Short Notice.
    Kimiko. Filipino. Japanese.
    Industrial Designer. Photographer.
    Graphic Artist. Thomasian. Grace
    Believer. God's Beloved.

    stats
    Get a hit counter from http://hitcounterstats.com/ or google for more sites and add it here!


    Dahil gusto ko.



    Surprises. Ano nga ba meron sa salitang ito? :)


    Noon, sobrang ayoko ng surprises. Ayoko kasi talagang nakikita ng ibang tao na "caught off guard" ako. Ayokong makita nila na baka hindi maganda yung ekspresyon na maipakita ko. O di kaya'y, ayoko makita nila na maiyak ako o sobrang maging masaya. Siguro dahil ayoko makita nila ang tunay na ako. Isa pa, kung ako naman ang manunurpresa, palaging fail. Palaging di aayon sa original na plano. Palaging magkakaron ng mali. At nafufrustrate ako. Pero ano nga bang nagbago? Bakit ngayon, mahilig nako sa salitang ito? :)



    Naisip ko, may kagandahang dala ang surpresa. Dahil ang surpresa, hindi sya madalas makita. Hindi sya normal na ginagawa. Hanggang sa naisip ko, kung yayakapin ko pala ito at makikipagkaibigan, malamang, maging maganda ang lahat ng magiging plano ko. Marami akong tao na mapapasaya. Marami akong plano at gusto na magagawa ko. Hanggang sa, close friends na kami ngayon ni Surpresa. :)



    Hindi sya madali. Pero dahil sa pagmamahal mo sa mga taong isusurpresa mo, pakiramdam mo'y lahat ng bagay at paraan ay kaya mong gawin. Pakiramdam mo, lahat ng bagay, aayon sayo. Makakaya mong kumausap ng ibat ibang tao. Makakaya mong maisantabi ang malaki mong hiya para matupad ang mga bagay na pinagplanuhan mo. Minsan nga sa mundo ng surprises, mas maganda padin talaga ang mga nangyayari behind the scenes kesa sa real surprise e. ;p



    Malaking tulong para sakin ang surprises. Natuto ako maging determinado na gawin ang bagay na gusto ko. Nagawa kong gumawa ng ibat ibang paraan para mapakita at maipaglaban ang gusto kong mangyari para rin sa ikakasaya ng tao. Nalaman ko ang mga kaya kong gawin, at mga kakaibang kaya kong maisip para gawin ang napagplanuhan. Aba, nakakalabas ng creativity ang surprises a! :)) Maiisip mo ang pinakaunrealistic na bagay para sa ikakasurprise ng isusurprise mo. :)



    Samakatwid, hindi ako nagsisisi na nakipagbonding ako kay Surpresa. :) Dahil unang una, malaki ang tulong nya. Isa pa, isa sya sa bagay na nakakapagdagdag ng malaking kislap sa mata ng mahal mo, sa kanyang mga ngiti, at sa damdaming nararamdaman nyo. :)

    "Dahil gusto ko." was Posted On: Thursday, March 3, 2011 @1:18 PM | 0 lovely comments
    Paunawa.

    Sana maisip mo na ang gusto ko lang naman e katahimikan at kaligayahan. Sana mabigay mo din yon.

    "Paunawa." was Posted On: Wednesday, March 2, 2011 @2:43 PM | 0 lovely comments
    Maging Desidido Ka Naman.

    Wag mo sayangin ang oras sa pagpapahintulot mo na saklawin ka ng kapaitan na nararamdaman mo. Dahil kahit mang-asar ka, at mainis ang tao sayo, maisip mo din sana na hinihintay lang nya na maging okey kayo. Na makita nyang totoo ka na sakanya at maramdaman nyang pinapahalagahan mo na ulit ang samahan nyong dalawa.



    Dahil sana maramdaman mo din, na sa totoo lang, minsan ka nyang tinuring na "Ate". At patuloy ka nyang ituturing at irerespeto sa estado mong yan. :)

    "Maging Desidido Ka Naman." was Posted On: Monday, February 28, 2011 @7:05 PM | 0 lovely comments
    More Than Conqueror.




    Does he really know you like I know you, all the little things?


    Cause he don't wanna leave, and I don't wanna go
    And I know just how this battle goes
    He don't wanna leave and I don't wanna fight this kind of war



    You know he's not the man you think he is; he's hiding all his flaws
    So tell me what's the point of fighting? Because we'll all end up with scars



    Getting kind of sick of this battle
    Wish I could take it back to when I had you
    I'm always thinking that I can have you, just let him have you
    It's getting kinda hard to convince you



    After all the shit that we've been through
    Why would you let all this happen?
    You gotta choice to make it stop
    It's already going too far..



    Girl we're soldiers in a war and none of us are backing down
    And I will show you victory is mine before we leave this battleground
    Cause he don't wanna leave, and I don't wanna go
    And I know just how this battle goes
    He don't wanna leave and I don't wanna fight this kind of war

    "More Than Conqueror." was Posted @6:16 PM | 0 lovely comments
    I want you to know that..




    Hey!
    I'm happy for you!
    :DDD

    "I want you to know that.." was Posted @4:54 PM | 0 lovely comments
    Bating Panimula

    Nakakasawa ng maglihim sayo, Blogger.
    Nauubos kasi ang buhay mo kapag nagtatago ako sayo e.
    Kaya simula ngayon, ibabalik ko ang dati nating pagsasama.
    Dahil alam kong kahit di ko ayusin ang aking pagkekwento,
    alam kong ramdam mo at naiintindihan mo ang bawat sasabihin ko.
    Kaya naman maghanda ka,
    dahil sa dami ng naipon kong kwento,
    malamang...



    ...ikagulat mo. *wink*

    "Bating Panimula" was Posted @4:38 PM | 0 lovely comments
    Salamat.

    Dahil naiintindihan moko.
    Sobrang naaappreciate ko.
    Masaya ako.
    Muli, salamat. :)

    "Salamat." was Posted On: Tuesday, February 22, 2011 @10:15 PM | 0 lovely comments
    Seryoso.

    Nakakainis kasi.
    Di ko makita na valid ang rason. Seryoso.
    Alam ko kasing di tama.
    Alam kong sobrang mali.
    So bakit pa gagawin?
    Ayokong makaoffend.
    Gusto ko maintindihan.
    Pero sana naman maintindihan din ako.
    Kasi minsan..
    Talagang nakakapagod umintindi.
    Kapag alam mo ng mali yung bagay na iintindihin.
    Swear. :|
    Ayoko makapanakit.
    Pero ayoko din masaktan.
    Hindi naman kasi lahat ng bagay dun kelangang umikot.
    Lalo na kapag alam mong magdadala yun sa inyo sa kapahamakan.


    Wag ng magtanong sakin. Di ko din naman sasagutin.
    Tanggap ko ang lahat.
    Pero eto din ako. Kaya tanggapin mo din.

    "Seryoso." was Posted @7:38 PM | 0 lovely comments
    What's on your mind?

    Parang Facebook lang..


    Nakakatamad na..
    Nakakatamad ng pansinin lahat ng bagay sa paligid. Kung masaya dun, edi go. Kung hindi, edi go. Kung may koneksyon padin, bahala sila. Kung wala, edi mas maganda. Kung may nangyayaring di ko gusto, okey. Kung lahat umaayon sakin, edi  selebrasyon!


    Nakakatamad na kasing pansinin ang lahat ng bagay at iinisin mo ang sarili mo kapag may ayaw kang makita. Pero in the first place, ikaw naman ang nagdesisyon na tignan lahat. Ang tao, lagi kang ifefail nyan. So bakit sa kanila ka kelangang magfocus?

    Nakakatamad na..


    Ganun na lang ulit. Hayaan ang lahat sa kamay ni Lord. Tutal alam mo namang di ka Nya ipapahamak..

    "What's on your mind?" was Posted @7:13 PM | 0 lovely comments
    Matanong ko lang. .



    Nag-aabang ka ba ng blog ko for you? :>


    Wele leng. Feeler ako e. ;)
    :)))

    "Matanong ko lang. ." was Posted On: Sunday, February 20, 2011 @5:01 PM | 0 lovely comments
    One Day as a Photographer























    Di na naglagay ng captions. Well, I think you already know why. :))


    At yan ang behind the scenes. :))

    "One Day as a Photographer" was Posted @12:20 AM | 0 lovely comments
    To Do List Check


    Sooo.. hanap ka ng mahahaggard sa week nato. :|

    "To Do List Check" was Posted On: Saturday, February 19, 2011 @9:15 PM | 0 lovely comments
    Kausap ko si Kulin.

    Sya: "Mik, nasayo pa ba yung ringtone mong nakakatakot?"
    Ako: "Oo, bakit?"
    Sya: "Papasa sakin."
    Ako: "Pag-iisipan ko."
    Sya: "*tawa* Ang arte mo talaga."
    Ako: "*kamot ulo*"
    Sya: "Sa lahat ng nakilala ko, ikaw ang pinakamaarte."
    Ako: "Baket, feeling mo basta basta ako? :>"
    Sya: "Ang arte mo talagaaa. :)) Akin naaa."
    Ako: "Pag-iisipan ko pa nga."
    Sya: "E uuwi nako."
    Ako: "Edi next time. Bakit, pag sinabi bang pag-iisipan, may sagot na agad? Diba pag pinag-iisipan, it takes time. *belat*"


     Pag magdedesisyon, di kelangang mabilisan.
    Dahil kadalasan sa mabilisan, naipilit lang.
    Kaya hayaan mong lumipas ang oras.
    Di naman magiging worthless yan kapag nakapagdesisyon ka ng matino e.
    :)

    "Kausap ko si Kulin." was Posted @8:04 PM | 0 lovely comments
    Expression Number ..? Di ko alam.


    Isa lang naman alam ko e. .


    Anata ga inakutte sabishii..

    "Expression Number ..? Di ko alam." was Posted On: Friday, February 18, 2011 @1:36 PM | 0 lovely comments
    Pagtapos ng tatlong araw.

    Matagal padin pala. :(

    Naalala ko ang box ng ferrero.


