Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Kwentong Bus.

    January 22 at 29. NSTP namen. Nagpunta kami ng Nueva Ecija. At pagkauwi, deretcho ako ng Cavite.


    January 22, 2011. Saturday.

    Sobrang pagod ako. Dun ko naramdaman yung pagod na hirap ka na maglakad dahil nanlalata ka na. Pagdating ko sa Lawton, wala ng bus deretcho ng Cavite kaya naghintay ako ng isa pang bus papunta sa South.

    Sa haba ng paghihintay ko, may isang bus na dumating. Pwede ko syang sakyan, kaso ordinary bus sya. Naghintay pa ako ng kaunti, pero wala na talagang ibang dumadating kaya sumakay nako sa bus nayon para makauwi. Sabi ko sa sarili ko, pwede naman ako maglakad hanggang LRT Station at magtren para makasakay ng mas magandang bus. Kaso pagod na pagod nako. Nanlalata na ang katawan ko at di pakiramdam ko, di ko na kakayanin. Kaya naman dun nalang ako nagsettle sa ordinary bus. Dahil sya yung andyan na. Sya yung madali lang sakyan. Sya yung hindi na kelangan pang pagexert-an ng effort para makauwi.

    Naenjoy ko ang bus ride. Di ako nakatulog kasi kailangan kong maging alert pagdating sa mga dala kong gamit. Tsaka isa pa, sobrang lakas ng hangin. Masaya naman. Kaso ang hirap din huminga kasi ang lakas ng pwersa ng hangin na sumasalubong samin. At pagkauwi ko, sobrang dumi ng mukha ko. Kailangang maglinis ng mabuti pagkatapos. At pagkauwi ko, sobrang naramdaman ko din ang pagod. Sobrang sinakitan din pala ako ng katawan sa bus na iyon.



    January 29, 2011. Saturday.

    Pagod ako pero hindi sobra. Pinilit kong umuwi kahit na gusto ko sanang sa dorm nalang matulog. Pagdating ko sa sakayan, may isang ordinary bus ulitna pwedeng sakyan ang nakatambay. Pero sabi ko, may lakas nako ulit maghintay para sa magandang bus, maghihintay ako. Naisipan kong magLRT nalang, pero sabi ko, may dadating na bus. Hihintayin ko yun.

    Dumating ang sangkatutak na airconditioned bus, pero di sila papunta sa lugar na pupuntahan ko. Kaya patuloy padin akong naghintay. May huminto ulit na ordinary bus sa harap ko. Kaso bigla kong napagtanto.

    Oo nga pala. Beloved ako. Hindi ako deserved sumakay ng ordinary bus. Hindi purkit pagod ako, sa ordinary bus na lang ako magsesettle. may magadang air conditioned bus ang naghihintay saken...kahit na mukhang ako ang nag-aantay.

    Kahit na nagdadalawang isip ako na proof ang huli kong sinabi, nag-antay padin ako. Hanggang naisip ko, maglakad sa may bandang unahan. Naisip ko, baka sa kabilang daan dumaan yung bus. O di kaya'y yung dalawang bus na nasa unahan, isa don ang bus na dapat kong sakyan. Pagdating ko sa unang bus, iba ang kanyang patutunguhan. Di ako nalungkot o ano dahil alam ko, may sapat na bus ang para sa akin.

    Hanggang sa bumaba ang konduktor ng isa pang bus na nakahinto doon, air conditioned, at isinigaw ang lugar ng destinasyon ko. :) Laking ngiti, umakyat ako sa bus habang bumublong sa sarili ng.. Andyan ka lang pala. Hinihintay nga ako.. :)


    Minsan di ko magawang mapansin na may isang bus pala talagang naghihintay din sakin. Na sa pagiging busy ko hintayin sya, di ko magawang makita ang effort nyang paghihintay sa akin. Naisip ko, bakit kaya nasa unahan sya at hindi sa mismong harapan ko nag-antay? Pero sumagot sya. Sabi ba naman, "Di din kasi kita napansin na naghihintay ka. Akala ko ibang bus inaantay mo. At nung tuluyan nakong paalis, bigla ko naisipang huminto. Bigla ko naisipang may dapat pakong hintayin. Dahil ang daan na patutunguhan ko, ay sya ding daan ng patutunguhan nya. Kelangan ako ng taong yon. Kelangan nya kong makitang naghihintay dito para malaman nyang hindi sya dapat nagsesettle na lamang sa ordinary bus." Akalain mong ang haba ng sinabi nung bus? :))







    Sa bus na yon, di ko din magawang makatulog. Di dahil di ako komportable. Sadyang nagumapaw lang ang saya ko sa kaligayahan na andyan pala talaga sya all through out..at hinihintay ako. :)

    "Kwentong Bus." was Posted On: Sunday, January 30, 2011 @10:57 PM | 0 lovely comments
    DOSE.

