Isang Linggong Pag-ibig: Lunes
Ako ay nagmamahal muli. :) Totoo. Lahat ng iyon ay napunto ko pagtapos ng isang linggo. Mahal ko na nga talaga. Seryoso. :)Nagsimula ang lahat noong gabi ng Linggo. Katext ko sila, ang Block ko - 1IND-1. Pinag-uusapan namin ang buong proseso ng gagawin naming kanya kanyang plate. Hindi ito basta plate. Ito ay final plate sa VP. Visual Perception. Nagtatanungan tungkol sa kung ano na nagagawa ng bawat isa, measurements, pati kung sang parte ng illustration board ba talaga patatayuin ang bawat paper board.
Lahat kami, kapos sa tulog. May mga bata pa ngang hindi natulog e. Lahat, pinagpuyatan ang final plate. Inaasahan ko na yon. TAMAD KASI KAMI. HAHA. Bukod don, ang isang plate na gaya nito ay hindi mo magagawa ng isang upuan. Lahat ng VP plates ay ginagawa dapat araw-araw mula sa binigay ito ng prof. Installment kumbaga.
Habang ang blockmates ko ay naglalamay kasama ang kape, ako namang napagkaitan ng airpot dahil sira ito ay sa Coke na lang binuhos ang lahat. Impernes, tumatalab ang sweets! :)) Kasabay nito ang pagkain ko ng Puto Bumbong kung san e ramdam na ramdam ko bigla ang nalalapit na pasko. Pakiramdam ko'y dadating si Santa at bibigyan ako ng machine na makakatulong sakin para mapabilis ang pagputol ng form ko sa bristol boards gamit ang cutter o di kaya'y isang bagay na makakapagpahinto sa oras. Sana lang talaga totoo si Doraemon. XP
Sa bawat text na dumadating sa akin mula sa blockmates ko, mararamdaman mo na ang pagkabangag ng bawat isa. Pati ang kanikanilang ugali, ang pagkatamad, pagkaantok, pagkawalang pag-asa, ang pagkashort-tempered, pagkaoptimistic at kung anu ano pa. :D (Salamat talaga sa words of wisdom mo, Ruther. Chesnut brown! Haha)
Pagdating ng 5:45am, bigla akong sinapian ng espiritu ng pagkaantok. Sinakitan na talaga ako ng ulo at lumalabo na mga mata ko. Bigla ko naalalang mabilis nga pala bumaba ang dugo ko. Kaya naman, napagpasyahan kong matulog ng 30 minutes kahit na marami pakong gugupitin at pipinturahan. Mas importante ang kalusugan, aba! :P
Paggising ko, wala pa rin ni isa sa amin ang may balak pumasok. Halos lahat kami e balak na 9am na lang pumasok o tanghali na talaga. Kaya naman, tinuloy ko ng gupitin at pinturahan ang ginagawa ko at napagpasyahang idikit na lang ito at patayuin sa uste. :))
Sa lahat ng effort na ginawa ko, worth it naman! :) Dahil nakakuha pa ako ng 87 na grade kahit na maliliit ito at hindi kita ang detalye. Hihi. Naasar pa ng mga kaklase dahil mas muka pa daw KINDER ang K ko kesa KID. :)))) Salamat naman a? HAHA
Bumaba na ako, si Ruther at Marix (Big Bro) sa pav dahil andun pala yung iba naming kaklase kasama sila Emman (Insan). At grabe, kung makikita mo ang bawat itsura ng kanilang mga mukha, magkakahalong pagod, antok, gutom, pressure at kung anu ano pang negatibong emosyon ang makikita mo. Naawa naman ako. Hihi. Nagyaya kami na kumain ng brunch dahil alas dose na yun at ni isa sa amin e hindi pa kumakain ng almusal dahil nga hinahabol ang oras. (Hanggang 12pm lang kasi ang oras namin sa VP.) Lahat sila, tumanggi. Kahit na si Insan na hindi ako makapaniwalang tinanggihan ang pagkain. HAHA. Kelangan daw kasi nilang tapusin yon. Kaya naman, kaming tatlo na lang ulit nila Ruther ang kumain.
Pagtapos non, mas pangit na expression ng mukha ang nakita namin sakanila. Yun pala, may nagsabing bawal na daw magpasa ng VP Plate dahil tapos na daw ang time. AYUN. Pinagtutulak lang naman nila ang kanilang mga ginagawa at badtrip sila at nagpasyang kumain na lang. :)) Hanggang sa may nagbalitang pwede pa ihabol hanggang 4pm ng araw na iyon. Kaya yung mga biniling pagkain ay itinabi muna at itinuloy ang kanilang plates. PERO may nagbalita muli na ang grade na lamang na matatanggap nila ay 50 dahil considered as late na ang final plates nila. Nangalahati ang nagpasyang ituloy ito sa pagkadismaya ngunit napilit din sila na ituloy na lang talaga. HAHA.
Pero seryoso, naawa ako sa mga kaklase ko dahil sa efforts nila at hindi pagtulog, 50 lang ang matatanggap nila. Pero kasi. basta. Mahirap ipaliwanag. Nagpapasalamat na lang ako dahil umakyat kagad ako sa room namin ng umagang yon at nasa baba ang barkada ko kaya nagawa ko kagad yung akin. :P
Pagtapos ng lahat, umuwi na yung iba. Natira na lang ay ako, si Claire, si Ryan, si Kevin at si Meka. Mahahalata mo ang pagkabangag ni Ryan dahil nagpipiling powerpuff girl kaya naghalohalo ng pintura at may Chemical X pang nalalaman. :)) (Benta ka Chizi! Gutom kasi ako, hahaha)
Pag-uwi ko ng dorm, nakayanan ko pang linisin ang bawat dumi at kalat na naiwan ko ng umagang yon, naghilamos at natulog. Sabi ko pa sa sarili ko na gigising ako ng 10pm at mag-aaral para sa tatlo naming Final Tests kinabukasan ngunit hindi ako tinalaban ng alarm. Ayun, isang mahabaaaaaaang tulog! :))
Ngayon ko lang nalaman.
Ni-link pala ako ni Luwan. SALAMAT! :D
Pauso ni Budde sa Facebook
kalokohan ni kakang to.. pero ang cute for grls tgla..xD
Now, here's what you're supposed to do... And please do not spoil the Fun. Copy and paste this into your notes, delete my answers, type in your answers and tag 20 of your girl friends to answer this. Then see what happens. BOYFRIEND POTENTIAL SURVEY:
1.Dapat ba gwapo? sa Face
: Hindi. Okay na yung may appeal. :)
2. Matalino?
: Oo. Pero yung hindi nerd.
3. Preferred Age?
: Same age. Or older than me. Or younger by 1 month. LOL
4. Preferred height?
: same height or taller than me.
5. How about sense of humor?
: Yeah!
