Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Palanca for Myself

    Hindi ko plinanong magemote ang magbasa nga mga Palanca na ginawa ko noong bago magretreat. Nagaayos at naglilinis lang naman ako ng folders ko sa laptop. :)) Ngunit naging blessing in disguise pa ang procrastination move ko na ito. Dahil habang nagbabasa ako, isang verse ang nakapagpalinaw ng aking kaisipan. :)




    To be honest, medyo kinakabahan nako at napepressure dahil wala padin akong final design hanggang ngayon. Ibig sabihin non, wala pakong prototype. At hindi padin gawa ang thesis book ko. Sa lahat ng aspeto ng buhay ko, sa thesis lang ako nangangamba. Siguro alam ko kasing nagiging maluwag ako masyado dito. 

    Alam kong gusto ko itong gawin. Gusto ko itong tapusin. Tiwala din naman akong papasa ako. Alam ko kasing di ako papabayaan ng Tatay ko. Ganado din naman akong gawin ito. Ngunit sa twing haharapin ko na, bigla mawawala ang focus ko. Sobrang dali kong madistract. At hindi ko maintindihan kung bakit kahit anong pilit ko sa sarili kong bumalik sa paggawa at pagfocus sa thesis, hindi ko magawa.


    Ayun, sa kabutihan Nya, ako'y muling naempower upang ipagpatuloy ang thesis na ito na aking sinimulan. Bigla akong nabuhayan dahil alam kong kasama ko Syang gagawin ito. Oo, hanggang thesis kasama ko Sya. Hanggang sa pinakamaliit at walang kakwenta kwenta pa ng buhay ko, alam kong sasamahan Nya ko. 

    Kaya ito, para sa pagpapasalamat ko sa habang buhay na sustaining love and grace na ibinibigay Nya sa buhay ko, tatapusin at ipapasa ko ang thesis na to! :)

    Labels: ,

    "Palanca for Myself" was Posted On: Saturday, December 29, 2012 @4:40 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.