Isang Araw
Ako'y maaga pumasok sa school dahil..wala lang. :)) Gusto ko lang maaga e. Kaya naman sabi ko kay Claire e punta nalang ako sakanila. Tinawagan ko din si Abi at tinanong kung asan sya. Sabi nya papunta daw sya ng temple. At dahil nakarinig ako ng "temple", nagpantig ang tenga ko. Syempre, gustong gustong gusto ko pumunta sa temple e. Makapasok ba sa loob neto. :P
So to make the long story short.. nakarating kami sa Seng Guan Temple! Eto yung temple na malapit o halos nasa likod lang ng Chiang Kai Shek College.
*Ang Seng Guan Temple. Bow.
Pagpasok namin sa loob, amoy ko na agad yung insenso. Medyo may kadamihan ang tao. Tapos medyo maingay dahil sa dalawang aleng intsik na nagdadasal at bigbiglang magtatapon ng dalawang piraso ng kahoy (?) na pareho ang shape. Sabi ni Abi, para daw yun Yin-Yang. Para daw mabalanse ang buhay mo.
Ang iba naman sakanila ay nagpapaingay ng mga itsurang insenso din na nasa maliit na vase sa tabi ng lamesang nakikita nyong may mga bulaklak at mga plastik ng pagkain.
Pasensya na, hindi ko masyado natanong kung ano ba tawag don dahil takot akong magsalita. Sa isang intsik na lamay kasi na pinuntahan ko kasama si Claire, bawal daw tumawa sa loob, sa may tapat ng kabaong. Kaya pakiramdam ko, bawal maging malikot at maligalig sa bawat lugar na pinaliligiran ng mga intsik. :)))
Sa isa pang malaking kwarto sa kanan neto ay isang hall na pinagdadausan din ng misa. At ang isa namang kwarto sa tapat non ay para sa kainan ng mga monghe.
Sa larawan sa itaas ay matatagpuan sa isang malaking kwarto sa kaliwa. Ang mga itsurang ginto na nakikita mo ay mga papel na may pangalan ng mga patay. Ito'y padasal para sakanila. May mga pagkain, litrato at kung anu ano pang gamit ang makikita mo sa loob.
Sa likod nito mo makikita ang nasa larawan. Isa itong malaking kugon kung saan sinusunog ang mga isa pang uri ng papel na kulay ginto na nagsisimbolo ng pera daw sa langit. Isa kasi ito sa mga paniniwala ng mga intsik. Sunugin ang pera para may pera sa langit ang namatay na taong pinagdadasal mo.
Eto ang isa sa major surprise ni Abi. :)) Sa totoo lang, nagandahan ako sa parte na ito ng temple. Yung mga buddah na iyan ay seryosong malalaki. Mga buddah na mailalarawan mo na sikat na buddah sa Thailand. Promise, yun una ko naisip. :))) Lahat ay kulay ginto.
Mga kwarto upang ikaw ay magdasal at magbow sa mga buddah para respeto. Bawat kwarto ay may buddah. Palagay ko, magkakaiba ang mga sinisimbolo ng mga buddah na ito. At pupuntahan mo sila depende sa panalangin mo.
Quick photo ng mga bisitang nagbabow at may hawak na insenso sa harap ng buddah.
At eto? Dalawang iphone case na nabili ko pagkalabas sa temple. HAHAHA.
Ngunit di pa nagtatapos dito ang paglalakbay namin sa araw na yun.
Mas naging masaya ang araw ko ng.....mapadpad kami sa Ongpin.
Well, syempre, nasa Ongpin ka na, edi kumain ka na! :)) Motto na ata namin yan e, jusko. -_- Kaya natagpuan nalang namin ang aming mga sarili sa tapat ng Golden Fortune kung san kami binaba ng driver nila Abi.
Chinese foods? Nako! May cravings list ako dyan! ;)
Una naming inorder ang Century Egg Roll. Na Hakaw sana. Ngunit sawa na daw si Abi don kaya bago naman. Pangalawa ay ang..
*NIDO SOUP~~! :3*
At eto ang matagal tagal ko ng hinahanap. Masarap kasi e, pasinsha. :)) At Ongpin na to e, syempre target na yan! :))
*Yang Chow*
Eto pa ang isa sa mga target. Yang Chow! Sobrang di mawawala sa listahan yan. Ang Yang Chow na siguradong may lasa, haha!
*Oyster cake!*
Omaygaaaaa~shhhh! Must try na to kung tutuusin! Para sa mga mahilig sa torta. Eto ang tortang may kakaibang lasa. ;)
*Scallops*
Di ko alam kung ano talaga ang pangalan neto base sa menu pero alam kong scallops sya. :)) Masarap din. Malapit ang lasa sa tahong. :)
*Schezuan Spicy Beef*
Pero feel ko mali yung name neto. Haha! Basta tanda ko eto yung sobrang anghang na beef e! :)) Pero masarap. *thums up*
At ang dessert na di namin inaasahan! :)) Eto ay actually, surprise. Feeling namin it's on the house. Di pa kasi kami agad agad tumayo pagkakain. Dahil inaantok na kami (siesta time na) at mainit sa labas. Haha at yan, bigla syang dumating. At masarap din. Kaya overall, masayang kain naman sa Golden Fortune. :)
Note: May 50% discount sa dumplings and rolls pag patak ng 2pm. At pahirapan pa ang pag-alis namin sa restaurant na ito dahil natapos kaming kumain ng alas dos na ng hapon. :)))))

















Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.