6. How about piercings?
: NOOOO :P
7. Accepts you for who you are?
: Of course! :D
8. Pink hair?
: NO, please.
9. mushy or no?
: Someone who knows when he will be mushy and when he shouldn't be not.
10. Thin or fat?
: HOT. =))
11. Moreno or chinito or mestizo?
: Any of the three. But I'm most attracted to chinito. :P
12. Long hair or short hair?
: Any, basta it compliments his face.
13. Plastic or metal?
: HUH?
14. Smells good?
: OO. :D
15. Smoker?
: Ayaw. :P
16. Drinker?
: Hm, okay lang. But not to the point na everyweek umiinom.
17. Boy-next-door type?
: Sure.
18. Musically inclined?
: YUNG MAGANDA BOSES. LOL
19. Plays piano?
: plus points! :D
20. Plays bass and/or acoustic guitar?
: plus points too! :D
21. Plays violin?
: ok lang but not necessarily. :P
22. Sings very good?
: OO NGA! hahaha
23. Vain?
: better. :)) Yung magaling magpacute ng sarili sa camera. ;)
24. With glasses?
: still, if it compliments his face.
25. With braces?
: same answer in 12 and 24.
26. Shy type?
: ok lang kung first meetings. But after or sa mga susunod pa. Please. Magsalita ka namaaaaan! :))
27. Rebel or good boy?
: Good. :)
28. Active or passive?
: Voice? English1? Ms. Ong? HAHA
29. tight or bomb?
: WHAT? o_O hahaha
30. Singer or dancer?
: sana both HAHA better if it's singer. :P
31. Suplado?
: oo, dunn owhy but mas attracted ako sa ganon. :P
32. Hiphop?
: rnb, LOL
33. Earrings?
: AYAW.
35. Torpe?
: kahit hindi, basta he will respect me. :)
36. Mr. count-my-ex-girlfriends-un til-you-drop?
: NO.
37. Dimples?
: HAHAHA, pwede. :)
38. Bookworm?
: Ok lang. :)
39. Mr. love letter?
: wag masyado. baka puro love letter na lang ibigay sa bawat anniversary haha!
40. Makulit?
: will match! :D
41. Flirt?
: everyone is flirt :P
42. Poem writer?
: ayaw. haha
43. Serious?
: sa buhay, oo ba
44. Campus crush?
: kahit hindi. (sapul yung question? haha)
45. Painter ..?
: industrial deisgner! LOL
46. Religious?
: Christian. A born again one. :)
47. Alaskador?
: will match talaga! HAHA
48. Computer games geek? Or internet freak
: Mas ok kesa party geek. :P
49. Speaks 20 languages?
: MACHINE? hahaha ayaw! :P
50. Loyal o faithful?
: somewhat, pareho lang yan. Basta yung di madaling matukso. YUN. :)
1.Dapat ba gwapo? sa Face
: Hindi. Okay na yung may appeal. :)
2. Matalino?
: Oo. Pero yung hindi nerd.
3. Preferred Age?
: Same age. Or older than me. Or younger by 1 month. LOL
4. Preferred height?
: same height or taller than me.
5. How about sense of humor?
: Yeah!
6. How about piercings?
: NOOOO :P
7. Accepts you for who you are?
: Of course! :D
8. Pink hair?
: NO, please.
9. mushy or no?
: Someone who knows when he will be mushy and when he shouldn't be not.
10. Thin or fat?
: HOT. =))
11. Moreno or chinito or mestizo?
: Any of the three. But I'm most attracted to chinito. :P
12. Long hair or short hair?
: Any, basta it compliments his face.
13. Plastic or metal?
: HUH?
14. Smells good?
: OO. :D
15. Smoker?
: Ayaw. :P
16. Drinker?
: Hm, okay lang. But not to the point na everyweek umiinom.
17. Boy-next-door type?
: Sure.
18. Musically inclined?
: YUNG MAGANDA BOSES. LOL
19. Plays piano?
: plus points! :D
20. Plays bass and/or acoustic guitar?
: plus points too! :D
21. Plays violin?
: ok lang but not necessarily. :P
22. Sings very good?
: OO NGA! hahaha
23. Vain?
: better. :)) Yung magaling magpacute ng sarili sa camera. ;)
24. With glasses?
: still, if it compliments his face.
25. With braces?
: same answer in 12 and 24.
26. Shy type?
: ok lang kung first meetings. But after or sa mga susunod pa. Please. Magsalita ka namaaaaan! :))
27. Rebel or good boy?
: Good. :)
28. Active or passive?
: Voice? English1? Ms. Ong? HAHA
29. tight or bomb?
: WHAT? o_O hahaha
30. Singer or dancer?
: sana both HAHA better if it's singer. :P
31. Suplado?
: oo, dunn owhy but mas attracted ako sa ganon. :P
32. Hiphop?
: rnb, LOL
33. Earrings?
: AYAW.
35. Torpe?
: kahit hindi, basta he will respect me. :)
36. Mr. count-my-ex-girlfriends-un
: NO.
37. Dimples?
: HAHAHA, pwede. :)
38. Bookworm?
: Ok lang. :)
39. Mr. love letter?
: wag masyado. baka puro love letter na lang ibigay sa bawat anniversary haha!
40. Makulit?
: will match! :D
41. Flirt?
: everyone is flirt :P
42. Poem writer?
: ayaw. haha
43. Serious?
: sa buhay, oo ba
44. Campus crush?
: kahit hindi. (sapul yung question? haha)
45. Painter ..?
: industrial deisgner! LOL
46. Religious?
: Christian. A born again one. :)
47. Alaskador?
: will match talaga! HAHA
48. Computer games geek? Or internet freak
: Mas ok kesa party geek. :P
49. Speaks 20 languages?
: MACHINE? hahaha ayaw! :P
50. Loyal o faithful?
: somewhat, pareho lang yan. Basta yung di madaling matukso. YUN. :)
Sino nagsabing mahina ako?
Kung ang aso nga marunong,

...ako pa kaya? :)
Badtrip.
Normal ako ngayon, badtrip e. Yung pakiramdam na biglang kalungkutan, isang pakiramdam na hindi mo alam ang dahilan. Siguro nga totoo yung sabi ng dati kong guro sa Filipino. Minsan, dadating ka sa puntong bigla kang mananahimik at malulungkot. Siguro dati naisip ko ngang kabaliwan lang to, pero tama, malamang, dala to ng pagod at pagkawalan mo ng oras sa iyong sarili.Gusto kong umalis ng bahay. Pero ayoko pumunta sa isang lugar na maraming tao. Gusto kong pumunta sa isang pribadong lugar, yung hindi madilim ha. Yung unti lang ang tao. Yun lugar kung san ka pwede umiyak at sumigaw. Dahil sa totoo lang, yun ang kailangan ko. Gusto ko sa isang tahimik na lugar para makapag-isip. Dahil sa puntong to, gulong gulo ako. Magulo lahat ng bagay para sa akin. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin pagtapos ng limang minuto. Ni hindi ko alam kung hanggang saan ko dapat paabutin ang blog na ito o kung paano ang kakalabasan nito. Pero naisip ko, who cares? E matagal na kong ganto at matagal ng random ang blogs ko.
