:DD
SOBRANG DI KO LANG NAMAN PO MACONTAIN ANG SAYA AT GRACE NA NAFEFEEL KO NGAYON. ANUBAAA :"> SOBRANG, FATHER, BAT LOVE NA LOVE MOKO? :"> TODO KILIG TULOY AKOOOO :"> :">AT SOBRANG DAMI KONG GUSTONG IPOST SA BLOGGER KO KAYA NAMAN NAISIPAN KONG GUMAWA NG ISA PANG BLOGGER, NA MAY IISANG PURPOSE LANG. NA..BASTA :)) PERO YUNG TIPONG...WAIT, TIGILAN KO NA KAYA PAGCCAPS LOCK? =))
Sorry, masaya lang talaga. :"> At mamaya ko ikekwento ang sayang nararamdaman ko. :">
In 5...
4.....
3....
2....
1..
GAME! :D
Ako si Beloved.
At kahit iclaim pa ng iba yan, naniniwala akong ako ang pinakabeloved. :D HAHAPangalawang araw. Hindi daw aksidente ang existence ko dito sa mundo. :) Nakahit na hindi ako planado ng mga magulang ko, planado parin ako ni Lord na mabuo. ;)
Natuwa ako sa nakalagay. Kasi sabi, kaya ka ginawa ni Lord ay dahil ang pag-ibig at si Lord ay iisa. Sa sobrang mapagmahal Nya at di Nya macontain ang pag-ibig, ginawa Nya ako. Para sakin Nya maiportray at maiparamdam ang pagmamahal. Sobrang natuwa ako don. :"> Akalain mo, kahit si Lord, sa sobrang punong puno ng pag-ibig naghanap Sya ng mamahalin. :)) Wala, nakakatuwa. :">
Minsan dumadating talaga tayo sa punto ng buhay na pakiramdam mo'y walang nagmamahal sayo. Pakiramdam mo'y walang may gustong magparamdam sayo ng pag-ibig. Hindi ko sinasabing pag-ibig as in lovelife. Pero kahit sa mga kaibigan, sa pamilya, o sa kahit sinong tao sa buhay mo. Pero alam mo yun, sa kakahanap natin ng pag-ibig sa iba, nalilimutan nating may naneneglect tayo na andyan lang naman na handang iparamdam sa atin ang pagmamahal na hinahanap natin. Nalilimutan nating andyan Sya na higit pa sa gusto nating pag-ibig ang kayang ibigay.
Pero alam mo yung masaya dun. Yung kahit ilang beses mo na Syang di pinansin at sinusungitan at sinasaktan, andyan pa din Syang naghihintay lang sayo. Naghihintay lang na sabihin mo na kelangan mo ang yakap Nya, ang comfort Nya, ang pagmamahal Nya. Oo, di nga Sya tao pero higit pa sa kayang ibigay ng tao ang kaya Nyang iparamdam na pagmamahal sayo. :)
Siguro nga walang perpektong pagmamahal kang makikita sa mundo. :) Dahil ang tunay na perpektong pag-ibig ay sa Naglikha lamang makukuha. :)
Hindi ako ang bida.
:)Matagal ko ng nalaman na ang buhay ko ay hindi nabuo para sa sarili kong kaligayahan. Na ang buhay ko ay may mas malalaki at mas magaganda pang mararating kesa sa kahit ano pang aking maiisip. Matagal ko ng nalaman na ang buhay ko ay hindi para sa akin. Na ang buhay ko, ay para sa Kanya. :)
Siguro nga sa tagal non, medyo nalimutan ko na. Sa tagal non, di ko na masyadong maalala. At ngayong araw na ito, narevive ako, at muli kong napagtanto, na hindi ako ang bida sa buhay ko. :)
Sabi sa unang araw sa Purpose Driven Life, "It's not about me." Totoo naman e. Hindi ito tungkol saken. At mas gugustuhin kong hindi ito tungkol saken dahil unang una, gaya ng lagi kong sinasabi, "I can only do much, but not everything." At ngayon, naipaalala sa akin na hindi ako ang pinakamagaling na tao sa mundo para kayang pagdesisyonan at kayang buhayin ang aking sarili na base sa aking sariling paniniwala. Na masyado na pala akong nagiging mayabang na kaya ko ang sarili ko. Pero babalik at babalik parin pala ako sa puntong sasabihin kong.."Lord, ikaw parin talaga."
