntong ito ang gusto mo. Na masakit ipaglaban ang bagay na hindi mo naman alam ang katotohanan sa kabuuan. Na ang tanging pinanghahawakan mo lang ay isang salita. Ngunit ayan ang isa sa kagandahan ng pagtatanong. . .Wala naman masama kung itatanong mo kung ano ang katayuan mo sa isang komplikadong sitwasyon, hindi ba? At pag nalaman mo ang sagot, edi yun ang panghawakan mo.


    Ngunit kahanga hanga din ang tapang ng mga taong mahilig magparaya. Yung tapang na ipaubaya ang mga bagay na sa totoo lang ayaw nila mawala. Na maging matapang sa pagtitiwala na kung ang bagay na ito ay para sayo talaga, hindi ito mawawala. Na marunong manalig. Na handang makita kung ang bagay na nakataya ay mawawala ba, o ang kusang lalaban. Dahil minsan, mabuti din daw palang malaman ang side ng kabila. Na maganda din malaman mula dito kung bukal sa loob nya ang lahat at hindi lamang napipilitan at nauuwi sa "No choice kasi e."


    Siguro pinakamaganda nito, maging balanse at dapat sa panahon kung lalaban at magpaparaya. Pero sabi nga nila, kanya kanyang laro yan. Kanya kayang estratehiya.






    Ngayon ko nalaman na hindi pala lahat ng duwag ay dahil sa takot masaktan, ano mang uri yan. Na minsan, kaya ka rin pala naduduwag dahil sa takot na posible, malaking posible, na ang bagay na papasukin mo ay alam mong totoo at pangmatagalan. Na hindi mo alam kung ano dapat mo gawin. Na hindi mo alam kung ano dapat isipin.

    "Ikalawang Ray Gun: The Threat" was Posted On: Saturday, May 26, 2012 @9:07 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.