Siguro tamang minsan e makiagos na lang. Yung kapag pagod ka na e wag ka na lang muna kumontra sa mga nangyayari. Yung tipong hahayaan mo na lang umikot ang mga kamay ng orasan. Yung tipong kakain ka lang at matutulog (syempre iinom din ng tubig, maliligo, magtutoothbrush at hihinga) para tuloy tuloy lang ang buhay mo. Siguro minsan, tama din maging ganto. Dahil sa puntong to, matututunan mong sumuko ipaglaban ang gusto mo at hayaan ang Diyos na gawin ang tama sa buhay mo. Hindi mahirap mabuhay. May mga tao lang na kagaya kong mas gustong matuto sa paghihirap. Bakit nga kaya no?
Kung binasa mo ang previous blogs ko, malalaman mong nabiyak ang puso ko. Pero masaya ako. 70% nararamdaman kong masaya ako. Dahil sa nangyari, aba, nagamit ko na sa wakas ang layout nato! :D HAHA BABAW KO, ALAM KO :P Pero sa katunayan, hindi lang naman yun dahilan kung bakit ako masaya e. Dahil marami, maraming marami pang dahilan kung bakit ngiti at tawa ang mas nilalabas ng mukha ko ngayon kesa luha at lungkot. :)
Namis ko to. Seryoso. Namis kong mag-emote at maglabas ng sama ng loob sa Blogger kong to. Yung magblog ng magblog without thinking about other's reaction when they read this. Namis kong magpalit ng layout. :)) Namis ko ang dati kong buhay. Ang buhay na kung saan e masaya naman ako at punong puno ng pangarap. Namis ko to. Namis ko ang lahat ng bagay nato. :)
Kamuntikan ka na.
May mga bagay na kahit gusto mo, dapat mong iwan dahil hindi ito ang gusto ng Diyos para sayo.Siguro nga hindi lahat ng pag-ibig, magtatagal. Siguro nga darating ang panahon na ang isa sa inyo, malilimutan ng dalihin ang 'love' sa puso nya. Siguro nga bilang lang ang taong makikita ang tunay sa una. Siguro nga. Siguro.
Isipin mo na lang yung tagutaguan. Hindi lahat ng una mong mahahanap, magiging 'taya' para sa'yo. Kadalasan talaga, sya yung unang mangsa"saksak" sayo para maging taya ulit. O di kaya'y siya yung unang tatakbo at magse"save" ng puso nya sa puno o sa pader. Minsan mas magandang ikaw na lang yung mang-iwan. Kasi mas natatanggap mo ang lahat bago dumating sa puntong tatapusin na.
Pero bakit ang role na iniwan ang pinaranas sakin ni Lord? Am i too worth it iwanan? O baka kasi mas nagiging matapang ang taong iniwan. Ang taong mas nasaktan.
Alam ko pareho sa taong ito, masasaktan. Alam ko pareho silang malulungkot. Pero ang twist pa don, imbis na magalit ang taong iniwan sa taong nang-iwan, hindi nya magawa. Ganun ba pag ngmamahal? O nasobragan sa pagmamahal kaya naman pati sarili nya di nya na naisip pa ang kalagayan?
Minsan mas maganda na din na may inaalis ang Diyos sa buhay ng tao. Kasi kadalasan, nagiging mas maganda ang resulta. Lalo na, kapag ang mga bagay at tao na inaalis Nya, ay yung mga nagiging dahilan sa pagkalimot mo sa Kanya.
Pagtapos ng pag-aalaga mo sa lahat lahat, panahon na para talikuran mo yun at ilagay na lang sa memory box. Pwede mo din ilagay sa scrapbook at isulat sa taas "Pagkatuto." Kung english, mas magandang "Treasures" kasi may natutunan ka rin sa mga yun at naging masaya ka. Yun ay kung ikaw ay walang pinagsisisihan. Pero kung meron, ilagay mo "To take revenge someday" >:))
Pero alam mo, wag ka ng magpakabitter sa kanya. Sya na mismo nagpatunay na hindi sya worth it. Wag mong isiping di mo na kaya. Tandaan mong lumaki ka sa mundong ito ng hindi sya ang kasama simula't ipinanganak ka ng nanay mo. Dumating lang sya, biglaan. Kung nagawa mo ngang mamuhay at maging maligaya nung bata ka pa e, ngayon pa kaya? Sa susunod kasi lagyan mo ng sign ang puso mo ng "No Parking - Reserved" para hindi kung sino sino ang papasok dyan ha. Para di mo din makalimutan ang mga bagay na pinanghahawakan mo para maging matatatag ng mga panahong ikaw palang ang mag-isa.
Oo, masakit sa puso. Pero wag ka magreklamo. Lahat mararanasan yan. Isipin mo na lang papasa ka sa lesson na to kapag nagawa mong magong matatag pa din. Sa lesson na to na iba iba ang magiging teacher mo. Pero sana sa susunod, yung worth it din.Wag na umasa na sa ssunod e sya na kagad. Kakaasa mo, napaasa ka tuloy. Kakaasa mo, masyado ka naeexcite.
Hala, sige, mag-ayos ka. mag-ayos ka na ngsarili mo dahil hindi lang yan ang bagay na bumubuo sa buhay mo. Ang importante, natuto ka. Ang importante, maging malakas ka ulit lalo na sa pag-ibig na una mong naramdaman - kay Lord. :)
Ok ka na ba? Masakit pa din ba? Hayaan mo lang. Maging happy ka na lang dahil sa puntong ito, kinakausap ka ni Lord at tinatapik ka Nya sa mali mong nagawa. Mahal ka Nya talaga e. :)
Labels: parasayo
Blog Muna Bago Gawa
Katatapos lang ang PE (Softball). Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod dito kasi kaw ba naman pagjogging-in kayo ng katagal tagal at maglaro para sa championship, kung di ka mapagod! :p Kalungkot pero masaya, natalo kami. Malungkot dahil natalo sa championship. Pero masaya dahil di lang naman kami naglalaro para sa grade na bibigay ni prof, kundi para sa bonding ng team din! :) Sa PE na to, madami akong naging kaibigan. Mas natuto akong hindi matakot maging mag-isa. Marami akong natutunan mula sa tamang pagbato at pagsalo ng bola hanggang sa mga sariling pagdudugtong ng larong softball sa pang-araw-araw na buhay.ay! nalimutan ko, ako ay dapat magbablog ng mahaba ngayon ngunit mas kelangan kong tapusin na ang texture plate ko ngayong gabi. kaya naman. pasensya na at paalam. itutuloy ko na lang ito sa susunod. :)
Ang katotohanan, kapag nangagat, masakit.