Aminado ako na kadalasan sa ngayo'y nalilimutan ko Syang ikonsidera sa bawat desisyong ginagawa ko. At sa pagpapaalala Nya sakin ngayon na isa parin akong bata na marami pang dapat malaman, sobrang nagpapasalamat ako. :)
Isang malaking relief na maramdamang andyan parin Syang naghihintay na lapitan ko at ipasok muli sa pagdedesisyon ko. :) Masayang malamang ang buhay na to ay totoong Sya ang nararapat ibida. Dahil kung iisipin, Sya lamang na naglikha sa akin ang tanging nakakaalam kung ano ang dahilan ng paglikha Nya sa akin - ang aking mga dapat gawin, ang aking kakayanan at abilidad, ang aking mga limitasyon, at ang lahat pa ng tungkol sa akin. :)
Salamat sa unang araw na ito na ipinakita Mo na ang buhay na ito ay hindi ko talagang kakayanin kung wala Ka. :) Alam mong di talaga ako tumalikod Sayo pero aminado akong tunay na nalimutan ko ibahagi Sa iyo ang ibang aspeto ng aking buhay, nagsarili ako. Nakita ko na ang sagot Mo sa tanong ko. :) Salamat. :) Ang buhay kong ito, ay tunay na para Sayo. :)
Ang mundo'y di umiikot para sayo kaya anong halaga kung ang buhay mo'y paiikutin mo para sa mundo? :)
Wanted: Chef For Me
Ako na ba ang pinakanakakaawang tao sa mundo? Pancit Canton na nga lang, naging lugaw pa. >.< =))Tanong tuloy ni Ethan:
"Bakit ang lambot nito?"
Nasabi ko nalang tuloy..
"E aksi naluto ko ng mabuti. *big grin*"
Ayun, di nya tuloy alam kung tatawa sya o maiinis. :))
Hay nako, note to self na talaga dapat, MAG-ARAL MAGLUTO. :| =))
Si Ethan maylabs. :)
Kanina, pagtapos ng aking pansaraling gawain, nakita ko si Ethan na gising pa pagakyat ko sa kwarto. Niyaya ko sya matulog. Sabi niya, di na daw sya makakatulog dahil nawala na daw antok nya. Sabi ko naman sakanya, gumagawa lang sya ng dahilan. Tas unti unti nang nag-iiba ang ekspresyon ng mukha nya na malapit ng umiyak.So sabi ko sakanya, magpustahan kami. :)) Kapag napatulog ko sya, ililibre nya ko ng dalawang barbecue. Kapag naman di talaga sya nakatulog, ililibre ko sya ng tatlong kendi. :)) Pumayag naman sya. Humiga na sya at siguradong di makakatulog. Kaso dahil mas matalino ako, nilagyan ko sya ng earphone sa tenga at nagpatugtog ng slow slongs. :)) Hanggang sa maya maya, nakatulog na sya. :DD
Pagkagising nya, inasar ko sya na talo sya. Kala ko iiyak at malilimutan ang lahat, pero syay ngumiti at sinabing, "mamaya na yung barbecue mo." Kala mo naman antanda nya na e no! :)))
I love Gossip Girl.
"People won't tell who you are. You tell them." - Serena
Walang mas may kilala kung sino ka maliban sayo. Kaya kung tingin mong masyado ka ng nahuhusgahan ng mga tao, hayaan mo sila. :) Lahat silang maiingay tungkol sayo ay walang alam kung sino ka. Kaya imbis na magpaapekto, mas maging kumpyansa at ipakita mo sakanila kung sino ka talaga. Patunayan mo na mas kilala mo ang sarili mo kesa sa kung ano ang mga sinasabi nila. :)
What you see isn't what you really should get. Trust me. ;)
Pahinga.
Yun ang kelangan ko ngayong sembreak. Pahinga..mula sa stress galing sa pag-aaral at sa kahit kaninong tao. Pahinga..mula sa kabusyhan ng buhay na sinapit ko noong first sem ng 2nd year. Pahinga. Sana magtagal ang bawat oras. Sana nga huminto nalang e. >.<
Hindi ko inaasahan na kung kelan ko gusto magpahinga saka naman nagsabog sa mga lakad ang schedule ko. How ironic life is. Kung dati'y gustong gusto kong gumala at makipagkita sa mga kaibigan, maging busy ang buhay dahil sa walang magawa sa bahay, ngayon naman ay kabaliktaran. Sobrang gusto ko magkaron muli ng ME-TIME. :| Sobrang hinihintay ko na din ang araw na maksama sila Mommy next year. Reserved.