    Minsan lang ako magcrave sa Ferrero. At sa pinagpalang palad, madami pa ang dumating. Minsan sa dami ng Ferrero, di ko din talaga alam kung ano yung unang pipiliin. Yung unang titikman. Kaso alam mo yun, sa pagiging sabik mong tikman lahat, di mo na papansing magkakaiba din sila.


    Nung nagsimula akong mahilig sa Ferrero, sa tuwing magkakaron ako nito, mahilig ko silang icheck isa isa. Kasi nakakatuwa. Kahit na gano pang magkakapareho ang hugis, kulay at itsura nila, may pagkakaiba padin. Minsan sa pagkakawrap. Minsan sa pagkakalagay ng sticker logo. Minsan sa loob na mismo. At kadalasan, una kong kinakain ang mga may defect. :)) At itinitira ko yung mga magaganda. Yung mga precious like. ;)



    Kaya minsan di rin mahirap mamili e. Minsan nga lang mahirap tanggapin na ikaw pala yung di napili. Na ikaw yung may defect. Pero minsan, may ibang tao kasi na hinuhuli ang pinakamaydefect. O kahit hindi pinaka, darating din ang araw na ikaw naman ang ihuhuli, ang ititira. Kahit hindi pa ikaw ang pinakamaganda at presentable sa lahat. :)


    Dahil precious ka din. Nag-iisa. Na deserved itira. :)

    "Pagtapos ng tatlong araw." was Posted @1:18 PM | 0 lovely comments
    Narinig ko kanina sa radyo.

    How deep is your love
    I really need to learn
    'Cause were living in a world of fools
    Breaking us down
    When they all should let us be
    We belong to you and me

    At hanggang ngayon, napapakanta padin tuloy ako. . How deep is your love? Your love, how deep is your love. . :))

    "Narinig ko kanina sa radyo." was Posted On: Wednesday, February 16, 2011 @10:18 PM | 0 lovely comments
    Ang Photography. Bow.

    Napansin ko lang, kung di ako gagastos sa pera, effort at oras sa Photography plate ko, bumababa ang grade ko. Siguro minsan mahirap nga talagang isangkatuparan ang imahinasyon ko kapag limitado lamang ang mga gamit. Siguro nga kelangan ko talagang magtake risks para tuparin ang gusto kong mangyari lalo nat alam ko namang kayang kaya ito gawin.

    Kaso pano kaya yun, gusto ko sa susunod kong plate e gitara at malaking speaker ang subject. Bibili din bako ng gitara at spaker? :|



    =))

    "Ang Photography. Bow." was Posted @10:13 PM | 0 lovely comments
    Ok. Tignan naten.

    Marami pala akong dapat gawin ngayong mahabaaaaaaaaang bakasyon. :)


    So far, yan palang naaalala ko. So sa limang araw, HAH! Tutumba kayong lahat! :> BUAHAHA. :>

    "Ok. Tignan naten." was Posted @5:47 PM | 0 lovely comments
    Hmm.

    Minsan talaga namimiss kita. Kamusta ka na kaya? :) Kung wala lang siguro mang-aaway sakin kapag kinamusta kita, malamang friends na tayo ulit. :))

    "Hmm." was Posted On: Tuesday, February 15, 2011 @11:08 PM | 0 lovely comments
    Hanap ka ng may hinahanap.

    Pag ako nagtampo at nalungkot..




    ...huwag mo ko sisisihin. ;p

    "Hanap ka ng may hinahanap." was Posted @5:28 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    mahirap labanan ang mga pagaalinlangan sa mundo.

    Pero kapag mahal mo, at ayaw mo ng saktan ang sarili mo. Bakit pa nga ba makikinig sa mundo kung nagkasundo na ang puso't isip mo?


    Lalo na kapag wala kang intensyong saktan ang ibang tao at natuto ka lang naman na magtiwala hindi sa mundo kundi sa Tatay mo :)

    "Alam mo yung.." was Posted On: Monday, February 14, 2011 @11:42 PM | 0 lovely comments
    Paalala lang.

    Wag masyadong lumalaki ang ulo.
    Minsan, sumasabog yan. :)

    "Paalala lang." was Posted @11:30 PM | 0 lovely comments
    Nagmistulang Kerubin.

    Pagkapasok ko sa room, napansin na kagad ng lahat ang saya ko. Tinawag naman ako kagad ni Sir at sinabing bakit ako masaya. Sabi ko naman, nagpapanggap lang ako. :)) Hellooo, nawawala kaya yung working drawing kooo :(( 

    Akala ko may ipapagawa pa sya o kailangan nya pang pirmahan ang working drawings, ayun pala, relax relax lang. Hinantay namin ang FF at maya maya'y dumating na si Insan kasama si Kevin na may dalang bulaklak. :)) May dalang bouquet si Insan na malamang ay para kay Iselle :"> At si Kevin naman ay may bouquet din na hindi namin alam kung para kanino :))

    Hinila ni Kevin si Claire sa labas. At maya maya'y bumalik sila para sabihin. .

    Kevin: "Sorry FF, di ko na kayang ayusin to. :)) Kunin nyo nalang. :))"


    AT YUN. Para samin pala. HAHAHA Sobrang nakakatawa kasi nagmistulang "get one and pass" kaming mga babae sa FF. :))


    Inabangan namin si Ryan dahil sa pageexpect namin ni Insan na may something syang surprise para kay Janna. PERO WAIT. Linawin ko lang, inaasar lang namin in the first place si Janna at Ryan at kung magkadevelopan man sila o hindi, masaya kaming lahat. =)))

    Dumating si Ryan ng walang kahit ano. :)) Kaya naman kahit disappointed kami ni Insan, gumawa kami ng paraan para sumaya ang lahat HAHA. Di na kami tumuloy bumalik sa IND at nagpunta nalang kami sa Dangwa. Na Manila Flower Center na daw. HAHA Biruin mong nilakad namin yun mula UST ng may paltos pa ako :((


    Pagdating don ay naghanap kagad kami ng tulips na paborito ni Janna. Kaso medyo fail pa. :)) Dun naman kami nainlove nila Abi at Claire sa Carnation. :)) At ang Stargazer dinnn, magandaaaa. :D Nakakatuwa pala pumunta don, nakakaaliw sa mata ang mga bulaklak. :3


    Paikot ikot kami hanggang sa nakakita nadin kami ng tulip na para kay Janna. Pagtapos ay kumain sa SM na nilakad din namin. >.< Feeling ko sobrang naexercise ako ngayong araw nato. HAHA Ang traffic din kasi >.<

    Pagtapos kumain, bumili din ng KK donuts si Chizi para kasama ng tulip na malapit ng magulanit ng todo sakanya. :)) Nagmadali na kaming bumalik ng UST dahil naman sa paalis na din si Janna.


    Ngunit dahil magaling kame :)))) Naabutan namin si Janna na saktong papunta na sa sundo na, at pooof! binigay na ni Ryan ang KK at tulip kay Janna. :"> :"> :"> Wala lang. Ang kyooot! :3


    Meron pa palang cute na nangyari. Ang pagbigay ni Insan kay Iselle ng bouquet na kina-teary-eyed ni Iselle. :"> SWEET. Kainis. :">

    Insan (via Twitter): "When I saw her eyes sparkled, my heart was filled with happiness like there's no more space left. @" :">


    Nakakatuwa lang yung araw nato. Ang daming couples na nagpacute. HAHA. Pero totoo. Di lang naman rin sa couples umiikot ang saya ng Valentines e. Pwede rin sa magkakaibigan at magkakamag-anak.

    Binigyan din kaya ako ni Abi shobe ng Carnation. :">



    But wait.. di ko padin kinekwento ang pinakahighlight ng araw ko. :"> ;)

    "Nagmistulang Kerubin." was Posted @10:04 PM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    feeling ng tinutubuan ka ng wisdom tooth. Yung tipong sasakitan ka ng ulo ng sobra. At feeling mo, lalagnatin ka na talaga. .

    Naisip ko tuloy. . Talaga bang kelangang masaktan kapag tumatalino?

    "Alam mo yung.." was Posted @9:39 PM | 0 lovely comments
    Mukhang eto na nga muna.




    I'm just a little bit caught in the middle
    Life is a maze and love is a riddle
    I don't know where to go I can't do it alone I've tried
    And I don't know why

    Slow it down
    Make it stop--
    Or else my heart is going to pop
    'Cause it's too much
    Yeah, it's a lot
    To be something I'm not

    I'm a fool
    Out of love
    'Cause I just can't get enough

    I'm just a little bit caught in the middle
    Life is a maze and love is a riddle
    I don't know where to go I can't do it alone I've tried
    And I don't know why

    I am just a little girl lost in the moment
    I'm so scared but I don't show it
    I can't figure it out
    It's bringing me down I know
    I've got to let it go
    And just enjoy the show


    The sun is hot
    In the sky
    Just like a giant spotlight
    The people follow the signs
    And synchronize in time
    It's a joke
    Nobody knows
    They've got a ticket to that show

    Yeah

    I'm just a little bit caught in the middle
    Life is a maze and love is a riddle
    I dont know where to go, can't do it alone I've tried
    And I don't know why

    I am just a little girl lost in the moment
    I'm so scared but I don't show it
    I can't figure it out
    It's bringing me down I know
    I've got to let it go
    And just enjoy the show oh oh oh

    Just enjoy the show oh oh oh

    I'm just a little bit caught in the middle
    Life is a maze and love is a riddle
    I dont know where to go I can't do it alone I've tried
    And I don't know why

    I am just a little girl lost in the moment
    I'm so scared but I don't show it
    I can't figure it out
    It's bringing me down I know
    I've got to let it go
    And just enjoy the show oh oh oh

    Just enjoy the show

    dum de dum
    dudum de dum

    Just enjoy the show

    dum de dum
    dudum de dum

    Just enjoy the show

    I want my money back
    I want my money back
    I want my money back

    Just enjoy the show

    I want my money back
    I want my money back
    I want my money back
    Just enjoy the show.

    "Mukhang eto na nga muna." was Posted On: Saturday, February 12, 2011 @1:23 PM | 0 lovely comments
    Ay weh.

    Siguro nga.
    Siguro mali talaga.
    Siguro mali ka talaga.