Maraming emosyon mayroon sa mundo. Masakit isiping kadalasan ng mararamdaman mo e yung unang salita na ginamit ko sa pangungusap na to. Pero walang makakaligtas sa lupit na dala ng buhay. Na kahit sa pagmamahal na akala mong panay saya ang idudulot sayo, matatameme ka.Inaamin ko. Masakit malamang ang taong ayaw mo ay syang maaaring pumalit sayo. Masakit isipin ang tama kapag ang bagay na gusto mo sa oras nato, hindi mo hawak. Masakit marinig ang 'ayoko magsalita ng tapos' kung ang tanging gusto mo ay magtagal ito. Masama ba kong tao kung hihilingin ko to? Makukulong ba ko kung hindi ko kayang takpan ang sakit na malamang may posibilidad mangyari ang mga bagay na kinakatakutan mo?
Pero hindi man ako huhulihin ng pulis sa bagay na ginawa o nasabi ko, mali pa din ako. Kelan man di ko kinalimutan na huwag magtiwala sa nararamdaman ko, ngayon lang. Di ko din maisip kung bakit mas inuna ko pa ang kaartehan ng dugo ko, na hindi na maganda, para gawing komplikado ang lahat. Resulta lang ba to ng pagkamiss ko? O sadyang dapat ko ng tuparin ang sinabi kong di na ko papaapekto? ..
Kasalanan ko. Malaki ang kasalanan ko. At guilty pa din ako hangga't hindi ko nasasabing 'sorry'. Hanggat hindi ko naliliwanag, mahihirapan akong mapalagay. Pero nasa proseso na ko ng bagay na ipinangako ko.
At ikaw, wag na wag mo ng sisihin ang sarili mo sa bagay na wala ka namang kasalanan. Alam mo kung bakit? Dahil doble yung sakit na nararamdaman ko sa twing ginagawa mo yun.
May Bagyo! May Bagyo!
Pagtapos ni Ondoy, si Pepeng naman. Kelan kaya sila titigil? Masyado bang nakakaattract ng turista ang Pinas kaya madaming bumibisita sa bansa? Hmm, o di kaya'y calling na 'to ni Lord? WAG NAMAN SANA. Gusto ko pa magboypren! :))Sa totoo lang, miss na kita Blogger kong mahal! :P Buti na lang at masyado akong nabless sa pagbalik ng magandang koneksyon ng internet sa kompyuter na ito. Kaya hayan, dala nanaman ng 'biglaan' kaya ikaw gumagana ulit. :) Bilang pagbawi sa matagal kong paglisan, naisipan kong palitan ka ng layout kaya OLA! Ibang nilalang ka nanaman! :D
Madami akong gustong ikwento. Nako naman kasi no. Sa tagal na ng panahon, ang daming nagdaan. Tignan mo ngayon, kadadaan lang isang trak sa iskinita namen. Hindi sa may importansya ang trak sa mga bagay na gusto kong sabihin. Sadyang madami lang bagay ang nangyayari sa sandaling panahon. :)
(Pero totoo Blogger! NAMISS KITA! Payakap nga! :DD)
Dahil nga may bagyong parating, naisip ng mama ko na mag-imbak na ng pagkain at mga bagay na makakatulong sa amin. Minsan talaga nakakatuwang malaman na sa kabundukan kami nakatira e, iwas baha! ;)
Naisip kong magpost na lang ng panibagong entry para sa mga gusto ko pang ikwento. Nakakahiya na mang pahabain ka. Nakakabore. HAHA. O siya, magpopost pa din ako. Pangako yan. :) Hanggang sa muli! :D
Blogger sa iTouch
testing one.. two.. three..Okay. Makakablog na ako finally!
Patay na si Tita Cory.
OO. Alam ko, alam mo. Gaya ng late kong title ang super late na nangyayari ngayon sa aking Blogger. Pwede bang humingi ng palakpak sa pagpopost ko nito ngayon? :))))Sa tagal ng panahon kong natigil sa pagbablog, kay dami dami ng nangyari at nagbago na alam ko, at nararamdaman ko (WEH?! haha), na dapat kong ilagay dito.
Hindi ito magiging mahabang post, wag ka mag-alala. Kasi naman no, may prelim pa kami sa Filipino1 mamaya at naisipan lang naming tumambay dito sa malaki-pero-hindi-nakakaligaw na library ng uste. TUMPAK! USTE NA AKO! :DD
Isa yan sa aking sunod na ikekwento. Ito ang dapat sisihin kung bakit going weak kami ngayon ng aking Blogger. G R A B E! Dami kayang pakulo ng UST na nagiging dahilan ng aking pagka-busy! >_< Pero ayos lang, isa ng ganap na kolehiyala kaya naman ang mga bagay na ito ay itinuturing na normal gaya ng sabi ng mga taong nagbibigay alarma sa akin. (Naging Tomasino lang, naging makata na. HAHA) Kung ikaw ay concern sa akin, wag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay ako ng aking mga kaibigan-slash-kablock. Hindi naman nila ako pinapabayaan. :)) At sa dorm, oo sa dorm, masaya na ako sa pamumuhay ko roon dahil naisip ko, kailangang matuto mag-isa dahil ako ay big girl na. KAMON! San ka pa? :))
Gusto kong imbitahin ang lahat na magbasa rin at suportahan ang dalawang finofollow kong Blogger ngayon -- ang Blogger ni Bheb at Blogger ni Luwan. :) Subukan nyo! Masaya naman. :)
**Sana maayos na ang laptop ko para makapagupdate nako dito lagi. :
Maldita ako.
Binasa ko ulit yung post na nilagay ko dito nung isang gabi. Napansin ko, masyadong pabor sa Blogger iyon at lumalabas na kontra ako at ayaw ko sa Multiply. Pero mali. Kung ang pagkakaintindi mo at ang pagpapasa ko ay pangit sa Multiply, at ang Multiply ay hindi magandang blogsite (so parang inulit ko lang? haha), mali. Mali ito. Kung ang naging dating man sa'yo na sinisisi ko ang Multiply, mali ka. At dahil dun, pasensya na. Sorry. Sorry sa Multiply at sa'yo. Wala sa Multiply ang mali, kundi na sa akin.Ako ang may mali. Ako ang immature at inosente sa pagbablog kaya naapektuhan ako ng ganun. Kaya ayoko muna magpost doon. Kaya ang comments at readers ang naging una kong iniisip bago ang pagbibigay ko ng sarili kong thought sa blog ko. Kaya gumawa ako ng Blogger para walang magbabasa. Hindi sa ayaw kong may magbasa. Ayoko lang na alam kong may magbabasa.