    Sinuyo mo ang iba dahil nasaktan ka nila.
    Ngayong kung kelan ka minahal,
    saka mo yan pinag-isipan ng dalawa.





    How weird is that? :))






    Sad how you give too much of yourself to others, my dear..

    "DOSE." was Posted On: Friday, January 28, 2011 @11:09 AM | 0 lovely comments
    Now Playing. :)

    "Now Playing. :)" was Posted On: Tuesday, January 25, 2011 @2:21 PM | 0 lovely comments
    Unwritten Again.

    "Unwritten Again." was Posted @2:12 PM | 0 lovely comments
    LSS Ako A.

    "LSS Ako A." was Posted @1:57 PM | 0 lovely comments
    Random Thought.

    How can a person be "more than a man" if he doesn't know how to be a man in the first place?

    "Random Thought." was Posted @1:55 PM | 0 lovely comments
    Ang Tatay ko ay Hari.

    Daughter: Dad, how can I be sure if a guy really likes me or not?


    Daddy: If a guy really likes you, he would do whatever it takes to be yours. You see, there are two kinds of "being interested". One is, when a guy likes you but has his heart open to other girls. This is the kind that isn't so serious about being serious. The other kind of "being interested" is the kind that I want a guy to be interested in you. This is the kind whose eyes are set on you, and only you. No other girls. The one that sends you those long text messages on how much he means to you, gives you goodmorning and goodnight calls telling you to have a good day and to have sweet dreams. If a guy really wants to you to be his, he wouldn't be ashamed to introduce you his friends and even better, his family. I would want you to have a guy that when he looks into my daughter's eyes, he feels like he doesn't belong anywhere else but your heart.

    Noong bata ako, inggit na inggit ako sa mga katulad kong bata na may mga tatay. Ngunit ngayong malaki na ko, masaya palang malaman na mas matindi ang Tatay ko kesa nung sakanila. Beloved ako ng Tatay ko. :)

    "Ang Tatay ko ay Hari." was Posted @12:58 PM | 0 lovely comments
    DVD, Director's Cut

    Ang bawat bagay ay nabibigyan ng komento. At ang mga komento ay nahahati lamang sa dalawa. Isang positibo, isang negatibo. Pero paano kung ang bagay ay bigla nalang binigyan ng parehong negatibo? Ano ang dating sayo? Pangit ba talaga ang bagay na ito? O pangit lang talaga ang ugali ng mga tao?



    Disc A.

    Ang punto kung san gusto mo na sumuko. Ang panahon na bigla mong mapapagtantong "Tama na. Sukdulan na." Mapapagtanto mong lahat na ibinigay at ginawa mo pero sadyang wala ka ng natitira, at wala ka ding natatanggap. Ang momento kung san masasabi mo sa sarili mong, "Ayoko na."

    Madaling mahusgahan ang mga taong nasa gantong punto lalo na kapag hindi nila talaga alam ang tunay na istorya. Hindi kasi nila alam kung gano kahirap magbigay, magparaya, at magboluntaryo na akuin ang salitang "Move on." Maraming magsasabi na hindi naman sinabihan ang tao na gawin ang bagay na ito. Maraming negatibong komento. Ngunit ang hindi nila makita, sadyang mahal sila ng tao kaya nya napagtantong "Tama na."


    Totoong mahirap magparaya. Pero ano pa nga ba ang magagawa mo kung mararamdaman mo din sa sarili mong napapagod ka na. Lalo na kapag di mo na din talaga makita ang tunay mong halaga. Minsan mapapaisip mo na totoo pa nga ba ang lahat. Puro pag-aalinlangan, takot at mga tanong sa kaisipan ang patuloy na magpapatakbo ng araw mo. At sa gulo ng sitwasyon, sa dahilang di mo na din magawang makita ang tamang daan, maiisipan mong lumayo. Sumuko. At magpalaya ng lahat, kasama ng iyong nararamdaman.

    Oo masakit. Pero maiisip mo na para sa mga taong mahal mo, ikaw nalang ang gagawa ng bagay na di nila kayang gawin. Para sa ikatatahimik ng lahat. Para sa ikakatigil ng lahat.

    Pero may isang matinding nagpapahinto ng desisyon mong ito. Dito papasok ang...




    Disc B.

    Ang punto na may biglang hihila sayo at magsasabing "Wag muna." Masarap isipin na may taong mageeffort na magpahinto sayo, tignan ka, sabihing "Ayokong mawala ka." sa pamamagitan ng mata. Ngunit masakit ding maramdaman na sa dami ng mga nagdaan, hindi mo alam kung dapat ka pa bang maniwala.