    Tanggapin mo na. :)

    "Ay weh." was Posted On: Friday, February 11, 2011 @11:49 PM | 0 lovely comments
    The Next Time We Talk







    . . 'cause most of the time, women want the truth.
    not nice words.
    :)

    "The Next Time We Talk" was Posted On: Thursday, February 10, 2011 @10:14 AM | 0 lovely comments
    Just a Reminder.

    I know you have the capability to fool me.




    But I suggest,





    you first think if I deserved to be fooled.

    "Just a Reminder." was Posted On: Wednesday, February 9, 2011 @12:48 AM | 0 lovely comments
    Alam mo yung..

    Wala na ngang tumutulo sa mata mo, sa ilong naman? Tas nakakainis pa dahil ikakadahilan yun para sumama pakiramdam mo? HUHU :(

    "Alam mo yung.." was Posted @12:15 AM | 0 lovely comments
    Wait and See.

    Let me be the one to break it up
    So everything can now be settled
    We don't need to find a set up where
    Someone wins and someone loses
    We just have to say our love is true
    So everyone should set us free
    So I'm tellin you I love you one last time
    And goodbye. .

    "Wait and See." was Posted On: Tuesday, February 8, 2011 @11:56 PM | 0 lovely comments
    Madali akong kausap lately e.

    Emman: "San ka ba?"
    Meka: "Sa likod ng SM."
    Emman: "AYY, sa Trinoma lang ako bestfriend e. :))"
    Kevin: "*biglang sali* Diba ang bestfriend hinahatid ang bestfriend? Isa lang naman ang hinahatid dyan pero di nya tinuturing na bestfriend e *sabay tingin sa akin*"

    Kaya dahil dyan. Ako'y napareact.

    Ako: SIGE KEVIN. TANDAAN MO NGAYONG ARAW NATO. FEB8, BESTFRIENDS NA TAYO. *tawa lahat*


    Di ako sarcastic. HAHA Dahil mabilis ako kausap at straight to the point, o ayan. Instant bestfriend! :)) Dahil nga naman lagi syang andyan para sa akin, why not diba? :)


    Meet my newest bestfriend :))


    Photograph by: Meka Macapugay


    True, one automatic flower in Valentines' ;) Haha..

    "Madali akong kausap lately e." was Posted @11:40 PM | 0 lovely comments
    Best line of the day.

    Insan, kaya mo ginagawa yan e para magpahinga. Hindi para lalong mahirapan ka.

    Kaya kita labs Insan e. ;)

    "Best line of the day." was Posted @11:31 PM | 0 lovely comments
    NGAYON II.

    Pero tandaan mo,
    kung may ayaw kang makita,
    at pipikit ka,
    siguraduhin mong ika'y handa,
    sa pagtuloy ng iyong luha.


    :)

    "NGAYON II." was Posted On: Sunday, February 6, 2011 @9:32 PM | 0 lovely comments
    Ngayon.

    Kung ayaw mong may makitang iba..
    pumikit ka na lang..



    Pahinga na tayong lahat.
    Sige na..
    :)

    "Ngayon." was Posted On: Saturday, February 5, 2011 @1:30 PM | 0 lovely comments
    Perspective.



    Mahilig ako sa bulaklak. Di dahil magvaValentines na. Kundi dahil madaming realizations meron sa mga bulaklak.

    Isang bagay na magandang pagmasdan sa bulaklak ay ang kanyang kulay. Hindi kasi sya nakasteady lang sa iisang shade lamang. Makikita mo talaga ang gradient nito. Isa pa, ramdam mo ang kalambutan ng kanyang texture dahil sa kulay. Ewan ko ba, pero sa tuwing nakakakita ako ng mga bulaklak, nagdadala ito ng good vibes sakin. 


    Nagsimula din akong ayawan ang mga bulaklak noon, specifically ang rose. Ayoko sa kanya kasi madami syang tinik. At sa lahat ng bulaklak, kung sino pa syang pinakamaganda at kaakit akit sa paningin, sya pa ang may pinakamaraming tinik. Sabi ko, aanhin ko ang ganda ng bulaklak na yan kung masasaktan naman ako sa tuwing hahawakan ko sya? Aanhin ko ang ganda nyan kung hirap na hirap naman ako pag-isipan kung pano ko ito mapipitas o makukuha ng hindi nasusugatan ng mga tinik nito?

    Pero minsan sa buhay mo mapapagtanto mo din talaga, iba ang saya sa pakiramdam kapag nakuha mo ang rosas. Na nakuha mo sya na kahit madami ang tinik nito, hindi ka nasusugatan. Hindi ka nasusugatan kasi may Isang nagtanggal ng mga tinik nito para sayo. Para maenjoy mo ang saya na maidudulot ng rosas na ito.

    Nakakatuwa. Kasi may Isang nagbigay ng oras sayo at tinanggal Nya pa ang mga tinik nito para di ka na masaktan. Para mapahalagahan mo na ng todo ang rosas, at makita ang ibat ibang shade na meron ito. Na sobrang matutuwa kang alagaan ang rosas at piliting tubuan sya ng ugat para patuloy syang mamuhay. Pero sino nga ba ang nagsabi sa akin nakapag ang rosas ay tinanim mo sa lupa, tutubo padin ito? :)




    Mahirap pumitas ng rosas. Kaya mas magandang hingin nalang ito sa Iisang may kayang tanggalin ang tinik sa mga rosas. At kapag dumating na sa puntong ibinigay Nya ito sayo, mapapagtanto mo. .

    Di ka na maiinis dahil madaming tinik ang rosas. Kundi magpapasalamat ka dahil ang madaming tinik. . ay tinubuan ng bulaklak. :)

    "Perspective." was Posted @12:28 PM | 0 lovely comments
    BASAHIN MO ITO NG PAULI ULIT.



    Hindi purkit di ko pinangangalandakan
    sa posts kong masaya ako,
    hindi nako masaya.

    Dahil kung alam mo lang talaga ang totoo,
    baka magulantang ka.

    Kaya sana mapagtanto mo,
    kung di mo alam lahat ng bagay,
    manahimik na lang.

    Di ka naman kasali talaga para maging
    big deal ang pananahimik diba?
    Makisama ka na lang.
    Make love.
    Not war.
    WORLD PEACE.

    "BASAHIN MO ITO NG PAULI ULIT." was Posted On: Thursday, February 3, 2011 @10:49 PM | 0 lovely comments
    Kwentong Bus.

    January 22 at 29. NSTP namen. Nagpunta kami ng Nueva Ecija. At pagkauwi, deretcho ako ng Cavite.


    January 22, 2011. Saturday.

    Sobrang pagod ako. Dun ko naramdaman yung pagod na hirap ka na maglakad dahil nanlalata ka na. Pagdating ko sa Lawton, wala ng bus deretcho ng Cavite kaya naghintay ako ng isa pang bus papunta sa South.

    Sa haba ng paghihintay ko, may isang bus na dumating. Pwede ko syang sakyan, kaso ordinary bus sya. Naghintay pa ako ng kaunti, pero wala na talagang ibang dumadating kaya sumakay nako sa bus nayon para makauwi. Sabi ko sa sarili ko, pwede naman ako maglakad hanggang LRT Station at magtren para makasakay ng mas magandang bus. Kaso pagod na pagod nako. Nanlalata na ang katawan ko at di pakiramdam ko, di ko na kakayanin. Kaya naman dun nalang ako nagsettle sa ordinary bus. Dahil sya yung andyan na. Sya yung madali lang sakyan. Sya yung hindi na kelangan pang pagexert-an ng effort para makauwi.

    Naenjoy ko ang bus ride. Di ako nakatulog kasi kailangan kong maging alert pagdating sa mga dala kong gamit. Tsaka isa pa, sobrang lakas ng hangin. Masaya naman. Kaso ang hirap din huminga kasi ang lakas ng pwersa ng hangin na sumasalubong samin. At pagkauwi ko, sobrang dumi ng mukha ko. Kailangang maglinis ng mabuti pagkatapos. At pagkauwi ko, sobrang naramdaman ko din ang pagod. Sobrang sinakitan din pala ako ng katawan sa bus na iyon.



    January 29, 2011. Saturday.

    Pagod ako pero hindi sobra. Pinilit kong umuwi kahit na gusto ko sanang sa dorm nalang matulog. Pagdating ko sa sakayan, may isang ordinary bus ulitna pwedeng sakyan ang nakatambay. Pero sabi ko, may lakas nako ulit maghintay para sa magandang bus, maghihintay ako. Naisipan kong magLRT nalang, pero sabi ko, may dadating na bus. Hihintayin ko yun.

    Dumating ang sangkatutak na airconditioned bus, pero di sila papunta sa lugar na pupuntahan ko. Kaya patuloy padin akong naghintay. May huminto ulit na ordinary bus sa harap ko. Kaso bigla kong napagtanto.

    Oo nga pala. Beloved ako. Hindi ako deserved sumakay ng ordinary bus. Hindi purkit pagod ako, sa ordinary bus na lang ako magsesettle. may magadang air conditioned bus ang naghihintay saken...kahit na mukhang ako ang nag-aantay.

    Kahit na nagdadalawang isip ako na proof ang huli kong sinabi, nag-antay padin ako. Hanggang naisip ko, maglakad sa may bandang unahan. Naisip ko, baka sa kabilang daan dumaan yung bus. O di kaya'y yung dalawang bus na nasa unahan, isa don ang bus na dapat kong sakyan. Pagdating ko sa unang bus, iba ang kanyang patutunguhan. Di ako nalungkot o ano dahil alam ko, may sapat na bus ang para sa akin.

    Hanggang sa bumaba ang konduktor ng isa pang bus na nakahinto doon, air conditioned, at isinigaw ang lugar ng destinasyon ko. :) Laking ngiti, umakyat ako sa bus habang bumublong sa sarili ng.. Andyan ka lang pala. Hinihintay nga ako.. :)


    Minsan di ko magawang mapansin na may isang bus pala talagang naghihintay din sakin. Na sa pagiging busy ko hintayin sya, di ko magawang makita ang effort nyang paghihintay sa akin. Naisip ko, bakit kaya nasa unahan sya at hindi sa mismong harapan ko nag-antay? Pero sumagot sya. Sabi ba naman, "Di din kasi kita napansin na naghihintay ka. Akala ko ibang bus inaantay mo. At nung tuluyan nakong paalis, bigla ko naisipang huminto. Bigla ko naisipang may dapat pakong hintayin. Dahil ang daan na patutunguhan ko, ay sya ding daan ng patutunguhan nya. Kelangan ako ng taong yon. Kelangan nya kong makitang naghihintay dito para malaman nyang hindi sya dapat nagsesettle na lamang sa ordinary bus." Akalain mong ang haba ng sinabi nung bus? :))







    Sa bus na yon, di ko din magawang makatulog. Di dahil di ako komportable. Sadyang nagumapaw lang ang saya ko sa kaligayahan na andyan pala talaga sya all through out..at hinihintay ako. :)

    "Kwentong Bus." was Posted On: Sunday, January 30, 2011 @10:57 PM | 0 lovely comments
    DOSE.