Pero noon yun. Naalis ko na sa utak ko ang pagiging apektado ko sa mga tao. Pero dito ko lang nararamdaman yun sa Blogger. Pagdating ko sa Multiply, apektado parin ako. Marahil kasi mas naging komportable na akong magblog sa Blogger kong to. Kaya nga ayokong ipalink ito sa mga tao kung dahil lang na sinabi ko. Mas gusto kong kumalat ngayon ang mga blog ko kung naeenjoy eto basahin ng mga tao. Kung nagiging masaya at kung may natututunan pa sila sa mga ito. Kaya bahala na ang mga nagbabasa nito kung gusto man nila ilink o ifollow. Ngayon, eto na ang paniniwala ko.
Wala akong magiging komento sa mga taong maiinis o magugulat sa mga patakaran ko pagdating sa mga blog ko. Ba't ako magbibigay ng komento kung hindi naman ako tinatanong diba? Kung hindi mo matatanggap ang gantong patakaran sa aking blog, maaari ka ng umalis. Kung tanggap mo naman, maraming salamat sa pagstay.
Una sa lahat, kaya ako nagsimulang magblog ay dahil naeenjoy ako magbasa nito at pangarap ko talagang gumawa ng ganon. At yun, dahil sa sakit na pagiging inosente at immature sa blogging, ganun ang nangyari sakin. Pagdating ko sa Blogger, naging aim ko ay ang ilabas ang kahit ano mang gusto kong sabihin ng walang makikialam. Sino pang pagsasabihan ko ng mga panahong nagiging emo ako sa Japan? :)) Hanggang sa may nakabasa na nga at nakatanggap ako ng magandang komento. Oo, ayoko sa komento pero kahit kelan, dadating talaga yun.
Siguro nga kung ang komentong una kong natanggap dito ay pangit, malamang hindi na ako gumawa ng kahit anong blog. Totoo.
Kaya lagi kang mag-ingat sa kahit anong komento mong bibitawan sa isang tao. Hindi mo alam kung gano yun nakakaapekto sa kanya. :)
Kaya ang sumunod na naging aim ko ay ang may matutunan ang bawat magbabasa ng blog ko. Kung wala man silang matutunan, at least mapaisip man lang. Pero syempre hindi ko pa rin inalis ang talagang pakay ko na gawin itong online diary. :)) Kaya di ba may updates tungkol sa buhay ko dito. H A H A
Dati gusto ko magblog kasi inggitera ako. Gusto ko magblog kasi ang ganda tignan pag may blog. Gusto ko magblog kasi yung mga kaklase ko, may blog. Hanggang nung tumagal. Gusto ko magblog dahil feelingera ako. Gusto ko sumikat sa pagbablog! Kaso napaisip ako. Kung sisikat ako sa pagbablog, kelangan hindi ko mafail yung readers everytime na magpopost ako. Natakot ako sa pressure ng sikat na blogger. Natakot ako sa spot light. Oo, mali yung mga pinag-iisip ko. Diba. Masyado kong iniisip ang ibang tao kaya nagiging walang kwenta ang mga blog ko. Kaya din wala akong kwentang blogger.
Naisip ko na kaya na lang ako magblog ay para kumita. Pero KAMONMANON, hindi ako kikita sa pagbablog kung hindi ako sisikat! Pero oo, pangarap ng halos lahat ng nagbablog na sila'y sumikat at kumita. Pero sa dami nila, ayoko na. Masyado na silang marami kaya naman imposible pa akong magtop at maging sikat. :))
Kaya nga ang ginawa ko na lang, magblog para maging outlet sa lahat ng emosyon ko. Para naman hindi ako mapuno di ba. :P At sa katunayan, epektib sya. :)
Kadalasan sa mga post ko ay pangsarili ko at mga ideya na sarili kong binubuo at iniisip. Yung mga post na sasabihin kong "Ako ay nag-iisip pa. Saka na ang mga bagay na sasabihin niyo." Yung mga post na ayokong pakialaman ako sa pag-iisip ko ng ganun. Yung tipong wala akong paki sa opinyon ng iba. Wala akong paki kung magalit man sila. Basta gusto ko itong pag-iisip kong ito. (San ka pa e mostly nga sa sinusulat ko e dahil inis ang mood ko noh :P)
Kaya nga ginawa ko ang Chopsticks Mo, Ineng kung san ang mga post ay maaari mong komentuhan. Maari mong sabihin anuman ang iyong nais. Kaya may Blogger na yun. Yun ay para sa lahat. Kung gusto mo ngang maging co-blogger ko dun e pagbibigyan kita e. Kung kikita yun, okay lang. Kung hindi naman, okay lang din. Kasi kahit man hindi sumikat ang aking mga gawa, okay lang. Nagiging masaya ako sa pagpopost at naeenjoy ko lalo na ang pagpapalit ng themes haha! Masaya mag-express ng sarili. :)
Wala akong kontra sa kahit anung blog na may sariling patakaran at yung mga taliwas sa patakaran ko. Besides, hindi ko rin nilalagay ang mga ganto para sumunod lahat ng tao. ;)
Ang kasaysayan ng Mhiksnmatch
Una ako naging active na blogger sa Multiply. Pero habang tumatagal ang stay ko doon, hindi ako nagiging malayang blogger. At hindi din ako nagiging totoo sa sarili ko.
Don't get me wrong. Masaya sa . Masarap ang feeling na may friends ka doon at handang basahin ang kung anu man ang ilalagay mo. Nakakatuwa isipin na sa twing mag-popost ka sa Multiply mo, may mga taong alam mong makakaalam na may bago kang update at may mga magbabasa. Nakakatuwa din isipin na makikita mo kung sino yung magbabasa. Monitored mo kung sino ang mga taong makakabasa ng nilagay mo especially kapag ang post mo e "for contacts only". Masaya lalo kapag pagtingin mo nito kinabukasan, o kahit paglipas lang ng ilang minuto ay may mga komento na ito. Sobra ka pang liligaya kung mas marami sa tatlo ang makikita mong komento.
Kaso sa kasamaang palad, dahil sa features na yun ng Multiply, naging faker (kung ito ang tamang salita para don) na ako. Sa twing may topic akong naiisip para pag-usapan sa blog ko, ang mga dami o unti ng friends ko sa Multiply kagad ang naiisip ko. Imbis na isipin ko kung bakit ayun ang ibablog ko, imbis na isipin ko kung anu ang ilalagay ko, imbis na isipin ko kung bakit ko yun ibablog ko, imbis na isipin kung may matututunan ba ang mga mambabasa sa mgablog ko imbis na isipin ko kung mapupuri ko ba ang Naglikha sa akin sa blog ko, kung magkakaroon pa ng maraming komento ang mga mambabasa sa post kong yun ang aking iisipin.