    Sa disc na ito mo mararamdaman ang pagkalito.

    Aalis ka pa ba dahil sobrang desidido ka na? O muli, sa isa pang pagkakataon na malamang huling huli na dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mananatili ka para dun sa tao?

    Hanggang sa magmimistulang computer ang sistema ng katauhan mo at magshashutdown ito, magiging manhid ka at patuloy na malilito kung ano ang iyong susundin. Ang paghahanap at pagkita ng kahalagahan ng pagkatao mo? O ang pagtulong at patuloy na pagmamahal sa mga taong iiwan mo? 

    Dito mo mararamdaman na hayaan nalang sila. Dahil pagod ka na. Masasabi mo sa sarili mo na "Bakit ko kelangan mapagod?" Hanggang sa malilimutan mo pansamantala ang lahat ng bagay na nararamdaman mo. Uunahin mo munang bigyan ng halaga ang bagay na nasa harap mo. Hayaan ang mga taong ipakita sayo ang bagay na gusto mong makita kaya ka lalayo. At ang hayaan ang Diyos na patuloy na gumalaw sa buhay mo, ng wala kang ibang gagawin kundi patuloy na magtiwala sa Kanya.


    Tunay na magulo ang mga disc ng DVD na ito. Pero alam mo kung bakit mas mabuting discs sila kesa isang cassette tape? Kasi sa cassette tape, nasa iisang ribbon iyon. Ibabaliktad mo lang at irerewind. Pero sa dvd, nakahiwalay. Kapag ayaw mo ng isang disc, importante man sya sa kwento, maari mong itapon o sirain...ng hindi naaapektuhan ang isa pang disc.


    Ngayon, pano mo pipiliin kung aling disc ang panonoorin mo? Simple lang.. Pumili ka with grace. :)

    "DVD, Director's Cut" was Posted @12:31 PM | 0 lovely comments
    Salamat Readers. :)

    Nakakatuwa. Kasi may mga nakakaappreciate pala ng posts ko dito. :)) Seryoso, di ko ganun na iniisip na meron haha! Anyway, maraming salamat. :)


    Inactive na ang script sa codes kaya pwede mo na sya macopy at makeep, Ate Sarah. :) Alam ko naman kasing nagbibigay ka ng credits kapag nagagamit mo sila e. At dahil mahal kita, pati sa Pauline Zantua *hi!*, maaari mo na ito ulit macopy at makeep. :)

    "Salamat Readers. :)" was Posted On: Thursday, January 20, 2011 @1:32 PM | 0 lovely comments
    Eto pala ang Ideal Age.


    SIYETE.




    OTSO.





    NUEBE.





    DYIS.





    ONSE.

    Minsan mapapagtanto mo ding mahirap talaga. Darating talaga sa puntong mapapagod ka. Isa lang naman ang kelangan mo e. Pero ayun pa ang hindi mo pwede makuha. Kaya minsan maiisip mo nalang bigla, may buhay ka din pala. Maarte kang tao. At mapapagtanto mo na kelangan mo din palang makita na mahalaga ka talaga.

    "Eto pala ang Ideal Age." was Posted On: Sunday, January 16, 2011 @9:59 PM | 0 lovely comments
    Current Facebook Status

    I've had the time of my life. And I've never felt like this before. And I swear, this is true. And I owe it all to You. :) Blessings don't stop when birthdays end. The best things are yet to come. I'm claiming for more! :)


    Dahil totoo. Ang mukha aybumaliktad na. Salamat sa lahat ng tao na involved sa birthday ko. Lalo na Sayo. Dahil ikaw ang nagbigay ng lahat. Maraming maraming salamat. :)



    Hello Ideal Age! Let's make this year a great rock! :)

    "Current Facebook Status" was Posted On: Saturday, January 15, 2011 @11:03 AM | 0 lovely comments
    Goal For Today.

    Baliktarin ang mukhang to... ----->   :(








    ): <----- O ayan, baliktad na.

    "Goal For Today." was Posted On: Friday, January 14, 2011 @10:38 AM | 0 lovely comments
    Hi Doubts and Fears.

    It's time to face you.


    And say 'Goodbye'.

    :)

    "Hi Doubts and Fears." was Posted On: Thursday, January 13, 2011 @6:41 PM | 0 lovely comments
    Facetime.

    Hindi sa iPhone. Kundi sa personal..


    Kaya yan. :)

    "Facetime." was Posted On: Wednesday, January 12, 2011 @8:36 PM | 0 lovely comments
    Breakthrough.

    "When the oceans rise and thunders roar,
    I will soar with You
    Above the storm."