    Sinuyo mo ang iba dahil nasaktan ka nila.
    Ngayong kung kelan ka minahal,
    saka mo yan pinag-isipan ng dalawa.





    How weird is that? :))






    Sad how you give too much of yourself to others, my dear..

    "DOSE." was Posted On: Friday, January 28, 2011 @11:09 AM | 0 lovely comments
    Now Playing. :)

    "Now Playing. :)" was Posted On: Tuesday, January 25, 2011 @2:21 PM | 0 lovely comments
    Unwritten Again.

    "Unwritten Again." was Posted @2:12 PM | 0 lovely comments
    LSS Ako A.

    "LSS Ako A." was Posted @1:57 PM | 0 lovely comments
    Random Thought.

    How can a person be "more than a man" if he doesn't know how to be a man in the first place?

    "Random Thought." was Posted @1:55 PM | 0 lovely comments
    Ang Tatay ko ay Hari.

    Daughter: Dad, how can I be sure if a guy really likes me or not?


    Daddy: If a guy really likes you, he would do whatever it takes to be yours. You see, there are two kinds of "being interested". One is, when a guy likes you but has his heart open to other girls. This is the kind that isn't so serious about being serious. The other kind of "being interested" is the kind that I want a guy to be interested in you. This is the kind whose eyes are set on you, and only you. No other girls. The one that sends you those long text messages on how much he means to you, gives you goodmorning and goodnight calls telling you to have a good day and to have sweet dreams. If a guy really wants to you to be his, he wouldn't be ashamed to introduce you his friends and even better, his family. I would want you to have a guy that when he looks into my daughter's eyes, he feels like he doesn't belong anywhere else but your heart.

    Noong bata ako, inggit na inggit ako sa mga katulad kong bata na may mga tatay. Ngunit ngayong malaki na ko, masaya palang malaman na mas matindi ang Tatay ko kesa nung sakanila. Beloved ako ng Tatay ko. :)

    "Ang Tatay ko ay Hari." was Posted @12:58 PM | 0 lovely comments
    DVD, Director's Cut

    Ang bawat bagay ay nabibigyan ng komento. At ang mga komento ay nahahati lamang sa dalawa. Isang positibo, isang negatibo. Pero paano kung ang bagay ay bigla nalang binigyan ng parehong negatibo? Ano ang dating sayo? Pangit ba talaga ang bagay na ito? O pangit lang talaga ang ugali ng mga tao?



    Disc A.

    Ang punto kung san gusto mo na sumuko. Ang panahon na bigla mong mapapagtantong "Tama na. Sukdulan na." Mapapagtanto mong lahat na ibinigay at ginawa mo pero sadyang wala ka ng natitira, at wala ka ding natatanggap. Ang momento kung san masasabi mo sa sarili mong, "Ayoko na."

    Madaling mahusgahan ang mga taong nasa gantong punto lalo na kapag hindi nila talaga alam ang tunay na istorya. Hindi kasi nila alam kung gano kahirap magbigay, magparaya, at magboluntaryo na akuin ang salitang "Move on." Maraming magsasabi na hindi naman sinabihan ang tao na gawin ang bagay na ito. Maraming negatibong komento. Ngunit ang hindi nila makita, sadyang mahal sila ng tao kaya nya napagtantong "Tama na."


    Totoong mahirap magparaya. Pero ano pa nga ba ang magagawa mo kung mararamdaman mo din sa sarili mong napapagod ka na. Lalo na kapag di mo na din talaga makita ang tunay mong halaga. Minsan mapapaisip mo na totoo pa nga ba ang lahat. Puro pag-aalinlangan, takot at mga tanong sa kaisipan ang patuloy na magpapatakbo ng araw mo. At sa gulo ng sitwasyon, sa dahilang di mo na din magawang makita ang tamang daan, maiisipan mong lumayo. Sumuko. At magpalaya ng lahat, kasama ng iyong nararamdaman.

    Oo masakit. Pero maiisip mo na para sa mga taong mahal mo, ikaw nalang ang gagawa ng bagay na di nila kayang gawin. Para sa ikatatahimik ng lahat. Para sa ikakatigil ng lahat.

    Pero may isang matinding nagpapahinto ng desisyon mong ito. Dito papasok ang...




    Disc B.

    Ang punto na may biglang hihila sayo at magsasabing "Wag muna." Masarap isipin na may taong mageeffort na magpahinto sayo, tignan ka, sabihing "Ayokong mawala ka." sa pamamagitan ng mata. Ngunit masakit ding maramdaman na sa dami ng mga nagdaan, hindi mo alam kung dapat ka pa bang maniwala.

    Sa disc na ito mo mararamdaman ang pagkalito.

    Aalis ka pa ba dahil sobrang desidido ka na? O muli, sa isa pang pagkakataon na malamang huling huli na dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman mo, mananatili ka para dun sa tao?

    Hanggang sa magmimistulang computer ang sistema ng katauhan mo at magshashutdown ito, magiging manhid ka at patuloy na malilito kung ano ang iyong susundin. Ang paghahanap at pagkita ng kahalagahan ng pagkatao mo? O ang pagtulong at patuloy na pagmamahal sa mga taong iiwan mo? 

    Dito mo mararamdaman na hayaan nalang sila. Dahil pagod ka na. Masasabi mo sa sarili mo na "Bakit ko kelangan mapagod?" Hanggang sa malilimutan mo pansamantala ang lahat ng bagay na nararamdaman mo. Uunahin mo munang bigyan ng halaga ang bagay na nasa harap mo. Hayaan ang mga taong ipakita sayo ang bagay na gusto mong makita kaya ka lalayo. At ang hayaan ang Diyos na patuloy na gumalaw sa buhay mo, ng wala kang ibang gagawin kundi patuloy na magtiwala sa Kanya.


    Tunay na magulo ang mga disc ng DVD na ito. Pero alam mo kung bakit mas mabuting discs sila kesa isang cassette tape? Kasi sa cassette tape, nasa iisang ribbon iyon. Ibabaliktad mo lang at irerewind. Pero sa dvd, nakahiwalay. Kapag ayaw mo ng isang disc, importante man sya sa kwento, maari mong itapon o sirain...ng hindi naaapektuhan ang isa pang disc.


    Ngayon, pano mo pipiliin kung aling disc ang panonoorin mo? Simple lang.. Pumili ka with grace. :)

    "DVD, Director's Cut" was Posted @12:31 PM | 0 lovely comments
    Salamat Readers. :)

    Nakakatuwa. Kasi may mga nakakaappreciate pala ng posts ko dito. :)) Seryoso, di ko ganun na iniisip na meron haha! Anyway, maraming salamat. :)


    Inactive na ang script sa codes kaya pwede mo na sya macopy at makeep, Ate Sarah. :) Alam ko naman kasing nagbibigay ka ng credits kapag nagagamit mo sila e. At dahil mahal kita, pati sa Pauline Zantua *hi!*, maaari mo na ito ulit macopy at makeep. :)

    "Salamat Readers. :)" was Posted On: Thursday, January 20, 2011 @1:32 PM | 0 lovely comments
    Eto pala ang Ideal Age.


    SIYETE.




    OTSO.





    NUEBE.





    DYIS.





    ONSE.

    Minsan mapapagtanto mo ding mahirap talaga. Darating talaga sa puntong mapapagod ka. Isa lang naman ang kelangan mo e. Pero ayun pa ang hindi mo pwede makuha. Kaya minsan maiisip mo nalang bigla, may buhay ka din pala. Maarte kang tao. At mapapagtanto mo na kelangan mo din palang makita na mahalaga ka talaga.

    "Eto pala ang Ideal Age." was Posted On: Sunday, January 16, 2011 @9:59 PM | 0 lovely comments
    Current Facebook Status

    I've had the time of my life. And I've never felt like this before. And I swear, this is true. And I owe it all to You. :) Blessings don't stop when birthdays end. The best things are yet to come. I'm claiming for more! :)


    Dahil totoo. Ang mukha aybumaliktad na. Salamat sa lahat ng tao na involved sa birthday ko. Lalo na Sayo. Dahil ikaw ang nagbigay ng lahat. Maraming maraming salamat. :)



    Hello Ideal Age! Let's make this year a great rock! :)

    "Current Facebook Status" was Posted On: Saturday, January 15, 2011 @11:03 AM | 0 lovely comments
    Goal For Today.

    Baliktarin ang mukhang to... ----->   :(








    ): <----- O ayan, baliktad na.

    "Goal For Today." was Posted On: Friday, January 14, 2011 @10:38 AM | 0 lovely comments
    Hi Doubts and Fears.

    It's time to face you.


    And say 'Goodbye'.

    :)

    "Hi Doubts and Fears." was Posted On: Thursday, January 13, 2011 @6:41 PM | 0 lovely comments
    Facetime.

    Hindi sa iPhone. Kundi sa personal..


    Kaya yan. :)

    "Facetime." was Posted On: Wednesday, January 12, 2011 @8:36 PM | 0 lovely comments
    Breakthrough.

    "When the oceans rise and thunders roar,
    I will soar with You
    Above the storm."

     
    Para sakin, isang malaking accomplishment ang lahat. Di ko rin akalain na nangyari ang lahat lahat ng ganun kabilis at ganun kabiglaan. Sabihin nating isang linggo? O di kaya'y isang gabi na nangyari ang pinakamalaking takot mo sa buhay, pero mas pinili mong magtiwala sa Tatay mo sa kabila ng lahat ng kabiguan na pinapakita sayo ng mundo.