Dahil dun kaya lumabas ang blogsite na ito sa mundo ng Google. Dahil pakiramdam ko, sa Blogger na ito, malaya akong magsabi ng ano. Kahit pa may "for contacts only" ang Multiply, mahirap parin para sa akin ang maglagay doon ng katotohanan patungkol sa akin. Pakiramdam ko, magiging katatawa, o magiging chismis. Pakiramdam ko, mahirap maging ako doon. Hindi ako malayang maglagay dun ng hate posts dahil alam kong may makakabasa. Ayon ay dahil makikita mo nga kung sino ang mga friend mo doon ang makakabasa. Mahihiya ka maglagay ng ganon dahil alam mong may magtatanong sa comment ng blog mo. Mahihiya ka maglagay ng ganon dahil pakiramdam mo, immature ka kapag nagalit ka. Ang dating doon, immature ka kapag nagsenti ka.
Pero di ba ang blog ay para sa sarili mo na kahit ano mang kawalang kwentang ilalagay mo ay walang pakialam ang iba?
Sarili mo ng choice kung gusto mong may maging pakialam sila. Pero paano kung nilamon ka din ng sakit nang yun na nakuha ko sa Multiply? Paano kung maisip mo din na sa Multiply, palaging may pakialam ang mga magbabasa? Paano kung naaapektuhan ka na din?
Hindi ko sinasabing pangit ang Multiply. Sa katunayan, maganda siya. At hindi ko naman binura ang account ko doon. Kaya rin hindi ako takot na ilagay ang pangalan ng blogsite na ito dahil ang alam ko, isa sa kahulugan ng "blog" ay ang pagiging malaya mong tao.
Ayun ang katotohanan.
Bakit may Mhiksnmatch? Dahil gusto ko maging malaya.
Bakit hindi ko nalang ilagay sa Multiply ang mga post ko? Dahil pakiramdam ko'y hindi ako malaya doon.
Paano na ang Multiply ko? Inactive yun for posts.
Bakit hindi ko pa burahin ang Multiply ko? Dahil may alaala ito ng mga kaganapan ko sa Japan at kung hindi dahil sa sakit na napulot ko dun, hindi siguro ako matuto maglagay ng kabuluhan sa posts ko.
Babalik ka pa doon? Oo, at hindi naman ako nawala. Babalik siguro in a way na magpopost pa din doon. Siguro pangrandom. At kapag natuto na ako at gumaling sa sakit na ito. Kapag hindi na mambabasa at mga komento ang nasa isip ko.
Samakatuwid, kaya ang Mhiksnmatch ay naging sekretong blog noon ay dahil gusto kong maging focus muna sa pagbablog ng maayos. Gusto ko maging focus sa pagiging malaya kongblogger. Kaya ito ay lumabas at hindi na naging sekreto ay dahil sa isa kong post rito na nagsilbing payo sa aking mga kaibigan. Oo, ako unang nagpakalap nito. Dahil din sa magandang komento sa kabuuan ng blog ko mula sa aking paboritong pinsan. At dahil din sa mga magagandang komento ng mga pinayuhan ko gamit ang post na iyon. Dahil din hilig ko pa din ang pagbablog. Ang gusto ko lang, matuto maging malayang blogger. Yung magiging ako ako sa aking mga blog. Yung hindi ako mahihiya. Yung hindi iniisip kung may makikiayon ba sa akin o wala.
Kaya din paulit ulti kong sinasabi na ang Blogger na ito ay para sa akin. Ito ang aking mundo. Ang mga nandito ay 100% na ako.
Mahalaga ang Blogger na ito sa akin. Kung may batas na lumabas na kailangan ay isa lang ang blogsite ng bawat blogger sa mundo, ito ang ititira ko. (Pasensya na Multiply. :P) Sa katunayan, dito talaga ako unang gumawa ng account. Sobrang kapangitan nga lang ang nandoon. :))
Masaya akong may nakakaappreciate ng blogsite na ito. Masaya akong nagiging totoo ako sa sarili ko sa bawat post na nilalagay ko rito. Masaya akong ito ang aking naging mundo. Masaya ako masasabi na rin ng mahal kong pinsan na may kaseryosohan na ang post kong dito. ;)
Isang bagsakang pagkekwento.
Ang totoo nyan, nagloloko ang aking keyboard kaya may katamaran ako ngayon sa pagtatype. Pero dahil masaya ako ngayong araw, go pa rin kahit na nagpapakadalubhasa ako ngayon sa on-screen keyboard. :))Matagaltagal na ding hindi ako napapadpad sa account kong 'to. Ito ay dahil busy ako ngayon sa iba't ibang bagay. At ang mga ito ang ikekwento ko ngayon. :)
Nagsimula ang lahat noong *labasngschedulenotebook* ika-20 ng Abril. Simula kasi yun ng pagprapraktis ng Hands sa simbahan namin para sa Youth Congress. (teka teka, ilayo nyo po ako sa brownies!!! *u*)
*punasngchocolatesalips* Isang linggo kaming nagpraktis nun kaya naman nawala ako sa mundo ng pagiging sociable hanggang sa nawalan ako ng oras makipagtext at kwentuhan. Naging busy ako masyado sa pakikibaka sa pagod. Kasabay pa nun ang pag-aasikaso ko sa aking enrollment sa UST.
Pagtapos ng Youth Congress, nagkaron din naman ako ng pahinga. Baka naman daw kasi hindi na makaulit ang "busyness". HAHA. Anyway, mga munting lakad lang ako nagkaron tulad ng binyagan at panandaliang pasyalan. :))
Hanggang sa dumating ang araw ng Mayo 17, kung san ginanap ang Ladies' Tea Party sa aming simbahan. (Ang mga larawan sa nasabing okasyon ay nakalagay sa Facebook account ng awtor.)
At ang paghahanda naman sa Kidztrek ang naging sunod kong pinagtuunan ng pansin. :) Yung makita mo ang mga bata na handang magpagamit kay Lord sa maagang edad ay sadyang nakakabigay pagpapala. :)
Dumating din ang araw na nabigyang panahon ko din ang malapit kong kaibigan na si Jesza. :) Natutuwa ako dahil nabigyan ko sya ng oras at natuloy kami. Kasi malungkot kami pareho ng mga panahong yun kaya naman ang saya ng pareho kami naging maligaya. Masaya din ako ng nahila nya ko nung muntikan na akong masagasaan. HAHAHA.