Pahinga..pwede ba yun? :)
Hindi lahat ng bagay, abot kamay.
Unti unting dumidilim ang kalangitan ngayong araw. Saka naman sinabi ng tita ko na padating na ang bagyo. Habang nag-aayos si Mama sa terrace. Sinabi nya sa aking tita, "Sa Lunes pa daw dadating ang bagyo sabi sa balita. Wag mo iexpect ngayon. Kasi kung ano ang inexpect mo, yun ang dumadating.":|
Minsan gusto kong maniwala at ipako ang aking paniniwala sa ganon. Na kung ano ang ineexpect, yun ang dumadating. Kaso alam mo na ang reyalidad ay may ibang sinasabi na tila ang buong mundo ay talagang kokontra sayo. Minsan maiisip mo, madaming bagay ang nangyayari kaya ang bagay na ineexpect mo, taliwas ang dumadating..
Nagulat ako sa ginawa ni Mama pagtapos. Mukha syang panatag sa pagsabing sa Lunes pa dadating ang bagyo. Pero bakit nya binaba yung "shield" namin sa terrace para sa bagyo? Para handa na just in case dumating din ang bagyo?
Minsan di ko alam kung bakit ko naacquire yung mga ugali ni Mama kahit di ko sya tunay na ina e. Pero ngayong gamit ko naman ang shield ko para sa mga bagyo na ineexpect na dadating ng iba, dapat pa ba sila mag-alala? Gaya ng pagiging confident ko sa shield ko, confident ni Mama sa shield nya, pagiging confident naming dalawa sa shield ng bawat isa, tingin ko di na dapat magworry sila Tita at ang ibang mga taong may pag-aalala. Tingin ko dapat din sila magtiwala gaya ng pagtitiwala namin ni Mama.
Ngayong madilim na ang mga ulap, napapaisip ako. Tutuloy pa ba ako sa dinner with FF and Ryan's family? Birthday nya kase.. Or magstay nalang ako kung nasan ako? Tutuloy pa nga ba ako gayong pati si Mama ay nag-aalala? O maggogo ako kasi alam ko namang walang masamang mangyayari saken? Di ko alam kung pati katamaran ko ay bibilangin ko para lang maconvince ako na hindi pumunta o idadagdag ko din na gusto ko sila makasama dahil ngayon nalang ata uli kami makakapagganto? Ano nga ba dito ang mas magreregret ako kapag di ko ginawa?
Siguro nga di lang yun ang batayan. Dahil kung tutuusin, sa dalawang pilian nanaman mauuwi ang lahat. Let things happen. Or make them. Ganun naman lagi stand ko e. Unless may ibang magkoconvince sakin. Dahil sa puntong to, medyo nagsasawa nako magdesisyon mag-isa dahil napapagod nako mamili ng mamili. Dahil nakakapagod mamili kapag alam mong pareho naman sakanila, may mga negatibong komento kang matatanggap. Hindi naman ako tumatayo bilang people-pleaser para sakin e. Nagiging ganto lang naman ang pangyayari dahil kelangan ko at gusto ko ding isaalang alang na ang mga taong nasa paligid ko ay apektado.
Gusto kong ipaalam sayo.
Marunong ako umintindi. Ipaliwanag mo lang ang lahat sa akin.Labels: parasayo
I will sampal you WITH GRACE.
"I can be a freak...I can, I can be a freak..I can, I can be a freak..everyday of every week.."Alam mo, HAHA, sorry, natawa lang talaga ako. :)))) Sobrang di kita magets kung bakit ka inis na inis, or baka nga galit, sa akin. May nagawa ba talaga ako sayo na ikinasakit ng iyong puso? Sabi ko naman di ba, best friends lang kameeee. Wag ka magselos. :> :)) Kung dahil sa ako nakikita mong dahilan kaya di na kayo best friends, well sorry. Sorry kung ganun ka kababaw mag-isip. :)
SOBRANG PWEDE BANG TUMIGIL KA NA? :) Kasi ayoko naman talaga ng gulo. Di mo ba napapansin na dahil sa mga pamumuna mong ganyan, pati sila apektado? Wala naman akong planong patulan ka e. Kaya wala kang mapapala saken. Nakuha mo pang siraan ako sa iba dyan. Sobrang nakakatawa na yang ginagawa mo. Stop it. :))
Minsan ayoko na ding tawanan ka, kasi baka naman feeling mo okey lang saken lahat ng ginagawa mo kaya feel na feel mo. Kaso juskonemen, wag feeler, k? Kahit na sila nalang isipin mo. Sila nalang isipin mo na kung titigil ka na sa kakapuna mo sa bawat kinikilos e nagiging masaya tayong lahat. Ikaw lang naman talaga ang may "awkwardness" dyan e.