    Ang sayang isiping nananalo ka. Ang sarap sa pakiramdam na malaman na handa kang lumaban, na nilalabanan mo, na nagtatagumpay ka at hindi ka sumusuko. Isang malaking pribilehiyo ang nangyari upang mapagtanto mo na ang mga masasakit na bagay na ito ay hindi ka kayang ibaba dahil matututo kang hayaan ang iyong pananampalataya at ang biyaya Nya na gumalaw.


    Mahirap masaktan pero walang sandaling tumatapang kung hindi sya masusugatan ng ilang beses. - Mama B.

    Totoo, masasaktan ka. Iiyak ka, hindi lang isa o dalawang beses. Ngunit sa bawat pag-iyak, naroon ang bawat sagot at realizations sa bawat bagay na gumugulo sayo. Sa bawat pagkalungkot, mararamdaman mo ang comfort na ipaparamdam sayo ni Lord. Kaya sa kabila ng lahat, masarap parin ipagsigawan kung gano mo kamahal si Lord at kung gano kadoble ang pagmamahal Nya sayo. :)


    "Father, You are King over the flood.
    And I will be still
    And know You're my God."

    "Breakthrough." was Posted On: Sunday, January 9, 2011 @10:08 PM | 0 lovely comments
    SAIS.


    Hindi solusyon ang pagkuha ng para sa iba

    upang palitan ang sayo'y kinuha.


    Pakitandaan.

    Labels:

    "SAIS." was Posted @3:54 PM | 0 lovely comments
    SINGKO.

    Minsan naisip ko, hindi kaya kaya paulit ulit ang pinakaugat ng mga problema mo at nangyari sayo ay para malaman mo ang pakiramdam ng bida sa pag-ulit ng mga ito kung san ikaw naman ang kontrabida?





    *Salamat sa pagshare ng kantang to sakin, Janna. :)

    Labels:

    "SINGKO." was Posted On: Friday, January 7, 2011 @8:42 PM | 0 lovely comments
    KWATRO.



    Ganun naman lagi e. Ganto naman lagi. Minsan tuloy, nakakasanay nalang.. :)




    *Mula sa blog ni Bruha.

    Labels:

    "KWATRO." was Posted @12:17 AM | 0 lovely comments
    Tamang Oras.

    Nakakatawa. Nagulo ang schedule ko ng dahil sa biglaang pagdating ni Mommy. :)) Hindi naman sa sinisisi ko sya..pero....parang ganun na nga! HAHA Joke lang! Love you 'My! :)))


    Pero sa totoo lang, imbis na madami akong oras, umonti tuloy. :| HAHA Naghahanap tuloy ako ng tamang oras para sa dalawang Photography Plate ko - Jewelry Photography and Fashion Photography. Prelims nga pala namin ang Fashion Photography. :> May mga target na dinnaman akong models. Sana lang magreply kagad yung isa para kapag di sya pwede, masabihan ko na yung isa. Pero kung lahat sila mag-inarte, magsself portrait ako. Bakeeet? :)) JOKE. ;P


    Isa ko pang dapat gawin next week e yung prototype ng Bike. Sana lang talaga maging madali yung samin ni Meka para hindi takaw sa oras. Magulo pa naman magplano ng schedule yung babaeng yun. >.< Haha.


    Tapos meron pang photoshoot para sa Philippine Literature. Mukhang sa Sabado nga gagawin yun. Pero sana umaga, at sandali lang. Pero knowing FF..imposible maging halfday yun e. HAHA. Kelangan ko maglaan ng oras para sa pagbili ng Christmas gift nila Mommmyyyyy! :|



    Minsan talaga may mga sitwasyon na dumaan sa buhay para maayos ang ibang aspeto ng buhay mo e. Dun mo mapapagtanto na minsan, may mga bagay kang dapat isantabi muna para makapagfocus sa dapat mong gawin at ng matapos ito agad. Pero di naman ibig sabihin nun, iiwan mo na yung bagay na isasantabi mo. Ibig sabihin lang nun, tatapusin mo ang mga bagay na mabilis mawala, para mabigyan ng tama at mahalagang oras ang mga bagay na alam mong tatagal. :)

    "Tamang Oras." was Posted On: Wednesday, January 5, 2011 @9:49 PM | 0 lovely comments
    TRES.




    What you see is what you get.

    Labels:

    "TRES." was Posted On: Tuesday, January 4, 2011 @10:33 PM | 0 lovely comments
    DOS.



    Kung pwede lang hindi ko pansinin... ginawa ko na.
    Kung pwede lang hindi ko ibig deal.. ginawa ko na.
    Pero sa tingin ko kasi may dahilan kaya ako masyadong naapektuhan.

    Labels:

    "DOS." was Posted On: Sunday, January 2, 2011 @9:46 PM | 0 lovely comments
    UNO.

    Gaano ka katotoo?

    Yan ang matinding tanong na gumugulo sa isip ko. Magulo pala talaga kapag naglaban ang nakaraan at ang kasalukuyan. Kung pwede lang na madaling simulan ang lahat. Kung pwede lang umaksyon ako sa paraang alam ko. Kaso alam kong may ibang mga tao ang kasali, may ibang mga taong maaapektuhan.

    Bakit kung kelan nagiging okey, saka gumugulo?

    Pero mas pipiliin ko nadin namang kasing maging magulo ang ngayon kesa maging mas magulo eto sa hinaharap e. Bat mo pa pipiliin ang daan na mas masisira ang lahat kung pwede namang ngayon palang, pwede ng sirain? JOKE. ;p Ayoko lang naman e yung kung kelan malalim na ang lahat saka lalabas ang lahat lahat e. At maiiwan kang hinang hina. Maiiwan kang walang wala.

    Simulan nalang uli kesa ipagpatuloy ang sinimulan ng mali.

    Kung ako lang, confident ako na magiging tama kapag sinimulan uli e. Kasi, alam ko sa sarili kong dapat pagalingin muna ang sugat bago sumabak muli sa gyera. Pero pano kung may mga takot sila? Pakiusap lang. Pwede bang maging magpakatapang muna? Pwede bang ipaglaban mo naman? Pwede bang gumawa ka ng paraan? Kasi kung ako lang handa kong ipaglaban e. Handa akong gumawa ng paraan. Pero alam ko, wala akong lisensya para gawin yun. Kung pwede lang..

    Gaano ka katotoo?

    At tayo'y muling babalik sa tanong na yan...Dahil sobrang gusto kong malaman..

    Labels:

    "UNO." was Posted @9:39 PM | 0 lovely comments
    1.1.11



    Salamat Bruha sa pagbibigay inspirasyon at paalala sakin na magpalit ng blogskin. :)) Congrats mo nako. :))


    Ang theme ko ngayon, playful. :) Wala lang. Gusto ko kasing maging masaya tulad isang batang walang inaalala. Gusto ko maging ganun ang attitude ngayong 2011. :> Para naman relax lang lagi at mahawaan ang iba. :))

    Sa totoo lang, andami kong gustong iblog sa dami ng realizations ko ngayong mga panahon nato. Di ko lang alam kung bakit ako tinatamad. Antok na antok din po kasi akoooo. :)) Natutuwa nga ako dahil naging pagpapahinga ang araw na ito sa akin. Hanap kayo ng may sakit kasi hehe. At kahit na sinalubong ko ang 1.1.11 ng puyat, okey lang. MASAYA NAMAN AKO. :"> HAHA. Joke ko lang yun. :D


    Im claiming that 2011 will be great! 2011 speaks Grace. It will be a Grace Revolution, people! Hold on to your seats. It is near. :>

    "1.1.11" was Posted On: Saturday, January 1, 2011 @7:21 PM | 0 lovely comments
    Loko to si Kulin a.

    Laughtrip. :))

    *doorbell -- dingdong!*

    Ako: 'Lin, tignan mo nga kung sino yun.
    Colleen: Sino ba inaasahan mo? *pang-asarlook*
    ....
    ....

    Ako: Yung karaoke. *belat*

    "Loko to si Kulin a." was Posted On: Friday, December 31, 2010 @2:03 PM | 0 lovely comments
    Ako ay may kwento.

    Isang araw, sa malayong bayan, may isang batang babae na ipinanganak. Akala nila lalaking duwag ang babaeng ito dahil malakas ang kayang unang iyak sa mundo. Kaya laking gulat ng lahat ng matunghayan nila kung gano katapang ang babaeng ito habang sya'y lumalaki.

    Pinangalan ang sanggol na Beth. Na ang ibig sabihin ay "dwelling place of God's grace". Ang ganda diba? Kaya sa paglaki ng batang ito, praktisadong praktisado nya ang grace ni God sa mga taong nakapaligid sakanya. Lalo na sa isangdose nyang anak. Tama, nagkaanak ang ating bida ng isang dosena. Sa totoo lang, labing isa lamang ito. Nagampon nga lang sya para mas masaya. :)) Nanganak sya ng walang amang tumatayo sa kanyang mga anak dahil wala syang asawa. Oo, GRACE nga e. Kapangyarihan ng Diyos ang gumalaw, hindi batas ng tao. Parang si Abraham at Sarah lang. :>


    Sa isang dosena nyang anak, iba iba ang mga ugali neto. Iba iba ang mga gusto. Iba iba ang mga hilig at topak sa buhay. Pero dahil lumaking matatag si Bidang Beth, nagampanan nya ng mabuti ang pagiging ina. Minsan nga lang, nagdadoubt sya hehe. 

    Hindi ko man alam ang buong istorya ng kwento ni Beth, pinapasabi na ng may akda na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal sya ng kanyang mga anak. Ayan, iispoil nya na daw sa mga mambabasa dahil alas dos na ng umaga. HAHA.


    Maraming bagay at sitwasyon ang dinaanan narin nila, ngunit sana'y walang sukuan. Masaya ang kanilang pamilya. At sa sobrang saya, ayaw nilang maghiwahiwalay. :)) Sa dami ng dinaanan, nasubok ang lahat. Nagkakilanlan. Siguro nga kaya walang tiyak na dahilan kung bakit mahal ng One Team ang isat isa ay dahil wala ring tiyak na dahilan ang makakapagbuwag sakanila.