Ika-29 ng Mayo naman ng sumama kami sa overnight ng aming youth service. Laking tuwa ko dahil nadagdagan ako ng mga kaibigan. Sobrang saya nung pakiramdam na sinagot kagad ni Lord ang panalangin kong maging masaya nung gabing yun kahit na hindi nakarating ang mga kaclose kong mga kaibigan. :) Dahil din dun, natuto akong maging handa sa pagsosolo at pakikipagkaibigan sa kolehiyo. :) Na kahit na kandadugyotdugyot at dumidumi ng aming mga paa, masaya padin. Ito ay dahil sa GRACE ni Lord na ipinaramdam Nya nung gabing yun. :)
Kinabukasan, isang buong araw na pahinga at paghahanda para sa susunod na araw, linggo. Sobrang saya ng araw na yun kahit na farewell party na yun ni Ate Ann. Basta, masaya na kasi talaga ako sa presensya ng kahit sino sa churchmates ko. :)) Salamat sa Diyos! :D
Pagdating ng unang araw ng Hunyo, natuloy din ang barkada, Munchkiiins, sa Enchanted Kingdom. :) Grabe, para naming inarkila ang buong park sa unti ng tao at paulitulit naming sakay sa mga ride. :DD Lalo na sa Wheel of Fate kung san suki kami. =))
Buong araw ay wala kaming naramdamang pagod. Ayun pala, sa susunod na araw pa namin ito mararamdaman. Haha. Kaso may kanya kanya din kamin lakad kinabukasan kaya naman damang dama namin ang sakit ng katawan. :)) God's grace din at hindi umulan. :D
Ngayon naman, busy ang mundo ko dahil sa website ng youth, weekly Bible school mula sa 7 hanggang sa 5 ng Hulyo at syempre, ang pagiging kolehiyala ko. :D
Sa totoo lang nasasabik na'ko mag-aral. At sa totoo lang din, kanina pa ako pinapaalis ng tita ko dito. HAHAHA. (Oo na, eto na, aalis na. :P TEKA PALA. Hi Bheb! Hi Pauline! :D)
Ang tanong na bibigyang linaw.
Likas na sa tao ang humarap araw araw sa mga tanong. Abnormal ka kung walang nagtanong sa'yo sa loob ng isang araw. Kung ang sanggol nga tinatanong kung inaantok na ba sya o gutom na kahit alam ng nanay na hindi sya sasagot e.Marahil kanina, sinumalan mo na hanapin ang tanong na tinutukoy sa titulo ng blog na ito. Kung hindi mo ginawa yun, good for you. Ibig sabihin lang nun, marunong ka maghintay. May patience ka. Wagi ka at palakpakan para sa'yo. Pero kung kagaya kong naging sabik ka sa tanong, nako, kailangan mo pang matuto ng lubos. Maaring naisip mo bigla na basahin na lang ang simula nito habang hinihintay mo kung anu yung tanong tulad ng ginawa ko lamang kanina. (Speaking of kanina, maaga ako nagising kanina. YEY! :DD)
Kung kanina ka pa naghahanap ng tanong dito at kaya ka lang nagbasa mula sa umpisa upang isa isahin ang mga pangungusap na nakalagay, nako, mas mabuting simulan mo ulit sa umpisa at intindihin ang bawat nilagay ko dito. Pero kung neber mong hinanap ang tanong na tinutukoy ko, aba malamang hindi mo binasa ang titulo nito! :))
Pare-pareho tayong mga tao na may mga tanong na iniisip araw-araw. Nagkakaiba lang kadalasan sa paghihintay natin sa mga sagot dito.
Isa akong impatient na tao noon na hindi makapaghintay sa kung ano man ang plano ni Lord sa akin. Pero alam mo ba na mas pinapaboran Nya ang mga taong nagtitiwala sa Kanya ng mabuti at masipag na naghihintay sa mga bagay na irereveal Nya? :) Kung naisip mo na yan, malamang, naging impatient ka na din. Kung hindi naman, pinagpala ka dahil naituro na sa'yo ito at kagad mong naintindihan. At kung hindi mo pa naiisip yan, ito na ang panahon para isipin mo ito.
Ang mga bagay na gusto natin ay kadalasang hindi nabibigay satin. Kahit pa ipanalangin mo. Bakit? Dahil hindi lang "Oo" ang sagot ni Lord na sa panalangin ng mga anak Nya. Alam mo ba kung ano pa? Tama. "Hindi pwede." at "Maghintay." Paunawa, hindi lang dalawa ang sagot Nya. May pangatlo pa. Ang "Maghintay."
ANG MAGHINTAY. Eto ang kadalasang nalilimutan natin na isasagot Nya kapag nanghihingi tayo. Ang masaklap pa don, nalilimutan din natin kasabay sa ikatlong sagot na'to ang pagpapaliwanag Nya dito na "May better plan Ako para sa'yo." KAYA DAPAT NA MAGHINTAY KA. Huwag mong isnabin ang pangatlong sagot na ito. Dahil ito ang pinakamagandang sagot Nyang maibibigay sa'yo. :)
Kung sa buhay mo may tanong kang hindi pa nasasagot gaya ko, magdiwang ka, malay mo ang sagot Nya ay yung ikatlo. :D Kung ang sagot Nya dyan ay "Hindi pwede." Dapat ka pa ding magdiwang dahil alam Nyang hindi ikagaganda at ikasasagana ng buhay mo kung "Oo" ang isasagot Nya rito.
Ang Tatay nating ito, hindi tayo hahayaang mapanganib. Wala Syang ibang hangad kundi ang best para sa'yo. Kung ang tatay mo dito sa lupa, hindi kayang ibigay ang lahat sa'yo, well, huwag mong igaya ito sa Tatay mo sa langit. :) Dahil ayon sa Kanya, kasaganahan at hindi panganib ang plano Nya para sa'yo. Planong pag-asa at magandang kinabukasan. (Jeremiah 29:11) Daig pa sa mga kinabukasang inaalok ng mga eskwelahan. :) (Pero kailangan mo pa din mag-aral ha. Faith without action is nothing haha)
Ang tanong mo na bibigyang linaw? Malalaman mo din sa tamang panahon. At masasagot din in God's time. ;)
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak.
Kahapon, wala ako sa mood. Paano, nasira kasi ang araw ko dahil ang isang plano sa araw na yun ay hindi natuloy. Ganun na ata talaga ako kapag ang isang bagay na nakaset na sa utak ko ay hindi natuloy. Pero sa kagandahan ng panahon, natuloy naman ang pagkita namin ni Jesza Jean Lu kanina. Good thing, natuloy! At dahil dun, tumawa na ako ulit. Nawala kahit sandali lang ang mga problema na iniisip.