Isa pa, alam ko ang ginagawa ko. Wag mokong tusukin sa likod. Nakikiliti lang ako. :)) Kung talagang concern ka, sabihin mo sakin ng deretcho. Kasi sa totoo lang, SOBRANG di ko makita ang concern mo. Baka kay Ano, oo. Tas saken, minamasama mo. Labo mo. Kahit anong gawin ko, para sayo masama. At sobrang nakakatawa ka. :)) Lahat na ng kasamaan isiksik mo sakin, bahala ka. Baka nga pati drugs nagaassume ka na na tinetake ko e. :)) BAHALA KA DUDE. :)) Pag kalat mo pa. Papakalat nalang din ako ng drug test. HAHA
Seriously, sobrang ayoko ng makipagtalo pa sayo. Hindi na din ako apektado sayo. Sobrang nagrereak lang ako ngayon dahil mga kaibigan ko na nagagalit sayo. STOP KA NA. Naghahanap kalang ng kaaway sa ginagawa mo. Magtulungan nalang tayo gumawa ng plates. At least sa ganung paraan malalaman mo at matutunghayan mo mismo na hindi ako B.I. :) At least baka dun mapagtanto mo pa na mali lahat ng sinasabi mo. Hoowell, wala na din naman akong pakialam pa sa mga iniisip mo dahil alam kong di mo lang ako kilala. Okey na sakin na kilala ako ng mga taong labs na labs ko. :>
PS. Stress na nga tayo sa plates, papadagdag ka pa. Shift ka na nga lang. Payagan na kita. :))
Labels: parasayo
Announcement:
1. Gusto ko ulit palitan layout ko.2. Naalala ko nanaman si Sir PSSH. :| Sana di na matuloy yung one-on-one talk about RH Bill. Kung di lang din naman nya tatanggapin ang sarili naming side, wag na. Di naman debate kasi yon e. Discussion. Lam mo yun? >.< :))
3. FUNRUN BUKAS. GOOD LUCK TO ME :))
4. Saya ng birthday ni Abba. :)
5. MAHAL KO ANG ONE TEAM FOREVER.>:D<
6. Kung nasasaktan man kita, sorry.
7. Is practicing "word of honor".
8. Pagtapos ng one week, masaya na buhay ko. :>
9. Gusto kong ipaalala sa bawat mambabasa na ang blog na ito ay parte lamang ng buhay ko. Hindi lahat ng bagay na sinasabi ko dito ay dapat ibig deal dahil di lang dito umiikot ang buhay ko. Malaki at malawak at maganda at mabiyaya ang buhay na meron ako sa labas ng blog na ito. Kaya sana, walang panghuhusga. :) Wag ka din kagad nagrereact. Hindi para sa iyo ang lahat ng post ko dito. Kadalasan, patama sa akin lang. :>
Makatulog na nga. :))
Hanap ka ng masaya. :)
Today, naalala ko ang lahat. Akala ko nga hindi na e. Hindi ko man planong kalimutan ito pero sadyang dumating talaga sa puntong naalala ko ito.Nagsimula ang umaga ko na busy ako. Natapos naman ng may ngiti sa mukha at masaya sa pakiramdam. Hindi katulad noon, kabaliktaran. Bukas, ilalabas ko ang lahat. Parang noon, nilabas ko din agad. :)
Sa totoo lang, sa loob ng isang taon, may pinagbago nga ako. At maganda ang resulta ng tanong ko noong "Ano nga kaya ang magiging stand ko tungkol dito paglipas ng isang taon?" Well ngayon alam ko na. Kayang kaya ko pala. :)
Marami akong natutunan. May pagbabagong "better". Ngunit meron ding hindi. Siguro nga totoong di nako nagiging mapagisip sa ngayon. At siguro nga hindi nako nagiging careful ngayon. Pero ngayong gabi, bago matapos ang araw nato. I was reminded. I was reminded of my old self to be back.. back to that person who really stands to what she believes. :) ..back to that person who knows how to follow, obey and knows that she can do everything, independently. :) the old self who is calling me to be vain again..vain not in the way I look, but to the way I think and act. :) Well bago na ngayon e. Di nako kinaumagahan nakakaramdam, kinagabihan na :))
Pero seryoso, simula ng napagtanto ko na TIME ang mega challenge ko sa aking buhay, natutuwa akong nagkakaron nako ngayon ng lakas ng loob upang kalabanin ito, mula sa maliliit na bagay hanggang sa bonggahan na. Yung tipong may kusa na ako para baguhin ang lahat at ibalik sa tama. Yung tipong naiisipan ko ng kontrahin sya at sabihing "Tama na. Mag-aayos nako." Dahil napagtanto ko na kung hindi ko to aayusin sa ngayon, baka patuloy ko ito maging problema. There's a great reward for those who wait diba? :)
Masaya ako na masaya ang lahat ng bagay na naiwan. Masaya ako dahil masaya ako. Masaya ako dahil kaya ko. Masaya ako dahil ang buhay ko ay puno ng biyaya at pagmamahal ni Lord. Masaya ako...dahil ako na to. :)
Hello Stress!