    Maraming problema at isyu sa buhay ang dinaanan nila kamakailan, pero tingin ko, hindi dahilan yun para sumuko sa isat isa. Lalo na kapag alam mong ang isat isa lang din naman ang kailangan. :) Oo iba iba ang tao. Pero sa puntong to, nakikita kong may dahilan kung bakit pinagtagpo ang labingdalawa/isang mga batang ito sa sinapupunan ng kanilang inang si Beth. At kahit di man sila makapagsalita sa ngayon dahil sa pacifier sa kanilang mga bibig, pakiramdaman mo lamang, sisigaw na silang.."Mahal na mahal ka namin Ina." :)



    Mama B. :) Di ko man mailagay o magamit ang mga magagandang salita para masabi ang lahat ng mga gusto kong sabihin, sakto naman ang mga ito na gagamitin ko para maiparamdam sayo kung gano ka kahalaga sa buhay namin. 

    Totoo, kahit ako'y umabot sa puntong pakiramdam ko'y kontra ka sa mga bagay na ginagawa ko at naiipit ako. Pero later I knew that you have the best reason and the best plan for me. To make way for the things I want to see. I LOVE YOU AND YOU MUST KNOW IT. Kapos ang isang blog post para sabihin kung gano ako nagpapasalamat sa buhay mo.


    Wag na natin layuan..alam mo kung gano ako nagpapasalamat sayo sa pagiging MAMA B mo noong mga nakaraang araw. Sobrang thankful ako to the point na naiyak pa talaga ako sa harap mo, haha! Hindi ko talaga mean na umiyak pero kasi....masarap maglabas ng saloobin sayo e. :) Dahil alam kong andyan ka lagi para makinig. :) Alam mong di ko ginagawa ang lahat para sa ano mang purpose. Isa lang naman ang dahilan ko kaya ako nagsstick sayo..BELOVED moko e. :) At patuloy kong ikeclaim yun. :)


    Salamat sa tiwala. Salamat sa pagmamahal. Ano man ang planong gawin mo para sa yong buhay, I pray na ako ang huling taong layuan mo. Kung isinama mo nako sa mga taong pinagkakatiwalaan mo, ganun din ako. :) Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang ibinigay ni Lord para iguide ako at turuan ng mga bagay kaya ko napapagtanto ang maraming bagay ngayon. Salamat sa pagpaparamdam sakin kung gano ako kaimportante na dapat ng hindi magpakaimportante pa. :)) Salamat dahil bonus pang binigyan ako ng katalinuhan ni Lord para masabayan ka sa random thoughts, kutob at mga usapan sa mata. :)




    Tiwala ako na magiging maayos ang lahat dahil andyan ka. Tiwala ako dahil tiwala ka sa akin at alam kong wala akong dapat alalahanin sa mga bagay na gagawin ko dahil alam mong para sa makakabuti ito. :) Salamat sa lahat ng turo mo. Mahal kita, sobraaaa. >:D< Hayaan mo, sa tuwing kelangan mo ng hug, andito lang ako. :> 




    Ang lahat ng pangako, dala dala ko. :) Gagawin ko ang best ko para matupad to. :) Tanda kong "kami" ang isa sa nakakapagpasaya sayo kaya di ko hahayaang maging dahilan din kami ng kalungkutan mo. :) (Oo na, kahit na yun ang inaalala mo ngayon haha!) Salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para samin. At saka na ako magpapasalamat ng bongga tungkol dyan...kapag puno na ang alkansya. ;)






    MAMA B. Mahal kita at tandaan mo yan ha? :) Magkikita pa naman tayo at madami pang paguusap ang malamang na gagawin natin. :)) Pakatatag ka pa lalo kasi marami kapang maiinspirean na taong kagaya ko. :) Continue to be the dwelling place of God's grace. Dahil alam ko namang di ka din mauubusan ng grace..He is your dwelling place e. And we see grace, diba? :D


    Osya, eto na yung karugtong sa kwento ko sa text. Tutulog nadin ako. BIRTHDAY MO E. :))


    I LOVE YOU MAMA B. HAPPY BIRTHDAY! :*

    "Ako ay may kwento." was Posted @2:23 AM | 0 lovely comments
    HI. :)

    Tingin sa taas.
    Tas ngiti.
    :>

    "HI. :)" was Posted On: Saturday, December 25, 2010 @12:10 AM | 0 lovely comments
    Growing in Grace

    That's who I am. :)

    I see grace, sealed by Your sacrifice. I see love, reaching for me. Precious blood, washes and sanctifies. Healing flows, setting me free.

    Ako: Mama B. Payagan mo nako . Isang sampal lang, please?
    Mama B: Di pwede. Sampal yun e.
    Ako: Osige, suntok nalang sa tyan?
    Mama B: *iling* Ayaw nyang sinusuntok sya sa tyan.
    Ako: Malakas na kurot???
    Mama B: *iling* Miks..
    Ako: Osige po, hug nalang..
    Mama B: *ngiti* Wag. Matutuwa yon.

    Madami akong natutunan sa dalawang araw. Tama nga ako, sobrang matutuwa ako kapag nagkaron uli ng Youth Congress. :) Madaming tanong na meron ako ang nabigyang linaw. At maraming magulong bagay ang naging maayos. :) Sa kabuuan, nagpapasalamat ako kay Father God sa paggalaw Nya sa buhay ko. :)

    Unang araw palang, dami ko ng natutunan. Sa totoo lang, di pa nagsisimula, andami ko ng napagtanto. Andami ko ng nalaman. Minsan nga iniisip ko, masyado talaga akong mahal ng Tatay ko para ipaalam sakin ang lahat ng ito e. Sabi ko na e. Ayaw na ayaw Nyang nahihirapan ako. :D

    Hindi ko man ikekwento ng detalye ang mga bagay na nangyari, alam naman Nya kung gano ako kathankful sa lahat lahat. :) Alam Nya ang lahat. Syempre, alam din ni Mama B at Ate Kaye yon. HAHAHA At nagpapasalamat din ako sa mga taong to na ginamit Nya para icomfort ako sa mga gantong panahon. :)


    Tunay nga na kapag naintindihan mo ang Grace, malalaman ko kung san ka dapat pumwesto, san ka dapat lumugar, ano ang iyong dapat gawin, ano ang iyong dapat paniwalaan at alam mo na sa Cross kalang dapat tumingin. :) Malalaman mo, na kapag nagiging magulo na sayo lahat ng bagay na nakikita mo, matututo kang pumikit, at makakapagfocus kalang sa mga karapatdapat na bagay. :)


    Ang isang overflowing grace, dahil sa umaapaw sya, pati ang mga taong nasa paligid mo, apektado. Mahahawa. :) Kaya masarap mamuhay sa grace. Mawawala kagad ang inis mo at mapapatawad mo ang mga taong nakapanakit sayo. :) Maiintindihan mong di ka dapat dumedepende sa mga kaya mong gawin kundi sa mga kayang gawin ng Tatay mo. :)


    Bonus na nga na nagkaron ako ng madaming kaibigan at natuto ako ng selfcontrol at patience. :) Nakakatuwa dahil may nakapagpabilib sakin at napatunayang kaya nyang magbago. :) Siguro yung tungkol dun, sa ibang blog nalang :)) Wala pa sakin ang mga tamang salita para ikwento yun e. :)) Pero isa lang talaga masasabi ko..


    Grabeng pagmamahal ni Lord. :)

    "Growing in Grace" was Posted On: Thursday, December 23, 2010 @7:00 PM | 0 lovely comments
    Di ako bitter.


    Kaya mahal padin kita, Ferrero. :)

    "Di ako bitter." was Posted @6:26 PM | 0 lovely comments
    WAIT.

    Sobrang natawa ako dito. =))))





    Parang yung looking-for-a-sign picture lang sa previous post ko. :)) You made my night, We<3It. :)

    "WAIT." was Posted On: Saturday, December 18, 2010 @10:36 PM | 0 lovely comments
    Ansarap pakasalan ni Romance.

    Gusto ko ng romantic scenes.

    Gusto ko ng romantic gifts.

    Gusto ko ng romantic stories.

    Feeling ko, romantic ako. Pakasalan ko nalang kaya sarili ko? :))

    "Ansarap pakasalan ni Romance." was Posted @10:11 PM | 0 lovely comments
    Nakakalungkot na balita.

    May mga bagay akong gustong ikwento sayo, Blogger. Ngunit alam kong may pumapansin na sayo kaya kailangan ko na ding mag-ingat.

    Pero siguro nga kelangan ko nading matuto magkaron ng self-control. :)

    "Nakakalungkot na balita." was Posted @9:36 PM | 0 lovely comments
    Be strong.

    "Be strong." was Posted @9:34 PM | 0 lovely comments
    Instant Diet.

    Binilihan ako ni Mama ng siopao dahil nalaman nyang di pako naglalunch. Kaso di ko naman makain. :))


    Kala ko kasi tapos na kahapon.. Di pa pala..

    "Instant Diet." was Posted @5:45 PM | 0 lovely comments
    Gusto kong sumigaw.

    Ikaw, bakit ang praning mo?

    Di ba sabi ko naman sayo, kung sakaling makakakita sya ng iba, at magpabulag sya don, choice nya yon! Kakayanin mo naman magmove on e! Hindi mo naman kelangang isipin pa yan e. Kasi kung tutuusin, kapag dumating ang bagay na yan, dapat magpasalamat ka pa. Kasi alam mo, na di nya pala kayang manatili sayo. At least alam mong hanggang dun lang sya. Kesa kung kelang kayo na, tapos mapunta ka na sa malayong lugar at magiging malimit kayo mag-usap, saka sya dun maghanap ng iba. Parang..gets? :)) Alam mo yung isang malaking test kasi yan para makita mo kung faithful ba sya. Yung tipong kapag sinabi nya na mahal ka nya, alam nya kung pano alagaan ang salitang yun. Parang ikaw! Kaya di ba yun nga hinahanap mo? O at least kapag nangyari yan, alam mo na kung anong uri sya. DIBAAAA.

    Tsaka alam mo ikaw, minsan, ang negative mo din talaga e no. Malay mo naman di sya magpadala dun. Malay mo magstick padin sya sayo. Kaw naman, masyado kalang siguro nagiisip. Oo, alam kong masyado ka ng natatakot dahil alam mong wala ka naman kasing ginagawa. At alam kong takot ka na din naman masaktan pa, dahil ayaw mong magsettle sa taong di naman talaga para sayo.