Umuwi ako lalo ng maligaya dahil sa malong/sarong ko na kulay pink na pasalubong niya mula sa Bora. O di ba sosyal! :D kaya naman hindi din ako napagalitan ng nanay ko pag-uwi ko ng alas-siyete ng gabi. :))
Marahil mahirap talaga kalimutan ang mga inaalala. Yung mga iniisip mong madali lang malimutan mapapagtanto mong hindi pala. Ganun ang mga bagay na bigla kong napunto pag harap ko sa kompyuter na ito. Pano? Kasi wala kang kawala sa problema. Hindi naman dapat iwasan to e. Dapat dito, hinaharap! >:)
Marahil hindi ko pa alam ang buong katotohanan, pero hindi ako titigil sa kakaisip. Ba't ako titigil kung nakakatulong pa ito? ^^ Kung sakaling totoo man ito, edi go! Hindi ko papahirapan ang sarili ko para iwasan ang kung sino man. Inumpisahan nila ito, hindi ako. :) Kung gusto makipaglaro, I'm willing to play. :)
Sya nga pala, gusto ko gumawa ng bagong blogspot. Yung mas kakaiba ang pangalan. Nainspirekasi ako sa "A Slice of Turon", "Isang Kilong Bigas" at "Ka Bute" e. Mga Pinoy blogger na may kakaiba at nakakatuwang blognames. Pero kung gagawa man ako nito, mas gusto kong maytouch din ng pagiging hapon ko. Sa ngayon, wala pa akong ideya na maganda para sa sarili kongblogname, pero I hope, makaisip na din ako. :)
(Ang post na ito ay nung lunes pa, May 25, 2009)
Hindi ako nagbago.
Naging busy lang talaga ako. Malamang ang naiisip mo, umiiwas ako o lumalayo sa'yo/sa inyo. Pero ang totoo, madami lang talaga akong ginagawa. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Maraming bagay akong dapat paghandaan. At maraming tao ako dapat na balikan upang intindihin muna. Ang mga kaibigan kong naiwan ko din noon dahil sa kabusyhan ng buhay. Huwag kang magtampo. Hindi din tatagal at matatapos ko lahat ng gawain ko para naman sa susunod, ikaw/kayo naman ang balikan ko. Totoo ang sinabi ko sa'yo, hinding hindi ako naglelet go pagdating sa friendship. Pagdating ng panahon na yun, mapapatunayan ko din sa'yo. :)
Ang kelangan ko ngayon, unawa. Hindi sa lahat ng oras kaya ko makamusta kayong lahat. Pero wag ka mag-alala. Sa bawat araw, lahat kayo, naiisip ko. Lahat kayo may halaga. Lahat kayo mabibigyan ko rin ng oras sa tamang panahon. :)
Labels: parasayo
Gusto ko na magpasko.
Bigla ko na lang naramdaman ang Spirit of Christmas kaninang umaga. Pero ngayon ko lang napagtanto kung bakit gusto ko na kagad magpasko.Ang pasko ay malamang na sineselebreyt (celebrate) ng mga tao kapag December. At pagtapos ng buwan ng December, January na. Kaarawan ko na. At ang susunod kong kaarawan ay hindi basta basta. Dahil magiging legal na ang edad ko pagsapit ng susunod kong kaarawan.
Kahapon naisip ko na wag na lang magsagawa ng party. Ewan, bigla akong nasayangan sa pera. Kung titipirin naman, ayoko din. Kung hindi lang din gagastusan at mangyayari ayon sa naiimagine ko, huwag na lang.
Naisip ko yung hirap ng nanay at tatay ko sa trabaho nila e. Sayang naman kung mag-uubos lang kami ng pera dahil sa party ko. Pero habang naisip ko yung kapalit sa party na gusto ay isang Nikon DSLR, baka sabunutan nila ako. :))
(Haayy, ayan nanaman pagiging maarte at maluho ko. Umaatake.)
Kung iniisip mo, kaya gusto ko na magpasko ay dahil lang sa birthday ko, mali ka. Kaya din gusto ko na magpasko ay dahil gusto ko ng lumamig ulit yung panahon sa Pilipinas. Gusto ko ding makakita ulit ng christmas trees at christmas lights lalo na sa mga mall. Speaking of mall, gusto ko na din ng christmas sale. Tsaka kapag pasko, madaming regalo. Madaming blessings. :))
Pwede mo din namang sabihin na sabik na ko magbirthday. Plano ko kasng magbakasyon ulit sa Japan sa susunod na bakasyon e. Tsaka madami na din akong plano pag naging 18 na ko. :)
Btw, kasalukuyang plinaplano na namin ng Munchkiiins ang oras at araw ng pagpunta namin ng EK. I pray na payagan ako no :))
Pinoy Big Bahay :))
Sana may isang bagay na nabibili para pagsabihan ng reklamo. Yung para lang maalis mo yung inis na nararamdaman mo.Naisip ko nga, pwede itong isang bahay na may malaking pinto. Tapos kakatok ka ng tatlong beses at may lalabas na isang tao. Tapos dun ka sa kanya magrereklamo. Sana yung taong yun, lahat alam nya. Alam nya kung pano ka nya papakitunguhan. Alam nya kung pano ka nya aasikasuhin. Alam nya nararamdaman mo. Alam nya kung ano ang mga tamang salita na gagamitin nya sa pag-uusap nyo. Alam nya ang mga tamang sagot sa mga tanong mo. Alam nya kung pano mo ka nya patatanggapin na ang mga bagay ay nangyayari dahil may dahilan. Alam nya kung pano ipadama sayo na minsan, hindi ka dapat nagrereklamo. Alam nya na dapat kang magtimpi at intindihin na lang ang mga bagay dahil ikaw ang mas nakakaintindi sa sitwasyon mo.
Sa totoo lang, hindi na natin kailangan talaga ng isang bahay na may malaking pinto na kakatukan ng tatlong beses at may lalabas na taong alam lahat ng bagay na pagsasabihan mo ng reklamo e. Kasi, lahat ng yun, kaya ni Lord. Mas okey pa nga kung sa Kanya lalapit e. Kasi kung sa Kanya ka tatakbo at magrereklamo, hindi mo pa natatapos ang isang pangungusap mong reklamo, mapapagtanto mo na na hindi ka dapat magreklamo. Gaya na lang ng pagtanto ko nun bago ko pa matapos ang unang paragraph ng blog na ito. Hindi na kailangan ng bahay. Hindi na kailangan ng pinto. Hindi na kailangang kumatok. Dahil anu mang oras ka lumapit sa Kanya, makakausap mo sya.
Likas na sa mga tao, lalo na sa mga Pilipino, ang pagiging mareklamo. Pero minsan, hindi natin naiisip na wala din namang maitutulong yun. Papasakitan lang tayo ng ulo at sisirain lang natin ang ating mga mood. At ano? Mas matutuwa lang ang mga taong galit sayo, isama mo na ang demonyo, sa panunuod sayo na isa kang taong inis sa mundo.
Ikaw? Naisip mo na din bang magreklamo? Kasi kung madaming reklamo ka ng nabubuo dyan sa utak mo, pakawalan mo na lang yan. Kalimutan mo na. Kasi, nagsasayang ka lang ng oras kakabuo dyan. Kung kumakain ka na lang, mabubusog ka pa. :P



Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.