     
    Para sakin, isang malaking accomplishment ang lahat. Di ko rin akalain na nangyari ang lahat lahat ng ganun kabilis at ganun kabiglaan. Sabihin nating isang linggo? O di kaya'y isang gabi na nangyari ang pinakamalaking takot mo sa buhay, pero mas pinili mong magtiwala sa Tatay mo sa kabila ng lahat ng kabiguan na pinapakita sayo ng mundo.


    Ang sayang isiping nananalo ka. Ang sarap sa pakiramdam na malaman na handa kang lumaban, na nilalabanan mo, na nagtatagumpay ka at hindi ka sumusuko. Isang malaking pribilehiyo ang nangyari upang mapagtanto mo na ang mga masasakit na bagay na ito ay hindi ka kayang ibaba dahil matututo kang hayaan ang iyong pananampalataya at ang biyaya Nya na gumalaw.


    Mahirap masaktan pero walang sandaling tumatapang kung hindi sya masusugatan ng ilang beses. - Mama B.

    Totoo, masasaktan ka. Iiyak ka, hindi lang isa o dalawang beses. Ngunit sa bawat pag-iyak, naroon ang bawat sagot at realizations sa bawat bagay na gumugulo sayo. Sa bawat pagkalungkot, mararamdaman mo ang comfort na ipaparamdam sayo ni Lord. Kaya sa kabila ng lahat, masarap parin ipagsigawan kung gano mo kamahal si Lord at kung gano kadoble ang pagmamahal Nya sayo. :)


    "Father, You are King over the flood.
    And I will be still
    And know You're my God."

    "Breakthrough." was Posted On: Sunday, January 9, 2011 @10:08 PM | 0 lovely comments
    SAIS.


    Hindi solusyon ang pagkuha ng para sa iba

    upang palitan ang sayo'y kinuha.


    Pakitandaan.

    Labels:

    "SAIS." was Posted @3:54 PM | 0 lovely comments
    SINGKO.

    Minsan naisip ko, hindi kaya kaya paulit ulit ang pinakaugat ng mga problema mo at nangyari sayo ay para malaman mo ang pakiramdam ng bida sa pag-ulit ng mga ito kung san ikaw naman ang kontrabida?





    *Salamat sa pagshare ng kantang to sakin, Janna. :)

    Labels:

    "SINGKO." was Posted On: Friday, January 7, 2011 @8:42 PM | 0 lovely comments
    KWATRO.



    Ganun naman lagi e. Ganto naman lagi. Minsan tuloy, nakakasanay nalang.. :)




    *Mula sa blog ni Bruha.

    Labels:

    "KWATRO." was Posted @12:17 AM | 0 lovely comments
    Tamang Oras.

    Nakakatawa. Nagulo ang schedule ko ng dahil sa biglaang pagdating ni Mommy. :)) Hindi naman sa sinisisi ko sya..pero....parang ganun na nga! HAHA Joke lang! Love you 'My! :)))


    Pero sa totoo lang, imbis na madami akong oras, umonti tuloy. :| HAHA Naghahanap tuloy ako ng tamang oras para sa dalawang Photography Plate ko - Jewelry Photography and Fashion Photography. Prelims nga pala namin ang Fashion Photography. :> May mga target na dinnaman akong models. Sana lang magreply kagad yung isa para kapag di sya pwede, masabihan ko na yung isa. Pero kung lahat sila mag-inarte, magsself portrait ako. Bakeeet? :)) JOKE. ;P


    Isa ko pang dapat gawin next week e yung prototype ng Bike. Sana lang talaga maging madali yung samin ni Meka para hindi takaw sa oras. Magulo pa naman magplano ng schedule yung babaeng yun. >.< Haha.


    Tapos meron pang photoshoot para sa Philippine Literature. Mukhang sa Sabado nga gagawin yun. Pero sana umaga, at sandali lang. Pero knowing FF..imposible maging halfday yun e. HAHA. Kelangan ko maglaan ng oras para sa pagbili ng Christmas gift nila Mommmyyyyy! :|



    Minsan talaga may mga sitwasyon na dumaan sa buhay para maayos ang ibang aspeto ng buhay mo e. Dun mo mapapagtanto na minsan, may mga bagay kang dapat isantabi muna para makapagfocus sa dapat mong gawin at ng matapos ito agad. Pero di naman ibig sabihin nun, iiwan mo na yung bagay na isasantabi mo. Ibig sabihin lang nun, tatapusin mo ang mga bagay na mabilis mawala, para mabigyan ng tama at mahalagang oras ang mga bagay na alam mong tatagal. :)

    "Tamang Oras." was Posted On: Wednesday, January 5, 2011 @9:49 PM | 0 lovely comments
    TRES.




    What you see is what you get.

    Labels:

    "TRES." was Posted On: Tuesday, January 4, 2011 @10:33 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.