Alam kong di pa tapos ang pagtutuos naten. Pero sorry ka, Im claiming my victory! :>1. Di purkit pagod ka na sa mga sinasabi ng iba, makikiayon ka na. Minsan dapat mo din maisip na andyan ang mga yan para maipaglaban mo na totoong alam mo ang tama.
2. Di purkit alam mo na, di mo na pag-iisipan. Dahil kadalasan, akala mo ay alam mo talaga. Ayun pala, hindi. Learning is a process. Tanggapin mong hindi ka magaling. Hayaan mong araw araw ay may natututunan ka. Besides, lahat naman ng nalalaman mo ay pwede mong gamitin para sa ikabubuti ng buhay mo.
3. Di purkit di pa deadline, di mo na gagawin. Dapat talaga matuto ka ayusin ang oras na meron ka. Kasi ang mga oras na nagdaan na, di mo na maibabalik. Dahil di purkit mabait ang prof, lagi ka na nya hihintayin. Isipin mo, pagtunganga ba at pagdadaldal ang dahilan mo para pumasok? Sana gumala ka nalang. Marami ka na sanang napuntahan.
4. Di purkit nagpapapansin, dapat ng pansinin. Mas mabuting iparamdam mo sa mga nagpapapansin na di ka apektado. Mas mabuting malaman nila na di ka ginawa ng mga magulang mo para patuloy na pansinin sila. Mas mabuting malaman nila, na kung gusto nila ng atensyon, magdala sila ng spotlight. Di kasi sa lahat ng oras may taong available at walang iniisip na mahalaga para pansinin sila.
5. Di purkit nag-iinarte, dapat suyuin. Dahil kadalasan, oras at distansya ang kailangan nila hindi pangungulit at paglalambing. Dahil kadalasan, dapat nilang malaman na hindi pag-iinarte ang kasagutan sa mga bagay.
6. Di purkit may problema ka, dapat ka ng magpakabugnot. Isipin mo, lahat ng tao may kanya kanyang problema kaya wag ka na mangdamay. Isa pa, wala rin namang magagawa kung magpapakabugnot ka, mamimisunderstood kalang nila.
7. Di purkit may nalaman kang bagay, dapat mo ng idaldal. Kadalasan ay nawawala sa isip mo na may mga taong nagtiwala sayo na maitatago mo ang mga bagay nayon. Dahil kadalasan, wala ka sa lugar para sabihin ang buong kwento.
8. Di purkit nagsabi ka ng side mo, nakikipagdebate ka na. Minsan liwanagin mo kung nagtatanong ka ba talaga o gusto mo lang ng kabalidakdakan. Kasi minsan di ka man aware, pero nakakapambara ka na. Sana sumali ka na lang sa debate contest. Baka maawardan ka pa.
9. Di purkit pwedeng gawin, dapat ng gawin. Minsan isipin mo din kung nasa tamang oras. Kasi madaming nasisira kapag ginawa mo na yung bagay na tama naman ngunit di ayon sa oras.