    Pero eto nalang isipin mo..kung mahuhulog man sya sa bagay na ayaw na ayaw mo, hindi ba yun din naman ang gusto mo malaman? Dapat nga, magcelebrate ka pa e! At magpasalamat dun sa tao kasi dumating yung tao para mapakita sayo ang reaksyon nya sa mga ganung bagay. Be happy. Don't worry! Marami pang iba, ok? :D




    SAGOT:

    Pano kung sya na lang nakikita ko? Pano kung sya nalang naiisip ko? Pano kung ayaw ko na ilet go? Pano kung mahal ko na?

    "Gusto kong sumigaw." was Posted @5:36 PM | 0 lovely comments
    Isang Malaking Hingang Malalim

    ..para sa stress na nasagap.
    ..para sa mga isiping di dapat muna isipin.
    ..para sa mga dapat gawin.
    ..para sa mga dapat sabihin.
    ..para sa mga dapat pagdesisyunan.
    ..para sa lahat lahat.

    ..para matanggal muna sa isip at saka na bigyang prayoridad pagtapos ng Youth Congress dahil ito ang mas mahalaga. HEHE. ;p



    *SIGH*


    :)

    "Isang Malaking Hingang Malalim" was Posted On: Thursday, December 16, 2010 @11:40 PM | 0 lovely comments
    Childhood Memory: 1

    Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayokong pinapahiram mga laruan ko noong bata pa ako. Lalo na kapag yun yung paborito ko at lagi kong ginagamit. Sasabihin ng mga tita ko, ibabalik naman daw. Pero kahit pa sa akin ang bagay na iyon, ayokong makita na ginagamit sila ng iba. Dahil bukod sa gusto ko akin lang sya, natatakot akong baka di na nila ito ibalik.



    Isa pa, ayoko ding makita kung gano nila ginagawang pampalipas oras lang ito at iiwan din paglaon.

    "Childhood Memory: 1" was Posted On: Wednesday, December 15, 2010 @11:10 PM | 0 lovely comments
    Kahit Isang Bagsakan Lang.

    Isang tanong, BAKIT? Hindi ko alam kung dapat kitang pag-isipan ng ganyan. Pero ang totoo, kahit papano, natatakot ako sayo. Alam ko may isa kang bagay na nagagawa na di mo nalalaman para mangyari ang bagay na kinakatakutan ko. Pero napagtanto ko, kung ikaw man sya, okey lang. Maiintindihan ko. Maiintindihan ko at matatanggap lalo kung ano ang magiging resulta. Kung ikaw nga sya, hindi na nga siguro ako dapat matakot. Kasi dito ko makikita ang katotohanan talaga. Ngayon palang, kung ikaw man sya, nagpapasalamat nako. Salamat kung tunay kang dadating. :)


    Ikaw, napakaslow mo. Pwede bang paganahin mo naman utak mo. Ilang candy na ang binigay sayo, bakit di mo pa kinain? Bakit mo ba kelangang hintayin na chocolate na kagad yung ibibigay bago mo kainin? Nakakainis ka e. Sana naman mapagtanto mong malambot pa ng sobra yung chocolate kaya di sya sayo binibigay. Sana mapagtanto mo na hintayin mong tumigas muna sya. Hindi naman sayo ibibigay yun ng expired na e. Alam mo yung minsan napapaisip ako na baka may ibang chocolate na ibigay sayo. Kaso nilalabanan ko nalang na di naman yung paborito mong chocolate yung ibibigay nila kaya alam kong di mo tatanggapin. Pero naisip ko din, kung tanggapin mo man, siguro matatanggap ko din. Na kapag nagcrave ka pala ng chocolate, di na importante kung paborito mo man ito o hindi. Basta chocolate. At kung ganun man, alam kong di ka masasatisfy. BLEH. :)) At alam mo kung bakit dinaan ko pa sa ganto? Alam kong di mo nanaman magegets e. >.< HAAAAY. :))



    I'm sorry. Najudge kita.



    Medyo disappointed ako sayo. Di ko akalaing aabot ka sa ganto. Sana maisip mo din yung mga nangyari sayo noon. I pray na mapagtanto mo kung gano ka dapat maging mapagpasalamat dahil andyan yung mga taong to para sayo simula noon. Alam kong di mo nanaman alam ang gagawin mo. Eto lang yan e. Una, tanggapin mong mali ka. Pangalawa, humingi ka ng tawad dahil nakasakit ka talaga. Pangatlo, wag ka ng mamuhay sa buhay na yan, dahil alam kong alam mong nabubuhay ka na dapat ng may katuwiran, sadyang nalilimutan mo lang. :) Wag ka mag-alala. Bumalik ka man, matatanggap ka pa din. Alam mong mahal ka namin.


    Sana wag ka maggive up. Kasi alam kong ikaw ang kelangan ng lahat. Although alam kong kelangan mo ng pahinga. Pero alam mo namang kami ang kalakasan mo. At alam kong kapag naging okey na ang lahat, hindi ka na muling mapapagod. Ganun mo kami kamahal, alam mo yan. :) Pamilya tayo. At kahit di man ganun kacertain ang tunay kong pamilya, alam kong ang mga gantong sitwasyon ay nakakatulong ng malaki para lumalim pa ang samahan. At kahit di man namin maparamdam at masabi sayo lagi, alam namin, mahal ka namin :) Wag ka sumuko. Para samin..please? :)


    Kahit ano mangyari, dito lang ako. Pero syempre kung masakit na, lalayo muna ako. Sana nga di ka din sumuko. Kasi alam kong kaya kong hindi. Sana nga makaya mo. Kasi kung di man, kakayanin ko din. :) Malabo ang lahat sa ngayon pero sana malaman mo na may tamang oras para luminaw lahat ito. Wag ka magmadali. Marami pa tayong dapat matutunan para maging okey sa hinaharap ang lahat. Magtiwala ka. Matutuhan mo sana yon. Maghintay at manalangin. Pakiintindi. Yan kasi ang dapat mong maintindihan para di ka na masyadong mag-isip. Wag mo gawing kumplikado ang simpleng bagay. :) Marami kang bagay na dapat gawin sa ngayon at doon ka muna magfocus. Magtiwala ka sa posisyon mo, hindi mawawala yan. :)

    "Kahit Isang Bagsakan Lang." was Posted On: Tuesday, December 14, 2010 @9:07 PM | 0 lovely comments
    Sana maisip mo na di mo dapat sabihin yan.

    Nakakasakit kasi. :) Wag ka na ngang slow, please. :))

    "Sana maisip mo na di mo dapat sabihin yan." was Posted On: Sunday, December 12, 2010 @11:16 PM | 0 lovely comments
    At sa pangalawang pagkakataon.

    Maulit nga kaya?.............Malalaman natin ang mga susunod na kabanata. :)



    Father God, alam ko, mahal Moko. Ang tiwala ko ay nasa Iyo. :)

    "At sa pangalawang pagkakataon." was Posted On: Saturday, December 11, 2010 @10:57 PM | 0 lovely comments
    Muli.

    "Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo?

    Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. 

    May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap.. at may iba na sumuko na. 

    Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa"

    (My Amnesia Girl)




     Second chance. Dalawang salita, ngunit nakapapagdala ng ibat ibang pakiramdam sa tao. Dalawang salita, na madalas na hindi maintindihan na iba. Dalawang salita, na kadalasang nabibigyang halaga, kapag nawala na.


    Ang totoo, mahirap ibigay ang second chance. Lalo na kapag mabigat yung kasalanang ginawa sayo ng isang tao. Lalo na kapag nasira na lahat ng bagay na pinaniniwalaan mo dahil sa isang tao. Lalo na kapag lahat ng iniingatan mo, nawala dahil sa isang tao. Dahil sa kasinungalingan, dahil sa pagaalinlangan, dahil sa maraming katanungan. Bakit kelangang maglaho kung kelan na pwedeng angkinin?


    Maraming tao ang takot sumugal sa buhay. At sa tuwing sila'y magkakamali at mapapagtanto'y sila'y may nasaktan, saka nila mapapagtanto ang importansya ng "second chance". At para sakin, ang dalawang salitang ito'y nagdadala lungkot. Dahil bukod sa isang paalala ito na may masamang pangyayari sa nakaraan, nagpapakita din ito na wala talagang epektibong first chance. Aware kaya ang karamihan na kapag nagbigay sila ng second chance sa isang tao ay may posibilidad parin sila'y saktan nito? O sadyang matapang lang sila sa pag-asang may pagbabagong maganda ang madudulot ng pangalawang tyansang ito?


    Tingin ko nga, walang taong makakapagperpekto sa pag-aalaga ng tiwala at pagmamahal. Tingin ko nga, lahat talaga ay capable na makapanakit. Tingin ko nga, kaya tumubo ang "second chance" sa mundo ay para sa lahat, upang makabawi.

    Ngunit sana, lahat ng mabibigyan nito, matuto. Sana magbago. Sana, tunay na makabawi sa mga kasalanang nadulot nila sa iba. Kasi ang second chances, ay sana'y pangsecond lang. Na sanay hindi na umabot sa sampu bago pa maramdaman ng tao na hindi talaga pwede ang mga bagay na di pwede. Na sana..makita ang importansya ng second chance, yung tipong alam nyang hindi nya dapat pa palampasin, at hindi na dapat pang pagsisihan sa huli.


    Pano nga kung yung taong para sayo nandyan lang sa tabi tabi? Naisnab mo na, natapakan ang daliri o sadyang di lang napapansin? Paano kung matagal na nga kayo magkasama? Magkaibigan? Nagmamahalan ng lihim? Paano kung biglang may umeksena pa? E paano kung minsan na pala kayong nagsama? Siguro nga pinagpala na talaga yung mga nakahanap na. Pero pano nga kung di pa dumadating yung iyo? Uupo ka na lang ba o magsisimulang maglakad? Pano kung manalangin ka kaya? Panalangin mo yung paglalakbay mo sa aspeto na yan ng buhay mo?


