Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Patay na si Tita Cory.

    OO. Alam ko, alam mo. Gaya ng late kong title ang super late na nangyayari ngayon sa aking Blogger. Pwede bang humingi ng palakpak sa pagpopost ko nito ngayon? :))))

    Sa tagal ng panahon kong natigil sa pagbablog, kay dami dami ng nangyari at nagbago na alam ko, at nararamdaman ko (WEH?! haha), na dapat kong ilagay dito.

    Hindi ito magiging mahabang post, wag ka mag-alala. Kasi naman no, may prelim pa kami sa Filipino1 mamaya at naisipan lang naming tumambay dito sa malaki-pero-hindi-nakakaligaw na library ng uste. TUMPAK! USTE NA AKO! :DD

    Isa yan sa aking sunod na ikekwento. Ito ang dapat sisihin kung bakit going weak kami ngayon ng aking Blogger. G R A B E! Dami kayang pakulo ng UST na nagiging dahilan ng aking pagka-busy! >_< Pero ayos lang, isa ng ganap na kolehiyala kaya naman ang mga bagay na ito ay itinuturing na normal gaya ng sabi ng mga taong nagbibigay alarma sa akin. (Naging Tomasino lang, naging makata na. HAHA) Kung ikaw ay concern sa akin, wag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay ako ng aking mga kaibigan-slash-kablock. Hindi naman nila ako pinapabayaan. :)) At sa dorm, oo sa dorm, masaya na ako sa pamumuhay ko roon dahil naisip ko, kailangang matuto mag-isa dahil ako ay big girl na. KAMON! San ka pa? :))

    Gusto kong imbitahin ang lahat na magbasa rin at suportahan ang dalawang finofollow kong Blogger ngayon -- ang Blogger ni Bheb at Blogger ni Luwan. :) Subukan nyo! Masaya naman. :)


    **Sana maayos na ang laptop ko para makapagupdate nako dito lagi. :

    "Patay na si Tita Cory." was Posted On: Tuesday, August 11, 2009 @10:14 AM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.