10. Di purkit di ka okey, ipapakita mo na sa lahat na di ka okey. Pero di purkit na hindi mo sakanila ipapakita na di ka okey, lilinlangin mo na sarili mo. Mas mabuti kung ikeclaim mo na magiging okey ka na at magiging maayos na ang lahat at gagawa ka talaga ng paraan para maging okey. Alam mo naman kung san ka lulugar pagdating kay Lord diba? :>
Kala mo naman stress, papatalo ako. Asa you. :))
Yung totoo.
Nainis ako don. Kumbaket ba kase. >.<
Steady.
Alam mo minsan, parang ayoko nalang gumalaw. Kasi, ayoko mahawa o maapektuhan ang bawat taong nasa paligid ko sa mga bagay na ginagawa ko. Kaso bigla ko nalang mapapagtanto na baka ganun nga talaga. Baka talagang di maiiwasan na maging apektado sayo lalo na kung parte ka na ng buhay nila.Siguro nga minsan masarap malaman na apektado sila. Kasi makikita mo kung sino talaga yung mga tunay na may concern sayo e... :)
Paghahanda.
Minsan maiisip mo na di talaga sa umpisa mararamdaman yung sakit.Kundi sa ilang araw pagkatapos mangyari ang bagay na ayaw mo makamit.
Tingin ko, kelangan ko ng libro. :)
Minsan, di mo maiwasan na magpakabobo sa pag-ibig. Yung tipong pagbibigyan mo lahat kasi yun yung gusto nya. O di kaya'y di mo din kasi macontrol yung sarili mong nararamdaman. Pakiramdam mo, yun yung tama. Pakiramdam mo, yun yung mas dapat dahil iyon ay para sakanya.Sa totoo lang mahirap mapunta sa sitwasyon na minsan pakiramdam mo di mo na kaya. Na minsan pakiramdam mo, parang matatapos na. Tingin mo ba mas dapat na hintayin pa ang mga bagay na mangyayari? O ngayon palang mas dapat na gumawa ka na ng aksyon? Yun naman lagi ang tanong diba. Either you let things happen or make them. Pero para sakin, isa ang pinakaimportante. Yung sarili mo.
Sa pagmamahal, madalas natin malimutan na intindihin yung sarili natin. Kasi kapag nagmamahal, masyado mong iniisip yung kapakanan ng mahal mo. Masyadong umaakupa sa utak mo yung kung ano ang mas makakabuti sakanya. Pero pano kung ikaw na pala yung dehado? Sabi nila wala daw dapat sukatan. Pero di ba minsan dapat na isipin mo din yung kalagayan mo lalo nat ang nangyayari ay hindi naibabalik yung para sayo? Sabi din nila dapat di ka naghihintay ng kapalit. Pero pano kung hindi naman yung kapalit ng pag-ibig mo yung hinihintay mo? Kundi yung tamang pagmamahal lang naman na para sayo? Masama pa rin ba iyon?
Tingin ko sa pagmamahal di natin dapat talaga nalilimutan yung sarili natin e. Kasi kung nalilimutan natin na bigyang pansin at iparamdam ang pagmamahal sa sarili natin, pano pa natin ito maibabahagi sa iba? Pano pa natin magagamit ng tama ang utak at puso natin? Pano pa natin maaalagaan ang ating mga nararamdaman? Patuloy nalang bang aasa sa pagmamahal mo sa iba? O dapat na talagang matutunan na ikaw ay hindi nabuhay para saktan nila?
Minsan naisip ko. Kaya nga siguro puno ng pagmamahal ang Diyos kasi walang perpektong nagmamahal. Walang tao ang kayang maibigay ang tunay na pagmamahal sayo ng walang daplis ng kamalian. Siguro nga talagang sa pagmamahal, kasali ang sakit, ang iyak, ang inis. Siguro nga lahat ng to dapat matutunan at maovercome mo para mas mapahalagahan mo ang pagmamahal. Siguro nga..
Minsan naiisip ko, depende din talaga sa tao kung ano mas uunahin nya e. Depende din sakanya kung anong posisyon ang pipiliin nya. Depende sakanya kung patuloy syang maghihintay sa isang tao o makikita nya ang kagandahan sa sitwasyon na iyon. Depende sakanya at sa minamahal nya kung tunay itong para sakanila o hindi. Pero tingin ko, di dapat parin idepende sa nararamdaman ng puso ang lahat e. Kasi ang puso, deceiving. Minsan oo na mahal mo. Minsan naman oo na sawa ka na.