    Pero ikaw, paano kung isang araw makita mo ang taong nagsira ng isang parte ng buhay mo? Sasabihin mo din bang "Sino ka? Pasensya ka na ha kung hindi kita maalala. Naaksidente ako at nagkaamnesia." :)

    "Muli." was Posted On: Thursday, December 9, 2010 @9:04 PM | 0 lovely comments
    Last Minute Post






    Kahit last minute, I think it's worth it. :)

    Totoo, maarte ang mga babae. Totoo din, weird sila. I'll talk in third person here. Totoo, maemotional . At kahit anong pagbabasahng gawin mo ng mga ganto, kadalasan, di mo parin sila maiintindihan.

    Mahirap nga intindihin ang mga babae. Mahirap sila pag-aralan. Pero tingin mo, mas masarap ba mahalin ang isang tao na alam mo na at predicted mo na kagad kung ano ang lahat ng gusto? :) Di ka ba magsasawa sa pagsasama nyo ng isang tao kung palagi mo nalang common sa inyo ang lahat? Aminin mo, maghahanap at maghahanap ka dahil mafifeel mo din na sobrang walang challenge at thrill ang lahat sa araw araw. ;p


    Hindi na siguro ako magdadaldal ng mahaba dahil antok nadin ako. Pero kinuha ko ang mahabang statements na to mula sa blog ni Bruha para lamang sabihin na..


    ..ang babae, pinapahalagahan. Minamahal. Karapat dapat ingatan at di saktan.
    Dahil aminin mo man o hindi, hindi kadin mabubuhay kung wala yan. :)
    Marami nga ang babae sa mundo. At kadalasang magkakaiba padin sila.
    Pero alam mo sa sarili mo, may certain thing yang nasa sayo na hindi mo na mahahanap pa sa iba. :)

    "Last Minute Post" was Posted On: Sunday, December 5, 2010 @11:36 PM | 0 lovely comments
    Baka naman paguran talaga pag Friday.

    Tuwing Biyernes, mula 9am hanggang 8pm ang pasok ko. May break naman yon, 1hr. :)) Dahil 9am-11am ang first class ko. At mula 12pm hanggang 8pm na ang mga sumunod. Di lang dun siguro matatapos ang paguran, kundi isama mo nadin ang pagod pag-uwi ko sa bahay namin talaga. :)) Feel ko magpakapagod, bakeeet? :))


    *iclick para lumaki. ;p

    Nagsimula ang lahat noong paglabas ko ng dorm ay umuulan. Parang kakasabi ko palang ata na sana umulan nalang ng malakas, yung tipong babaha sa field para walang klase sa PE para naman makakatulog pako. :)) Football kasi ang PE ko this sem at inunahan na kami ng prof namin na ang PE na kinuha namin ay gagawin, rain or shine. :| Kaya ayun, kahit pa nakita kong maulan sa labas, di parin sya kasing tindi ng ulan na dapat mangyari para macancel ang PE class. *sigh*


    Nag-umpisa na ang PE at malamang kita naman ang dumi ng aming mga suot at ng aming mga binti at tuhod. Mukha lang sinemento ito sa personal sa dami ng putik. :| Nakuha pa kaming puntahan at asarin nila Ruther, Kevin at Ryan dahil cancel ang PE nilang Beach Volleyball. Osige na. Kami na enjoy much. Haaay. :))


    Pagtapos ng PE, syempre kanya kanyang ligo. Buti nalang na may dorm akong matatakbuhan. :)) Nagtext naman sila kung san kakain ng lunch habang ako'y nagliligpit ng gamit. Naalala ko kung pano namin kinorner ni Claire si Ruther at niyakap para dumikit sakanya ang mga putik dahil napakaarte nyang tao. =)) Ayun, naligo daw tuloy sya ng wala sa oras. :)))


    Pagdating sa BCG class, wala pang prof as usual. :)) Nakita naming andon na si Ryan na may sugat. HAHA Pano, hindi lang naman sya nagpapigil magbeach volley. Sabi nga namin e, hayaan na, depress kasi. HAHAHA. Kaya naman nagpasama nalang sya samin ni Kevin para kumain. Nakakatawa, sa Timbale sya bumili ng food pero sa 7eleven nya kinain. :)) Buti nalang mababait kaming mga kaibigan. :)))


    Dahil nga BCG, FREE, joooke! Haha. Di namin maiiwasan na di magpulong pulong sa iisang lugar kapag BCG. :)) Yung tipong kanya kanya naman kami ng computer pero sa iisang computer lang magsisiksikan. HAHA. Bakeeet, mahal kaya namin ang isat isa masyado hahaha. Naalala kong nagsearch pa si Insan ng *secret* dahil inaasar namin si Ryan at Kevin. :)) Ruther, ang pyramid. Hahaha! Oo, sobrang benta ng pyramid samen ngayon. magdrawing ka lang ng isang pyramid, madami ng kasunod na doodles yan. :))


    Adobe Illustrator na ang inaaral namin ngayon. Dati kasi, Corel Drawing at Adobe Photoshop. Hindi sya actually aral e, more on, maraming pagpapahirap ang prof na pwede naman gawin sa ibang application para mas madali. HAHA joke lang ;p Enjoy naman sa BCG kaya okey lang. :D


    Dahil nauto din ni Trish si Miss para makalabas na kagad kami, ayun, bigla nagkayayaan sa Santorini para kumain ng Ramen. HAHAHA. Imagine, 30 mins nalang bago ang next class. Pero siguro nga, kapag kasama mo kami, di mo mapapansin yon. Pano, mas importante kaya samin ang health. :> HAHAHA! Sa puntong to naman, award winning si Ruther para sa tagaktak ng pawis nya at pamumula dahil sa init at anghang ng ramen. Award din para kay Claire dahil sa pagiging maka---hmm, ano ba mas magandang word..:)) pagiging confident much! HAHA! Mahal kasi talaga ni Claire ang Kimchi, yun yon. :))


    Medyo nalate na nga kami sa last class. Medyo strict pa naman ang prof namin pero okey lang, di naman napagalitan. Medyo, naubusan lang ng tables. Buti nalang divider lang ang pagitan sa kabilang room. Problem solved! :)) Napatunayan ko sa mga oras na to na di talaga namin kaya makapagconcentrate ng matagal. >.< Kung nung una'y nakikinig pa kami, maya maya, nagkakakulitan na kami ni Ruther at Ryan dahil sa doodles na mga itsura ng FF hanggang sa pasahan ng Starbucks planner para sa mga sulat.



    Sobrang chisi leng.;p At natapos ang class at nagsimula nadin kaming mag Faculty Meeting para sa dream academy namin someday. HAHA


    Sayang lang na di na kami pwede tumambay masyado pagtapos ng friday classes dahil halos lahat ata kelangan na umuwi, especially me. :| Bukas na pa naman ang madaming madaming ilaw sa uste. Pero ok lang. Ang haba ng Friday naman ay sapat na para sa araw na yun dahil alam ko, madami pang araw ang meron para sa amin. :>

    "Baka naman paguran talaga pag Friday." was Posted On: Saturday, December 4, 2010 @9:03 PM | 0 lovely comments
    Im being random again.

    Hulaan mo kung baket. Ok, tama ka, wala nga akong magawa. :))



    Sobrang nakuha ng picture na to ang atensyon ko dahil napaisip ako. Oo nga, maraming taong hmihingi ng sign kung dapat ba nila gawin nag mga bagay bagay. Naisip ko naman, bakit di nalang ipagpray yung mga gusto nilang mangyari? Or sige, kung nagpepray nga, bakit kaya di nalang sila magtiwala kay Father God sa dapat na mangyari sa buhay nila? Hanggang sa napagtanto ko..Oo nga, mahirap nga yun. :)

    Pero come to think of it, it really takes a big faith to wait and trust for what you are really praying. Sana kapag nagpepray, nagtitiwala at naghihintay, nagpepray din na matanggap kung ano ang kakalabasan sa huli. Kasi sana maisip din na para naman sa ikabubuti natin yung mangyayari.


    Ewan ko ba. I have this feeling that waiting is really a big thing.






    Hindi ba nakakatuwa kapag may gantong tao na naghihintay sayo? Patiently? At sa kahit anong kagustuhan nya ng dumating ka o sa kahit na medyo nawawalan na sya ng pag-asa, patuloy pa din syang naghihintay? Hindi yung tipong paghihintay na masabi lang na naghihintay e. Kundi pinapakita nya at hindi parin sya umaalis dun sa pwesto kung san ka nya hinihintay. Hindi ba ang saya non? :)

    Siguro kaya mahal ko din talaga sa Sleeping Beauty e. Kasi portray na portray sa pagtulog nya ng mahabang panahon kung gano nya hinihintay yung Prince na magliligtas sa kanya. Pero sabi nga nila, di daw totoo ang fairytales.. Pero tingin ko, fairytales do happen. Only if we open our eyes and accept our own unique stories.. :)

    "Im being random again." was Posted @2:58 PM | 0 lovely comments
    Buhay na Hapon.



    Nagising ata mundo ko sa kantang to. Wala lang. Being random para mawala ang antok. :))

    "Buhay na Hapon." was Posted @2:39 PM | 0 lovely comments
    Baka naman terrified nga.

    Kasalukuyang nagpeplay ang iTunes ng Terrified ni Katharine McPhee at Zachary Levi ng biglang nagappear to sa We Heart It..


    Kewl.

    "Baka naman terrified nga." was Posted @1:56 PM | 0 lovely comments
    Stress Free Life

    Nakakatawa ang tadhana. Kung kelan ka may dapat gawin, saka maraming makikipagsabayan. Kung kelan ka masaya, saka may babalik at manggugulo. Kung kelan ka nagsisipag, saka ka ididiscourage. Ano, sinusubukan mo ba ako? :>


    Feeling mo kaya masstress ako. Im growing in GRACE na kayaaaa. :D Sorry ;p

    Ang tarpaulin design na to, Drawing Techniques Plate, Photography Plate, Sociology Notes, IND Bike Design at ang mga dadagdag pa...matatapos ko na kaya to lahat. BY FAITH.


    Kayaa..let's get it on! :)))))


    Read more »

    "Stress Free Life" was Posted On: Thursday, December 2, 2010 @7:56 PM | 0 lovely comments


    « Older posts | Newer posts »


    Layout TeaCakeHouse. All rights reserved.
    Please view with Google Chrome in a 1280 x 800 SR. Resources: TFN.