Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Ang tanong na bibigyang linaw.

    Likas na sa tao ang humarap araw araw sa mga tanong. Abnormal ka kung walang nagtanong sa'yo sa loob ng isang araw. Kung ang sanggol nga tinatanong kung inaantok na ba sya o gutom na kahit alam ng nanay na hindi sya sasagot e.

    Marahil kanina, sinumalan mo na hanapin ang tanong na tinutukoy sa titulo ng blog na ito. Kung hindi mo ginawa yun, good for you. Ibig sabihin lang nun, marunong ka maghintay. May patience ka. Wagi ka at palakpakan para sa'yo. Pero kung kagaya kong naging sabik ka sa tanong, nako, kailangan mo pang matuto ng lubos. Maaring naisip mo bigla na basahin na lang ang simula nito habang hinihintay mo kung anu yung tanong tulad ng ginawa ko lamang kanina. (Speaking of kanina, maaga ako nagising kanina. YEY! :DD)

    Kung kanina ka pa naghahanap ng tanong dito at kaya ka lang nagbasa mula sa umpisa upang isa isahin ang mga pangungusap na nakalagay, nako, mas mabuting simulan mo ulit sa umpisa at intindihin ang bawat nilagay ko dito. Pero kung neber mong hinanap ang tanong na tinutukoy ko, aba malamang hindi mo binasa ang titulo nito! :))

    Pare-pareho tayong mga tao na may mga tanong na iniisip araw-araw. Nagkakaiba lang kadalasan sa paghihintay natin sa mga sagot dito.

    Isa akong impatient na tao noon na hindi makapaghintay sa kung ano man ang plano ni Lord sa akin. Pero alam mo ba na mas pinapaboran Nya ang mga taong nagtitiwala sa Kanya ng mabuti at masipag na naghihintay sa mga bagay na irereveal Nya? :) Kung naisip mo na yan, malamang, naging impatient ka na din. Kung hindi naman, pinagpala ka dahil naituro na sa'yo ito at kagad mong naintindihan. At kung hindi mo pa naiisip yan, ito na ang panahon para isipin mo ito.

    Ang mga bagay na gusto natin ay kadalasang hindi nabibigay satin. Kahit pa ipanalangin mo. Bakit? Dahil hindi lang "Oo" ang sagot ni Lord na sa panalangin ng mga anak Nya. Alam mo ba kung ano pa? Tama. "Hindi pwede." at "Maghintay." Paunawa, hindi lang dalawa ang sagot Nya. May pangatlo pa. Ang "Maghintay."

    ANG MAGHINTAY. Eto ang kadalasang nalilimutan natin na isasagot Nya kapag nanghihingi tayo. Ang masaklap pa don, nalilimutan din natin kasabay sa ikatlong sagot na'to ang pagpapaliwanag Nya dito na "May better plan Ako para sa'yo." KAYA DAPAT NA MAGHINTAY KA. Huwag mong isnabin ang pangatlong sagot na ito. Dahil ito ang pinakamagandang sagot Nyang maibibigay sa'yo. :)

    Kung sa buhay mo may tanong kang hindi pa nasasagot gaya ko, magdiwang ka, malay mo ang sagot Nya ay yung ikatlo. :D Kung ang sagot Nya dyan ay "Hindi pwede." Dapat ka pa ding magdiwang dahil alam Nyang hindi ikagaganda at ikasasagana ng buhay mo kung "Oo" ang isasagot Nya rito. 

    Ang Tatay nating ito, hindi tayo hahayaang mapanganib. Wala Syang ibang hangad kundi ang best para sa'yo. Kung ang tatay mo dito sa lupa, hindi kayang ibigay ang lahat sa'yo, well, huwag mong igaya ito sa Tatay mo sa langit. :) Dahil ayon sa Kanya, kasaganahan at hindi panganib ang plano Nya para sa'yo. Planong pag-asa at magandang kinabukasan. (Jeremiah 29:11) Daig pa sa mga kinabukasang inaalok ng mga eskwelahan. :) (Pero kailangan mo pa din mag-aral ha. Faith without action is nothing haha)

    Ang tanong mo na bibigyang linaw? Malalaman mo din sa tamang panahon. At masasagot din in God's time. ;)

    "Ang tanong na bibigyang linaw." was Posted On: Friday, May 29, 2009 @1:38 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.