Pero tingin ko, mas mabuti talagang panghawakan kung ano ang sabi ng Diyos. Dahil kung ang will Nya naman sayo ay sya, sya talaga. :) Ibibigay Nya. Sa tamang panahon. Sa Kanyang panahon. :)
Labels: parasayo
:)
Oo nga naman, malay natin. Isa ka lang sa mga padalang tests sa buhay. :)
Wag emote dapat smile - Big Bro
Bakit kaya kapag nakikita kita, nalulungkot ako? Dapat nga ba akong kabahan? Dapat nga ba akong mapatanong sa sarili ko? O dapat nga bang isecure ko na ang mga bagay bagay?Ang totoo, hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong lulugaran ko kahit na malinaw sakin ang dapat. Pero pano kung mahirap sakin gawin kung ano ang malinaw? Malabo. Magulo. Ayoko.
Tingin ko. Para talaga sakin to. Basta. *smiles*
Basta sa susunod na tignan pa kita. Alam mo na. Yung huling mukha na makikita mo rito ang susunod mo ng makikita. Yung mukhang alam kong di mo gusto. Yung ekspresyon na alam kong gusto mong makuha. Basta. *smiles*
Labels: parasayo
Wag moko unahan.
*smiles*Una, napapahalagahan ko na ang "haters" sa ngayon. Dahil dahil don, may point nako para iprove sa kanila kung sino talaga ako. Dahil may inspirasyon na ako para ipakita sa lahat kung sino talaga ako. Dahil kahit ayoko ng pinaguusapan ako, mas gusto kong pagisipan ako. :>
Pangalawa, ayoko ng inuunahan ako. Ayoko sa judgmental na tao kaya ayoko ding magjudge. Ayoko ng makita mo palang ako, may masasabi ka na kagad. Pero ngayon, dahil sayo, gusto ko na. :) Dahil nakakatuwa pala talaga kapag iba ang tingin at iniisip ng tao tungkol sayo. Dahil masarap ipakita sa lahat na di ka ganon. Dahil masarap gulatin ang lahat na kabaliktaran ka non. Dahil masarap sabihin sa lahat na, "Pasensya na, mali ang iyong inaakala." :)
Totoo, muntik na magkagulo. Pero pasensya na talaga, di ako yung tipo ng tao na naiisip mo. Di ako yung tipo ng tao na itotolerate ang gulo. Di ako yung tipo ng tao na masyadong nagpapaapekto sa mga ganyang bagay. Dahil once na mapunto ko na ang tunay na dahilan, wala nakong pakialam. :) Wala na kong sasabihin. Wala nakong gagawin. Basta ako, naiintindihan ko. :) Dahil yun ang pinakaimportante. Dahil masarap sabihin ang katotohanan kapag alam mo talaga ang totoo. :)
Gusto kita makausap. Gusto ko magpaliwanag sayo. Di ako mahilig magpaliwanag sa mga taong alam kong di ko na kelangang bigyan ng paliwanag. Pero alam mo na tinuturing kitang "kuya" kaya gusto kong sabihin sayo ang lahat. Dahil ang totoo, ayokong maging pangit ang tingin mo sakin. Dahil ang totoo, ayokong maging mali ang tingin mo sakin. :)
Willing ako magpakilala sayo. Try mo lang ako kausapin. Honest naman akong kapatid e. :)
Labels: parasayo


Lorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam erat volutpat. Ut wisi enim ad minim veniam, quis nostrud exerci tation ullamcorper suscipit lobortis nisl ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis autem vel eum iriure dolor in hendrerit in vulputate velit esse molestie consequat, vel illum dolore eu feugiat nulla facilisis at vero eros et accumsan et iusto odio dignissim qui blandit praesent luptatum zzril delenit augue duis dolore te feugait nulla facilisi. Nam liber tempor cum soluta nobis eleifend option congue nihil imperdiet doming id quod mazim placerat facer possim assum. Typi non habent claritatem insitam; est usus legentis in iis qui facit eorum claritatem. Investigationes demonstraverunt lectores legere me lius quod ii legunt saepius. Claritas est etiam processus dynamicus, qui sequitur mutationem consuetudium lectorum. Mirum est notare quam littera gothica, quam nunc putamus parum claram, anteposuerit litterarum formas humanitatis per seacula quarta decima et quinta decima. Eodem modo typi, qui nunc nobis videntur parum clari, fiant sollemnes in futurum.